Masaya si Mj dahil sa nasaksihan na pagmamahal ni Gelo sa kaniya at kung paano siya nito pinili kaysa sa dati nitong nobya na si Marie.
Pero kailangan nya din harapin ang problema ng kaniyang sariling pamilya. Dahil 7 hours lang naman ang duty nya sa trabaho naisip nyang mag sideline bilang part time singer sa loob ng barko. Dahil palakaibigan naman ang dalaga ay may mga tumulong agd sa kanya para makapasok bilang singer.
Maganda talaga ang boses ng dalaga kaya di sya nangangamba, kaya sa umaga ay nagtatrabaho sya bilang barista at sa gabi naman ay kumakanta sya. Sa loob ng dalawang lingo ay nakaipon na agad sya ng malaki dahil sa mga tip na nakukuha nya, malaki ang matutulong nito para matapos na nya ang bayadin sa kanilang nakasanlang lupain sa probinsya.
Hindi nya pinaalam sa binata ang kaniyang mga ginagawa dahil ayaw nya na malaman pa nito ang kaniyang problema sa pinansyal. Ngunit dahil di na sila madalas magkasama ni Gelo pagtapos ng trabaho sa resto ay inanyayahan sya nito...
"tara sabay na tayo kumain ng dinner" pag aaya ni Gelo sa dalaga.
" Ahhhhh ok tara kain na tayo" may pasok pa mamaya ang dalaga sa ibang bar kaya nagmamdali na ito.
"Pero maaga pa masyado manuod muna tayo ng favorite mo na gameshow" Gelo
" ahhhhm kasi gutom na ako eh at gusto kong maagang matulog para makapagpahinga kaya kumain na lang tayo ngayon" Paliwang ng dalaga habang kinukumbinsi ang binata
" Alam mo madalas kang ganyan sobrang aga mo matulog samantalang hapon pa lang naman out muna sa bar diba, may sakit ka ba?" nagtatakang tanong ni Gelo
" Ehhhh gusto ko lang maaga matulog para may lakas ako sa umaga, babawi na lang ako sayo sa off tutal pareho namn tayo ng day off" pilit pa rin nyang kinukumbinsi ang binata upang di makahalata
" Ok basta sa off natin wag mo akong tutulugan mag date tayo kahit nasa barko lang tayo ah" sabay kintal ng halik sa dalaga at hawak sa mga kamay nito
Naramdaman ni Gelo na may tinatago sa kaniya si Mj kaya gusto nya itong alamin dahil alam nya na di ito aaminin ng dalaga kahit kulitin nya.
Saglit lamang silang kumain at nagpaalam na ang dalaga na gusto na nitong magpahinga kaya hinatid nya ito.
"Salamat Gelo, sige magpapahinga na ako ikaw din ah magpahinga ka na, bukas na lang ulit'' paalam ng dalaga
"Teka parang gusto mo na agad ako umalis, wala bang pa kape dya?" Gelo
" Ahhh bukas ng umaga pagtitimpla kita, promise" Mj
"Ayoko gusto ko ngayon na please saglit lang naman eh" pangungulit ng binata
"Wala kasi akong kape dito ngayon eh bukas na lang talga please gusto ko na magpahinga eh" Palusot ng dalaga
" Sige na nga walang bang goodbye kiss dyan?" paglalambing ni Gelo sa dalaga
Hinapit nya ang baywang ng dalaga at niyakap ito ng mahigpit.
"Alam mo ngayon ko lang nalaman na ganyan ka pala ka swee at ka clingy, syempre love kita kaya may kiss ka sakin para mapanaginipan mo ako heheheh"
Nauna ng kinintalan ng halik ng binata ang dalaga at mukhang ayaw nya pang bumitaw ngunit tinulak sya ng dalaga.
" Kakatapos lang natin kumain amoy mayonaise pa ako heheheheh" nahihiyang paliwanag ng dalaga
"Okay lang yun , pero pansin ko talaga wala ka ng oras para sating dalawa laging nagmamadali kang matulog, dalawang off natin tinulugan mo lang ako, nagaalala na ako kasi baka may sakit ka dahil nakikita ko na namamayat ka at lumalalim ang mga mata mo, kahit sinasabi mo na magpapahinga ka, mukha ka naman laging kulang sa kain at tulog, sabihn mo sa akin kung may problema ka ba para matulungan kita, pakiusap" di na napigilan na aminin sa dalaga ang kaniyang nararamdaman at naobserbahan dahil nagaalala sya dito.
"Oo may problema nga ako pero kaya ko to, ayokong idamay ka pa sa personal kong problema dahil bago pa lang naman tayo, baka mamaya...." di na natuloy ng dalaga ang sasabihin.
"Baka ano? sabihin mo kasi ayokong nagsisinungaling ka sa akin dapat wala tayong tinatago sa isat isa, kaya nga mag kasintahan tayo eh, kung ano man ang problema pwede natin pagusapan at solusyunan ng magkasama" paliwanag ng binata na halatang masama ang loob dahil sa paglilihim ng dalaga.
" Kaya ko naman kasi tong solusyunan eh ayokong idamay ka pa, si Marie na nga ang laging tumutulong para sa nanay mong may sakit tapos ako bago mo pa lang nakakarelasyon problema agad ang ibibigay sayo, di ko na para pasakitin pa ang ulo mo" ganting paliwanag ng dalaga
" Sa tingin mo ba di sumasama ang loob ko dahil sa paglilihim mo sa akin, di ko matatangap kung may mangyri sayong masama lalo na at magkasama tayo, kaya aminin mo na sa akin ano ba ang problema mo?" Gelo
" Di mo na talaga dapat pang malaman eh" Mj
Dahil di na makapag pigil ang binata ay hinila nya papasok ng kwarto si Mj para malaman ang katotohanan, dahil nahihiya na sya sa mga nakaka saksi sa kanilang pinag uusapan.
"Ngayon tayo na lang dalawa dito, nakikiusap ako sayo Mj sabihin mo sa akin ang totoo kung talagang mahal mo ako di ka maglilihim sa akin, please" pakiusap ng binata habang hawak ang mga kamay ng dalaga
Di napigilan ni Mj ang maluha dahil sa pamimilit ng binata...
"Nag.....ta....trabaho ako sa...sa... ibang bar bilang part time singer kaya wala na akong masyadong oras para sa atin, sa umaga nasa restaurant ako bilang barista pag out ko matutulog ako saglit dahil kinagabihan kakanta na ako sa kabilang restobar madaling araw na ako nakaka uwi kaya ilang oras na lang ang tulog ko sa umaga" paliwanag ng dalaga habang di mapigiln ang pag hikbi.
"Bakit mo naman kailangan pang kumuha pa ng isa pang trabaho, nagpapakamatay ka ba?" nagaalalang tanong ng binata
" Na....nakasangla kasi ang lupa at bahay namin sa...sa probinsya, pag di ko pa nabayadan agad malamang ay magkagulo sa amin, inatake na.....na nga ng sakit ang tatay ko dahil sa sama ng loob sa kamag anak namin eh." muling paliwanag ng dalaga.
"Bat di mo agad sinabi sakin kaya naman kitang tulungan, magkano ba ang pagkakautang nyo?"
" Huwag mo ng intindihin yun, malapit na ako makaipon at isa pa napahiram na ako ni Pao ng pera para paunang bayad" Mj
"Ano?!!!...si Pao ang nilapitan mo, ako ang byfriend mo pero sa iba ka humingi ng tulong, ano bang tingin mo sa akin di ka kayang unawain at tulungan" masama ang loob ni Gelo ng dahil sa nalaman.
" Magkano ang pinahiram sayo ni Pao?, o baka binigay na lang sayo?" pag aakusa ng binata ng dahil sa selos na nararamdaman.
" Di pa tayo nun noong humiram ako kay Pao, huwag ka naman magalit" Mj
"Kahit na....sana ngayong tayo na inamin mo sa akin ang problema mo para madadamyan kita, ano na lang ang sasabihin ng ibang tao lalo na yang si pao, na wala akong kwentang nobyo" galit pa din na sagot ng binata
Niyakap ni Mj si Gelo habang humihingi ng pangunawa at kapatawaran sa mga nagawa, di rin nagtagal ay niyakap sya ng binata at pinatawad...
" Basta sa susunod huwag ka ng maglilihim sa akin, at magkano ba ang utang mo kay Pao ako na ang magbabayad?" tanong ng binata
" Ako na ang bahala dun, kaya nga ako nagtatrabaho para di umasa kahit kanino eh" paliuwanag ng dalaga
Lalo naman namangha ang binata sa dalaga dahil sa katatagan nito at sa tibay ng prinsipyo sa buhay.
" Basta ano man ang problema mo magsasabi ka lang, at pakiusap tigilan mo na ang pag sideline mo sa kabilang bar dahil baka magkasakit ka sa ginagawa mo" Gelo
" Hayaan mo malakilaki na namn ang naiipon ko kaya baka dalawang linggo na lang ay titigilan ko na din" Mj
"Anong dalawang linggo, baka bumigay ang katawan mo sa pagod, ako na lang ang magpupuno sa kakulangan" matigas na salita ng binata
" Di ko naman kayang tumanggap ng pera na di ko pinaghirapan" paliwanag ng dalaga
" Kung ayaw mo eh di utang mo na lang sa akin, bayadan mo ako pag nakaluwag ka na, wag ka ng umangal yun na yun ok" sabay halik sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit.
Wala ng nagawa ang dalaga dahil sa ganda ng alok ng binata. Niyaya naman sya ng binata sa kabilang bar para magpaalam na sa manager na di na sya makaka- kanta pa, Laking swerte naman nya dahil mabait ito at di sya nahirapang magpaalam.
Dahil halata naman sa dalaga na pagod na ito ay hinatid na nya ito agad sa quarters nito at pinagpahinga, sya din ay pumunta na sa sarili nyang quarters para magpahinga. Pag balik nya sa kwarto ay napansin nya na marami ang messages nya mula sa ina.
" Gelo, anak sobra akong nahihiya sa mga magulang ni Marie ng malaman kong may sakit ito hanggang ngayon ng dahil sa depression, pakiusap kung mahalaga ako sayo ay bigyan mo pa ng pagkakataon na maayos nyo ang inyong relasyon alam ko kung gaano mo sya kamahal, saksi kami ng ama mo sa relasyon nyo, di ka na makakatagpo ng babaeng katulad ni Marie maniwala ka sa akin. At ako bilang ina mo wala na akong tatangapin na babae sa buhay mo kung di si Marie lamang" mahabang mensahe sa kaniya ng ina.
Sumakit naman ang ulo ni Gelo ng dahil sa nabasa, nag aalala pa rin naman sya sa dating nobya dahil mahaba din ang kanilang pinagsamahan, pero may bago na syang pagibig at di nya ito kayang iwan, ngunit di rin naman nya kayang pasamain ang loob ng ina na alam nyang may karamdaman.
Ano na ang kaniyang gagawin?.....