Nagulat talaga si Gelo dahil sa nakita nya, isa lang ang paraan para makarating sa barko at sa mismong cabin nya ang sulat at litrato nila ng kaniyang nobya, maaring may personal na nagdala nito.
Malaki ang posibilidad na sumakay sa cruiseship and kaniyang dating nobya. Di naman imposible sa dalaga na ma afford ang ticket sa isang premium na cruiseship dahil may maganda itong trabaho at ang pamilya nito ay may magandang negosyo sa Maynila. Malamang na sumakay ito noonng nakaraang linggo ng dumaong ang barko.
Pero nasaan ang dalaga, bakit di nya ito nakikita sa barko at bakit sinundan sya nito sa barko, may balak ba itong mang-gulo sa kanila. Kailangan nyang mahanap ang dalaga.
kakatapos lang ng shift nilang dalawa ng mag-ayang kumain si MJ...
"Love tara kumain na tayo tapos magpahinga tayo sa cabin habang nanunuod ng mga saved videos ko ng runningman" paanyaya ni Mj sa nobyo
"Ok" tipid na sagot ng binata, sa dami ng kaniyang iniisip
"Ayos ka lang ba mukhang malalim ang iniisip mo?" nagaalalang tanong ng dalaga
" Ahhhh ok lang ako, tara kumain na tayo Love" sagot ni Gelo
Kumain na sila at pumunta sa cabin ni Mj para manuod sana pero dahil mukhang masama ang pakiramdam ni Gelo ay naisip na lang nila na magpahinga...
"Kapagod talaga dito sa barko, Love..buti na nga lang at maikli lang ang oras ng pasok natin kaysa sa ibang department sa barko, at least kahit mahirap dito sa barko ay malaki naman ang sweldo nga pala mababaydan na kita sa nautang ko sayo" pag uumpisa ng kwento ni Mj dahil madalas ay tahimik ang binata.
"Huwag mong intindihin yun, unahin mo ang pamilya mo sa pinas" sagot ng binata
"Maayos na sila sa pinas ng huli ko sila makausap kaya dapat lang na bayadan na kita, maiba tayo, bakit parang may problema ka, sabi mo walang lihiman" mj
" Love may sasabihin ako sayo" Gelo
"Ano yun?" Mj
" Sa palagay ko nandito si Marie sa barko..." pagtatapat ng binata
" hahhhh paano naman mangyayari yun akala ko ba nasa pinas yun"
" Kilala ko yun pag gusto nya gagawa at gagawa sya ng paraan, naaalala mo yungf sobre na nakita mo sa pintuan, nasa loob nun ang picture namin at yung love letter ko sa kaniya dati" patuloy na paliwanag ng binata
" Bakit naman sya pupunta dito, mas malakas pala tama nun kaysa sakin eh" mj
" kung talagang nandito sya ay gusto ko syang makausap" seryosong sambit ng binata
"Sigurado ako kung talagang nandito sya ay magpapakita sya sayo, dahil ikaw lang naman ang magiging dahilan para sundan ka niya dito" mj
" Sana lang huwag syang gumawa ng problema dito sa barko" nagaalalang sambit ng binata.
Nanalangin silang dalawa at nagpaalam na din ang binata kay Mj upang makapag pahinga dahil maaga pa ang pasok nila bukas. Pagdating nya sa sariling cabin ay di na sya nagtaka ng makita si Marie na nakatayo sa labas ng pintuan. Nilapitan sya ng dalaga at biglang sinampal
"Alam ko ng may babae ka dito sa barko, bat di mo na lang inamin sa akin dati, wala na bang halaga sayo ang mga pinagsamahan natin...Gelo five years yun" sambit ng dalaga habang patuloy sa pag iyak
"Please Marie sa loob tayo magusap" paanyaya ng binata dahil ayaw nyang gumawa ng issue sa barko.
pumayag naman ang dalaga at pag pasok nila nabigla siya ng pupugin sya ng halik nito, agad niyang inilayo sa kaniya ang dalaga ngunit nagpupmilit ito...
"Please Marie stop it! mag usap tayo" malakas na sambit ng binata
"Okay...pag-usapan natin to Gelo..I still love you..I always do, so please come back to me, mababaliw ako pag nawala ka sakin" pagmamakaawa ni Marie
" Marie alam mo na matagal ng tapos ang relasyon natin, ng nakipaghiwalay ka sa akin noon di ko din agad natanggap pero hinayaan kita dahil alam ko na dun ka sasaya, di ko para ipilit ang sarili ko, sana ikaw din tirhan mo naman ng respeto ang sarili mo, " paliwanag nya sa dalaga
"Pero kaya ko lang nagawa yun ay dahil di mo ako pinili mas ginusto mo na magtrabaho dito sa barko kaysa makasama ako, akala ko makakahanap ako ng much better kaysa sayo, pero nagkamali ako kaya eto ako ngayon humihingi ng tawad at ng isa pang pagkakataon para sa relasyon natin, Gelo please!" lumuhod na ang dalaga sa binata para maipakita dito ang tunay na nararamdaman
" Napatawad na kita sa nagawa mo, pero di ko na kayang makisama pa sayo, sana naman matanggap mo na yun para di ka na nasasaktan ng ganito. Ayoko din naman na nakikita kang ganito Marie." paliwanag ni Gelo
"Bakit di mo na kaya?, dahil may bago ka na, nakita ko na siya pero di ko malaman ano ang nagustuhan mo sa katulad nya, Please Gelo we had five years...Five long years!!!, paano mo nagawang kalimutan agad yun?" galit na bulyaw ni Marie kay Gelo.
"Teka di ba ikaw naman ang unang nag basura ng relasyon natin, bat ngayon ako ang sinisisi mo? Pero wala na tayong magagawa dun eh, nangyari na yun dapat kalimutan, kaya please let's face the truth that we can no longer be together, Marie I know you deserve to be happy and I'm not the one who can offer you that." pilit na pinapaunawa ni Gelo sa dalaga na hindi na sila magkakabalikan
"Hindi ko kaya, hindi ko alam kung paano,,,Gelo iniwan ko ang trabaho ko para sayo kaya sana naman kahit papaano pagbigyan mo ako, please give us one more chance" pagpupumilit ni Marie
" Di na pwede Marie, mahal ko si Mj at wala akong plano para iwan sya, kung talagang mahal mo ako ititigil mo na to at tatanggapin mo na wala na tayong babalikan" seryosong sagot ng binata
Nakita ni Marie na talagang walang magbabago sa desisyon ng binata kaya umalis na ito...
"Tandaan mo Gelo di ako papayag na hanngang dito na lang tayo!" matinding babala ng dalaga sabay labas ng cabin.
Wala ng nagawa ang binata at hinayaan na lang ito na umalis..
Kinabukasan nagpunta si Marie sa bar na pinagtatrabahuhan ni Mj, at umorder kay mj ng mainit na kape...alam ni mj na ang guest na pagsisilbihan nya ay si Marie dahil ilang beses na nyang nakita ang litrato nito.
Paglapag nya ng kape ay ngumiti pa sa kaniya ang dalaga. Nagulat sya ng biglang kunin ng dalaga at itatapon ang mainit na kape sa kanya. Mabuti na lang at mabilis nya naiharang sa kaniyang mukha ang tray na hawak nya ngunit ang dalawa nyang kamay ang natapunan ng napakainit na likido.
Dahil sa sakit na naramdaman ay napasigaw ang dalaga, agad namn syng nilapitan ni Fej at dinala sa clinic. Si Marie namn ay walang pakielam at lumabas sa restobar na parang walang nangyari.
Nalaman ito ni Gelo at agad na pumunta sa clinic, upang malaman ang lagay ng nobya.
" Kamusta, ano ba ang nangyari?" nagaalalang tanong ni Gelo.
" Umorder sa akin ng mainit n kape si Marie, nagulat na lang ako ng bigla nyang itapon sa akin buti na lang mabilis kung naiharang sa mukha ko ang tray na hawak ko kaya ang mga kamay ko lang ang napaso" paliwanag ni Mj.
" Pasensya ka na at ginawa nya yan sayo, kakausapin ko sya para panagutan ang ginawa nya" sambit ng binata
"Sa totoo lang naiintindihan ko kung bat masama ang loob nya, pero mali pa din na saktan nya ako, sana lang di ka din nya saktan, dapat natin ireport to agad para mapababa na sya ng barko pag daong nito sa makalawa" mj
" ang alam ko ay si Fej na ang nagreport sa opisina, sana ay matauhan na si Marie at itigil na ang mga ganitong kasamaan" gelo
Kinausap naman si Marie ng opisyal sa barko at binalaan na kapag nagsampa ng kaso si Mj ay maari di na muli sya makasakay ng barko o ma deport.
Pumunta si Marie sa clinic at kinausap si Mj...
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Mj sa dalaga
"Gusto ko lang malamn mo na di ko pinagsisihan ang ginawa ko sayo, di mo alam kung gaano nyo ako nasaktan, five years kaming nagsama ni Gelo at ano ipagpapalit nya ako sa isang katulad mo...di ko man sya makuha sisiguruhin ko na di mgiging masaya ang buhay nyong magkasama..pag nalaman ng mother ni Gelo ang relasyon nyo tiyak na di sya papayag, im sure by now alam mo na may sakit sa puso ang mom nya, and kapag may nangyari na hindi maganda lay tita sa tingin mo magiging masaya pa ang pagsasama nyo" mahabang litanya ni Marie
" Wala akong magagawa kung di ka na mahal ni Gelo, pero di kami para magpa apekto sa mga sinasabi mo, kaya kung ayw mo na makasuhan umalis ka na sa lalong madaling panahon" matigas na sagot ng dalaga
"Magpakasaya ka na dito sa barko dahil s pinas magiging impyerno ang buhay mo, tandaan mo yan" babala ni Marie
" Alam ko may pinagaralan ka sana gamitin mo" mj
Umalis na sa clinic si Marie..bumalik naman sa sariling cabin si Mj at sinbihan na magpahinga muna dahil baka isang lingo pa bago sya makabalik sa trabaho. Sinabi naman nya ang lahat kay Gelo at nangako ito na aalagaan sya nito.
Dumaong na muli ang barko at sinigurado ni Gelo na baba na din si Marie upang bumalik na sa pinas. Upang maksigurado ay pumayag siya na samahan ito hanggang sa hotel na pwede nitong tuluyan hanggat naghihintay ng flight pabalik sa pinas.
Laking gulat nya ng maghubad si Marie pagpasok nila ng kwarto sa hotel, napaka ganda ng dalaga kahit na sino ay mabibighani dito, pero dahil sa pagmamahal nya kay Mj ay nagawa nya itong tanggihan.
Kumuha sya ng roba at isinuot sa dating kasintahan...wala ng nagawa si Marie kundi ang umiyak ng umiyak. Umalis na si Gelo at bumalik na sa barko dahil nagaalala na sya sa kalgayan ni Mj.
Ng mabisita ang dalaga at masabi dito na naihatid na nya si Marie sa hotel ay pumunta ito sa office at inalam kung talagang wala na si Marie sa barko dahil baka bumalik pa ito at gumawa ng mas malaking problema...