Chapter 2 - Set 1

"Sige po tita, bye." binaba ko na ang aking cellphone. Manonood ako ng game nila kuya. Dumating na 'din si tita two days ago pero hindi ko pa siya nakikita sa school dahil kakapasok niya lang kahapon.

"knee bend, tapos.." aish, nasiko ako!

"Kenji-" sisigaw na sana ako ng biglang magsalita ang isang lalaking nakaupo.

"So Noisy." Hindi pamilyar ang uniform niya pero may hawak siyang tennis racket. Hindi ko masilayan ang mukha niya dahil sa white cap niya.

Maliit siya pero fit ang kanyang katawan, in fairness.

"Don't go below 90 degrees with your knee bend. Don't bend from the waist. Keep your back straight with your head upright. Your eyes should be leveled to your opponent and the court." natawa nalang ako dahil sa mukha ni Kenji at Wilson na para bang inis na inis dahil sa sinabi ng lalaki.

Tumigil na ang bus, bumaba na din yung lalaki kanina.

Bumaba na din ako dahil dito ang sinabi ni Tita Jia na gaganapan ng laro nila.

Ibinalik ko ang tingin ko kanila Kenji at Wilson na naiwan sa bus na may galit padin sa mukha nila.

Lumingon ulit ako para pasalamatan yung lalaki kanina pero nawala na siya bigla. 'Di ko man lang natanong 'yung pangalan niya! Sayang!

Ayan lumalandi nanaman ako, pisting yawa.

Naglakad ako papunta sa isang Food Truck na nagbebenta ng Waffle at Soda. "Isa nga pong Chocolate Flavored Waffle." order ko sa nagbebenta.

Kinuha ko din yung cellphone ko para tawagan si tita. "Tita, nandito na ako, nag order lang ako sandali ng waffle."

"Sige, pumunta ka nalang dun sa poste sa crossing mamaya. Dun kita susunduin para makapunta na sa tennis park." 

"Tita meron bang team na maglalaro na naka red uniform-" Wow. Pinatay agad 'yung phone call. Haha.

Kinuha ko nalang 'yung waffle na kanina pa pala inaabot ng nagbebenta sa akin. Bumili 'din ako ng Mountain Dew. Kanina pa ako uhaw na uhaw, eh.

Uminom ako sa Soda na binili ko habang naglalakad papunta sa sinabi ni Tita kanina. Bigla 'kong nabitawan ang iniinom ko at halos mabuga ko pa 'yung nasa bibig ko dahil may biglang kumalabit sa akin sa likod ko.

"Where is the Penimison Tennis Park?" tanong 'nung lalaki kanina sa bus.

"Ikaw 'yung lalaki kanina diba?" pabalik na tanong ko sakanya. Tumango lang siya. Medyo nakita ko na din ang mukha niya at in fairness ha, gwapo siya.. maliit nga lang.

"Where could I find the tennis park?" tanong ulit niya. Ano ba 'yan. Hindi man lang ngumiti, naka straight face lang siya. Medyo nakakatakot pero okay lang, gwapo naman siya.

Tsaka, sanay na ako sa mga ganito no! 'Yung kuya ko nga laging naka poker face, pero lagi lagi talaga ako nagrereklamo. Hihi!

"Ah.. doon" tinuro ko 'yung nasa left crossing road. May mga naka parking kasi doon na kotse kaya feeling ko doon talaga. Sasama sana ako para lumandi at tanungin pangalan niya pero 'di nalang dahil baka hanapin ako ni tita mamaya. Baka sabunutan pa ako 'non kasi kung saan saan ako nagpupu-punta.

Naghintay ako ng 5 mins. and finally, meron na si tita. Nagtaka ako dahil dinala niya ako sa Right side sa crossing. "Bakit tayo dito papunta?" tanong ko kay tita.

Tumingin siya sa akin, "Idiot! Anong bakit? Malamang dito yung Tennis Park." nagulat ako sa sinabi ni tita. "H-ha?!" sigaw ko, pinagtinginan pa ako ng mga tao sa labas ng court D1, if i'm not mistaken.

Ano?! ngayon lang kayo nakakita ng ganto kagandang grade 10 student?

Tumakbo ako para hanapin 'yung lalaki kanina. Mahigit 15 minutes na din ang nakalipas kaya baka nakalayo na siya.

Nakarating ako sa isang vending machine. Tumingin ako sa paligid at finally, nakita ko na 'din 'yung lalaki kanina. Nakaupo siya sa bench sa may food truck ng waffle at soda. Nilapitan ko siya para mag apologize, "I am sorry, I showed you the wrong way."

"I am 5 mins. late and was disqualified. thanks to you." sarkastikong sabi niya sa akin sabay ibinaba ang cap niya para hindi makita ang mukha niyang inis na inis sa akin.

"Sorry, bago lang 'din ako sa mga daan dito. Sinundo lang 'din ako ni tita ko." pagpapaliwanag ko sakanya.

Teka teka.. bakit ba nagpapaliwanag ako? Aish. Hindi 'man lang siya sumagot ng 'Okay lang yon' or 'ayos lang.' Nanggigil ako, ha!

Hold back Sami, ayos lang 'yan. Kinalma ko ang sarili ko bago ko ulit siya tinanong.

"Anong pwede 'kong gawin? May gusto ka 'bang kainin or inumin? I'll buy it for you" okay, yawa.

Bakit ba ako nag-eenglish?

He stood up, ilang inches lang ang pagitan namin. Nagulat ako dahil habang naglalakad siya ay tumigil siya at ibinaling ang tingin sa akin. "Gusto ko ng coke." wow, 'mag tatagalog naman pala may pa english english 'pang nalalaman.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at halos matalisod pa ako dahil sa tennis ball na bigla bigla nalang sumulpot sa harapan ko. Buti nalang at nag deretso ito papunta sa kabilang direksyon kun'di napahiya na ako.

Nakarating kami sa may vending machine kanina. Bet niya pala ng coke.. nag iisip nanaman ako nang bagong kalandian moves.

"Hey!" narinig kong sabi nang isang pamilyar na boses. Kenji? gosh! magulo to. piste!

"Hoy bata. Hindi kami nakapanood ng game dahil sa'yo." ang angas naman ni Kenji. Kala mo hindi takot saakin ano?

"Kenji, excuse me but.. It's not his fault. Tama naman eh. You even told me last semester na Eastern Grip yung Western." sarkastiko ko siyang tinawanan habang nakatalikod sa kanila.

"E-eh? Captain Sami?!," napakunot ako ng noo at napataas ng kilay.

Hinarap ko sila at kitang-kita ang gulat sa mukha nila. Ano nanamang gusto niya? "Oo na po, sorry na." alam kasi nilang lagot sila kay Kuya Sian kapag sila sinumbong ko, eh.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya na tahimik na naglalakad papunta sa Court P3.

Alam 'kong Court P3 'yun dahil 'yun lang ang court na may bubong sa buong Penimison Tennis Park, bukod sa Court D7.

"Nobody."

'what? mr. nobody'

"Hey! I'll get to know your real name soon." sigaw ko sakanya na papunta na sa loob ng court P3. Hindi ko na siya sinundan at bumalik nalang sa Court N1 dahil baka isipin niya pang stalker ako.

_______________________________________

; chapter 1. :))