Kinabukasan ay di na malaman ni Gelo ang gagawin sa nobya na hindi mapigilan ang pag iyak sa kabilang linya, dahil sobra na itong na ho-homesick lalo na at di sila magksama.
" Kaya mo yan di ba desisyon mo naman yan na mag stay pa dyan sa barko" sambit ng binata na may kasamang paninisi
" Alam mo naman kaya ko to ginawa ay para sa pamilya ko diba, pakiramdam ko tuloy ngayon di mo ako kayang suportahan" sagot naman ng dalaga na halatang lalong sumama ang loob sa narinig
" Di naman sa ganon pero kung sana nandito ka na sa Pilipinas sana di ka na nahihirapan ng ganyan, alam mo naman na handa akong tulungan ka kahit na sa anong bagay, ang mahalaga magkasama tayo para mapag tulungan natin ang mga bagay bagay" paliwanag ng binata.
" Boyfriend kita at hindi asawa kaya di mo ko responsibilidad lalo na ang pamilya ko, ilang beses ko ba yan dapat ipaliwanag, pinapasama mo lang lalo ang loob ko, buti pa yung ibang tao naiintindihan ako, pero ikaw imbis na pagaanin mo ang loob ko sisihin mo pa ko" at lalo lang lumakas ang pag iyak ng dalaga
" Sinong ibang tao ang tinutukoy mo, si Pao ba? Iniintindi kita pero di mo ba naiisip kung paano makaka apekto sa relasyon natin ang layo natin sa isat isa at ang tagal na di tayo magkakasama, kung alam mo lang kung gaano ako nangungulila sayo, ikaw lang lagi ang laman ng isip ko tapos sasabihin mo na di kita inuunawa at mas okay pa ang ibang tao kaysa sakin!, talaga bang ganyan ako kawalang halaga at silbi sayo!" masama sa loob na pahayag ng binata
" Di mo na nga ko inuunawa nagpaparatang ka pa, sa tingin mo ba si pao lang ang kasama ko dito sa barko, ikaw ba pinagduduhan ko kay Marie, alam mo di ko na kayang makipag usap sayo! magpapahinga na ako baka sa iba pa mapunta ang usapan na to" sabay putol ng tawag
" Hindi mo ko naiintindihan...Hello..Hello Mj!" narinig ni Gelo na tinapos na ng dalaga ang pagtawag pero dahil gusto nya na malinawan ang lahat ay tinawagan nya itong muli ng maraming bese pero pinatay na nito ang mismong cellphone.
Dahil hindi naging maganda ang usapan nila ni Mj ay hindi mapakali sa Gelo. Nag message sya sa dalaga pero di ito nag reply sa kaniya kahit naseen na nito ang message sa chat box. Sinubukan nyang mag message sa kaibigang si Fej dahil di sya mapapanatag hangga't di nya alam ang kalagayan ng nobya.
{ Fej, kamusta? si Gelo to, hihingi sana ako sayo ng pabor baka pwede mong bisitahin si Mj sa cabin nya, nagtalo kasi kami at nagaalala ko sa kalagayan nya, nalulungkot kasi dyan sa barko baka pwede mong alalayan muna, maraming salamat babawi ako sayo sa susunod}
Maya maya lang ay nag reply na si Fej...
{ Ok naman ako dito, sige bibisitahin ko si Mj sa cabin nya huwag ka ng magalala} Fej
{ Salamat talaga, message ka sakin kung ano ang lagay nya please} Gelo
Pagdating ni Fej sa cabin ni Mj ay nadatnan nya itong umiiyak pa at suot pa din ang uniform sa trabaho at halatang pagod na rin. Inabutan nya ito ng tubig para uminom para naman mahimasmasan ito.
" Sis, ano ba ang pinag talunan nyo?, magkalayo na nga kayo nag aaway pa kayo, mga baliwag andoks talaga kayo!" Fej
" Pano tong si Gelo wala man lang alam gawin kundi magselos kay Pao tapos di man lang nya ko masuportahan sa desisyon ko na mag stay pa dito ng tatlong buwan para mas makaipon, alam mo naman na ako lang ang inaasahan ng pamilya ko, di ko naman kaya na ipakargo sa kaniya yun dahil boyfriend ko lang sya" paliwanag ni Mj ng mahimasmasan na sa pagkakaiyak.
" Hay naku Sis kung nandito lang si Gelo baka na jombag na nya yang si Pao, isipin mo alam naman nya na jowa mo na si Gelo pero more dikit pa din sayo mula breakfast hanggang dinner jusko po!" sambit ni Fej
" Fej alam mong mahal ko si Gelo at kaibigan ko lang si Pao, ang laki ng utang na loob ko sa taong yun, malinaw sa aming dalawa na magkaibigan lang kami kaya huwag nyo yung bigyan ng ibang kwento please lang" pagalit na sagot ni Mj sa kaibigan
" Oh teka sis di ako ang kaaway mo, sinasabi ko lang naman dapat dumistansya ka dyan kay Pao kasi ako alam ko na ang mahal mo si Gelo pero pano yung iba, usap usapan na kayo ahh at may punto din naman si Gelo sana di mo na pinirmahan yung bagong kontrata para magkasama na kayo, at kilala ko si Gelo pag tumulong yun di sya nanunumbat o nagbibilang" paliwanag ni Fej
" Pero ayokong umasa sa kaniya pag dating sa pamilya ko, ibang usapan yun" sambit ng dalaga
" Eh bakit pumayag ka agad nung pinautang ka dati ni Pao ng malaking halaga?" tanong ni Fej na may kasamang paghihinala
" Iba ang utang sa bigay, at isa pa noong humiram ako kay Pao dati hindi pa kami ni Gelo nun, pinaghihinalaan mo ba ako Fej na lumalandi kay Pao?" balik na tanong ni Mj
" I'm sorry sis nagpapakatotoo lang ako sa opinyon ko , ang sakin lang kasi para di kayo nagaaway ni Gelo sana unawain mo din sya, sa tingin mo ba kung malalaman nya na linta kung makadikit sayo yang si Pao eh di magagalit yang si Gelo?" ganting tanong ng kaibigan
" Sorry din Sis, hayaan mo kakausapin ko si Pao na huwag na sakin sumabay sa pagkain, pasensya ka na nadadamay ka pa sa problema namin ni Gelo, pero maniwala ka sakin wala akong balak lokohin ang kaibigan mo, mahal na mahal ko si Gelo talaga lang malaki ang utang na loob ko kay Pao. At syempre gusto ko naman na umayos ang pamumuhay ng pamilya ko kaya nagsisikap ako ng ganito kahit hirap na hirap na din ako" paliwanag ni Mj
" Gets ko naman yun Sis, parehas lang tayong nagsisikap para sa pamilya natin sa pilipinas, kaya itigil mo na ang emote mo at kausapin mo ng maayos si Gelo okay! kawawa naman yung isa alalang alala sayo" payo ng kaibigan
" Salamat sis sige mag memesage ako sa kaniya" Mj
" Paano sis gora na ko need ko na din ng beauty rest okay, good night na muah" at umalis na si Fej sa kwarto ni Mj.
{ Oh ayan Gelo okay na si Mj nakausap ko na, mag memessage din daw sya sayo, need ko na ng borlogs okay, goodnight} Fej
{ Salamat Fej goodmorning:)} sagot ng binata
maya maya lang ay nakatanggap sya ng mensahe mula sa nobya..
{ Sorry na Gelo, bukas na tayo magusap pagod na kasi ako, goodnight, I love you} Mj
{ SOrry din Love, mahal na mahal din kita kaya ako nagkakaganito, I love you so much and I miss you like crazy } Gelo
Alam ni Gelo na mahirap ang trabaho sa barko kaya di na ny kinulit ang nobya, hinayaan na nya itong mag pahinga. Ang mahala ay alam nya na maayos na ang dalaga.
halos mamatay na ang cellphone ni Gelo sa sobrang lowbat kaya sinalpak nya muna ito sa charger, pumunta sya sa kusina para uminom ng tubig. At nakita nya na may hinuhugasan ang ama sa lababo.
" Ano yan Pa?" paguusisa ni Gelo
" Bibe to pinakatay ko tapos ngayon lulutuin natin ng may gata at yung iba tinola sa tanglad, masarap to" sagot ng Ama
" Bawal ata yan kay mama, Pa" Gelo
" Sabaw lang sa kaniya at gulay, yung laman tayo ang kakain heheh" masayang sagot ng kaniyang Ama na abala sa paghuhugas ng karne.
" Kumpleto na ba tayo sa rekado dito Pa?" tanong muli ng binata
" May niyog na tayo, humingi ka na lang ng papaya at tanglad dyan kila Ka Udong sabihin mo sabi ko" utos ng Ama
" SIge ho" Gelo
Pagdating nya sa bahay nila Ka Udong ay isang pamilyar na dalaga ang bumungad sa kaniya.
" Ano po ang kailangan nila?" tanong ng magandang binibini
" Ah manghihingi lang sana ako ng Tanglad at papaya pinapasabi ni Papa, si Mang Carding" sagot ng binata
" Ayyy kuya Gelo ikaw na pala yan, ako to si Melisa yung anak ni Tatay Udong, yung madalas dati manghingi sa inyo ng itlog ng manok at bibe" ganting paliwanag ng dalaga
Si Melisa ay anak ng katiwala ng kaniyang Ama sa farm, naaalala nya ng huli nyang makita ang dalaga ay bata pa ito, madalas itong sumama kay Ka Udong sa Farm kaya pala pamilyar ito sa kaniya.
" Aba oo nga ang laki muna ah, dalagang dalaga ka na, parang kailan lang susunod sunod ka lang sakin para manguha ng itlog ng manok, ngayon halos di na kita makilala" Gelo
" Kuya talaga oh, sige ikukuha kita ng papaya at tangalad sa likod bahay tamang tama malalaki na nag bunga non" Melisa
" Salamat pero kung Okay lang sayo ako na ang kukuha baka mataas ang puno at mahirapan ka pa" pahayag ng binata
" Ahhh sige kuya walang problema tara dito tayo sa likod bahay" tinuro ni Melisa ang daan at sabay silang pumunta doon para manguha ng bungang papaya at dahon ng tanglad, kitang kita sa mukha ng dalaga na masaya sya ng makita si Gelo.