" salamat dito sa papaya at tanglad, pakisabi na din kay ka Udong salamat, sige una na ko" Gelo
" Wala yun kuya basta ikaw, pag kailangan nyo ng gulay punta ka lang dito ahh" masayang sagot ng dalaga
Umuwi na si Gelo sa kanila at tinulungan ang ama na magluto. Matagal din bago nila napalambot ang karne ng bibe pero sulit naman dahil sa sarap ng mga putahe na pwede nilang gawin.
Adobo sa gata na may sili at tinolang bibe ang kanilang naluto. Masaya nilang pinag saluhan ang mga pagkain. Dahil marami pa namang natira na ulam ay inutusan si Gelo ng kaniyang Ama na dalhan sila Ka Udong.
" Wow, ang sarap naman ng dala mo kuya Gelo. Tiyak matutuwa ang itay nito" sambit ni Melissa
" Paano Melissa uuwi na ako at pupunta pa kami ng itay sa farm" paalam ni Gelo
" ay sige kuya salamat dito, takam na takam na kong kumain mukhang napaka sarap ng mga ito" sambit ng dalaga
" Masarap talaga yan napa dami nga ang kain namin nila tatay eh, sige alis na ko" tumalikod na ang binata at lumakd pauwi.
Ng makalayo ang binata ay di mapigilan ni Melissa ang bumulong...
" napaka guwapo pa din ni kuya Gelo, sana wala pa syang nobya.." bulong ni Melissa habang nakatanaw pa din sa likod ng binata.
Sinamahan ni Gelo ang ama sa farm, mabanggit kasi nito na marami ng bunga ng kanilang manggahan at sagingan. Naalala nya noong kabataan nya madalas ay doon sila tumambay ng mga kaibigan nyang sina Pato at don don.
" Pa, sila Dondon po ba at Pato nagtatrabaho pa din sa farm?" tanong ni Gelo sa kniyang Ama habang nagmamaneho patungong Farm.
" Oo naman, madalas ka ngang kamustahin sakin ng mga yon lalo na noong nasa barko ka pa, silang dalawa ang tumutulong sakin mag alaga ng mga hayop" sagot ng ama
Pagdating nila sa Farm ay sinalubong agad sila ni Ka Udong, sya kasi ang punong taga pamahala ng Farm kapag wala ang Ama.
" oh! Gelo anak buti sumama ka sa tatay mo ngayon, dito po tayo sa kubo ipapakita ko sa inyo ang listahan ng napag bentahan kanina" bati ni Ka Udong sa mag ama.
" Kamusta po kayo Ka Udong?" ganting bati ni Gelo sa matanda
" Eto matanda na pero malakas pa din naman hehehe" ka Udong
" Nakita nyo po ba sila Dondon at Pato?" tanong ng binata.
" Ay doon sila naka pwesto sa manggahan, tamang tama ang dating mo paniguro ay marami na silang napitas na mga prutas" sgot ng matanda
" Pa, puntahan ko muna sila tagal na din namin di nagkakasama eh" paalam ng binata
" Sige at kmi ay maguusap p tungkol sa inbentaryo" sagot ng Ama
Ilang minuto lang ay narating na niya ang manggahan at naabutan niyang nag sasalan san ng mga kaing na may lamang mga mangga ang dalawa, kasama ang dalawang binatilyo.
" Dondon! Pato!, kamusta?" sigaw ng binata sa di kalayuan
" Aba!!!!! Nakauwi ka na pala tol, kamusta na?" bati ni Dondon
" oo nga nakauwi ka na pala" dagdag ni Pato.
" Namiss ko na kayo eh, kaya umuwi na ko hahahahh" pagbibiro ni Gelo sa mga kaibigan
" baka namn may pasalubong kami dyan hahahha" paglalambing ni Dondon
" oo nga hahahha" pangalawa ni Pato
" di ka pa din magbabago Pato si Oo nga ka pa din hahhahahah" Biro ni Gelo
" Oo nga hahahhhh" ganting biro ni Pato
" Pwede ba kayo mamaya sa bahay, nandun yung pasalubong ko sa inyo tas nagluto kami ni tatay pwede natin pang foodtrip yun"
" sige tol tapusin lang namin to, tas diretso na tayo sa inyo" sagot ni Dondon
" Oo nga hahahhah" Pato
" Puro ka oo nga eh hahhah, tulungan ko na kayo, namiss ko rin mamitas ng mangga hahhah" Gelo
Makalipas ang ilang oras ay natapos na nila ang pag pitas ng mga manggang kailangan ihanda para sa delivery bukas.
Dahil busy pa ang ama ay nauna na silang umuwi sa bahay nila Gelo, Nagtataka naman si Gelo dahil hindi mapakali si Pato, panay pagpag nito ng damit at pantalon.
" Di ka mapakali may antik ba sa damit mo?" tanong ni Gelo sa kaibigan
" Ahhh wala naman, parang kailangan ko lang maligo ang lagkit ko na hahhah" sagot ni Pato
" naku....alam mo ba umiibig na yang si Pato, malapit kasi sa bahay nyo yung bahay nung dalaga kaya ganyan yan di mapakali hahhahaha" pagbubuko ni Dondon sa kaibigan
" Madaldal ka talaga , kung may rango mga chismoso heneral ka" Pato
" kung may rango din naman ang mga torpe, presidente ka hhhahhha" pangaasar ni Dondon sa kaibigan.
" sino ba yun tol?" tanong ni Gelo
" si Melissa yung anak ni Ka Udong hahahh" Dondon
" Ahhh yun pala oo may itsura nga yun kaso bata pa yun ah" Gelo
" bakit bata pa naman ako ah, tyaka di na yun menor de edad noh" sagot ni Pato
" Oo nga naman edi ligawan mo na" Gelo
" Wala ni hindi nga nyan kayang kausapin yun eh" Dondon
" Wag kang dagain tol, tutulungan ka namin" Gelo
" Sinabi nyo yan ahh hahhaha" masayang sagot ni Pato
"Sakto yung mga pasalubong ko sa inyo tara pasok kayo" Gelo
Masayang binigay ni Gelo sa mga kabigan ang kaniyang mga pasalubong na damit pabango at sapatos na binili nya sa mall sa manila.
" Grabe naman dami ng regalo mo samin tol mahal na mahal mo tlga kami hahahha" Dondon
"San naman namin susuotin tong mga to? Ang gaganda masyado salamat tol" pato
" Suotin mo yan mamaya gagala tayo hahahah" Gelo
" saan tayo gagala?" dondon
" Sa resort na malapit alam ko may magandang tambayan dun" Gelo
" Mahal dun pre, di kami bagay dun ikaw lang" dondon
" Walang ganun ako bahala sa inyo kaya nga binilhan ko kayo ng pamporma nyo eh" Gelo
" Mambabae ka lang dun eh" pang aasar ni Pato kay Gelo
" Baliw, isasama ko din sila Papa at mama para maigala ko nmn sila, at isa pa ipapakilala ko kayo mamaya sa girlfriend ko, malamang kasi busy pa yun sa work, nasa barko pa kasi sya eh" paliwanag ni Gelo
" Pano nmin yun makikilala nasa barko pa pala" Dondon
" Tatawagan natin sya videocall, para makita nyo sya hahahh, para maingit kayong dalawa hahahha" Gelo
" Pano kasi ang alam mo lang puro brick game at tetris" pang aasar ni Pato sa kaibigan
" Sus, ikaw nga makita mo lang yung anak ni Ka Udong rumatakbo ka agad eh para kang timang hahhahh" ganting pang asar ni Dondon
" pag ikaw ang tinamaan ng pagibig, tatawanan din kita" Pato
" Aba! Pag may nagkagusto sakin yun na yun, papakasalan ko na sya agad hahahhaha" Dondon
" Loko ka kasi tol patay na patay sayo dati si Flor, yung masarap gumawa ng kalamay sa kanto tapos di mo man lang nga pinapansin" pangaasar ni Gelo kay Dondon
" Iba naman yun pre, nahuli ko yun na ninanakaw yung damit ko sa sampayan, baliw ata yun eh eeeeee kakatakot grabe, ayoko nman ng ganun" paliwanag ni Dondon
" sabihin mo di mo gusto kasi sabi mo dati ayaw mo ng maitim" sagot ni Pato
" Okay na sakin ang maitim kahit batik batik pa, wag lang may sapak, kinakabahan ako eh, buti lumuwas na ng maynila yun" Dondon
" baka naman di tao gusto mo tol, batik batik pala eh hahahha" Gelo
Masayang nagkwentuhan ang magkakaibigan at nag handa na rin para sa pagpunta sa resort para makapamasyal at makapag pahinga naman.