Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 4 - CHAPTER THREE:

Chapter 4 - CHAPTER THREE:

JHAYDEE'S POV

Nang matapos ako makapagpalit ng damit ay sabay na kaming pumunta ni Santi sa Cafeteria. Pagpasok namin ay nakarinig ako ng mga bulungan mula sa mga empleyado dito. Puno ng paghanga at papuri ang mga nasasabi nila kapag napadaan kami sa tapat nila.

"Hi sir Santi." bati nang isang babae sa kanya. "ang gwapo mo talaga sir." may kilig at lambing na papuri nito..

" Morning Sir" bati nitong isang baklang kasama ng babae. "sino naman yang kasama mo sir..mas gwapo sya sa yo" nagpapacute na tanong naman nito.

"Ahh siya ba...". turo niya sa akin. " siya si Jhay ang bago nating technician kapalit ni Mr. Cruz, kababata ko rin sya." pagpapakilala niya sa akin dito sa dalawa. "pre, siya si Caroline Zelles at siya si Raffy Sandoval mga taga HR sila.." pakilala niya naman sa akin dito sa dalawa.

"Sir dito na kyo maupo nang makilala namin ng husto yan kaibigan mo" nakangiting anyaya nang babae ngunit natigilan ito nang makita ang namamaga kong mukha. kaya napaiwas akong tumingin sa kanya.

Pagkaupo namin ay tinawag ni Santi ang serbidora para umorder ng makakain namin.. Nang maihatid na ang pagkain namin ay nagsimula na kami. Habang kumakain ay hindi mapigilan ni Caroline ang pagmasdan ang namamaga kong mukha. hindi na siya makatiis kaya naitanong na niya kung anong nangyari. "Sorry if i ask anong nangyari diyan sa mukha mo.."

Huminto muna ako sa pagsubo at huminga ng malalim. "about this." turo ko sa pisngi kong namamaga. "ahh may isa kasing baliw na babae kanina sa labas..siya na ang nakabangga sa akin, siya pa ang galit na galit and worse nakuha niya pa akong sampalin..," naiinis na sagot ko sa kanya...tinignan niya pa ito ng maigi saka kumaway sa serbidora dito at nanghingi siya ng icepacks.

Bumalik ang serbidora nang may dala nang icepacks..inabot ito ni Caroline at dinampi niya sa namamaga kong pisngi. "So ikaw pala iyong narinig naming pinag uusapang banggaan ni Ms.Torrees, " tanong niya na tinanguan ko ngunit nandon pa rin ang inis ko kapag naaalala ko ang nangyari. "Ganyan talaga si Ms.Torres, mainitin ang ulo at sobrang suplada kaya walang nakakasundo dito." sabi niya pa habang patuloy niyang nilalapat ang icepacks sa pisngi ko.

Matapos namin kumain ay sabay sabay na kami nagtungo sa HR office dahil dito ang departamento ng dalawang pinakilala sa akin ni Santi at ito ay na nasa tabi lng din ng office nya.

Matapos ang konting interview ay pinasamahan na ako kay Raffy ang assistant ni Mrs. Cathy Guzman na head ng HR sa magiging office ko. Pagkarating namin dito sa office ay nadismaya ako't bumalik ang naramdaman kong inis at galit nang makita ko kung sino ang makakasama ko rito..Silay walang iba kung hindi iyong Amasonang babae at ang kaibigan nito.. Nagulat din si Amasona nang makita niya ako rito. Namasdan nitong si Raffy ang stwasyon sa loob ng office at naging akward ito.. Hinarap niya ako at nagsabing dito rin daw talaga ang office ni Mr,Cruz na pinalitan ko..wala na akong choice kung hindi sumang ayon na lang. Si Raffy naman ay bumaling dito sa dalawa.

"Hi,Cess hi, Sharice" masayang bati ni Raffy sa dalawa. "By the way i want you to meet Engr Jhaydee Manansala ang ating bagong resident technician dito. " pagpapakilala nya sa akin sa dalawa... " Engr. Jhaydee this is Cecilia Flores ang Asst. Production Manager."

"And she is Sharice May Torres our Head Production Manager.." hindi na ako nag abalang tignan itong si Amasona agad kong tinanong si Raffy kung saan ang desk ko .. nang maituro niya ito ay dumiretso na ako nang hindi pinasin itong dalawa.

Habang nagaayos ako ng table ay namasdan ko pa iyon dalawa na masama ang tingin sa akin at nagbubulungan pa ang mga ito.

"Napakahambog" halos dinig kong bulong nitong si amasona sa kasama niya habang sa akin siya nakatingin..

"Oy Sha,baka maya marinig ka nyan" bulong naman rin nitong si Cess.

"Eh Ano nman pakialam ko kung marinig nya." pagsinghal nito sabay padyak ng paa niya sa sahig tanda ng pagkairita niya sa akin.

Nagsimula ang araw namin nang walang kibuan namagitan sa aming tatlo habang nasa iisang opisina kami hanggang sa magbukas ang pinto't pumasok dito si Santi. Lumapit muna sya dito kay Cess at binati niya ito saka siya lumapit sa akin.

"Ano pre kamusta ang first day mo." nakangiting tanong nya...tumango lang ako sa kanya.. at tinawag nya si Cess na pinalapit niya dito sa amin.. "ahh pre, hindi ko pa pala naipapakilala sa'yo ng pormal itong girlfriend ko."

"We already met pre.." sarkastikong sagot ko sa kanya. "remember earlier she was the person falsely testify against me. " iritableng sagot kong muli at tinawanan lang naman ako ng malakas nitong si Santi,.. samantalang napakasama ng tingin sa akin nitong si Cess...

"By the way, its lunch time na pre, sabay ka na sa amin na maglunch" pag anyaya niya sa akin.... nagkatinginan naman itong dalawa..

"Hindi na pre,busog pa ko madami kasi yong nakain ko kanina." pagtangi ko dahil ayaw kong makasama at makasabay ang amasonang iyon .

Hindi na ko pinilit pa ni Santi at hinayaan na lang ako. Ako naman ay nagpahinga na lang dahil hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang sakit ng mukha ko dahil sa pagkakasampal nang amasonang iyon.. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako sa upuan ko sa pag iisip sa babaeng iyon... maya'y nagising na lang ako ng bumukas ang pinto ng office namin.

Bumungad sa akin ang tatawa tawang pagpasok nila. Agad naman lumapit si Santi sa akin.... inabutan niya ako ng sandwich at drinks. "Pre kaininin mo yan kapag nagutom ka." sabi niya saka siya tumalikod at nagpaalam na babalik na siya sa opisina niya..

Walang nangyaring kibuan at pansinan sa aming tatlo sa loob na opisinang ito. Naiinis pa rin ako sa babaeng amasonang iyon hindi man lang magawang humingi ng paumanhin.

Natapos ang buong oras namin nang hindi nagkikibuan at nagpapansinan. Oras na ng uwian nagmadali akong ayusin ang gamit ko at dali daling lumabas. Papalabas na ako ng office nang pumasok si Santi. "Oh pre, okay ka na ba." bungad nito sa akin, hindi na ako sumagot, tinapik ko na lang ang balikat niya at lumabas na dito sa office.

Hindi muna ako umuwi ng bahay nag ikot ikot muna ako at nang napadaan ako sa lugar kung saan kami huling nagkausap ni Jhen ay tumigil ako dito. Ilang oras din akong namalagi dito.. inalala ang huling sandaling iyon. Matapos ang pag alalang iyon ay umalis na ako't nagtungo sa bar na madalas kong puntahan...

to be continue.,...