Kinabukasan ay walang pasok sa trabaho si Gelo pero wala syang plano na lumabas ng kwarto. Masama pa din ang loob nya sa nakita kagabi. Pero naisip nya na bat sya mag mumukmok sa kwarto kaya pumunta sya sa tambayan nila at ito ay ang kwarto ni fej.
Lalo syang nainis ng makitang magkatabi si mj at Pao at naguusap kasama si fej at Mike.
Binati agad sya ni Mike..
"Pre kamusta?" mike
"Ayos lang ano bang makakain dyan?" sagot ni Gelo para maiba ang topic.
Alam naman nya na ang gustong kamustahin ng kaibigan ay ang lagay ng kaniyang puso. Ngunit dahil kasama nila si Mj kaya iniba agad nya ang usapan.
" Eto may salad dito, burittos at steak sandwich" alok ni Fej sa kaibigan
Di naman umiimik si Mj at patuloy lang sa pagkain, si Pao naman ay busy na sa kaniyang pag se-cellphone.
Ng matapos silang kumain ay nag aya si Fej at Mike na mag movie marathon ng mga thai movies na nakakatakot.
Pumayag naman silang lahat kaya inimis na muna nila ang kanilang pinagkainan at iniwan ang mga pwede nilang kainin.
Umupo na sa lapag si Mike at fej hinila na rin ni Fej si Pao sa lapag para maiwan magisa sa kama si Mj at pinaupo ni Mike si Gelo sa kama, kaya naging magkatabi ang dalawa pero ilang pa rin na magusap. Pinatay na nila ang ilaw para mas maganda ang panunuod.
Nagsisimula na ang palabas ng makaramdm ng pagkati ng lalamunan si Mj sa dami ng nakain nya kanina. Napansin agad ito ni Pao kaya tumayo ito para abutan ng tubig ang dalaga.
"Oh uminom ka muna ng tubig, ang takaw mo kasi eh" sambit ng binata habang inaabot ang tubig kay mj.
"salamat Pao" kinuha na ni Mj ang tubig at ininom ito.
Bakas naman sa mukha ni Gelo ang pag kairita kaya umupo na agad si Pao at bumalik sa pwesto.
Nasa kalagitnaan na sila ng palabas ng mapansin ni Gelo na nakasandal si Pao sa binti ni Mj habang nanunuod ng movie.
Di na nya napigilan ang inis kaya tumayo sya at kunwari ay mag c-cr, paglabas nya sa banyo ay pinausod nya si mj sa pagkakaupo kaya naging katapat nito si Fej na takot na takot sa pinanunuod at sya na ang katapat ni Pao na halatang nagulat pero wala itong nagawa.
Habang papalapit na ang climax ay lalong nakakatakot ang mga pangyayari sa palabas kaya di maiwasan ni mj at fej na mapahiyaw.
Kinuha ni Gelo ang kamay ni Mj at hinawakan to ng mahigpit, nagulat ang dalaga sa ginawa ng binata kaya napatulala ito sa kanya at di napigilan ni Mj ang mapangiti.
Umusod nman ang binata upang lalong magkalapit ang katawan nila ng dalaga. Maging sya ay nagulat ng biglang halikan ni Mj ang kaniyang mga kamay at bumulong sa kaniyang tainga ng....
" I love you..." mj
Di na nya napigilan ang kaniyang sarili, pasimple nyang kinintalan ng matamis na halik sa mga labi ang dalaga. At sumenyas na huwag silang gumawa ng ingay at manuod na lamang.
Ngayon nya napatunayan na mahal nya na si Mj. Na ano man ang gawin ng dalaga at marami man ang humadlang mananaig ang pagibig nya dito.
Natapos na ang palabas ngunit nagaaya pa ang mga kasama na manuod pa ng isang movie, ngunit nagpaalam na si Gelo sa mga kaibigan. Kaya ang mga ito na lang ang manunuod.
Pagkalabas ni Gelo sa pintuan ay nagpaalam na din si Mj sa mga kasama at nagpalusot na lang na kakausapin ang pamilya kaya mauuna na sya.
Paglabas nya ng pinto ay nakita nya si Gelo na nagaabang sa hallway.
"Gelo!" tawag ni Mj sa binata upang ipaalam na nandoon na sya sa labas ng kwarto.
Lumapit na sa kanya si Gelo..
"may plano ka bang gawin ngayon?" tanong ng binata
" Gusto ko sana manuod ng runningman" Mj
" Ano naman yun?" gelo
" Magandang plabas yun sinusubay bayan ko, korean gameshow yun na sobrang nakakatawa" paliwanag ni Mj.
" San tayo manunuod?" gelo
" Sa tv may flash drive naman ako eh" sagot ng dalaga
" Pwede ba ako pumasok sa kwarto mo? Baka magalit ang kasama mo" gelo
"Manunuod lang naman tayo eh, tyaka yung kasama ko ang day off nun sa martes pa kaya wala pa sa quarters namin yun" masayang paliwanag ni Mj at halatang gusto na nitong makasama si Gelo sa panunuod
" manunuod lang naman tayo, wala tayong gagawin na pagsisihan natin at tandaan mo kung di mo gusto di ko ipipilit"sagot naman ni gelo sa dalaga habang naka ngiti
" wala talaga, baka sakan kita kahit mahal kita" sabay amba ng dalaga sa binata na kunwari ay susuntukin nya
"Grabe ka namam, pero tama yan dapat di ka madaling bumigay sa tukso hahahhah" gelo
"Ikaw nga yung tukso sakin eh, wag na nga tayo manuod" mj
" Manuod na tayo wala naman tayo pwede gawin na iba, halika na" sabay hila sa kamay ng dalaga papunta sa quarters nito.
Pagdating nila sa tapat ng quarters ni Mj ay natatawa ang dalaga
"Bat ka natawa, sinasapian ka na naman" nagtatakang tanong ni Gelo.
"Di kasi dito ang kwarto ko hahahhaha sinundan lang kita noon para malaman ko kung san ka natutulog" paliwanag ng dalaga habang natatawa
" Di ka lang pala baliw, may pagka stalker ka din" sambit ng binata habang di mapigilan ang pag ngiti
Yumuko lang ang dalaga sa sobrang hiya habang di mapigilan ang pag ngiti, napansin ito ng binata kaya hinawakan nya baba nito at inangat ang ulo na parang bata. Natatawa na din ang binata at di nya napigilan na pingutin ng pabiro ang ilong nito.
"Ikaw talga ang cute mo kaso may sira ulo mo talaga hahhhahah" gelo
" Ang guwapo mo kasi kaya ayan nabaliw ako hahhhhhahahha"
Pumunta na sila sa tunay na kwarto ng dalaga at naghanda ang dalaga ng kape at chips. Si Gelo naman ay tinulungan na ang dalaga sa pag seset up ng kanilang papanuodin.
Dahil sobrang nasiyahan ang dalwa sa panunuod ay nakatatlong episode sila. Habang nanunuod ay panay din ang kwento ni Mj tungkol sa mga bida ng palabas na halatang paboritong paborito nya.
" Si kwang soo talaga pinaka maloko jan eh, pero ang crush ko si Gaery kasi at si haroro kasi astig sila pero kwela pa din, si Jihyo ang loveline dyan ni Gaery monday couple ang tawag sa kanila,,,," Masayang kwento ni Mj
"ahhhhh nakakatawa din yung dalwang nakasalamin" gelo
" yung nasa gitna lagi si Jaesuk yun yung pinaka matanda si Sukjin nakakatawa din yang mga yan tas yung singkit n malaki katawan si Comander jungkook yan kakatawa din yan" mj
Masayang masaya sila ng matapos ang tatlong episode nagulat pa ang binata ng malaman na halos 400 episodes na ang naturang palabas maging sya ay naging fan na nito.
Nakaramdam sila ng gutom kaya kumain muna sila sa restaurant dahil libre namn lagi ang pagkain nila doon.
Babalik sana sila sa kwarto ng dalaga ngunit naisip ni Gelo na dumaan sa kwarto nya upang kunin ang telepono at makibalita sa lagay ng ina.
Nakita nya na sobrang daming missed call ng kaniyang messenger, tumatawag pala sa kaniya si Marie kanina pang umaga.
Nagaalala tuloy sya dahil baka may sasabihin ito tungkol sa kaniyang ina. Imbis n tawagan ang dalaga ay tonawagan nito ang ina. Ngunit wala namang sumasagot. Kaya tinawagan na lang nya si Marie at ilnag saglit lang ay sumgot na ito.
"Hello...sweetie kanina pa ako natawag pero di ka makontak, akala ko ba day off mo?" litanya ni Marie sa dati nitong nobyo
Nakaupo lang sa isang tabi si Mj at kunwari ay walang nadidinig kahit naka loud speaker naman ang cellphone ng binata.
"Hello Marie, gusto ko lng sana malaman kung kamusta na si Mama?" tanong ng binata
"Kaya ako tumatawag dahil nakalabas na si tita ng Ospital at nagpapahinga na sa bahay nyo, ikaw kamusta ka na miss na kita" marie
" Maraming salamat sa pagaalaga mo sa Mama ko tatanawin kong utang na loob yun, pero sana wag ka ng masyadong pumunta sa bahay dahil ayokong umasa pa si Mama sa ating dalawa, Pasensya na Marie pero di ko na kayang makipagbalikan pa" madamdaming paliwanag ni Gelo
Walang naririnig si Gelo kundi mahihinang hikbi sa kabilang linya habang patuloy nyang pinakakalma ang dalaga.
"Nandito pa din namn ako sayo bilang kaibigan, pero kung higit pa dun pasensya di ko na kaya" muling paliwanag ni Gelo
" bakit may iba na ba?" tanong ng dalaga kahit dinig pa din ang pag hikbi nito.
"Ayokong masaktan ka pa, lagi kong isasama sa dasal ko na sana makatagpo k ng lalaki na higit na magmamahal sayo, pasensya na talaga Marie at salamat sa lahat" sagot ni Gelo
Wala na syang nadinig sa kabilang linya at mukhang patay na ang cellphone ni Marie.
Lumapit si Gelo kay mj at niyakap nya ito. Sobrang nagulat si Mj sa mga narinig, mali pala ang mga paratang nya sa binata.
Ngayon alam na nya na mahal na din sya ni Gelo at magtagumpay sya sa kaniyang plano na mapaibig ang binata.
Ilang minuto din silng nagyakap saka sila umupo, pinaliwanag sa kaniya ni Gelo ang mga nangyari.
Inanyayahan naman sya ni Mj na manalangin para sa kanilang relasyon at sa kanikanilang pamilya kasama na din si Marie na tiyak na nagdadamdam ngayon.
Ngatapos silang manalangin ay nakaramdam sila ng pagod kaya nagpahinga muna sila sa kwarto ni Gelo at nagkwentuhan. Maliit lang ang kama ng binata kaya umupo na lamang sila habang yakap ni Gelo mula sa likuran si Mj.
Masayang masaya sila dahil ito ay ang unang araw na sila ay naging mag kasintahan.
Napansin naman bigla ng dalaga na may tumatawag din sa kaniyang cellphone at ito ay ang kaniyang mga magulang.
Pinaalam sa dalaga na ang pinadala nyang pera ay kulang pa dahil sa laki ng interest ng kanilang utang sa lupa at ang ang kanilang pinagkakautangan ay pinagbabantaan ang kniyang pamilya ng masama kahit na ang mga ito ay kanilang mga kamag anak mismo.
Inatake na daw ng highblood ang kaniyang Ama sa tindi ng sama ng loob sa kamag anak.
Ano ang gagawin nya gayong may utang pa siya sa kaibigan na si Pao at si Fej naman ay may problema din sa pamilya kaya di na nya malapitan, kaya niya bang lakasan ang loob na humingi ng tulong pinansyal sa bagong kasintahan, ano ang gagwin nya para matulungan ang pamilya?