"Good Morning Sami, Happy Birthday!" bati sa akin ni Tita Jia at ni Hanna. Ang ganda ganda na ng panaginip ko, eh! Happy Birthday?
Agad akong umayos at umupo sa higaan ko tsaka ko kinuha ang cellphone ko. 5:46 am, Monday, October 24.
Oo nga, birthday ko na. Nalimutan ko nang birthday ko dahil sa stress ko lately.
"Anong plans mo, sis?" tanong agad sa akin ni Hanna habang nakangiti.
Ngumisi ako at sumagot, "training." tinignan naman ako ni Tita Jia sa sinabi ko. "Oo na! Excempted ka. Matatapos 'din ang training nila ng 11:45 am kaya maglulunch tayo sa buffet."
Tsk, sure ako pinareserve ni tita 'yung buong Buffet Place. Madami 'din 'yang ininvite galing sa ibang department.
Tumingin ulit sa akin si Tita Jia, "I rented the whole place." nahiya pa siya! Jusmeyo ka tita. I know you.
"I know right! Of course you'll invite everyone again. Sure ako kahit ibang department ininvite mo." tinaasan ko siya ng kilay.
"Hihi." sabi na, eh!
"Tita Jia, Did you also invite the freshmen? 'Yung Lj ba 'yon? The Luxia Jake Ramirez? Ewan ko basta! Hindi matatahimik si Saianna pag wala 'yon sa birthday niya" inirapan ko si Hanna.
Binulgar nanaman sikreto ko!
"Gomez" pagtama niya sa apilyedo na sinabi ni Hanna. "Of course. Ininvite ko na din daddy niya nang makita niya na ang future daughter-in-law niya."
"Tita naman eh!" I bit my lower lips, pinipigilan ko ang aking sariling ngumiti kasabay ang salitang, 'Sami, hindi ka na marupok.'
Pa epal kasi! Sabi di na ako marupok tapos aasarin pa ako! Yawang 'yan.
Nagpaalam na si Hanna. Babalik daw siya mamayang tanghali. Nagpaalam na 'din siya sa Coach nila. Iinvite niya din daw 'yung iba niyang teammates na kilala ako.
Si Tita naman, pumunta na sa school para mabilis matapos 'yung training nila. And me? Of course. Kailangan ko pumunta sa Mall. Nagpasama ako sa Vice-Captain namin para tumingin ng damit na isusuot mamaya. Binigyan 'din ako ni tita ng 5,000 tapos pinahiram niya pa sa akin 'yung card niya! Hindi niya daw kasi ako papayagang gumastos gamit 'yung sarili 'kong pera ngayong birthday ko, as usual.
"Captain Sami! Teka lang." hingal na hingal na tumakbo papunta sa gawi ko si Hailycee. "Call Me Sami nalang. Ang tagal tagal na nating nagtratrabaho together, di mo padin ako kinakausap casually. Laging formal." I scolded her.
"Sorry Capt-, Sorry Sami." paumanhin niya sa akin.
"Sige, tara kain na tayo. Alam ko gutom ka na. Mag snacks nalang muna tayo dahil malapit na din naman mag lunch." pag-aaya ko sakanya. Nakarating kami sa DQ, bumili muna kami ng ice cream dahil maglulunch rin lang kami mamaya sa buffet.
Umupo kami sa isang upuan malapit sa KFC sa entrance. Hinihintay nalang namin 'yung driver ko nang magsalita ulit si Hailycee, "Sami, may ibibigay pala ako sayo." sambit niya. Nginitian ko naman siya, "Ano 'yon?"
Nakita 'kong may inilabas siya sa kanyang bulsa, isa itong box. Maliit lang yung box, parang lalagyan ng necklace.
"May nagpapabigay." iniabot niya sa akin. "Sino?" itinaas ko pa yung kilay ko. "Basta." matipid niyang sagot. "Tskkk!"
Nakita ko 'yung kotse namin sa labas. Nagtext na din sa akin 'yung driver namin. "Tara na nga, Punta na tayo sa venue." pag aaya ko sakanya.
Sumakay kaming dalawa sa likod ng Ford Ranger namin. May kotse naman ako, pero tatanga tanga ako magdrive kaya nabunggo ko. Pinaayos pa ni tita sa kaibigan niya.
Susunduin 'din pala namin si Hanna. Naghihintay daw siya sa tapat nang Gonzaga. Parang Gaga, minura mura ako sa Call kasi ang tagal ko daw dumating sa meeting place. Nangangati na daw siya lumamon.
"Hoy Saianna! Piste 'kang gaga ka! Pinaghintay mo ako!" salubong sa akin ni Hanna. "Oh, Halo Hailycee!" bati niya kay Hailycee. Nginitian lang naman siya.
"Bhiie! Punta tayo sa Bar mamaya." bad influence talaga 'tong si Hanna! "Sino kasama?"
She smiled mysteriously. Something's wrong and definitely, something is going on. "Hey, hindi ako papayag 'pag 'di mo sinabi kung sino sasama." pag papabebe ko.
"Tsk, pa hard-to-get ka naman masyado.." inismiran niya lang ako.
"Eh? Sino nga?!"
Itinaas ko ang kilay ko nang mapansin kong nagtinginan sila ni Hailycee. They are planning something.
"Basta pumunta ka nalang mamaya, I even rented the whole place for you." I can't with her mysterious smile. She's too suspicious, she can't hide her smile, kahit dumugo pa ang ibabang labi niya kakakagat! I am her bestfriend for 12 years kaya! Gusto niya atang masupalpal eh.
"I'll wait for you!" she said. Inirapan ko nalang siya.
I'll try to spy later. Malaman laman ko lang na ininvite niya yung ex ko, hindi talaga ako pupunta. Chos!
Pero 'pag si kuya ang ininvite niya. Hinding hindi talaga ako pupunta. Ayoko uminom nang nandon si Kuya. He's too protective. He won't even let me drink 2 or 3 shots. Hindi niya nga ako pinapayagang magsuot ng maikling shorts or sando, kahit nga sa bahay eh.
Kaya mas gusto ko magstay sa condo namin ni Hanna. Nasusuot ko lahat ng gusto ko.
Hindi ko namamalayang nakarating na pala kami sa Buffet Place. "Sami! Nandito na tayo sis." nagulat ako sa tawag ni Hanna.
"Tita? Asan na kayo? Nandito na ako sa venue." nag voice message ako kay tita. Agad niya naman itong sineen at nireplyan. " Pasok na muna kayo. Pinakita ko naman 'yung picture mo sa guard at receptionist, eh."
Sinunod ko naman 'yung sinabi ni tita, pinapasok naman kami agad nung guard at receptionist. Sabi 'din nila umakyat daw kami sa third floor. Nagpaiwan 'din muna si Hanna at Hailycee sa 1st floor. Meron kasing bilihan nang souvenirs doon kaya bibili muna sila.
Sumakay ako ng elevator. Pasara na sana 'yon nang may biglang nagharang sa pinto. Pero wala nalang akong pake. Kinuha ko nalang ang aking cellphone at nag scroll sa Instagram. May narinig akong pamilyar na boses na nanggagaling sa tabi ko.
"Luxia Jake?" nilingon ko si Luxia na may kasamang lalaki na nasa mid-40s. "Sami?"
"Lj, siya si Saianna? 'Yung may birthday?" bulong nung lalaking nasa tabi niya. "Oo, Dad." dad? Father niya? Father-in-law ko?
"Ah.. Hello po, Lagi ka pong nakukuwento sa akin ni tita Jia." bati ko sa tatay niya. Syempre kailangan kong magpa-impress. Hindi ko ipapakita ang siraulo kong side ngayon.
Tumigil sa 2nd floor ang daddy ni Luxia, kaya kaming dalawa nalang ang naiwan."Uhmm, I didn't expect you to actually come." nagsimula ulit akong magsalita aftter a few seconds na nakaalis yung daddy niya.
"Well, pinilit ako ni Daddy eh." ah ganon..
"So napilitan ka lang?" masakit kaya 'yon ano!
"Hindi naman sa ganon, pero may other plans ako kaya nag doubt ako na pumunta."
Nagcross-arms nalang ako, "By the way, Inom tayo mamaya-" natigilan ang sasabihin ko nang pumasok sa isip ko na may other plans pa pala siya. " 'Wag nalang pala. Baka maistorbo pa ulit kita." nagpout ako cutely.
Nagbukas na yung pinto ng elevator. Nagpaiwan si Luxia Jake sa entrance nung mismong venue. Madami palang pwede rentahan na place dito. Hindi lang iisa.
Nakita ko sila Tita Jia at ang teammates ko, pati na rin yung mga freshmen. Malawak yung place kaya hindi napuno. Bumungad din sa akin ang pagmumukha ni kuya na naka tattered black pants at simple black shirts. Kasama niya ang teammates niya. Nilapitan ko siya at malamang, mang aasar nanaman.
"Kuya, Birthday ko 'to hindi lamay." nginisian ko siya. Tinawanan naman siya ng teammates niya. "Sabi ko kasi sa'yo Sian, wag ka mag fu-full black eh." asar sakanya ni Kuya JD. "Kesa naman sa full red." sarkastiko niyang tinignan si Kuya Bryxe mula ulo hanggang paa. "Aba bakit niyo ako dinadamay jaan?!"
Iniwan ko nalang sila doon. Nakita ko naman si Hanna na nasa table kasama si Tita Jia at si Hailycee naman ay nasa table ng teammates ko.
Kinawayan ako ni Hanna, tumingin naman sa gawi ko si Tita Jia. Pumunta ako sa table nila. Binati din ako ng iba pang bisita. By the way, simple lang ang damit ko ngayon.
I am wearing a white spaghetti-strap croptop and a black skirt. It is paired with a white sneakers and a long sleeved black cardigan. Hindi ako pwede mag spaghetti strap ng walang panlabas. Papatayin ako ni kuya!
"Happy Birthday To You~" inilabas ni tita ang cake ko.
3 layers 'yon. It was designed with memes of EXO. I am a fan of EXO, and Tita supports me about that. She even bought me every EXO Albums. Pumupunta pa kami sa South Korea para lang don. Fan din si Hanna. Na-impluwensyahan ko siya since Grade 4.
May cupcakes din na puno naman ng picture nila with abs. Meron din sa isang side yung cake at cupcakes na may tennis ball. Binigay yun ng Department namin.
Tuloy lang ang pagkanta nila ng 'Happy Birthday' sa akin. "Wish! Wish!" sigaw nila.
'Sana manalo kami every game this year and next, tapos sa next and next. Sana!! At, sana bet din ako ni Luxia Jake.'
They clapped as I blew the light out of the candle. "Let's start eating na po." sabi naman ni tita.
Tinignan ni Hanna si Tita Jia, Shet. "Tita, Pwede kami pumunta sa Bar mamaya?" ayooo! Hannaaa!!
"Sure." maikling sagot ni tita. "What?! Bar?" narinig ni kuya ang pinag-uusapan namin. Aangal nanaman to for sure kaya gumawa ako nang paraan. Gumamit ako ng kaunting tricks lang naman. Nagpout ako cutely, "Kuya, please. Birthday ko naman." pagmamakaawa ko.
"Tss. Sige na nga." wala siyang magagawa eh, ipapahiya ko siya pag di niya pa ako pinayagan. "Yes!" mahinang sigaw ni Hanna. "Oh, Sami. Punta ka ha!" hays. Of course pupunta ako. Yun lang naman ang requirements para sumama ako eh. Marupok ako! Bakit ba!
Natapos ang Buffet Party ng 4pm. Umuwi na yung ibang bisita. Sila kuya naman, pupunta muna sa school dahil may training pa sila, ganon din sila tita at ang teammates ko. Pumunta naman kami sa condo namin ni Hanna.
"Hey Bitch. Ano magandang isuot?" tanong niya sa akin na may hawak hawak na limang damit na naka hanger pa. "Mas maganda yung pang-apat." sagot ko. Actually, 'di ko na tinignan. Pumili nalang ako nang kahit ano kasi sigurado namang hindi niya susundin yung pipiliin ko.
Hindi na din muna ako titingin ng susuotin dahil mamayang 10:00 pm pa naman kami pupunta. Ininvite din ni Hanna yung mga kakilala niya sa Del Fruea University. Malaki ang social-circle ni Hanna. Ewan ko ba sakanya, birthday ko tapos siya yung nag iimbita. Syempre ininvite ko din yung mga pinsan ko na taga Yuwen Academy.
"Saianna!"
"Saianna!!"
"Saianna!!!"
"Anong oras na? Bakit mo'ko ginigising" nakatulog pala ako. Nakakapagod kayang makipag-chikahan sa bisita kanina. "9:00 na Sami."
Aish. 'Di pa ako nakakapili nang damit ko. "Don't worry. Pumili na ako nang damit para sa'yo. Magshower ka nalang." advance talagang mag-isip 'tong babaitang to. Agad ko naman sinunod si Hanna. Ayoko namang malate 'no! Baka mamaya nandon si Luxia Jake eh.
5mins. lang ako nagshower. Mangangamoy alak rin lang ako mamaya kaya 'di na ako masyadong nagpabango.
Nag-curl nalang ako nang buhok. Slight lang at sa dulo para hindi magmukhang buhaghag. Sinuot ko yung pinili ni Hanna na damit ko. Magaling kasi siya sa Fashion kaya nga Fashion Designing ang kinuha niyang course despite her nice writing skills.
Black colored mesh off-shoulder ang top ko. Tattered White Pants ang pambaba ko at Black leather ankle korean boots. Nagsuot din ako nang 'Cartier: Juste un Clou' silver ring at nang 'Celine: Alphabet S' necklace na niregalo sa akin ni tita noon.
"Saianna! Tara na." pag-aaya saakin ni Hanna. Sumakay kami sa kotse niya at siya na din ang nagdrive. Baka daw mabunggo pa kami at masira ko pa yung kotse niya. Bago lang daw kasi yon, at regalo yun nang lola niya dahil kadadating niya lang last week galing sa Thailand.
"Hello? Eya?! Asan na kayo?" tanong ko sa Kaklase namin noong elementary. Friends padin kami hanggang ngayon. "Pasundo kami. sa Aliwat."
Kinalabit ko si Hanna, "Hoy. Aliwat daw."
"Sige. Sige." kumaliwa kami. "Hintayin namin kayo." binaba ni Eya yung phone call.
Hanna looks stunning in her clothes. Nagdress siya na 'V' neck exposing a part in her clivage. Maikli lang din 'yon, ganoon daw sinuot niya dahil gusto niya ipakita yung pinaghirapan niyang maputing legs. 'Di naman daw siya Killjoy gaya ko na laging naka pants kahit nasa bar eh. Tsaka, 'di naman ako ang mag kasalanan eh. Si kuya kasi!
"Saianna! Happy Birthday!" bati sa akin ni Eya at Sandara sabay abot ng regalo nila sa akin. Nakalagay pa 'yon sa iisang bag, jusko! Halatang nag titipid sila.
Umupo sila sa likod. Doon naman ako sa shotgun seat.
Dumating na kami sa Bar. Pinaubaya naman ni Hanna yung kotse niya sa Valet. "Kuya ingatan mo yan ha." paulit ulit niyang bilin kay kuyang valet. "Mahal na Mahal niya talaga yung kotse niya 'no?" bulong sa akin ni Sandara. Nagtawanan kami.
Umupo kami sa isang table malapit sa stage ng bar. Hindi daw nirentahan ni Hanna yung VIP Table dahil gusto niya maki halubilo sa ibang tao.
Uminom agad si Hanna nang Tequila na nakaready na sa harapan namin. "Woah!" sigaw niya nang umatake ang tapang nung wine. Pinalagyan naman ni Eya ng Cabernet Sauvignon yung wine glass niya. Sosyalin yung babaita, kuripot naman!
_______________________________________
; chapter 3 :))