Pagkatapos mag almusal ay umalis na si Gelo upang dalhin sa lbc ang mga regalo ni Mj sa kaniyang pamilya. Pagbalik nya ay may dala na syang groceries dahil nakita nyang walang laman ang kaniyang kusina. Ng bigla nyang maisip si Marie..
"Tyong....tyong naglamusal na po ba si Marie?" malakas na tawag na may kasamang tanong sa kaniyang tiyuhin dahil di nya ito makita sa loob ng bahay ang tanging naririnig nya ay ang radyo nito.
" Naku di ko pa nakikitang bumaba yun mula pa kanina, dalhan mo na lang buntis eh..baka hirap bumaba" sagot ni Tiyo Balong.
" Sige ho" Gelo
Kahit medyo matagal na silang hiwalay ni Marie at may sama pa sya ng loob dito dahil sa ginawa sa kasintahan niyang si Mj ay di naman nya maiiwasan ang mag alala para sa dalaga na ngayon ay may pinagdadaanang problema. Matagal din ang kanilang pinag samahan at naging mabuti itong kasintahan sa kaniya sa loob ng limang taon.
Pumanhik na sya sa kaniyang kwarto kung saan natutulog ang dalaga para dalahan ito ngpagkain. Pagpasok nya sa kawarto ay agad niyang napansin si Marie na halatang masama ang pakiramdam dahil sa eksprsyon ng mukha nito na hindi na maipinta sa sama ng kalagayan.
" Marie bat di ka bumaba para kumain, heto may dala akong pagkain" bungad ni Gelo sa dalaga
" Help me please ang sakit ng buong katawan ko di ako makakilos" sagot ni Marie
Inalalayan agad ni Gelo ang dalaga at nagalala sya dahil naramdaman nya na inaapoy ng lagnat si Marie. Tinawag nya agad si Tiyo Balong upang ihanda ang kaniyang sasakyan dahil dadalhin nila si Marie sa Ospital.
Pag dating nila sa ospital ay dinala agad si Marie sa emergency room sa taas ng lagnat nito dahil maaring magkaroon ng masamang epekto ito sa bata. Kinailangan sa ospital ang mga detalye tungkol kay Marie at sa bata kaya minabuti ni Gelo na ipaalam sa magulang nito na nasa ospital ang dalaga.
Nagulat ang mga ito sa nangyari kaya nangakong pupunta agad sa ospital.
" Gelo kamusta ano na nangyari sa Anak ko?" nag aalalang tanong ng Ina ni Marie
" Nasa operating room na po sya dahil delikado po ang lagay ng anak nya" paliwanag ng binata.
" Diyos ko, bakit nangyari ito ang alam ko maayos sya sa condo nya" nagaalalang sambit ng ina ng dalaga.
" Yun nga ang alam namin kaya paanong biglang nangyari to" di na mapigilan na sambit ng Ama ni Marie na nagaalala rin sa kalagayan nya.
" Ako din po nagulat dahil ng umuwi po ako kagahapon ay nasa bahay na siya at puno ng pasa ang katawan, dun ko na lang din po nalaman na nagdadalang tao po pala sya" paliwanag ng binata
" Ano puno ng pasa ang anak ko, at san naman nya nakuha yun?" tanong ng Ina ni Marie.
" Sabi po sakin ni Marie yung Troy daw po ang gumawa sa kaniya nun kaya umalis sya sa condo nya at dun sa bahay ko nagpunta dahil ayaw nyang sundan pa sya nito" pahayag ni Gelo mula sa mga nasambit sa kanya ni Marie.
" Tarantado yung hayop na yun, matapos nyang buntisin ang anak namin, ngayon sasaktan pa nya, di ako papayag na di nya panagutan ang nangyari" mariing sambit ng ina ng dalaga.
" Tatawagan ko lang si Pareng Orly para matulungan tayong mag sampang kaso dyan sa Troy na yan saglit lang lalabas ako" galit na sambit ng Ama ni Marie.
Ilang oras lang aang lumipas at pinahatid na ng doctor ang masamang balita, wala na ang baby di nito kinaya ang maagang pag labas at kakulanagan sa buwan. Nasaksihan ni Gelo ang trahedya na nangyari sa buhay ng dati nyang nobya kaya di nya rin maiwasan ang maawa sa dalaga.
Dahil sa koneksyon ng ama ni Marie sa kinauukulan ay nakasuhan agad ang binata at nakulong. kahit na nahatulan ang binata ng dahil sa pag mamalupit sa mag ina di pa rin ito sapat upang mawala ang lungkot na nadarama ng dalaga, lalo itong na depressed.
Isang hapon ay nakita ng ina ni Marie na naglaslas ang dalaga ng dahil sa depresyon, mabuti na lang at naagapan at nadala sa ospital kaya di ito natuluyan. Ng dahil sa nangyari nakiusap ang magulang ni Marie kay Gelo na kung maaari ay tulungan ang dalaga na maka recover sa depesyon na pinagdadaanan.
Awa at hiya ang nadarama ni Gelo kaya wala na syang nagawa kundi sundin ang hiling ng mga magulang ni Marie. Madalas nya itong bisitahin sa ospital at dalhan ng mga prutas at pagkain.
Wala syang gustong isikreto sa kaniyang nobya na si Mj kaya pinagtapat nya ang lahat ng nangyari. Nagulat ang dalaga sa nangyari, di man maluwag sa kaniyang loob ay pinayagan nyang tulunagn ng nobyo ang dalaga sa pinagdadaanan nito.
" Love basta tandaan mo na ginagawa ko lang to para makatulong kay Marie, dahil kahit di na kami magka relasyon ay may pinagsamahan pa din naman kami, kunsensya ko pa pag di ko sinunod ang simpleng hiling ng mga magulang ni Marie" paliwanag ni Gelo
" Naiintindihan ko naman pero hanggang kailan mo sya kailangang alagaan?" tanong ni Mj na halatang masama ang loob dahil pakiramdam nya ay wala syang magagawa para hindi na muling magkita ang dating mag kasintahan.
" Siguro at least 1 month, kakamatay lang kasi ng anak nya at sa nakikita namin lumalala lang ang sitwasyon nya" sagot ng binata.
" May tiwala ako sayo Love pero kay Marie wala, naawa ako dahil nawalan sya ng mahal sa buhay pero dapat ang nagaasikaso sa kanya ay ang magulang nya, bakit ikaw ang dapat mag sakripisyo?" nagaalala pa ding sambit ng dalaga.
" Magtiwala ka lang sa akin Love di ko sisirain ang tiwala mo, mahal kita at marami pa akong plano para sa ating dalawa" sagot muli ni Gelo
" Pero iba pa din pag lagi kayong magkasama, ako ilang milya ang layo ko sayo, at dati mo syang nobya di malabong may manumbalik na damdamin sa inyong dalwa lalo na at di mo ako kasama" pag hihimutok ng dalaga
" Kung talagang nagtitiwala ka sakin di mo yan iisipin, mahal kita at di yun mababago kahit magkasama man kami ng madalas ni Marie, awa na lang ang nararamdaman ko sa kaniya, maniwala ka sakin" pagpapaliwanag ni Gelo
" Sige payag na ako dahil wala naman akong magagawa nagdesisyon ka na eh" masama pa din na loob na sambit ni Mj
" Ngayon ko lang nalaman Love selosa ka pala hahahah" pabirong sagot ng binata upang gumaan ang usapan
" Oo nagseselos talaga ako dahil mahal na mahal kita, natatakot ako dahil ano ba naman ang laban ng ilang buwan na relasyon natin sa limang taon nyo na relasyon dati" pagtatapat ng dalaga sa tunay na saloobin
" Love kung magtitiwala ka lang sana sakin ng lubusan mayroon tayong habang buhay para mag mahalan kaya huwag mo ng isipin yung relasyon namin dati ni Marie kasi tfapos na tapos na yun, di mo lang alam kung gaano ko gustong makasama ka na dito sa pilipinas, at pag nakita ko na ok na si Marie kahit wala pang isang buwan di na ako ulit bibisita sa kaniya." mahabang paliwanag ni Gelo.
Naririnig nya ang malalim na pag buntong hininga ni MArie sa kabilang linya,...
" Sige pangako yan ah pag ok na sya kahit wala pang isang buwan huwag mo na syang bibisitahin, at please baguhin mo na ang lahat ng lock sa bahay mo, ayokong malaman na magkasama kayo sa iisang bubong pakiusap" sambit ng dalaga
" Huwag ka ng magaalala dahil di na ko papayag na bumalik pa sa bahay ko si Marie" paliwanag ng binata.
" Love huwag mong kakalimutan lahat ng pangako mo sakin ah, sige na magpapahinga na ako I love you, good night" paalam ni Mj
" I love you ingat ka palagi ang sweet dreams" paalam din ni Gelo sa dalaga
Lumipas ang isang linggo at kapansin pansin ang pagbabago kay Marie dahil sa pagbisita sa kaniya ni Gelo, maayos na syang kumain at natutulog ng tama sa oras. Ngunit ng magpapaalam na si Gelo ay umiyak ng umiyak ang dalaga at tumanggi na rin sa pagkain at vitamins na dapat nyang kainin at inumin.
Kaya napag pasyahan ni Gelo na sakyan na lamang muna ang dalaga hanggang sa umayos na talaga ang kalagayan ng dalaga. Laging sinsambit ng dalaga na di nya kakayanin pag umalis si Gelo kaya walang magawa ang binata kundi asikasuhin ito.
malapit na ang mag isang buwan ngunit ramdam ni gelo na di pa din papayag si Marie kaya minabuti nya na kusapin ang magulang ito upang sila ang magpatuloy sa pag aalaga sa dalaga dahil di nya maaring sirain ang pangako nya kay Mj.
Malapit na din matapos ang kontrata ni Mj sa barko, ngunit....
" Love may sasabihin sana ko sayo eh" paguumpisa ni Mj
" Ano yun Love?" tanong ni Gelo
" May offer kasi sakin dito ng extension sa kontrata ko for 3 months lang naman medyo maliit pa kasi ang ipon ko kaya gusto ko sanang tanggapin, alam ko wala to sa plano natin kaso sayang naman to kung papalampasin ko alam mo namn na marami akong pangarap para sa pamilya ko at alaking tulong ang sweldo ko ng tatlo pang buwan para makaipon ng medyo malaki" paliwanag ni Mj sa nobyo
" Love kung sa pag tulong sa pamilya mo di mo kailangan mamroblema dahil handa ako na tulungan kayo ng walang kapalit, di ba nga plano natin mag negosyo dito sa pilipinas para makatulong sa pamilya mo at para na din sa ating dalawa." sagot ng binata
" Alam ko yun, pero wala naman akong plano na umasa sayo pag dating sa pera, di ko yun maaatim" sambit ng dalaga
" Di naman sa ganun pero kung sino ang mahalaga sayo mahalaga na din sakin kaya di mo kailangan na magalala." Gelo
" Love nung sinabi mo sakin na aalagaan mo si Marie ng isang buwan pinayagan kita,kaya baka pwede mo naman akong pagbigyan ngayon" pahayag ng dalaga
" Huwag mo naman sana sakin isumbat yun Love dahil ginawa ko lang yun para makatulong" medyo masamang loob na sagot ni Gelo
" Sorry pero sana pagbigyan mo din ako this time para sa pamilya ko tong ginagawa ko, at para sa ating dalawa na din" paghingi ng tawad ng dalaga
" Alam mo ba na halos mabaliw na ko kakahintay sayo dito sa pilipinas tapos sasabihin mo gusto mo ng extension dahil lang sa konting dagdag sa ipon mo" paglalahad ni Gelo ng saloobin
" Naiintindihan ko pero sayang talaga ang dagdag kita ko dahil di ko alam kung kailan pa ulit ako makakasampa ng barko pag uwi ko dyan sa pilipinas, nagpapaka praktikal lang ako Love sana maunawaan mo din ako" paliwanag ng dalaga
" SA tingin mo ba di kita inuunawa, lagi kitang inuunawa kahit madalas ay di mo na ko binibigyan ng oras dahil sasabihin mo mahal ang load sa barko, pinagusapan natin bago ako umuwi na lagi tayong magbibigay ng sapat na oras para sa isat isa, pero ano sasabihin mo sakin dahil gusto mo makatipid" Gelo
" Gelo mahal na mahal kita pero mahalaga din sakin ang pamilya ko kaya gusto kong maging praktikal sa maraming bagay akala ko pa naman naiintindihan mo ako" sago ng dalaga na halatang nagdadamdam na din ng dahil sa mga nalaman
Umiinit na ang kanilang usapan ni Mj at bigla nyang naisip na maaring ganito rin ang naramdaman noon ni Marie ng napag desisyunan nya na bumalik sa barko upang magtrabaho at katulad ni Mj ay gusto lamang din nya nuon na mas makaipon para sa kinabukasan nilang dalawa pag lumagay na sila sa tahimik.