Nakabalik na si Gelo sa stock room at sinimulan na ang ginagawa, ilang minuto lang ay nakabalik na rin si Pao. Tinuruan nya ito ng mga dapat gawin at saka pinagpatuloy ang nasimulang trabaho.
Ilang oras pa lang ang lumilipas ay halos matapos na nila ang gagawin dahil patuloy lang sila sa pagtatrabaho.
"Kuys Gelo, mag bio break lang ako, ikaw di ka ba magpapahinga" sambit ni Pao sa binata dahil napansin nyang seryoso ito masyado sa pagtatarabaho at parang ayaw na magpahinga
"Walang problema mag lunch ka n din" sagot namn ng binata na parang walang nadadamang pagod sa sobrang seryoso sa ginagawa.
"Ikaw kuys di ka pa ba mag la-lunch?" tanong ni Gelo na may kasamang pag aalala at pagtataka
"Sige mauna ka na" bitin na sagot ni Gelo kay Pao.
"Ok kuya basta wag mo kalimutan na kumain, una na ko" pao
Di na sumagot ang binata at patuloy pa rin sa pagtatrabaho. Wala syang gutom at pagod na nararamdamn. Di nya maintindihan kung bakit masama ang mood nya basta ang focus nya ay matapos ang trabaho nya.
Maya maya ay umupo sya saglit sa patag ng mga harina na naka sako. Nagulat na naman sya ng may dumikit sa kanyang likod. Kaya pabalikwas syang lumingon. Nakita nya ang dalaga na may dalang pagkain.
"Wala ka ba talagang alam na gawin kundi gulatin at inisin ako?" inis na sambit ng binata
"Nagtaka lang ako bat di ka sumabay kila Insan Mike sa pagkain, kaya dinalhan na lang kita" paliwanag ni Mj sa malumanay na boses.
"Di pa ako nagugutom, umalis ka na" Gelo
"Di pa ako nakain eh, sabay na tayo" sagot ni Mj habang naka ngiti para pagaanin ang loob ng binata.
"Bat di ka pa kumain, baka hanapin ka sa bar station"
"Nagpaalam naman ako kay Fej at may 30 minute break pa ko, kaya kumain na tayo"
Nakaramdam din ng gutom ang binata kaya dinampot na nya ang pagkain nakita nyang may dalwang burgers at mga wedge fries ang dala ng dalaga. Sinimulan na nila kumain.
Kumain na sila at talaga namang gumaan ang loob nya dahil sa good vibes na dala ng dalaga.
Habang kumakain sila ay panay sa pagkwento si Mj ng kung ano ano kaya di nya mapigilan ang mapangiti.
"Ang guwaaapo mo talaga Gelo, ang cute ng dimples mo hahahah" biglang sambit ng dalaga ng makita nitong ngumiti ang binata.
"Anong sinasabi mo dyan? Baliw ka kasi, umalis ka na kawawa sayo si Fej iniiwan mo."
"Sige aalis na ko, busog na ko sa ngiti mo ayieeeh hahahahah" patuloy na panunukso ng dalaga.
"Ako na bahala dyan sa mga kalat , bumalik ka na sa post mo" pao
"Ang sweet mo pala ieeehhhhh kinikilig ako"
"May tama talaga yang utak mo, sige na umalis ka na"
"Opo Master"
"Master ka dyan"
Tumalikod na ang dalaga at lumabas na ng stockroom. Ng biglang..
"Gelo sabay tayo mag dinner mamaya ah" paanyaya ng dalaga habang nasa pintuan.
"Bahala ka sa buhay mo" sagot naman ng binata
"Ok bahala talga ako, akong bahala satin hahahahaha, alis na ko bye byieee" sabay kindat ng dalaga
"Baliw talaga" napapailing na sambit ng binata pero di naman nya maalis ang ngiti sa kanyang mukha.
Nilinis na nya ang kanilang pinagkainan at ilang saglit lang ay dumating na rin si Pao.
"Kuys, kumain ka na ba?" tanong ni Pao
"Oo, salamat" naka ngiting sagot ni Gelo
"Pagkain lang pala kailangan mo kuya para ngumiti ka" pao
"Isa ka pa eh"
"Anong isa pa ko, bakit sino yung una kuys si Mj ba?"
"Ewan ko ba sa babaeng yun, may sayad" di talaga mapigilan ni Gelo ang mapangiti kada maaalala ang mga gawi ng dalaga.
"Mabait yun si Mj kuys, medyo makulit lang pero masaya kasama"
"Parang kilalang kilala mo sya ah"
"Medyo nakasabay ko kasi sya sa training at lagi nya ko tinutulungan"
"Ahhh ganun ba, bat di mo ligawan, mukhang mabilis naman yun mapasagot"
"malabo kuya, ikaw ang gusto nun, lagi ka kayang binabangit nun, simula daw ng makita ka nya sa upper deck ng barko na magisa, na love at first sight na daw sya hahahah" paliwanag ni Pao
"Ahhh mahilig kasi ako tumambay sa taas pag tapos na ang trabaho, tara tuloy na natin to para makapag pahinga na" Gelo
Natapos nila ang kanilang trabaho at tumuloy na sila sa restaurant dahil may isang oras pa para matapos ang kanilang duty.
Tumulong sila sa paglilinis at pagaayos ng kusina. Ng matapos ang kanilang duty ay dumiretso na si Gelo sa kanyang quarters.
Naalala nyang bigla ang panyaya ni Mj na sabay sila magdi dinner. Malamang ay nasa resto ang dalaga pero mas pinili nyang pumanhik na lang sa taas para duon magpahinga.
Ang ganda at ang lamig ng hangin sa taas wala syang matanaw kundi puro tubig at iyon ang nakakapag parelax sa kanya.
"Sabi na Master dito kita makikita eh, tara dinner na tayo" mj
"Ginulat mo na naman ako. Wag mo nga akong tawaging master para kang may sayad"
"Anong gusto mong itawag ko sayo, baby, sweet heart, love o mahal ko?" tanong ng dalaga
"Gelo ok na yun, at di pa ako nagugutom kumain ka na kung gusto mo"
"Diba sabay tayo kakain, gutom na ko tara kain tayo nakita ko ang sasarap ng luto ni Chef" pangu-ngummbinsi ng dalaga
" Hawak ko ba bituka mo, kumain ka na dun"
" Mas masaya kumain pag kasabay kita eh"
" Ano ba talaga gusto mo, bat ba kinukulit mo ko?"
"Ikaw lang gusto ko ayieeehh hahahahaha"
"Di kita gusto, kaya tigilan mo na ko"
"Ouch basted agad, sabi nila wala ka naman daw gf ngayon ah"
" wala nga pero di tipo mo ang gusto ko kaya hanggang magkaibigan lang tayo" paliwanag ng binata
" Ayoko di kita kayang maging kaibigan pwede pa ka- ibigan" sabay ngiti ng dalaga at hinila na sya papuntang resto para kumain.
Wala ng nagawa ang binata at sumunod na lang sa dalaga, pagdating nila sa resto ay panay kantyawan ang natanggap nya sa mga kaibigan.
"Iba ka Mj ang bilis mo" fej
"Pareng Gelo, kunwari ka pa gusto mo rin pala yan si insan" Mike
"Iba talaga ang beauty ko hahahahh" Mj
" Tigilan nyo nga ako pinilit lang ako nito kumain"
Di matapos tapos ang tuksuhan hanggang matapos na silang kumain at pinipilit pa din sya ni Mj na tumambay sa kwarto ni Fej. Pero gusto nya bigla mapag isa kaya nagpa alam na sya at dumiretso sa kaniyang quarters.
Habang nasa kwarto ay nakita nya na ang daming new notif. At ng makita nya ay isa dito ang friend request ni Mj.
In-accept naman nya ito at di nya napigilan na i visit ang page ng dalaga. Nakita nya na madami pala itong kapatid. Nakita nya sa mga post nito na ang dalaga ang bread winner ng pamilya. Kasalukuyan nitong pinag aaral ang mga nakababatang kapatid.
Lumipas na ang ilang lingo at patuloy pa rin sa panunuyo sa kanya ang dalaga, lagi itong nagbibigay sa kanya ng mga masasarap na pagkain at inumin. Madalas din sya nitong kwentuhan ng buhay nito sa pinas.
Nagkakagaanan na sila ng loob kaya nakakapag kwento na din sya ng mga personal nyang karanasan.
Nalaman niya na pangatlo pala sa 7 magkakapatid si Mj, pero dahil may pamilya na ang kuya at Ate nya ay sya na lang ang tumutulong sa mga magulang. Ang ama ni Mj ay mangingisda at nagsasaka din ganun din ang ina nito.
Pagkatapos nilang kumain ay pumunta sila sa top deck ng barko at doon tumambay.
Katulad ng dati marami pa ding kwento ang dalaga. Napag kwentuhan naman nila ngayon ay ang kwentong pagibig ng dalaga.
May lalaki pala itong minahal ng matagal na panahon pero di nya napagtapat dahil may kasintahan ito.
" Alam mo maganda na din na di mo sinabi, kaysa nakasira ka pa ng relasyon" Gelo
" Tama naman, kaya nga ng malaman ko na single ka niligawan agad kita eh hahahah" pag sang ayon ng dalaga.
"Sira ka talaga, tara na bumaba na tayo ng makapag pahinga na"
"Dba off mo din bukas? Ligo tayo sa pool bukas" masayang paanyaya ni Mj
"Ayoko di ako mahilig maligo sa pool nakakahiya"
"Bat ka mahihiya guwapo ka naman, ako nga may bilbil eh hahahhh"
" ikaw yun alpha ka eh"
"anong alpha?"
"Alpha kapal muks hahahahha"
"Alam mo ngiti mo pa lang nalulunod na ko, sige na nga wag na tayo mag swimming, sa pinas madalas kami maligo sa dagat ng pamilya ko ang saya namimiss ko tuloy sila"
" Patay na patay ka talaga sakin, kaso wala eh malabo" pangaasar ni Gelo sa dalaga.
" Naku baka mamaya ikaw tong patay na patay sakin, paktay ka hahahhaha" balik ng dalaga.
"Paktay talaga hahhahaha"
Masaya pa silang nagkwentuhan ni Mj at kinabukasan ay magkasama nilang nilibot ang barko.
Isang umaga bigla nyang naisip na dalahan ng pagkain si Mj dahil off na namn nila.
Nakita nya si Mj na umiiyak kaya nilapitan nya to.
"huyyy bat ka naiyak dyan" tanong ni Gelo sa dalaga.
"Ahhhh wala, nakakaiyak lang yung napanuod ko na kdrama"
"Sira ulo ka talaga, yun lang iniiyakan mo pa tara kumain na lang tayo"
"Sige ano ba yan?"
"Chips and burgers plus chocolate for desert"
"Yesss may chocolate, ang sweet mo talaga" mj
"Dami mong alam kumain na lang tayo, akala ko naman kung ano na"
" uiiiii concern ka na sakin siguro inlove ka na sakin"
"gumagana na naman yang pagigibg alpha mo"
" Di mo lang maamin, ok lang yan sabihin mo na"
"kumain na lang tayo kaysa kung ano ano pa ang napasok sa utak mo"
Maghapon ulit silang magkasama ni mj wala silang ginawa kundi magkwentuhan at kumain.
Isang gabi nakita nya ang mga messages sa phone nya, nagtaka sya dahil nag message ang kapatid ng ex nya sa kanya.
"kuya si didit to, gusto ko lang ipaalam na break na si Ate at yung bf nya, sana matulungan mo kami na pasayahin sya, miss ka na namin"
Nabigla sya sa nabasa nya, naging close kasi tlaga sya sa pamilya ng ex nya kaya may contact pa ang mga ito sa kanya.
Di nya alam ang gagawin, alam kasi nya na mahal nya talaga ang ex nya dangan nga lang na nakipag break ito sa kanya dahil sa trabaho nya. Pero paano ang babae na ngayon ay nagbibigay kasiyahan sa kanya.
Parang kanta lang ni kz, sino pipiliin nya mahal nya o mahal sya?