Di malaman ni Gelo kung ano ang gagawin, mag rereply ba sya o hahayaan na lang.
Kinabukasan dumaan sya sa bar station pero wala dun si Mj. Kaya dumiretso na sya sa restaurant.
Nakita nya si Mj na may kausap si Pao. Masaya ang dalawa na nagkukwentuhan lalo syang naguluhan sa nararamdaman. Sumama ang loob nya sa nakita. Nagtataka sya, bat sasama loob nya wala naman silang tiyak na relasyon ni Mj.
Anong masama kung may kausap si Mj na iba? Kaso sinasabi ng isip nya na pakiramdam nya ay may gusto si Pao sa dalaga. Di lang ito makapanligaw dahil sa kanya.
Dahil sobra syang naguguluhan ay patuloy na lang syang naglakad papunta sa kaniyang trabaho.
" Gelo! Good morning" masayang bati sa kanya ng dalaga
Diretso lang sya sa paglalakad kunwari ay wala itong narinig.
"Kuys" bati din sa kanya ni Pao
Tinaas ni Gelo ang kaniyang kamay bilang sinyales na nagmamadali sya, kahit 10 minutes pa bago magsimula ng shift nya.
"Sige Pao mamaya na lang kita kakausapin, may problema ata si pogi" paalam ni Mj kay Pao.
Di namalayan ni Gelo na sinundan sya agad ni Mj. At biglang umabrisete sa kanyang braso.
" Nag good morning ako, di mo man lang ako pinansin, may problema ka ba?"
"Ginulat mo na naman ako, may gagawin lang ako kaya di na kita binati" gelo
" Ang aga pa namn tara nagtimpla ako ng kape para satin" alok ng dalaga
"Ayoko bigay mo na lang kay Pao" matamlay na sagot ni Gelo habang patuloy pa din sa paglalakad.
"Oh My Gulay!!!! Gelo!" malakas na sambit ng dalaga
"Bakit? Anong problema?" nagaalalang tanong Ng binata
" wala may naisip lang ako hahhahahaha" sagot ni Mj na my nakakalokong tawa
"Uminom ka na nga ng gamot mo sinusumpong ka na naman"
"Tara lalamig yung kape, five minutes lang tayo dali" pag aaya muli ng dalaga.
Wala ng nagawa ang binata pag kinulit na sya ni Mj ay di na sya maka pengol.
" Bat iisang tasa lang to ng kape?" tanong ni Gelo kay Mj na may kasamang panghihinala.
" Ehhh alam mo naman na di ko kaya umubos ng isang basong kape" paliwanag ni Mj
" Palusot mo bulok, ginagayuma mo ata ako eh" natatawang sagot ni Gelo.
" Nagpagayuma ka naman" pangaasar ni Fej habang naglilinis ito ng lamesa.
" Baliw ka din talaga fej hahahhaha, kamusta nga pala yung kapatid mo nanganak na ba?"
" Naku pinaalala mo na naman, sakit nga ng ulo ko sakin ba naman hinihingi pang gatas ng anak nya" litanya ni fej
Ng makahigop ng kape si Gelo ay saka lamang uminom ang dalaga at...
" Poweeeer boossssttteeerrr" hirit ni Mj sa malakas na boses
Sabay pose ng heart arms ni Mj na lalong kinatawa ni Gelo.
Uminom ulit si Gelo ng kape at saka lumapit kay Mj at pinainom din to ng kape. Namula ang dalaga sa kilig kaya ito ay napahiyaw ng malakas.
"oh my gosh Gelo saranghaeyo!!!!!"
"ma le late na ako sayo sige na aalis na ko" inubos muna ni Gelo ang kape ng isang lagukan saka umalis.
Lalong kinilig sya sa ginawa ng binata kaya wala na itong nasabi, pinagmasdan na lang nya ang matipunong binata na papunta sa restaurant.
Habang nagtatarabaho ay naiisip nya pa din ang kaniyang dating nobya. Nakita nya kasi na nag message ito sa kanya pero di nya muna ito binuksan para basahin. Naalala nya bigla ang mga magagandang pangarap nilang dalawa. Gusto na kasi talaga nyang bumuo ng sarili nyang pamilya.
Naisip nya tuloy kung siguro di na sya pumanik ng barko ulit malmng di sya hiniwalayan ng ex girlfriend nya.
Hindi kasi kaya ng girlfriend nya ang long distance ng unang beses sya sumakay ng barko ay isang taon silang nagkawalay. Ngayon ay isang taon din ang kaniyang kontrata.
Kapalit naman nun nabili nya ang bahay at sasakyan na sana ay magiging bahay nila bilang mag asawa.
Tapos na ang kanyang shift at sinundo sya ni Mj para sabay silang kumain at mag pahinga sa upper deck ng barko.
"Gelo, pakiramdam ko may problema ka talaga nararamdaman ko, pwede mo bang sabihin sakin baka matulungan kita" turan ng dalaga habang sila ay magkasamang kumakain.
"Ok lang ba?" tanong ni Gelo sa dalaga na may pagaalinlangan.
"Ok lang kasi ibig sabihin nun magaan na loob mo sakin at pinagkakatiwalaan mo ako.
" Huwag na baka lalo lang masira ulo mo, ikaw na lang magkwento kamusta na yung pamilya mo?"
" Ano ba yan wala kang tiwala sakin, ouch" di maka move on na sagot ni mj
"wala kasi yun pagod lang ako, ikaw na lang magkwento dyan ka naman magaling di ba?" paliwanag ng binata.
Wala ng nagawa si Mj sa hiling ng binata kaya nagkwentuhan na lang sila tungkol sa kanyang mga karanasan sa probinsya, nag kwento rin ang binata tungkol sa karanasan nito sa pag sisid sa dagat.
Kina gabihan binasa na ng binata ang message ng ex nya. Nagpapaliwanag ito sa kanya. Na hindi naman daw talaga mahal ng ex nya ng naging bagong nobyo gusto lamang nyang pagselosin ang binata, dahil di sinunod ng binata ang hiling ng dalaga na huwag ng bumalik sa barko.
Lalong naguluhan ang binata dahil pakiramdam nya ay totoo ang sinasabi ng dati nyang kasintahan. At ito lang din ang tanging babae na napakilala nya sa buo nyang pamilya at gustong gusto ito ng kaniyang mga magulang.
Kung iisipin ay dapat sila na ang magsama at magpakasal dahil yun naman talaga ang plano nila dati pa. Pero bakit di nya magawang balikan ang dalaga?
Maganda ito at may magandang propesyon bilang isang chemist at nakapagtapos sa magandang eskwelahan sa maynila. Kahit na sinong lalake ay mabibighani sa ganda ni Marie. Maamo ang mukha nito at talagang may angking ganda ang katawan sa taas na 5'5. Kaya naman maging sya ay naakit ng dalaga.
Bigla nyang naalala ang mga kwelang pinagsamahan nila ni Mj. May angkin ding ganda ang dalaga at magaan kasama. Dahil pag kasama nya ang dalaga wala syang dapat patunayan at mas nagiging totoo sya sa sarili nya.
Di nga lang nya maamin sa sarili nya na may nararamdaman na din sya sa dalaga. Pakiramdam nya kasi ay di ang katulad ni Mj ang magugustuhan ng pamilya at mga kamaganak nya.
Ano ang gagawin nya ngayong bumabalik sa kanya ang matagal nyang naging kasintahan at alam nyang minahal nya ng totoo?
Paano na ang babae na ngayon ay nagpapasaya sa kanya at nagbibigay sa kaniya ng kalayaan sa maraming aspeto ng buhay?