Chapter 8 - Set 7

Pumunta kami ni Hail sa pinakamalapit na restaurant sa condo which is McDo. Umaga pa lang kaya wala 'pang masyadong tao.

"Ano gusto mo?" tanong ko kay Hail na para 'bang may hinihintay at tingin siya ng tingin sa labas pati na 'din sa phone niya.

Kumatok ako sa harap niya para makuha ang atensyon niya, "What's wrong?" I asked her. Tumingin na siya sa akin. "Ah, wala."

"Anong order mo?" tanong ko ulit sa kanya. "Sausage McGriddles na lang."

Umalis na ako para pumila. May isang nasa harapan ko pero patapos na 'din naman siya. Nang makuha niya na ang order niya, agad akong lumapit sa counter.

"Dine in, Sausage McGriddles and Southwest Bacon Ranch. Take-out 'din ng Filet-O-Fish."

Nag-order na 'din ako ng kakainin namin ni Hanna mamaya. Wala naman daw siyang gagawin dahil semana santa. Wala 'din naman akong bibisitahin. Bukas nalang daw sila pupunta para wala masyadong tao sa cementery.

Pagkatapos 'kong mag order, agad akong umupo sa table namin ni Hail. Hindi pa 'din siya mapakali. Nang mag-ring ang phone niya, agad niya itong sinagot na para 'bang kinakabahan. 'Yung tipong may nanghahabol sa kanya.

"Labas lang ako saglit, Sami" nagpaalam siya. She didn't even wait for my respond. Napailing na lang ako ng lumabas siya para sagutin 'yon.

Naalala ko ang nakita 'kong pangalan ng tumawag sa kanya. "Aldrin?"

"Jowa niya?" I shrugged. Tumingin ulit ako sa gawi ni Hailycee. Nakita ko ang natatakot at kinakabahan na ekspresyon sa mukha niya. Nakita ko din kung paano niya pinagsama ang kanyang mga daliri na bumubuo ng isang fist.

"Ma'am, this is your order." pinatong ng isang staff sa table ang mga inorder 'kong pagkain. "Sausage McGriddles and Southwest Bacon Ranch for dine in," tumingin ulit siya sa resibo na hawak niya. "'Yung take out po ay aabutin pa ng 5 mins. Ayos lang po ba sa inyo?" ngumiti sa akin ang staff. Tumango lang naman ako.

Hindi ako kumain hangga't hindi bumalik si Hail sa upuan niya dahil nakakabastos kaya 'yon. Ngumiti sa akin si Hailycee na para 'bang walang nangyari kanina. Binalikan ko na lang 'yon ng ngiti. Hindi na lang ako nangialam dahil personal privacy niya na 'yon.

Pagkatapos naming kumain, agad na nagpaalam si Hailycee dahil may pupuntahan pa daw siya kaya naiwan nanaman ako mag-isa.

Kinuha ko sa bulsa ang phone ko ng mag-vibrate 'yon.

From: Hanna Banana

Umalis muna ako saglit kasi nagpatawag ng meeting si coach. Baka hapon na ako makauwi din kasi uuwi ako sa bahay para mag pay respect kanila lola na nasa heaven 🙏 see u later vhi3

Hindi ko na siya ni-replyan dahil for sure on the way na siya sa school para sa meeting nila.

"What would I do with this?" I looked at the take out food I bought for Hanna. Naka uwi na 'din si Eya dahil 'yon ang sabi sa akin ni Hanna.

I deeply sighed. Kakainin ko na lang ito mamayang tanghali.

Natigil ako sa paglalakad ng makita ko ang dalawang lalaki sa tapat ng ginagawang bakery malapit sa condo namin. Nilipat ko ang tingin ko sa take out na hawak hawak ko pa 'rin hanggang ngayon.

Ngumiti ako 'saka napagpasyahan na lapitan silang dalawa. Lumuhod pa ako para mapansin nila ako. They looked so inoccent I suddenly felt my heart aching. I again looked at the food I was holding. I pursed my lips and sighed heavily before talking.

"Ano pangalan mo?" tanong ko sa mas mukhang bata sa dalawang lalaki. "James po." sagot niya sa maliit at cute na boses niya.

"Eh, si kuya mo?" ngumuso ako at tinuro ang mas matanda sa kanila. "Siya po si Kuya Jordan" tinapik ni James si Jordan.

"A-ano po 'yon?" tanong ni Jordan sa akin. Itinaas ko ang hawak 'kong pagkain at iniabot sakanya. "Para sa inyo." nginitian ko siya.

"H-hindi na p-." marahan niyang itinulak ang mga kamay ko pero agad naman iyong kinuha ng nakababatang kapatid niya.

"Salamat po dito!" ngumisi si James sa akin.

"By the way, ilang taon ka na?" tanong ko sa kanya.

"5 na po ako at 14 na po si kuya." ngumiti ulit siya sa akin. Mas matanda lang pala ako sa kanya ng 3 years, damn!

Tinignan ko ang oras sa relo ko. "Sige, alis na ako." nginitian ko sila. Kumaway lang sa akin si James.

Pagkauwi ko sa unit, narinig kong nag-ring ang phone ko.

[ tita jianget ] sinagot ko 'yon ng makitang si tita iyon.

"Hello, tita? Why?" tanong ko sa kanya.

"Uwi ka raw dito sa bahay. Tawag ka ng tatay mo. ASAP" in-end niya agad 'yung call nang masabi niya 'yon sa akin.

Ano nanamang sasabihin ni Dad? Aish! Dapat ba pumunta ako? As soon as possible pa?

I sighed heavily before entering our walk in closet. Nag suot lang ako ng plain white blouse at tattered white jeans. Nagsuot din ako ng black and maroon checkered blazer. I also didn't bother to put a make up on. Tinatamad kaya ako!

To: tita jianget

Pasabi kay kuya sunduin ako. Tinatamad ako mag-drive.

From: tita jianget

kanina pa daw nanjan sa harap ng condo niyo.

Sumakay na ako sa elevator pagka-lock ko sa pinto ng unit namin.

"Pababa na ako kuy-"

"Nandito na pala ako."

Pinatay ko ang call namin ni kuya ng makalabas ako sa entrance. Agad ko namang nakita ang Club black colored niyang SUV. Kinawayan ko siya 'saka lumapit sa kotse niya nang makita niya din ako.

Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap bago pumasok sa loob ng kotse niya. Tinignan ko siya habang umuupo siya sa driver's seat 'saka inilagay ang seatbelt niya. Nilagay ko na din 'yung sa akin para safe.

"Bakit ako pinapatawag?" tinignan ko siya 'saka inirapan ng hindi siya sumagot.

I sighed heavily before talking again. "Lalayas na ba si Sydney?" tuwang tuwa 'kong sambit. Sige, asa tayo Sami, baka sakaling pinalayas na 'yon kahit imposible.

Umiling lang si kuya. "Hinding hindi 'yon palalayasin nila mom at dad. Ano ka? Sinuswerte?" sarkastikong sabi niya sa 'kin.

"Damn, ya'll" bulong ko 'saka binuksan ang bintana ng kotse.

"Slit my wrists, bloody fists, questioning why I exist" I hummed not bothering to think about my family.

"Gago, ang init!" sigaw ko ng magising ako sa init ng araw.

"Akala ko uuwi tayo sa bahay?" nag tataka 'kong tinignan si kuya na nasa labas ng driver's seat.

"Mom told me to bring you here. Nasaan na ba si Kuya Vik?!" galit siyang tumingin sa cellphone niya, hinihintay ang driver naming si Kuya Vik.

"Where are we?" tanong ko kay kuya.

"La Union." maikling sagot niya.

Kumunot ang noo ko, tama ba ang narinig ko? "What? Where?" I again, asked.

"La Union. San Fernando City, La Union." muli niyang sagot. But it's complete now.

Tumingin ako sa paligid. Natigilan lang ako ng may makita akong isang pamilyar na lalaki. Matangkad, wine red ang buhok, Prada ang suot, mula ulo hanggang paa.

"Potacca! Hoy, Prim!" sigaw ko habang papalapit kay Prim. Agad ko siyang niyakap at binatukan.

"Aray!" pag iinarte niya.

"Akala ko 2 years ka pa 'don? Excited pa man din ako kasi.." yawa! Wala akong maisip na palusot. Masaya naman kasi talaga akong naka uwi na siya!

"Kasi ano?" his brows furrowed.

"Wala!" tinalikuran ko siya. Tinawag ko si kuya, agad naman niyang binati si Prim.

"Oh, Sergio." bati ni mom at dad kay Prim. Inirapan ko lang sila ng mapansin din nila ako sa likod ni Prim.

Prim just laughed awkwardly. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang 'Sergio.' Ang pangit daw kasi pakinggan. After no'n, umupo na kaming dalawa ni Prim. Hindi siya mapakali, and I know he was feeling uncomfortable. Bakit pa kasi siya pumunta dito? Wala naman 'yung parents niya.

I took of my blazer and placed it in my chair. Nakakailang dahil pinapanood ng triplets crap ang galaw ko. Inirapan pa nga ako ng anak nila, eh. 'Yung Sydney ba 'yon? Basta 'yung malditang-inang babaita na 'kala mo kagandahan, eh mas maganda pa ako. Pisting yawa siya! Pinalagpas ko na lang 'yon dahil nandoon sila Abuela. Pasalamat siya!

I scoffed out of disbelief. "What? Who will transfer into Montawen High?"

"Me. Any problem?" sagot ni Sydney.

Umiling si tita nang mapansin niya ang masamang tingin ko sa anak ng triplets crap. "Tara na, Sami." hinila niya ako sa upuan ko. Agad ko namang kinuha ang aking blazer.

"Ma," tawag niya kay Abuela. "Magto-tour lang kami sandali dito sa resort" ngumiti siya sa kanila.

"Babalik po kami, Abuela." paalam ko naman.

"Wow! Ang ganda dito!" binigay ko kay tita ang phone ko.

"Pa picture." agad akong nag pose.

triplets crap, huhuness. #sfc #elyu

"Ta Da! Posted!" ngumiti ako 'saka umupo sa tabi ni Kuya. Ang dami ko ng picture. Mafu-full storage na ata  'tong cellphone ko. Umalis na si tita, sasamahan niya daw sila Abuela na itour itong bagong resort namin.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Syd?" nagulat ako sa tanong ni kuya.

"Tinatanong pa ba 'yon?" tinignan ko siya 'saka inilipat ang atensyon sa mga alon. I heard him chuckled before standing up.

Tumayo din ako ng maka layo na siya sa akin kaunti. "Kuya! Bagay kayo ni Karina!" sigaw ko 'saka bumuo ng malaking heart gamit ang mga braso at kamay ko. Umiling lang siya tsaka ako tinalikuran para bumalik sa penthouse namin.

Umupo naman ako para pagmasdan muli ang mga alon. Kinuha ko ang bottled water na binigay sa 'kin ni kuya kanina. Bubuksan ko sana 'yon pero bigla akong tinabihan ni Prim.

"Sis, I have something to ask you." he looked at me.

Tinaasan ko siya ng kilay, "What is it?" I pursed my lips. I opened the bottle and drinked,

"What if, I like.. Hanna?" he suddenly said.

Nasamid ako bigla sa sinabi niya, "Tangina?!"

_______________________________________

; chapter 7. :))