Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 5 - CHAPTER FOUR:

Chapter 5 - CHAPTER FOUR:

SHARICE'S POV.

Off na namin sa work agad tumayo ang antipatikong lalaki't nagmadaling lumabas.. Si Cess naman ay nagsabi sa akin na mauna na ako...may lakad daw sila ng kanyang boyfriend.. Ako naman ay hindi muna umuwi ng bahay...nag ikot ikot muna ako hanggang sa naisipan kong magpalipas ng oras sa isang parke..

Naupo ako sa may ilalim ng punong nandito...dito napaisip ako na bakit ko nga ba nagawa iyon sa kanya...oo badtrip ako dahil sa kulang ang tulog ko. umiinit lang agad ang ulo ko kung magagawan ako ng pagkakamali... iyong kanina ay kasalanan ko, ako ang hindi nakatingin sa dinadaanan ko..kaya nabangga ko siya. Nagvibrate kasi ang phone ko..naglalakad ako habang nakatingin dito sa aking phone at hindi ko napansin iyong lalaking iyon.

Bakit ba bigla akong nagalit, wala akong maisip na rason...gustuhin ko man humingi ng sorry ay kinakain na ako ng aking pride...

Napaisip din ako sa itsura ng antipatikong lalaking iton...masasabi kong magandang lalaki siya..., mas pa nga kay Santi.. Pero mayron akong napansin agad sa kanya nang pagmasdan ko ang mga mata niya may kakaiba sa kanya...may taglay na sobrang kalungkutan ang kanyang mga mata..

Nararamdaman kong mayrong nangyari sa kanya na nakapagdulot ng mapait na kalungkutan..Matapos kong isipin ang lahat ng ito ay tumayo na ko't nagpunta sa food stall ng parkeng ito at kumain.

Matapos kong kumain ay tumingin muna ako sa aking relos..Maaga pa at alam kong wala pa sa bahay si Cess kaya naisipan kong magpalipas muna ng ilang oras kaya nagpunta ako sa Greyson Bar..malapit lang ito sa village namin.

Pagpasok ko dito ay naupo ako sa may bar counter... habang umiinom ako ay iginala ko ang aking paningin sa loob nito hanggang sa mapansin ko ang isang pamilyar na tao. Pinakamasdan ko muna siya ng maigi..tama ako si antipatiko iyon. Minasdan ko muna siya at sa aking palagay ay naparami na ito ng inom base sa bilang ng bote ng alak sa table niya.

Napansin ako nong bartender na matagal na nakatingin kay Antipatiko kaya bigla siyang nagsalita.. "madalas naririto yan.." nagulat ako ng magsalita siya napatingin na lang ako sa kanya.. "kilala na siya nang lahat ng staff dito...ayon sa mga matagal na dito pagkasawi sa pag ibig ang dahilan ng paglalasing niya..". patuloy na kwento nito habang nakikinig lang ako. Minasdan ko siyang muli at nagpasyang lapitan siya.

Tumayo ako sa harapan niya nang makalapit ako...sobra na ang pagkalasing niya at alam kong hindi na nito kayang makauwi....

"Hey amasona hik," biglang pagtwag niya kaya tumingin ako sa kanya... "bakit, hik"

"Anong bakit" pagtugon ko agad sa tanong niya...

"Itong ginagawa mo dito.." sagot nya nang nakakunot ang noo at halos salubong ang kilay...

"Nakatayo" pabalang na sagot ko. "tama na yan marami ka nang nainom.. hindi mo na kaya." biglang pagbawi ko sa pabalang na sagot ko.

"Tss, anong bang pakialam mo?" galit na sabi nya't iinom muli ngunit agad kong pinigilan na siya.

"Wala " sarkastikang sigaw ko rin sa kanya . "wala akong pakialam sa iyo pero hindi mo na kaya ang sarili mo.." malumanay na pagsabi ko at nilabas ko ang phone ko. "i'll call Santi para masundo ka nya dito." sabi kong muli.

"Dont bother, Kaya kong umuwi ng magisa.... hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Hindi mo na kaya" pasigaw na sabi ko sabay dial ko na sa numero ni Santi. Ngunit panay ring lng ito,ilan beses ko pang dinaial ang numero nya ngunit busy pa rin. Paglingon ko sa kanya nakita ko na sya nakatulog sa table. Wala na akong choice kung hindi ang tulungan siya't hinatid sa kanila.. Tumawag ako ng waiter para tulungan akong alalayan sya papunta sa kotse ko.

Nang maisakay na siya ay bumaling ako doon sa waiter..tinanong ko kung saan nakatira itong si Antipatiko. Binigay niya ang address ng bahay nila. bago ako umalis ay binayaran ko muna ang bill ng nainom ko at ang nainom nitong si Antipatiko. Paalis na ako nang humabol ang waiter at nagsabing paano daw iyon motor ni Antipatiko.

Pinakiusap ko sa kanya na pakihatid na lang saka ko siya binigyan ng tip.. Pagkatapos non ay umalis na kami.. pagdating sa bahay nila ay nagdoorbell muna ako at may lumabas na isang babae na sa tingin ko'y kapatid nitong si Antipatiko.

"Good evening" bungad na bati niya na nginitian naman ako. "dito po ba nakatira si Engr. Jhaydee Manansala." tanong ko dito sa babaeng lumabas.

"Dito nga,bakit mo naitanong may problema ba..ginulo ka ba niya, sinaktan, ano ." sunod sunod na tanong nito na nag aalala sa akin at hindi sa kapatid niya..

"ahh hindi actually nasa kotse ko siya."  sabay turo sa kotse ko. "naparami ang inom niya at nakatulog na siya. tinawagan ko si Santi para sunduin siya sa bar pero hindi sumasagot kaya hinatid ko na lang siya." pagpapaliwanag ko sa kanya..

Agad naman tinawag nang babae yong Tatay nya para tulungan syang akayin papasok ng bahay nila. Pinatuloy muna ako nang kapatid niya sa loob ng bahay nila.

"Salamat hija sa paghatid sa kanya.." salubong na sabi nang Nanay ni Antipatiko.. "Ano nga pala pangalan mo?" tanong nya pa.

"Ahh,Sharice po" sagot ko nman at nang makababa na ang kapatid at Tatay nito ay lumapit sa akin yon kapatid niya at nagpasalamat.

"Sya pala hija,siya si Agatha kapatid ni Jhay..." pakilala nang nanay niya sa akin.

"Salamat sa paghatid mo sa kapatid ko" tugon ni Agatha nang may ngiti sa labi..

"Walang anuman ho, paano ho magpapaalam na ko kailangan ko na rin hong umuwi baka hinihintay na rin po ako." pagpapaalam ko sa Nanay at Tatay ni Jhaydee.

"Sige hija,salamat muli at ingat  sa pagmamaneho" paalala ng nanay nya. Paglabas ko ay sumakay na ako ng kotse at umuwi na.

Pagkapasok ko ng bahay ay naupo muna ako sa sofa upang makapahinga muna sandali.. Hinilig ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa nang bigla narinig ko ang boses ni Cess.

"Kakauwi mo lang" bungad nitong tanong hindi ko na sya kinibo at tumayo na ko upang umakyat sa kwarto ko dahil pagod na rin ako at gusto ko na rin matulog.

JHAYDEE'S POV

Nang magising ako kinabukasan ay sobra sakit ng ulo..tinatamad akong bumangon. Nang may kumatok sa pinto ng aking kwarto... napatingin muna ako sa relos ko. Nang makita kong mag 6:30am na ay dali dali akong bumangon upang makapaligo't makapag ayos papasok.

Pagkabihis ko ay agad akong lumabas ng kwarto...sa paglabas ko nabungaran ko agad si Agatha..nakacross arm siya at nangangalit ang mukha.

"Agatha wag muna ngayon" singhal ko sa kanya. "kailangan kong umaalis na." agad na paalam ko sa kanya ngunit bago ko makalampas sa kanya isang malakas na dagok ang natanggap ko sa kanya."Araaaaay Agatha.." sigaw ko sa kanya.

"Dapat lng sa'yo yan nang matauhan ka na diyan sa mga kalokohan at kahibangan mo.." galit na galit na pagkasabi nya.

"Ano naman ba ang problema mo Agatha." pagtataas ko ng boses sa kanya ngunit hindi siya natinag..

"Talaga bang papatayin mo yang sarili mo...kailan mo ba balak tumigil dyan sa mga kahibangan mo, sinisira mo ang buhay mo dahil lng sa babaeng yon. Hanggang kailan mo lulunurin sa alak ang katawan mo..Mag move on ka Jhay, matagal nang panahong wala siya.kinalimutan ka na niya.. parang awa mo na Jhay ." .

"Hindi ko pa kaya Agatha, kaya hayaan mo muna ko" pakiusap ko naman sa kanya

"Hayaan ka na lng...yan ba gusto mo,for god sake Jhay nandito kming pamilya mo hindi ka nmin pababayaan." hindi na ko muli pang kumibo kay Agatha dahil alam kong hahaba lng ang diskusyon namin. "Pasalamat ka na lng at may nagmagandang loob na ihatid ka dito sa bahay kagabi..."

Hindi ko na siya pinansin pa..dahil mahuli na ako sa pagpasok. "sya pala may work ka na pala hindi mo man lang sinasabi kung hindi pa ko tumawag kay Santi kahapon hindi namin malalaman." yon na lng ang huling sinabi ni Agatha at tinalikuran ko sya't lumabas na ng bahay.

Pagkapark ko ng aking motor ay mabilis ko nang kinuha ang gamit ko. Habang naglalakad ako papunta ng gate natanaw ko agad yon dalawa na nakaupo sa may bench at nagkakape. Dumiretso na lng ako sa pagpasok hindi ko na sila pinansin..Nang nasa loob na ko ng office namin ay naupo ako sa swivel chair ko at hinilig ko ang ulo ko upang makapahinga muna nang saglit.

Mayamaya ay narinig kong bumukas ang pinto naramdaman ko ang pagpasok non dalawa kasama si Santi. Nakangiting lumapit si Santi at sa paglapit nya ay inabot niya sa akin ang isang baso ng kape.

"Kamusta pre..hindi pala alam ng pamilya mo na may work ka na.. nasabi ko na lang dahil panay ang tawag ni Agatha..at isa pa nasan ka ba kagabi.." paguusisa niya sa akin..

"Sa Greyson pre" walang ganang sabi ko sabay higop sa kape na binigay niya.

"ANO,???" napataas ang boses niya dahilan para mapatingin itong dalawa.. "Pre kailan ka ba titigil dyan..kahit anong pagpapahirap mo sa sarili mo hindi na siya babalik..." inis na singhal nito..

"Pati ba naman ikaw Pre.."

"Alam mo naman na inaalala ka lang namin..dahil tuluyang masisira ang buhay mo pag hindi ka nagmove on..." .

"Alam ko naman yon, kaya huwag ninyo akong masyadong alalahanin.." sagot ko naman sa kanya. .alam ko naman na nahihirapan din sila para sa akin...

"tss,bahala ka na nga,basta tandaan mo nandito lng ako pre" sabi nya saka nagpaalam na aalis at punta na sa office nya.

Pag alis ni Santi nakita ko yon dalawa na nakatingin sa akin nang may nangungusap na tanong sa mga mata nila.

Hindi ko na lng silang kinibo  nagtuloy lang ako sa ginagawa ko. Pagdating ng lunch ay niyaya ako ni Santi ngunit tumanggi ako dahil wala akong gana.

Naidlip lang muna ako, maya'y bumukas ang pinto't nakita ko si Santi na lumalapit sa akin...sabay abot ng sandwich and drinks. Lumipas din ang buong maghapon na wala akong imik at tutok sa trabaho...

to be continue