Chereads / Bat di ko nasabi? / Chapter 12 - Chapter 12

Chapter 12 - Chapter 12

Hapon na ng makauwi si Gelo sa kaniyang bahay. Bukas nya planong bisitahin ang mga magulang para ipaalam ang kanilang mga napag usapan ni Marie. Alam kasi nya na kailangan nya din talagang linawin sa mama at papa nya ang estado ng relasyon nila ni Mj.

Kinabukasan ay bumiyahe na sya patungo sa bahay ng mga magulang. Iniwan na muna nya sa Tiyuhin ang pangangalaga sa sariling tahanan.

Masaya naman syang sinalubong ng kaniyang magulang na matagal din syang inantay na dumalaw man lang. Pag dating nya ay nakapag handa na ang mga ito ng pagkain na alam nilang paborito ng kanilang bunsong anak.

" Anak alam mo ba na sinabi ko kay Aling Liway na sarapan ang gawa dyan sa puto na paboritong paborito mo, at ang tatay mo ang nagluto ng dinuguan na perfect dyan sa putong puti" maligayang maligaya ang Ina habang binibida ang mga pagkain na pinahanda.

" Ayos tamang tama po at talagang nagutom din ako sa byahe, tara sabay sabay na tayong kumain" masayang tugon ng binata

" Gelo anak,, alam kong gusto mo eh crispy na laman ng baboy, kaya pinirito ko muna yan bago ko lutuin sa sauce ng dinuguan" pagyayabang ng ama ni Gelo sa anak.

" Aba! Pa kabisado mo talaga mga hilig ko ahhh salamat talaga eto ang mga namiss ko sa barko eh" sagot ng binata

" Hay naku Anak! ako kung wala lang akong nararamdaman lahat yan ako na ang magluluto" paglalambing ng Ina ni Gelo

" Ma... kahit di mo na ako ipagluto okay lang masayang masaya na ako, basta kailangan malakas ka yun lang sapat na" malambing na sagot ng binata

" Aida tama na drama nyo halika na at kumain na tayo habang mainit pa ang mga pagkain, basta katabay ka lang sa dinuguan at di yan maganda para sayo ang kainin mo yung puto at mga prutas" sabat ng Ama ni Gelo

" Minsan na nga lang ako kumain kasama ang anak ko, kontrabida ka talaga lagi" pahayag naman ng kaniyang Ina

" Ma... Pa.. tara na kumain na lang tayo..." sambit ng binata

Masayang masaya silang magkakasamang pinagsaluhan ang mga pagkain. Matapos silang kumain ay sabay sabay nilang pinanuod ang paboritong palabas ng kaniyang Ina kada hapon. Maya maya ay nakaramdam na ito ng antok kaya sinamahan na ito ng kaniyang ama sa kwarto ng makapag pahinga.

Nagpaalam naman sya sa ama na lalabas muna para bumili ng kanilang makakain sa hapunan. Dumaan na rin sya sa tindahan para mag paload dahil gusto nyang tawagan ang nobya at kamustahin.

Pagdating nya sa bahay nila ay tumawag na agad sya sa dalaga ngunit hindi ito sumasagot kaya minabuti nyang mag iwan na lang ng mensahe sa messenger saka nya inihanda ang mga lulutuin.

" Love.. gusto lang sana kita kamustahin, nandito ako ngayon sa bahay ng mga magulang ko , mamaya pag katapos ko magluto ng hapunan tatawag ulit ako, Miss na miss na kita I love you" mensahe ni Gelo

Matapos magluto ay itinabi na muna nya ito sa kusina dahil maaga pa para sa kanilang hapunan kaya naisip nyang tawagan muli ang nobya. Matagal bago nya makausap ang nobya dahil sa hina ng cignal sa kanilang lugar at marahil ay mahina rin ang connection dahil nasa karagatan ang dalaga.

" Love buti tumawag ka ulit, pasensya na di ko nasagot kasi naliligo ako para makapasok na sa trabaho, alam mo naman dito sa barko puro work, kamusta na nga pala sila tita at tito, nakausap mo na ba sila tungkol sa ating dalawa?" bungad ng nobya

" Alam mo naman di ko kaya na di kita macontact sa maghapon, kulang na lang bumalik ako dyan sa barko makasama ka lang, magingat ka lagi dyan ah, at yung vitamins na binigay ko sayo huwag mong kakalimutang inumin ah mahal na mahal kita Mj miss ko na yung mga yakap at halik mo" Paglalambing ng binata

" Ganun din ako miss na miss kita, isa ka sa pinagkukuhaan ko ng lakas para magsikap dito sa barko, pag uwi ko dyan sa pilipinas babawi ako sayo, mahal na mahal din kita Gelo, paano kailangan ko na tong ibaba dahil baka malate pa ako,,,ingat ka dyan ahhh I love you..." Mj

" Sige Love ingat ka dyan, tatawag ulit ako bukas I love you so much" paalam ng binaata

Masaya sya dahil nakausap n nya ang nobya ngunit may kasamang lungkot dahil lalo nya itong na miss kalalaki nyang tao ay di nya maiwasan ang maluha dahil sa sobrang pananabik sa minamahal na nobya. Laong tumulo ang kaniyang luha ng marinig ang opm hits sa radyo.

{Pagat mahal kita walang iba..ikaw ang nais na laging makasama, walang kasing saya aking nadarama sa bawat sandaling kapiling ka ahhh ohhhhhoohoho mahal kita} linya sa kanta ni bugoy na pinapatugtog sa radyo ng ama.

" Anak kamusta?" seryosong tanong ng Ama

Di nya gustong makita ng Ama na lumuluha sya kaya agad nya itong pinunasan at kunwari ay napuwing lang.

" Ayos naman ho ako, kayo? balik tanong ng binata

" Ikaw ang tinatanong ko, kamusta kayo ng bago mong kasintahan may problema ba kayo?" seryosong tanong ng Ama ni Gelo

" Pa.... okay lang po kami, salamat naman ho at di kayo kontra na magkaroon ako ng bagong nobya" Gelo

" Bakit naman ako kokontra, ikaw ang makikisama hindi naman ako, kaya dapat ikaw ang masunod, baliw lang yang nanay mo at nakiki elam sa desisyon mo, basta ang mahalaga mahal mo, sa pakiwari ko naman eh mahal na mahal mo yan kaya okay na rin sakin kahit napamahal na sa amin si Marie" paliwanag ng Ama

" Salamat Pa...mahirap po pala na malayo ka sa taong mahal mo para kong masisiraan ng bait eh" pagtatapat ng binata sa ama

" Totoo yan pero pag lagi mo din kasama minsan nakakasawa kaya okay lang yan, dyan nyo malalaman kung malalim ang pagmamaha nyo sa isat isa, pag di kayo sumuko kahit nahihirapan na kayo" payo ng Ama

" Kaya bilib ako sayo eh Pa, salamat talaga" sambit ng binata

" Sus syempre napag daanan ko na kaya nasasabi ko sayo, paano Gelo anak, ako eh bibisita muna sa Farm natin ah" pag papaalam ng Ama

Poultry at livestock kasi ang business ng mga magulang ni Gelo. May farm sila na namana pa ng kaniyang ama sa lolo at lola nya.

" Pa,,,Umuwi ka agad para sabay sabay tayo mag hapunan ah" paalala ni Gelo sa Ama

" Oo, samahan mo na lang ang nanay mo dyan sandali lang ako kukuha lang ako ng pang ulam para bukas" at sumakay na ang tatay ni Gelo sa oner jeep at umalis patungo sa farm

Masayang pumasok si Gelo sa loob ng bahay upang bisitahhin ang kaniyang ina na nagpapahinga. Ngunit ng makapasok sya sa sala ay naroon na ang ina at hinahanap sya.

" Oh ma! gising ka na pala, umalis si Papa bibisita daw muna sa farm" gulat na pagbati ng binata sa ina.

" Lagi naman ganun ang tatay mo umaalis umaga at hapon para bumisita sa farm, anak halika at maramiakong gustong itannong sayo" pahayag ng ina ni Gelo

" Ahhh sige ma, madami din akong gustong ikwento sa inyo eh" malambing na sagot ni Gelo kahit na alam nya na seryoso ang kanilang paguusapan, matagal na kasi syang kinukulit ng Ina sa pakikipag balikan kay Marie. Ngayon na ang tamang panahon para mapaliwanag sa ina kung ano talaga ang gusto at plano nya sa buhay pag ibig.

Kumuha muna si Gelo ng dalawang basong tubig dahil baka sumama ang pakiramdam ng Ina sa kanilang paguusapan, maigi na ang handa.

" Kamusta na si Marie ang alam ko ay matagal din sya sa ospital, di na ako nakabisita kahit nakakahiya dahil di rin ako pwedeng bumiyahe ng masyadong malayo." panimula ng Ina sa usapan

" Maayos naman na sya kahapon lang dumaan ako sa kanila, at nakapag usap na din kami ng mas maayos tungkol sa aming dalawa" diretsang sagot ng binata

" Ano naman ang napag usapan nyo?" pang uusisa ng ina

" Maayos naman ang naging usapan namin, Ma alam ko di naman lingid sainyo na may nobya ako ngayon at hindi si Marie yun kundi si Mj, ngayon mas maayos at malinaw na sa amin dalawa ni Marie na talagang di na namin maibabalik ang dati naming relasyon, humihingi ko ng tawad at pangunawa dahil sa mga nangyari at nagpasalamat din ako sa lahat dahil hindi biro ang limang taon namin na naging relasyon. Kaya Ma sana ikaw din maka move on na sa amin ni Marie, alam ko na nag invest ka din ng emosyon at pagmamahal sa relasyon namin pero di ko kayang lokohin ang sarili ko, mahal na mahal ko Mj at walang makakabago nun" mahabang pahayag ni Gelo sa Ina

" Ano naman tingin mo sa akin di kita mauunawaan, ang sa akin lang kasi anak nanghihinayang ako kay Marie saksi ako sa pagmamahal nya sayo at pati sa amin na pamilya mo, pero ng malaman ko na nabuntis sya ng ibang lalake ay awa na ang naramdaman ko, pero ko kung talagang di mo na mahal si marie wala naman kong magagawa, pero anak gusto ko lang sabihin sayo na kung ano man ang relasyon na pinapasok mo ngayon sana mas pagisipan mo para hindi sayang ang panahon nyo sa isat isa, dahil di mo na mababalik ang oras tandaan mo di mo yan kayang bilhin" payo ng ina sa Anak

" Salamat Ma" sabay yakap sa Ina

" Salamat din dahil di mo pinabayaan si Marie dahil malaki ang utang na loob ko sa batang yun, at kailan ba namin makikilala yang si Mj mo ha?"

" Pag uwi nya dito sa Pilipinas ay didiretso na sya dito para makilala nyo sya, SIgurado ao magkakasundo kayo non masarap magtimpla ng kape yun eh tapos maalaga pa" pagbibida ni Gelo kay Mj sa Ina.

" Basta mahal mo at mahal ka din okay na ako dun, madami akong narealized ngayong may sakit ako, dapat gawin mo na ang lahat ng gusto mong gawin hanggat malakas ka, dahil pag mahina ka na limitado ka na sa mga bagay na pwede mo pang gawin, kaya ikaw huwag mong sayangin ang mga pagkakataon na binibigay sayo ng Diyos Ama" mapusong pahayag ng Ina

" Haaaayyyy salamat talaga Ma sa pangunawa, akala ko pagtatalunan pa natin to eh" pagtatapat ng binata.

" Loko di ko na kayang makipag talo baka di na kayanin ng puso ko, ang gusto ko lang kung ano ang makakabuti sa lahat"birong totoo ng Ina

" Kaya dapat lagi kang uminom ng gamot mo tapos huwag ka ng kumain ng bawal, tamang tama madami akong prutas na dala, saglit lang ikukuha kita" paalala ng binata at pumunta na sa kusina para ikuha ng prutas ang Ina.

Masayang masaya sya dahil tanggap na ng pamilya na may bago na syang karelasyon. Ngayon ay kailangan na lang nyang hantayin si Mj na makauwi sa bansa.

kakayanin kaya ni Gelo ang mag antay ng tatlo pang buwan sa minamahal?