Dahil sa paso na natamo ni Mj ay di sya makakapagtrabaho ng ilang linggo, salamat na lang dahil nangyari ang aksidente sa oras ng trabaho kaya makakatanggap pa rin sya ng sweldo, pero hirap ang dalaga dahil dalawang kamay nya ang di nya magamit ng ayos.
Ipinakita naman ni Gelo na di nya pababayaan ang dalaga lahat ay ginagawan nya ng paraan para makatulong sa nobya.
Lumipas ang ilang buwan at matatapos na ang kontrata ni Gelo at si Mj naman ay mahigit isang buwan pa bago makauwi. Napagkasunduan nila na uuwi muna sa pamilya nya si Gelo upang mabisita ang ina at paguwi ng dalaga ay saka nya ito susunduin upang makilala din ng partidos nya.
Malungkot sila dahil mahigit isang buwan silang di magkikita kaya sinusulit na nila ang mga oras na magkasama sila sa barko.
"Love bukas uuwi ka na ng pinas, sana maging maayos ang flight mo" mj
"Kasama ko ang Diyos sa lahat ng pinupuntahan ko alam kong di nya ko papabayaan, at syempre ikaw din at lahat ng tao na may pananampalataya sa kaniya" makabuluhang sambit ng binata
"Love mas nagiging kampante ko kasi alam ko na may takot ka sa Diyos, kahit malayo ka man sakin alam ko na di mo ako lolokohin" malambing na sagot ng dalaga
Dumaong ng muli ang barko nag gala silang dalawa upang masulit ang mga natitirang oras bago sila maghiwalay.
Pumunta sila sa isang kilalang market place na may murang mga bilihan upang makabili ng mga pwedeng ipasalubong sa pamilya ni Gelo. Binigay naman ni Mj ang address nila sa probinsya upang magpasabay ng pasalubong para sa sariling pamilya.
Nag check in muna sila sa hotel dahil dun mag stay si Gelo bago amg flight pauwi sa pinas.
" Love baka matukso pa tayo, mas maganda siguro kung mag book ako ng isa pang kwarto para sakin" birong totoo ni Gelo.
" Kahit gaano kita kamahal di ko isusuko sayo ang bataan, mahirap na" sagot ni Mj
" Anong mahirap Love?" gelo
" Mahirap na kasi baka pag nakuha mo na ang bataan pagsawaan mo na ako" mj
" love totoo lang wala naman sa akin kung di na birhen pa ang kasintahan ko pero masaya ako at pinahahalagahan mo ang sarili mo, sa totoo lang dahil sa kakulitan mo dati at medyo forward ka akala ko easy chick ka pero dahil nakikilala na kita proud ako kasi ikaw ang girlfriend ko" mahabang paliwang ni Gelo
" Ikaw ba Love birhen ka pa ba?" tanong ni Mj.
" Honestly hindi na, pero huwag na natin yun pagusapan ang mahalaga mhal kita" gelo
" Sige na Love pwede naman bumalik na ako sa cruiseship para di na tayo magalala" hirit din ni Mj
"Parang di ko na kaya na maghiwalay tayo lalo na at bukas flight ko na, sige dito na lang ako sa sofa matutulog" paglalambing ni Gelo
" Love nagugutom ako ulit....heheheheh" ganting lambing ni Mj sa binata.
" SIge oorder ako ano ba gusto mo Love?" Gelo
" Ahhhhhmmm, gusto ko sana ng pizza hehehheheheheheh" Mj
" Sige order tayo, pa deliver na lang tayo alam ko may mga nagdedeliver sa mismong hotel room"
Masaya nilang pinag saluhan ang pizza at chicken wings habang nanunuod ng movie, kinaumagahan kahit wala pa sila gaanong tulog ay naghanda na sila...
" Pano Love kailangan ko ng dumiretso sa airport, di na kita mahahatid sa barko, basta kahit medyo magastos lagi tayong mag usap tutal malaki naman discount nating mga crew sa wifi ng barko di ba, ingat ka palagi mabilis lang naman ang oras, pag nasa pinas na tayo pareho magagawa na natin lahat ng plano natin" sabay halik ni Gelo sa noo ni Mj at yakap ng mahigpit.
Di naman mapigilan ni Mj ng maluha dahil alam nya na sobra nyang mamimiss si Gelo, pero wala syang magagawa dahil tapos na ang kontrata nito..
"Love basta lagi kitang tatawagan pag tapos ng shift ko kahit mapagastos pa ko wala akong pakielam, mag ingat ka sa byahe mo at yung mga pasalubong ko kila nanay at tatay pati sa mga kapatid ko ikaw na ang bahala magpadala sa kanila" madamdamin din na sambit ni Mj habang yakap pa din ang nobyo at halos di makabitiw.
"Baka ma late na ko sa flight ko Love, ingat ka palagi ahh at huwag kang magsasasama dun kay Pao madaming magsusumbong sakin pag nalaman ko lang na pinagtataksilan mo ako...naku talaga yari ka sakin" birong habilin ni Gelo na may kasamang pagbabanta
"Love ako nga kinakabahan dahil yung baliw mo na ex nasa pinas, huwag ko lang din malalaman na nakikipag landian ka dun naku maghahalo ang tubig at langis" ganting sagot ni Mj
" Maghihiwalay n lang tayo magtatalo pa tayo, Basta lagi mong tandaan yung mga plano at pangarap natin, focus lang tayo ha..Mahal kita at sapat na yun para magtiwala ka sakin" sabay halik sa dalaga
" Naku baka di na kita kaya pauwiin sa pinas kaya sige na mauna ka na sa taxi, mahal na mahal din kita Gelo ikaw lang" mangiyak ngiya na sambit ng dalaga
Nakabalik na sa Pinas si Gelo matapos ang halos na tatlong araw na byahe dahil sa dami ng stop over dahil walang direktang flight papunta sa pinas.
Di sya umuwi sa bahay ng magulang nya, bagkus sa sarili nyang bahay, alam nya na kahit nasa barko sya ay maayos na napapangalagaan ang bahay nya dahil pinagkatiwala nya ang paglilinis dito sa kaniyang tiyuhin si Tiyo Balong.
Gabi na sya nakauwi sa kaniyang bahay, di naman sya nagulat na bukas ang ilaw ng kaniyang 2 story house dahil malamang ay nasa loob ang tiyuhin para magbantay. Wala din naman kasing nakakaalam ng kaniyang paguwi.
" Tiyo Balong...Tiyo!! tulong naman po!..." tawag nya upag tulungan sya sa mga dalang bagahe.
Walang lumalabas na tao kaya napilitan syang iwan muna sandali ang mga gamit sa tapat ng gate at pumasok na sa loob gamit ang master key ng buong bahay. Naisip nya na baka may binibili lamang ang tiyuhin at naiwang bukas ang mga ilaw sa bahay kaya kinuha na nya nag mga gamit na naiwan sa labas at dinala ito papasok ng bahay.
Sa sobrang pagod ay nag message na lang sya sa tiyuhin na nakauwi na sya at huwag sasabihin kahit kanino, alam naman nya na may duplicate key ang tiyuhin nya kaya madali itong nakakapasok sa bahay nya.
Pumanhik na sya sa second floor kung saan naroon ang masters bedroom. Gusto na nyang matulog dahil nahihilo pa sya sa haba ng flight. Di na nya napansin na bukas ang ilaw maging sa kaniyang kwarto ngunit nabigla sya ng mapansin na may natutulog na babae sa kaniyang kama....ng lumapit sya ay nakilala nya ito..si Marie.
Ginising nya ito agad dahil sa sobrang pagkabigla, bakit nandoon ang dalaga...
"Marie...marie!!! bat nandito ka?" tanong ng binata habang ginigising ang dalaga
" Gelo sweetheart nandito ka na pala" nanghihinang sagot ng dalaga at halatang hirap sa pagkilos
" Bakit nandito ka?" gelo
" Gelo tulungan mo ko, di ko na alam ano ang gagawin ko dito lang ako kumportable kaya nandito ako" paliwanag ng dalaga
" Pero alam mong mali to, bahay ko ito at may sarili ka din namang condo bat di ka dun tumira" gelo
" Di ako pwede dun" sabay hawi ng kumot at pinakita sa binata ang mga pasa sa katawan.
" Anong nangyari sayo, buntis ka ba at bakit napaka dami mong pasa?" nagaalalang tanong ng binata
" Oo buntis ako" maikling pahayag ng dalaga
" Alam ko di ako ang ama nyan dahil mahigit isang taon na tayong hiwalay" pagkaklaro ni Gelo
" Si Troy ang Ama ng pinagbubuntis ko two weeks na akong buntis ng sinundan kita sa barko" paliwanag ng dalaga
" Eh bakit marami kang pasa sa katawan?" muling tanong ng binata dahil naguguluhan sya sa mga nangyayari
" Dahil alam kong di ko pwedeng itago kay Troy ang pinag bubuntis ko pinaalam ko to sa kaniya at nagkabalikan kami pero ng malaman nya na sinundan kita sa ibang bansa nagalit sya at nagseselos iniisip nya na di nya anak ang dinadala ko, di naman ako makapunta sa condo or sa bahay dahil alam kong masusundan nya lang ako at baka lalo nya lang akong saktan at baka mawala pa ang anak ko" mahabang paliwanag ng dalaga kahit nahihirapan
" Dapat pinaalam mo to kila tita at tito dahil labas na ako sa kung ano man ang problema mo sa nobyo mo" sagot ng binata
" Di ko kaya ang sasabihin sakin ng mga magulang at kapatid ko, nakikiusap ako sayo dito muna ko pansamantala hanggang sa kahit papaano ay lumakas ako at mawala ang sakit ng katwan ko" pakiusap ng dalaga
" Pero mali to dahil ano man ang sabihin ng pamilya mo sila pa din ang makakatulong sayo, naaawa ako sayo pero hindi tama na magtago ka dito, tutulungan kita na sabihin to kila tita bukas kaya magpahinga ka na " malinaw na pahayag ni Gelo
" Wala na bang halaga sayo ang mga pinagsamahan natin, kahit isang lingo lang nakikiusap ako sayo, di ko kayang humarap sa magulang ko na puno ako ng pasa sa katawan" muling pakiusap ni Marie
" Sige pagbibigyan kita pero sa isang linggo ay kailangan mo ng umuwi sa inyo, talagang pagod na ko kaya dun na ko matutulog sa kabilang kwarto" pagpayag ni Gelo bilang konsiderasyon sa dati nyang nobya
Kinabukasan ay maaga syang nagising, binisita nya sa kwarto si Marie, nakita nyang natutulog pa din ito kaya bumaba na sya upang maghanda ng pagkain at ayusin ang mga bagahe.
Naabutan nya ang tiyuhin na nagkakape at may nahanda ng almusal...
" Oh Gelo magandang umaga halika at kumain ka na, nakauwi ka na pala di mo man lang sinabi sakin ng maaga para nasundo sana kita" pag bungad na pagbati ng tiyuhin
Mabait at mapagkakatiwalaan ang kaniyang tiyuhin para na din itong pangalawa nyang ama dahil nagkakasundo sila sa madaming bagay...
" Salamat ho,, tiyo tanong ko lang po paano nakapasok sa bahay si Marie?" ganting tanong ng binata ng makalapit ito sa hapag kainan
" naku gabing gabi ay pumunta yan dito at nakikiusap na papasukin ko wala naman akong magawa ng sabihin sakin ang nangyari, naawa na din ako mabait na bata yan si Marie akala ko nga sya na ang magiging asawa mo eh" paliwanag ng tiyuhin nya
Nakakaramdam din sya ng awa sa dalaga kaya pinagbigyan nya muna ito, gusto nyang panagutin si Troy sa ginawa nya sa dating nobya pero di rin naman nya gustong makielam pa....