Chereads / Bat di ko nasabi? / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

Ng dahil sa mensahe na natanggap ay naisip nya na ipakilala na si Mj sa kaniyang pamilya pagbalik nya sa pilipinas tutal dalawang buwan na lamang ay matatapos na ang kaniyang kontraya kaya kakusapin nya na ang dalaga para ipaalam ang kaniyang plano ng minsan magkasama sila sa taas ng barko para magpahinga...

"Love..." gelo

"Bakit?" mj

"May gusto sana akong sabihin sayo, plano ko na ipakilala ka sa pamilya ko pag balik natin sa pilipinas" Paliwanag ni gelo

"Masaya ako kung ganun, ikaw din ay gusto ng makilala sa personal ng aking pamilya,Pero sampung buwan ang kontrata ko sa barko at nakaka tatlong buwan pa lamang ako" sgot naman ng dalaga

" Sa September na ang tapos ng kontrata ko dalawang buwan na lang yun mula ngayon, pero try ko kausapin si Sir Dan para ma-extend ang kontrata ko para sabay tayo makabalik ng pinas kung hindi at least matagal pa kita makasama dto sa barko" Gelo

"Sana nga maextend ka pa kasi di ko ata kaya na magkalayo tayo ng matagal, mahirap na baka...." sambit ng dalaga na halatang ayaw mawalay sa kasintahan

"Baka ano? alam mo pag sinabi ko na mahal kita mahal talaga kita di kita para ipakilala sa magulang ko kung di kita mahal, baka ikaw nga dyan eh pag naiwan na kita dito sa barko at bolahin ka nyan ni Pao, naku..sinasabi ko sayo Mj....maghahalo ang balat sa tinalupan" paliwanag ng binata na may kasamang pabirong pagbabanta ng dahil sa pagmamahal nya sa dalaga

"Ang ganda ko naman masyado para magustuhan ni Pao mala anghel kaya sa kaguwapuhan yun tyaka bet yun Ni Fej nohhh di ako marunong ma-nalo ng kaibigan ko" pabirong sagot ng dalaga

"Maganda ka naman talaga, baliw ka nga lang pero mahal pa rin kita kahit may sayad ka mahal na mahal pa rin kita, di ko mapaliwanag paano ko na developed ang ganitong feelings sayo samantalang badtrip pa nga ako sayo ng una tayong nagkita, siguro ginayuma mo ako noh" pilyong sambit ng binata kay mj

"Pero alam mo Love natatakot talaga pag umalis ka na kasi sino ba naman ako kumpara sa ex mo na parang Dyosa na sa ganda.... Di ba?... tapos sya pa ang gusto ng nanay mo para sayo, baka pag umuwi ka sa pinas ma realize mo na naging palipas oras mo lang pala ako dito sa barko dahil natutuwa ka sakin, baka di ko kayanin yung sakit pag nalaman kong di mo pala ako mahal" seryosong pagtatapat ng dalaga sa tunay na saloobin na bumabagabag sa kaniya.

"Love dapat wag mong isipin yan, sa totoo lang sabihin ko man sayo na mahal kita panahon na lang ang tutulong sa akin para mapatunayan sayo na talagang mahalaga ka sa akin at mahal na mahal kita, wala naman yan sa pisikal na anyo o tagal ng pinagsamahan nasa tunay na nararamdaman yan,,, at alam ko gagabayan tayo ng Diyos para maging maayos at matagumpay ang relasyon natin...." sabay yakap sa dalaga at binigyan ito ng malambing na halik sa noo.

" Nagpapakatotoo lang ako sa nararamdaman ko, di kasi mawala sa isip ko ang mga ganyan na bagay lalo na at bago pa lang naman tayong dalawa" madamdaming sagot ni mj.

" Sa relasyon naman Love may mga problema talaga pero ang mahalaga mahal natin ang isat isa at di mawawala ay ang pag uunawaan at patawaran, lalo na ang pananalig sa Diyos dapat laging si Lord ang nasa sentro natin para matatag yung pundasyon natin, sya na ang bahala sa atin" Gelo

"Salamat kasi pinaparamdam mo sa akin na kahit marami akong pagkukulang at kahinaan nandyan ka para suportahan ako,mahal na mahal din kita, kaya salamat sa Diyos pinagtagpo nya tayong dalawa, kaya masaktan man ako dahil sa relasyon nato di ako mahihiya kasi alam ko ikaw yung minahal ko" Mj

Dahil sa madamdamin nilang paguusap ay di nila maiwasan ang maging emosyonal, di na namalayan ni Mj na bumagsak na ang luha sa kaniyang mga mata...Naramdaman ito ng binata ng dahil sa mga patak ng luha sa kaniyang braso

"Bat ka umiiyak?" tanong ni Gelo sa dalaga habang yakap pa rin nya ito

"Wala, masaya lang talaga ako, di ko kasi akalain na may tatanggap pala sa akin na katulad mo, di naman ako kagandahan wala din akong diploma o mayaman na pamilya na katulad mo" paliwanag ng dalaga

" Kaya nga napatunayan ko na mahal kita talaga eh, kasi kahit may mga pagkukulang ka na sinasabi mo ngayon di ko yun nakikita, ang nakikita ko yung ganda ng puso mo, at alam mo ba pag kasama kita magaan sa pakiramdam,,, yung wala akong kailangan na patunayan, yung totoo lang...ganun..at isa pa ako din naman maraming kakulangan pero minahal at tinanggap mo din, kaya salamat" madamdaming paliwanag ng binata

" Napaka drama na atin Love hahahahahahha" biglang pabirong hirit ng dalaga upang mawala ang nakakabagbag na ambiance sa pagitan nila ng binata

"Ikaw nauna eh... hahahahah " di na rin mapigilan ni Gelo ang matawa

"Gutom na ata tayo Love tara kumain na tayo hahahahah" pag aaya ng dalaga na nilalamig na din dahil sa hangin mula sa dagat na tumatagos sa kanilang damit

"Tara na kaumain na tayo, baka san pa mapunta usapan natin" gelo

Sabay silang kumain ng gabihanat dahil may pasok kinabukasan ay nagpahinga na rin sila.

kinabukasan ay natanaw ni Gelo na kausap ni Mj si Pao at mukhang may seryosong pinaguusapan. Dahil sa kanilang mga napag usapan kagabi ay nawala na ang kaniyang pangamba alam nya na di sya lolokohin at sasaktan ng dalaga kaya masaya nya pang binati ang dalawa

" Good morning Love..." sabay halik sa pisngi ng dalaga

"Tara Pao sabay na tayo pumasok" masiglang paanyaya ni Gelo

"Ahhh sige kuys may sasabihin daw kasi si Mj sa akin" paliwanag ni Pao

" oo nga Love mauna ka na saglit lang naman to eh" sambit ng dalaga habang nakangiti sa binata

" Sige,,, una na ako sabay tayong mag la-lunch ah..." paalam ng binata sabay tapik sa balikat ni Pao

Mabilis na lumipas ang ilang linggo at nanatiling masaya ang dalawa sa kanilang relasyon kahit araw araw ay pinadadalhan sya ng mensahe ng ina tungkol sa dating nobya..kaya para na din sa matagal nilang pinagsamahan ni Marie ay nagmessage sya sa dalaga.

"Kamusta ka na Marie, nabalitaan ko na may sakit ka raw, sana ay maayos na ang kalagayan mo ngayon, sana maniwala ka na kahit di na tayo magkama ay nagaalala pa din naman ako sayo bilang kaibigan mo, sana ay matutunan mo ng tangapin na di tayo ang para sa isat isa, alam ko na may lalakeng darating sa buhay mo na laging nandyan para sayo at magmamahal"-Gelo

" Hindi ko kaya Gelo, gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin" huling mensahe ng dalaga

lumipas ang ilng lingo at wala na syang natatanggap na mga mensahe mula rito kaya naisip nya na tuluyan ng naka move on sa kanya si Marie. Maganda rin naman ang naging balita sa kaniya ng kaniyang Manager, ng dahil sa maganda nyang performance ay bingyan sya nito ng tatlong buwan pa na extension sa kontrata, kaya masaya nya itong binalita sa dalaga....

" Talaga ba? Love.... buti naman at nabigyan ka pa ng extension" masayang masaya ang dalaga ng dahil sa balitang nalaman

" Oo kaya nga sobra ang pasasalamat ko kay Sir Dan dahil sa tulong na binigay nya sa akin" di rin malaman ng binata ang gagawin sa sobrang saya

" Grabe talaga ang pabor na binibigay sa atin Diyos, thank you po G" sambit ng dalaga

"Totoo yan, thank you G, " masayang pag sang ayon ng binata

"Naku muntikan ko ng makalimutan, may sopresa nga pala ako sayo, tara " pakiusap ng binata

"Bakit? ano na naman yan, ikaw masyado mo na akong sinasanay sa mga sopresa?" nagtatakang tanong ng dalaga

"Basta halika na" gelo

Pag dating sa cabin ng binata ay nakahanda na ang kanilang pagkain at nakita nya ang malaking teddy bear at may hawak itong box na parihaba na nakaupo sa higaan ng binata.

" Nakakahiya naman, napaka dami mo ng binigay sa akin, tas may utang pa ako sayo" maluha luhang sambit ng dalaga

" Wala yun makita ko lang na masaya ka, mas masaya sa pakiramdam ko yun Love" sabay hapit sa baywang ng dalaga at binigyan ito ng maiinit na halik, di rin naman napigilan ng dalaga ang kaniyang damdamin kaya niyakap din nya ng mahigpit ang binata at gumanti ng halik ng biglang.....

"Teka... Love..kumain na tayo baka mamaya makagawa pa tayo ng kasalana heheheh" biglang hirit ng binata

" Wow!!!! grabe love grabe talaga!!!! iba talaga self control mo" bilib na sambit ni Mj sa nobyo

" Ganun kita kamahal tandaan mo yan,, ayokong masira ang magagandang plano natin" sabay hinga ng malalim at inom ng malamig na tubig ni Gelo

"Salamat Love" saka umupo ang dalaga at kinuha ang teddy bear na sobrang cute at lambot

Nahulog naman ang Box na nakapatong sa teddy bear at dinampot ng binata at binuksan isa itong magandang necklace na may design infinity at makinang na bato sa gitna...Isinuot nya ito sa dalaga at sobra ang pasasalamat nito at binigyn sya ng matamis na halik

"Grabe Love sobrang ganda, siguro napaka mahal nito, lalo na at sa barko mo to binili" mj

" Basta ingatan mo para sayo yan" Gelo

" Syempre naman, lahat ng binibigay mo sa akin pinahahalagahn ko" mj

Masaya silang kumain at ng palabas na si Mj sa kwarto ng binata upang magpahinga ay nakita nya ang isang sobre

"Love may sulat ka ata, nakita ko sa lapag malapit sa pintuan" Mj

" Ano ka yan,,, akin na mamaya ko na lang yan bubuksan baka notice lang yan ng extension, hahatid na lang muna kita" kinuha ng binata ang sobre at inilagay sa bulsa

pagbalik sa kwarto ay naalala nya ang sobre, nagulat sya sa nakita, picture nila ni Marie at ang love vows nya sa dalaga noong 5th anniversary nila....

"Paano to napunta dito?" sobrang pagtatakang sambit ng binata ng dahil sa nakita...