Di pa rin matanggap ni Gelo ang desisyon ni Mj na mag extend ng kontrata sa barko dahil matagal na rin nya itong gustong makasama. Pero mayroon syang reyalesasyon sa nangyari sa kanila dati ni Marie, na malamang ay ganito rin kahirap sa kanino man na malayo sa taong mahal mo at mahalaga sayo, ngunit bakit pinili pa rin nyang umalis dati at magtrabaho sa barko? ito ay dahil di nya talaga minahal ang dalaga. Naging mag karelasyon lamang sila ng matagal na panahon dahil sa desisyon ng kanilang mga pamilya.
Nakaramdam sya ng awa kay Marie dahil hindi sya naging tapat dito sa tunay nyang nararamdaman, kahit alam nya na wala naman syang malalim na pag tangi sa dalaga ay pinagpatuloy niya ang relasyon ng dahil sa payo ng mahal nila sa buhay.
Tumawag syang muli kay Mj upang kausapin ang nobya...
" Love kamusta ka dyan?" Gelo
" Heto pagod pero okay naman ako dito, ikaw kamusta? Si Marie?" mj
" Okay naman ako, gusto ko lang sana tanungin sayo kung pinirmahan mo na ang extesion ng kontrata mo dyan sa barko?" seryosong tanong ni Gelo
" Sa totoo lang gusto ko ng pirmahan kahapon pa pero di rin naman ako mapapalagay hanggat di maluwag sa loob mo ang gagawin kong desisyon" sagot ng dalaga
" Love alam ko naman na di dapat ako nangingi elam sa mga ganitong klaseng desisyon mo para sa pamilya mo pero handa akong tulungan ka..kayo ng pamilya mo...magtutulungan tayo dito sa Pilipinas" sambit ng binata
" Pero di mo ako responsibilidad lalo na ang pamilya ko" sagot ng dalaga
" Mj, Love alam mo ba na naisip ko lang na dahil sigurado ako na mahal kita handa din akong intindihin ka at suportahan ka, kaya ano man ang plano mo kung talagang yun ang gusto mo susuportahan kita pero sana lagi mo akong isama sa mga plano mo sa buhay dahil simula pa lang ng unang araw na maging tayo sinama na kita sa lahat ng magiging desisyon at plano ko, ganun kita kamahal" madamdaming pahayag ng binata
" Naiintindihan ko naman kaya sana unawain mo din ako na ginagawa ko to para sa pamilya ko at para sa ating dalawa na din, di ako magiging masaya na umaasa lang lagi sa tulong ng iba at tandaan mo na kahit malayo tayo sa isat isa mahal na mahal pa din kita, mahirap din sakin na magkalayo tayo pero naniniwala ako pagsubok lang to sa relasyon natin kung talagang mahal natin ang isat isa hindi magiging hadlang ang trabaho at responsibilidad ko sa pamilya, basta huwag tayong susuko" mahabang paliwanag ni Mj.
" Nasasaktan ako kasi ang hirap pala talaga na malayo ka sa mahal mo, tapos wala kang magawa dahil di mo naman kayang makontrol lahat ng bagay, Siguro tama ka masusubok nito ang tibay ng pagmamahalan natin kaya Diyos na ang bahala sa ating relasyon sya naman ang nakakaalam ng lahat ng bagay, pero aaminin ko sayo ngayon ko lang talaga naranasan na manabik ng ganito sa isang tao na para bang kailangan kasama kita lagi dahil wala akong masisimulang gawin pag di kita kasama, ganun kita kailangan Mj" maluhaluhang pagtatapat ni Gelo ng dahil sa pangungulila nya sa dalaga
" Salamat sa Diyos dahil binigay ka nya sakin Gelo, mahal na mahal din kita kaya buo ang tiwala ko kahit magkalayo tayo, Ikaw yung lalaki na pangarap kong makasama at mahalin, kulang ang salita para mapatunayan ko na mahal talaga kita pero sana maniwala ka" sagot ng dalaga
" Naniniwala naman ako na mahal mo ako, at naiintindihan ko din na may responsibilidad ka sa pamilya mo, kaya lalo akong humahanga sayo dahil responsable ka at mapag mahal, magingat ka palagi dyan Love at magpahinga ka na din baka sobra na kitang naabala, I love you sweet dreams" paalam ni gelo
" Salamat sa tiwala Love mahal na mahal kita, magpapahinga na ako at maaga pa ang duty ko bukas, Ingat ka palagi dyan" paalam din ni Mj sa nobyo
kinabukasan ay maaga syang umalis para bumili ng prutas at bulaklak plano nyang kausapin ng masinsinan si Marie upang maka hingi na rin ng tawad sa dalaga sa lahat ng kaniyang pagkukulang noong sila pa.
Masayang masaya si Marie ng makita nya si gelo sa labas ng kanilang gate na may dala dalang bulaklak at basket na puno ng prutas. pinabukas nya agad sa kanilang katulong ang gate ng makapasok si gelo habang naghihintay sya sa kanilang sala.
" Hi Gelo kanina pa kita inaantay, nagpaluto ako ng favorite mo crispy kare kare tara sabay na tayo kumain, sayang wala sila mama and daddy may pinuntahan kasi sila" masayang bati ni Marie ng makita si Gelo.
" Ahhh ganun ba tamang tama di pa ako nakain ng lunch, may gusto rin sana akong sabihin sayo, pero mamaya na lang after lunch, eto nga pala dala ko para sayo" sabay abot ng bulaklak at prutas ni Gelo
" Yeyyy thank you ang sweet mo Talaga, tara kain na tayo" masayang sambit ng dalaga.
Masaya nilang pinag saluhan ang masasarap na pagkain na ipinahanda ni Marie sa kanilang katulong, matapos kumain ay inaya sya ng binata na uminom ng kape sa kanilang tambayan, ito ay sa garden nila Marie kung saan may malaking puno ng mangga at sa ilalim ay may maliit na kubo.
" Napaka dami nating memories dito together, dito mo ako nililigawan, dito rin kita sinagot pati mga tampuhan natin dito and Im so happy kasi nandito ka with me, I love you so much Gelo" madamdaming pag alaala ni Marie at paglalahad ng damdamin sa binata.
" Totoo saksi tong puno at kubo na to sa relasyon natin, may gusto ako sayong sabihin Marie" panimula ni Gelo
" Ano yun?" Marie
" Mahalaga ka sa akin Marie at naging maganda naman ang samahan natin dati sa loob ng limang taon wala nga akong maalala na malaking away natin noon, gusto kong maging malinaw ang lahat para sa ating dalawa, bilang respeto na rin sayo gusto kong magpaalam ng maayos, wala na tayong babalikan o bubuuin na relasyon na tulad ng dati, mahal na mahal ko si Mj at di ko kayang masira ang relasyon na mayroon kami ngayon. Mahal kita pero bilang kaibigan na lang kaya kung maari kalimutan mo na yung nakaraan natin." pahayag ng binata
" Paano mo to nagagawa sakin Gelo, ikamamatay ng puso ko pag nawala ka sakin, di ko din kaya, pano mo nagawang itapon lahat ng pinagsamahan natin, bat di mo man lang pinaglaban yung relasyon natin dati, tapatin mo nga ako minahal mo ba talaga ako o ginamit mo lang ako para sa pansarili mong kagustuhan, binigay ko sayo lahat,,,lahat pati pagka babae ko..." sabay iyak ng dalaga
" Humihingi ako ng tawad kung nasasaktan kita pero mas masasaktan ka pag di ako nagpaka totoo sayo, talagang mahal ko si Mj at mas makaka move on ka kung di na tayo magkikita" sabay yakap sa dalaga na wala pa rin tigil sa pag luha.
" Sinungaling ka Gelo, pinaniwala mo ako sa loob ng limang taon pero ngayon parang wala lang sayo, bakit mo to ginawa sakin? pinaasa mo lang ako, bakit mo pa ko inalagaan at dinalhan ng bulaklak tapos sasakta mo lang pala ako. Gumaganti ka ba sakin dahil kay Troy?, ilang beses ko na sinabi sayo di ko sya minahal ikaw lang Gelo,,ikaw lang." pahayag ni Marie na masama pa din ang loob sa mga pinagtapat sa kaniya ni Gelo
" Mahalaga ka pa rin sa akin kaya di ko kayang di sundin ang hiling ng mga magulang mo na alagaan ka lalo na sa pinagdaanan mo, alam ko na matalino at matatag ka deserve mo yung lalaki na mamahalin ka ng buo and God will give you that, tandaan mo lagi kitang isasama sa mga panalangin ko Marie" gelo
" Alam mong minahal kita, wala sa hinagap ko na susukuan mo ng ganun kadali ang relasyon natin, pero ano bang magagawa ko kong di mo na ako mahal, kung talagang si Mj na talaga ang mahal mo di ko yun kayang kontrolin, ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya, sana siya na talaga huwag mo syang paasahin ng matagal na panahon tapos pag may nakita kang iba iiwan mo, tandaan mo hindi lang puso ko ang sinaktan mo pati katawan at kaluluwa ko apektado, kaya kung maisip mo na ako pala talaga ang mahal mo sana di pa huli ang lahat" mahabang pahayag ni Marie
" Maraming salamat Marie, Ingatan mo lagi ang sarili mo at sisikapin ko na di maulit ang nangyari sa atin noon sa relasyon ko ngayon kasama si Mj. Paano aalis na ako dahil may aasikasuhin pa ako sa bahay, maraming salamat" pag papaalam ni Gelo.
" SIge na magpapahinga na ako, mag ingat ka din at salamat sa pagsasabi sakin ng totoo ngayon, at least ngayon mas klaro na sa atin ang mga bagay bagay, siguro kailangan ko lang talaga ang ganitong closure, bye Gelo" at pumatak muli ang luha sa mata ng dalaga.
" Salamat talaga magaan na rin ang pakiramdam ko dahil maayos na tayo ngayong nagpaalam sa isat isa, paalam na sayo Marie, God Bless us all" huling salita ng binata at tumalikod na ito at lumakad patungo sa pintuan.
Wala ng nagawa ang dalaga kundi pagmasdan ang lalaking mahal nya na paalis at maaring di na nya makita kailanman.
Magaan ang kalooban ni Gelo ng umalis sa bahay ni Marie, dahil alam nyang nabigyan nya na ng malinaw na katapusan ang samahan nila ng dalaga para maging buo sya sa pagpasok nya sa bago nyang karelasyon na si Mj.
Kailangan na lang nyang pangatawanan ang Pag ibig nya sa dalaga kahit mahirap. Dahil mahal nya ito at di nya kakayanin na may humadlang sa kanilang dalawa.
Malapit ng umuwi ang dalaga sa Pilipinas kaya gusto nyang makausap ang mga magulang nya tulad ng napag usapan nila ni Mj ay ipakikilala nya ito ng personal sa mga ito pag dating nya sa bansa.