Chapter 3 - Set 2

2nd semester na, parang wala 'pang 3 months 'yung break.

Pabalik na ako sa room namin, galing kasi ako sa cr. Magpapasama sana ako kay Hanna kaso nalate siya. 'Yung babaeng 'yun talaga!

"Okay Class, Good morning and welcome back. May bago kayong classmate so make sure na be friendly. Galing siya abroad pero Filipino siya." sino kaya 'yung bago naming kaklase na sinasabi ni Cher Carl? Sana lalaki.

Pumasok na 'yung transferee. Namumukhaan ko siya pero hindi ko masyadong makita dahil nakalimutan ko mag lagay ng contact lens kanina. Kailangan ko pang kunin yung eyeglass ko sa bag.

"Hi. I am Luxia Jake Gomez."

"Iyun na 'yon?" tanong ni Cher Carl sakanya. "Any hobbies? Nickname?" tanong niya ulit.

"I am a tennis player. You can also call me Lj." agad niyang sagot na ikinatawa ng classmates ko. Sino ba namang hindi matatawa kung ang tipid tipid niya na nga sa sagot, hindi niya pa dinagdagan 'yung facts about sakanya.

Pero, hindi ko padin maalis ang tingin ko sakanya. Inayos ko 'yung eyeglass ko 'saka ulit siya tinignan ng mabuti.

"L-lalaki sa bus?!" gulat kong sabi ng masilayan ko ang mukha niya. Oo, tama. Siya nga 'yung lalaki sa bus.

'Eto na ang pagkakataon mo Sami. It's your time to shine.

"Ms. Defuntrum? Do you know him?" tinignan ako ni Cher Carl pati na 'din mga kaklase ko. Tinignan 'din ako ni Hanna. Tumango lang ako sakanila habang naka tiklop ang mag labi ko.

"Ms. Defuntrum, since you know him.. You should take him to a tour into the school." OMG! Sami, 'eto na 'yon!

"Hmmm.. Luxia Jake pala ha." bulong ko sa sarili at sinabayan ko pa 'yon ng ngisi para magmukha akong cool. Pinaupo siya ni Cher Carl sa pinaka gilid malapit kay Hanna. Nainggit ako 'dun ng slight pero ayos lang.

Marupok si Hanna pero pag alam niyang interesed ako sa lalaking 'yon, hinding hindi siya magkakagusto kung sino man siya.

Natapos na 'yung klase namin. Cleaners ako kaya nalate ako sa training namin ng tennis.

"4 sets of Sit-ups." agad naman akong pumwesto para mag sit-ups. Ayan kasi nalate ako edi may punishment. Ayokong mapagalitan ni tita 'no. Baka maging tigress pa siya.

Nakita ko si Hanna na papunta sa gawi ko. Bigla siyang lumapit sa akin 'tsaka niya ako hinatak. Buwisit na buwisit ako sa kanya kasi ang sakit ng hawak niya sa akin. "Teka nga Hanna!?  Ano meron?" inalis ko ang pagkakahawak niya sa pulso ko.

"Gagi ka ba? Kanina pa naghihintay sa'yo yung transferee. 'Di ba kailangan mo siyang i-tour?" ay oo nga.

Patay ako neto kay Cher Carl. Mag 30 mins. na ako dito sa Tennis Court. Nakaka turn off kaya yon para kay Luxia Jake, baka mamaya isipin niya makakalimutin ako ha.

Binilisan ko ang takbo ko. Mamaya umalis na siya pero sige padin ako sa takbo kahit makabunggo na ako ng ibang students.

"Miss Defuntrum?" nagulat ako sa nagsalita. Matipuno ang boses niya, maliit siya pero maganda ang katawan niya, pamilyar.

"Luxia.. pasensya na. Nagtraining kasi kami ng tennis."

"It's okay. No need to tour me around. Kailangan ko nalang mag fill-up ng application form para sa tennis club. Saan banda 'yung tennis club building?"

Ang sexy ng boses niya. Nakaka turn-on talaga. Malalim at pang singer.

"Papunta ka doon? Sabay na tayo. Baka mapagalitan kasi ako ni Tita- Coach Jia kapag nalaman niyang umalis ako bigla habang nagtra-training." ang haba haba ng sinabi ko tapos tumango lang siya. Mukha siyang Hatdog. Hmp!

"By the way, Call me Sami nalang." I told him. Baka kasi masanay siyang 'miss' ang itawag sakin. Ayos lang 'yon sakin kaso masyadong formal, pag narinig 'yon ni tita at ng ibang students, mamimisunderstand nila 'yon for sure. Mamaya akala nila ginawa kong alalay si Luxia Jake eh!

Sinamahan ko mag apply ng form para sa tennis club si Luxia Jake. Ang tahimik niya, medyo naboring akong kasama siya, pero ayos lang kasi gwapo naman siya.

Papunta kami ngayon sa court ng freshmen para makapagtraining na siya. "So.. Anong bansa ka galing?" ang awkward kasi kaya inunahan ko na siyang magsalita. Alam ko namang wala siyang balak magsalita.. pero..

"Japan." maikli niyang sagot.

"Tokyo? Okinawa?" tanong ko ulit.

"Osaka."

"Oh.." napahiya naman ako 'don.

"Bakit kayo tumira sa Osaka, Japan?" tanong ko. Oo na! Makulit ako.

"My Mother is a Lawyer in Osaka. I needed to go with them. May gusto din takasan si Daddy." what? takasan?

"What do you mean? Anong tatakasan?"

"Uhh- Nothing. But, don't get the wrong idea. Wala siyang tinatakbuhang utang or what." tumawa nalang ako ng marahan sa sinabi niya dahil halata sa boses niya na nag papanic siya.

"Andito na tayo." tinuro ko 'yung court 'kung saan nagtra-training ang mga freshmen.

"May private court ang mga Main Players pero masanay ka nang makita kaming nandito sa court niyo dahil mas comfortable kami dito." sabi ko. Tumango lang siya sa akin tsaka umupo at kinuha ang raketa niya.

"Sami!" ayt! nakita nanaman ako ni Coach Jia na hindi naka pwesto, hmp. "Coach, may bago tayong member." hinila ko si Luxia Jake, nagulat siya sa ginawa ko pero wala akong pake, u know I am 'unbothered kween.'

"Coach, siya si Luxia Jake Gom-"

"Gomez." lumapit si tita kay Luxia.

"Kagaya mo talaga daddy mo. Like father, Like son nga naman." sabi ni tita sakanya.

Ano kayang meron? Yung daddy ni Luxia Jake? Siya ba 'yung kinukwento ni tita noon na captain ng tennis boys? 'Yung naging ex-crush niyaaaa?!

"Coach Jiazyle Defuntrum?" tanong naman ni Luxia Jake kay coach. "Yes, I am Coach Jia. I heard many stories about you from your father. Nice to meet you." kinamayan ni tita si Luxia Jake.

Okay? So siya yung kinukwento sa akin ni tita.

He is the teenager tennis prodigy that won the International Teenager Tennis Tour Championship for four consecutive years overseas? Wow! Just, Wow!

He's so talented.

I must've met him many years ago bago pa niya mapanalunan 'yung first award niya. Kung hindi lang talaga ako na injured eh.

Bumalik nalang ako sa pwesto ko para simulan ang training.

Inirapan ko nalang si Tita Jia, close kami kaya, no worries. Di naman niya seseryosohin yung mga ginagawa ko eh.

Kinakahiya niya nga atang naging pamangkin niya ako. Natalo kasi ako last year sa Provincial Meet. Buti nalang at bumawi yung iba namin mga teammate. Ako kasi ang captain nila kaya umaasa sila sa akin. Pero 'di naman pwedeng hindi nila itraining ang sarili nila.

"Karina Lurae Gomez! Hmp! Babawian kita!" galit akong nagserve nang tennis ball sabay sigaw ko sa pangalan nang nakalaban ko noon.

Wait! I definitely am stupid- Sa wall ako nagprapractice! Shuta! Papunta sa'kin 'yung bola! Lintik na 'yan!

Nag-cover ako nang mukha. Ready na nga akong matamaan pero nagtaka ako dahil hindi ito dumapo sa balat ko.

Inalis ko ang pagkakatakip ng mga kamay ko sa mukha ko. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Luxia Jake.

"You're good. But you're dumb." nanghina ang mga tuhod ko. Bigla akong natumba dahilan para pagtawanan ako ng mga teammates ko.

"Run 20 Laps!" sigaw ko sakanila. "Fuck." bulong ko sa sarili habang kinukuha ang bola sa mga kamay ni Luxia Jake. Inismiran lang ako nung lalaking 'yon! Ayoko na sakanya pisti siya! Hmp!

"Yawa!I hate him! Nakakainis siya!"Pagrereklamo ko kay Hanna So malamang. Pupuntahan ko si Hanna.

Akala niya binusted ako ni Luxia Jake kaya ako pumunta sakanya kahit nagprapractice pa sila dahil may friendly game sila sa mga Freshmen ng Badminton Club.

Nakatakas nga siya 'kay Professor Antipatiko. 'Yung math teacher namin na sobra kung magbigay ng performance task at surprise quiz.

"Back to the topic, Anong nangyari? Ayan napamura ka tuloy sa harap niya. Pano kung narinig niya 'yon?" oo nga, tama si Hanna. Nakaka turn-off 'yon!

"I hate him na! And, I won't be marupok na! I am not fragile anymore!" hindi na ako marupok promise!

"Weh? Saianna Mi Defuntrum? Legit ba? Ilang beses ko na kaya narinig 'yan!" pang aasar sa akin ni Hanna. Pisti naman kasi 'yan. Ginagawa niya ako lalong marupok.

"But, I don't care. Basta titigilan ko ang feelings ko sakanya. His the first man to call me 'dumb.' Uhm, Second? Nauna pala si kuya. " pagpipilit ko.

"Well.. he's just stating a fact.." mahinang sabi ni Hanna. Sakto lang para marinig ko lahat nang sinabi niya. "Ya! Hanna!" tinawanan niya lang ako!

Pauwi na ako nang makita ko si Kenji at Wilson na nakayuko habang naglalakad, napagalitan ata ni Kuya Sian. Napansin din nila ako. "Captain Saianna." bati nila, nginitian ko lang sila. "Sami." pagtatama ko sa tawag nila sa akin.

Nilapitan ko sila, napansin 'kong wala talaga sila sa mood. "Anong nangyari?" syempre mabait padin naman ako kahit strict ako sakanila 'no! Tsaka, nagiging tiger yung si Kuya Sian kapag nagagalit siya.

Nung isang araw nga na hindi ako nagpaalam na gamitin 'yong racket niya pinagalitan niya ako ng sobra sobra.

Yes, magkapatid kami ni Captain Sian ng Boys Tennis Club.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Kenji at Wilson na nakanguso, "Senior, ganto kasi 'yon.." Ipapaliwanag na sana ni Wilson nang mahinhin ang nangyari pero sumabat nanaman si Kenji. "Yung Luxia Jake kasi na 'yon! Pabibo!"

I raised my Eyebrows, "What?! Ano?!" nagulat sila. Pati ako nagulat din. Bakit ko ba pinagtatanggol si Luxia Jake?!

"Bye." tinalikuran ko sila. Nagulat sila pero hinayaan ko nalang.

Aish. What a tiring day!!

_____________________________________

; chapter 2. :))