Chereads / Bat di ko nasabi? / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Maaga pa lang ay may kumakatok na sa pintuan ng binata. Ng buksan nya ang pinto ay nakita nya si Mj.

"Gelo, nagluto ako ng almusal natin tapos nag brew ako ng kape, tara kain na tayo" masiglang paanyaya ni Mj sa binata.

" Pasensya na di ako nagugutom, maaga pa kaya gusto ko magpahinga na lang muna" pagtanggi ng binata

Nakita nya na nalungkot ang dalaga, pero gusto na muna nya na lumayo dahil naguguluhan sya sa nararamdaman nya, at ayaw nyang may masaktan.

" Halika na saglit lang naman tayo kakain at masasarap ang pagkain na hinanda ko" di nagpatalo ang dalaga at pinilit nya pa din ayain ang binata.

"Gusto ko muna mapag isa pasensya na talaga, sa susunod na lang" muling pag tanggi ng binata

Wala ng nagawa ang dalaga kaya nagpaalam na ito at halatang masama ang loob. Gustuhin man nya na habulin ang dalag ay pinipigilan sya ng kaniyang isip.

Maghapon syang wala sa sarili nagtatrabaho lang sya ng walang tigil, sakit na ata nya ma kada may problema sya ay itinutuon nya ang sarili sa trabaho.

Lunch break na nila pero wala pa din syang gana kumain.

Kahit nahihiya ay lumapit sa kanya ang dalaga at inabutan sya ng pagkain at inumin.

"Di kita guguluhin, basta kumain ka lang, sana ano man ang problema mo ay maayos na magtiwala ka lng sa Diyos." malumanay na sambit ng dalaga, iniwan na nito ang pagkain at ang binata.

"Salamat" mahinang sagot ng binata.

Nagumpisa na syang kumain, di nya alam na pinagmamasdan pa din sya ng dalaga sa di kalayuan.

Napansin ni Fej ang dalaga at inaya na itong kumain, at nagkwento naman si Fej sa dalaga tungkol kay Gelo.

Si Fej ay kaibigan ni Gelo mula ng magkasama sila sa barko kaya marami rami na itong alam sa kwento ni Gelo. Si fej ay isang binabae pero dahil gustong maahon sa hirap ng buhay ang pamilya ay nagsikap makapag trabaho sa barko.

Tanggap naman sya ng mga kasama dahil sa galing nitong makisama. At hindi sya babastusin na bakla kaya nirerespeto sya ng mga katrabaho.

"Mj, ayoko manghimasok sa inyo ni Gelo pero kung talagang mahal mo sya wag kang susuko, malamang ay naguguluhan lang yan dahil sa bilis ng mga pangyayari"

"Gusto ko lang naman yung ikakabuti nya, at nangako ako sa kanya na isang buwan ko lang sya liligawa pag talagang ayaw nya sa akin di ko na sya kukulitin" paliwanag nya sa kaibigan.

"Gaga walang masamang manligaw ang babae pero sinimulan mo n rin naman wag ka agad susuko, sure ako bet k din nyan ni Gelo maniwala ka sakin, sa dami na ng lumandi dyan, ikaw lang ang pinansin nyan, alam mo bang dyosa ang beauty ng mga foreigner na ngtangkang umahas dyan" mahabang litanya ni Fej sa bagong kaibigan.

"Tama ka, pero pakiramdam ko kasi may problema sya at yun ang gusto ko malaman di ko nmn sya kayang kulitin ngayon baka mabwisit na naman yun sakin" mj

"Hayaan mo mamayang gabi aayain namin sya uminom ng magka alaman, tutal off na bukas"

"Sana sumama sya"

"Ako na bahala ipapayakag ko kay Mike di yun makakatanggi dun"

"Sige salamat Fej"

Ganun na nga ang nagyare dahil kay Mike ay nakasama nila si Gelo, ngunit si Mj mismo ang di nakasama dahil tumawag ang ama nito at may mahalaga silang pinaguusapan.

Kinamusta si Gelo ng mga kaibigan at naikwento nya ang pinagdadaanan nya sa kaniyang dating kasintahan.

Pinayuhan sya ng mga ito na sundin kung ano ang tinitibok ng puso nya dahil dun sya sasaya.

Papunta na sya sa kanyang kwarto ng biglang naisipan nya muna na dumaan sa upper deck para makapag isip isip.

Ng makapanik sya ay dumiretso sya sa madalas nyang pwesto sa dulong bahagi ng barko at nakita nyang magkasama si Mj at Pao at mukhang masaya ang dalwa.

Di na sya tumuloy at bumalik na lang sakanyang quarters para makapag pahinga.

Naiinis sya sa nakita nya kanina, ng biglang tumawag sa knya si Marie na dati nyang kasintahan.

Di nya gustong sagutin ang tawag nito ngunit plano nya din itong kausapin para sabihin sa dalaga na di na nya ito mahal at malabong magkabalikan pa sila.

Hanggang sa naputol na ang pagtawag ng dalaga, napansin nyang madmi na syang missed call mula dito at sa kniyang ina mismo. Kaya sya na mismo ang tumawag sa dalaga. Sinagot naman ito agad.

"Gelo sweet heart buti tumawag ka, gusto kitang kausapin si Tita kasi sinamahan ko sa ospital sumasakit daw ang dibdib kaya nandito kami ngayon" paliwanag ni Marie

" kamusta na si Mama pwede ko ba sya makausap?" nagaalalang tanong ni Gelo.

"Nagpapahinga sya ngayon sa bed, wag kang magalala akong bahala kay tita" marie

"pero gusto ko sya makausap please" pakiusap ng binata

"Sige ibibigay ko ang telepono sa kanya saglit lang"

Nakausap nya na ang kniyang ina at sinabi nito ang lahat ng pagaalaga ni Marie sa kaniya, gusto ng ina na bigyan nya pang muli ng pagkakataon ang relasyon nilang dalwa ng dati nyang nobya.

Hirap naman niyang aminin sa ina na wala na siyang nararamdaman para sa dalaga dahil baka sumama lang lalo ang lagay nito.

Kinausap sya ni Marie at humihingi ito ng isa pang pagkakataon para sa kanilang dalawa. Sinabi nya sa dalaga na wala sa isip nya ngayon ang mga ganoong bagay kaya nakiusap sya na bigyan pa sya ng panahon paraagisip.

Tinawagn naman nya ang mga kapatid nya para sila ang magalaga sa kanilang ina dahil di ito kaya magisa ng kaniyang ama na may mga nararamdaman na din sa katawan.

Ngunit lahat ng kaniyang kapatid na matanda ay busy sa kanikanilang pamilya. Tanging si Marie lng ang handang umalalay sa kaniyang mga magulang. Tinatanaw naman ny itong utang na loob.

Kinabukasan habang naka tambay sya sa taas ng barko ay tumawag syang muli kay Marie para kamustahin ang lagay ng ina.

Di pa din daw lumalabas ng ospital ang ina para ito ay lubusan ng gumaling.

Nalaman ni Mj ang lagay ng ina ni Gelo dahil kay Fej kaya hinanap nya ito nakita nyang may kausap ito kaya dahan dahan lang itong lumapit.

Nakita nya na Marie ang pangalan ng babaeng kausap ni Gelo mula sa screen nito dhil naka earphone naman ang binata. Nakita din nya ang picture ng dalaga, napaka ganda nito at talagang kabighabighani.

Bigla nyang naalala ang kwento ni Fej sa kaniya na kaya naging malamig muli ang pakikitungo ni Gelo sa kaniya ay dahil kay Marie na matagal nitong nging kasintahan sa pilipinas. Mukhang nakikipag balikan ang dalaga sa dati nitong nobyo.

Dahil sa selos na naramdaman ay agad syang umalis ng di nagpapahalata kay Gelo.

Di mapigilan ni Mj ang maluha, pagbaba nya ng hagdanan ay nakita sya ni Pao at sinamahan sya nito sa isang tahimik na lugar.

"Huwag ka ng umiyak, para kang sira di bagay sayo mas maganda ka kapag nakangiti ka, tulo pa uhog mo kadiri ka" pao

" Nakakahiya naman dami ko ng utang sayo, pinahiram mo na nga ako ng pera para sa utang namin sa lupa, lagi ka pang nandyan pg malungkot ako" mj

" huwag mong isipin yun babayadan mo naman yun sakin eh" pabirong hirit ni Pao

" Aba! Syempre kahit tubuan mo pa kaso hulug hulugan heheheheh" sagot ng dalaga na unti unti ng gumagaan ang pakiramdam.

" Joke lang yun wag mo masyado intindihin yung utang mo sakin pera lang yun, bakit ka ba umiiyak?" tanong ni Pao na may pag aalala.

" kasi pakiramdam ko nagkabalikan na si Gelo at yung Marie na matagal nyang naging karelasyon, anong laban ko dun sobrang ganda nun eh ako? Wala akong laban dun" paglalabas ng hinanakit ng dalaga

" Bat kailangan mo makipag laban, kung gusto ka ng tao kahit ano ka pa matatangap ka, ako tanggap kita" gulat na sambit ng binata at halatang nabigla ito sa huling nasambit.

" kayo tanggap nyo ako dhil kaibigan ko kayo eh paano naman ang nararamdman ko para kay Gelo" paliwanag ni Mj na parang manhid s ibig sabihin ng binata.

Niyaya na lamang nyang kumain si Mj kaya pumunta sila sa restaurant para kumuha ng pagkain.

Nakita sila ni Gelo na magkasamang nakain sa likod ng restaurant at masaya na naman silang naguusap.

Napansin nman ni Fej ang binata kaya sinabihan nya agad ito.

" Mag Kaibigan lang yan si Mj at Pao kasi magkasaby silang ng training wag mo pagisipan ng iba" bulong ni fej sa kaibigng si Gelo

"Wala akong pakielam" halatang masama ang loob ni Gelo sa nakikita kaya umalis na ito agad.

Nilapitan naman agad ni Fej si Mj para sabihin ang naging reaksyon ng binata.

Hindi naman makapaniwala ang dalga dahil nakita nya pang kausap ni Gelo si Marie kanina at mukhang may mahalagang pinaguusapan.

Pakiwari nya ay nagkablikan na ang dalawa kaya di na sya gaanong pinapansin ni Gelo.

" Ayokong manira ng relasyon ng may relasyon di nman ako ganun kagaga" pliwanag ni Mj sa mga kasama

" Sigurado ka ba na nakipag balikan talaga si Gelo?" tanong sa kanya ni Fej.

" di na nga ako nun pinapansin tapos lagi nya pang kausap yung Marie ano pa bang iisipin ko dun" sumbt na litanya ng dalaga

" di pa din tayo sigurado kaya wag kang mag salita ng tapos" Fej

Naguusap pa din ang mga ito, habang si Gelo ay nasa kwarto na nya at masama pa din ang loob sa nakita kanina.

Ano na ang mangyayari sa dalwang ito?