Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 11 - CHAPTER TEN:

Chapter 11 - CHAPTER TEN:

SANTI'S POV

Dumating na kami sa bahay ni Cess at sinalubong na kami nina Mom at Dad. Kaya pinakilala ko na si Cess sa kanila. Kasunod namin dumating sina Eddie kasama niya si Agatha at mga magulang nito.

Nagbatian muna ang parents ko at ang parents ni Agatha. Hindi namin makakasama ang magulang ni Eddie dahil kasalukuyang pa sila nasa Singapore..

Halos past 7pm na't wala pa sina Jhay. Nag aalala na ako,baka hindi nasundo ni Jhay si Sharice dahil nang lumabas kami sa work ay nandon pa siya at tinatapos ayusin ang M5, . Napansin naman ni Cess ang aking pagkabahala kaya hindi nito maiwasang magtanong. "Babe ayos ka lang ba, may problema ba."

Kamo't ulo ko naman siyang sinagot. "Nag aalala lang ako Babe, hanggang ngayon kasi ay wala pa sina Jhay."

"Huwag kang mag alala pre, darating din ang mga iyon late lang siguro, past 6pm na siya natapos sa ginawa niya. ." ang biglang sambit ni Eddie sinabayan ng tapik sa balikat ko.

Maya lang ay lumabas na si Mom galing dinning at nag aya nang kumain.. baka raw lumamig ang mga pagkaing niluto niya.Kaya naman nagsipuntahan na kami doon at naupo na. Halos kakaumpisa pa lang namin kumain ng makarinig kami ng pagbukas ng pinto.

"Sorry were late." ang agarang paghingi ng paumahin ni Jhay nang makalapit na ito sa amin. Nagsilingunan naman ang lahat sa kanila at nagbigay ng masayang pagbati. Ngunit pagkagulat ang nabakas sa mukha ng mga magulang ni Jhay dahil sa napansing kasama nito.

"Its okay hijo, kakaumpisa pa lang naman namin." ang masayang sambit ni Mommy kay Jhay. "Take a seat now hijo."

Bago umupo si Jhay ay bumati muna ito sa mga magulang ko at sa kanyang pamilya. "Why dont you introduce that beautiful lady beside you." nakangiting pagtatanong naman ni Dad kay Jhay.

"Ma,Pa,Tito,Tita,. Shes Sharice Torres a co employee and a friend of Santi's girlfriend." pagpapakilala ni Jhay kay Sha at ito naman ay bumeso sa parents ko at parents ni Jhay pati kay Agatha. Matapos non ay inalalayan na ni Jhay si Sha sa pag-upo.

Naupo sila sa tabi ng pamilya niya at nag umpisa na ang lahat sa pagkain. Panay ang kwentuhan ng mga magulang namin dahil matagal tagal din na panahon bago sila muling nagkita kita at magkasama. Habang panay ang kwentuhan nila ay panay ang sulyap ng Mama ni Jhay kay Sharice nang hindi na ito makatiis ay kinausap na niya ito.

"You know hija,you look familiar..did we met somewhere?." nag uusisang tanong ni Tita Beth kay Sharice na binigyan naman ng matamis na ngiti nito.

"Ma, dont you remember she the girl that brought your alcholic freak son home." mataray na sagot ni Agatha sa Mama niya sabay binigyan ng masamsng tingin si Jhay.

"Yes Mam, ako po ang naghatid sa kanya nong gabing lasing na lasing siya." sabay turo niya kay Jhay at napasimangot naman si Jhay dito.

"You did that hija." natutuwang tanong naman ni Mom kay Sharice. Tanging tango at matamis na ngiti ang isinagot ni Sharice. Sabay sabay naman napangiti ang mga matatanda.

"Kailan iyon Sharice, bakit hindi ko yata alam na ginawa mo iyon." ang nakangusong pagtanong ni Cess sa kaibigan niya.

Hindi naman na kumibo si Sharice binigyan niya na lang ng nakatuksong ngiti ang kaibigan niya. "By the way Sharice." ang pagtawag ni Agatha dito. "did my brother already courting you." derektang tanong nito kay Sharice. Hindi naman agad nakapagsalita si Sharice, bahagyang nasamid pa ito sa tanong..

Agad naman napabaling ang tingin ni Jhay kay Agatha. "Shut up Agatha,." inis at salubong ang kilay na sabi ni Jhay..

"Im just asking her, why your suddenly get mad..maybe its true..." pang iinis pa ni Agatha dito kay Jhay na mas lalong kinaasar niya.

"Im not mad Agatha, napakasenseless lang kasi ng tanong mo..." sarkastikong sagot ni Jhay.

"Tama na kayong dalawa,nasa harap pa tayo ng hapagkainan..hindi ba kayo nahihiya sa bisita ni Santi." pananaway naman agad ni Tita Beth sa dalawa. Kami naman ay natawa na lang dahil kabisado na namin ang magkapatid.. ganyan sila laging mag asaran.

Matapos namin magdinner ay niyaya ko sila sa sala samantalang naiwan sa dinning ang mga magulang namin. Naglabas naman ako ng maiinom para habang nagkukwentuhan kami ay mainom namin. Habang napapasarap ang kwentuhan namin ay biglang tumayo si Jhay at humakbang papalabas. "Oh pre, san ka punta." tanong ko sa kanya.

"Sa garden,magpapahangin lang muna ako." malamig na sagot niya at lumabas na siya. Tumayo na rin ako at susundan ko na sana siya nang.

"Hayaan mo muna siya pre," pigil sa akin ni Eddie kaya naupo na lang muli ako.

"Babe" mahinang tawag sa skin ni Cess nang makaupo ako. "may ptoblema ba ang kaibigan mo." tanong niya kaya napatingin si Sharice sa amin ni Cess.

"Wala babe, ganyan lang talaga iyon kapag may ganitong salu salo kami kaya sanay na kami.."

'Huwag mong masyadong alalahanin iyon...masyado lang nag eemote iyon, may hindi lang makalimutan iyon kaya gustong mapag isa kapag may gantong okasyon." biglang sagot ni Agatha..napatingin naman dito si Sharice.

"Babe si ano.." hindi ko na siya pinatapos sa pagtatanong dahil pinigil ko na siya.

"Wala na kami sa lugar sa ngayon para ikuwento ang mga bagay bagay.." ang sabat naman ni Eddie. "mapagkasunduan na namin na hindi na dapat ungkatin pa ang nakaraan,. "

Nakita ko naman may bahagyang pagkalungkot sa mukha ni Sharice at ganon din ang napuna ni Cess. Nagbago ang mood niya nang may nalaman siya tungkol kay Jhay. Kaya ngayon ay napapaisip ako kung may nararamdaman na ba siya kay Jhay at ganon siya kaapektado sa sitwasyong ni Jhay. Hindi ko na lang pinansin pa ang mga kilos niya. . Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila na lalabas muna..

JHAYDEE'S POV

Habang nagkakasiyahan sila sa sala, ako nama'y lumabas muna. Wala ako sa mood ngayon upang makipagsaya sa kanila. Paglabas ko nagpunta ako sa garden nila Santi... naupo ako sa bench na nandito. Gusto kong mapag isa nang oras na ito.

Habang nakaupo ako't nakatingin sa langit habang iniinom ang alak na bitbit ko ay unti unting tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Naalala ko na naman si Jhen...kapag ganitong may mga family dinner o special gatherings.

Hindi ko kasi malimutan yong mga sandaling kung gaano kami kasaya noong nandito pa siya. Sa amin apat na magkakaibigan ay siya ang laging nagkukwento at nagpapasaya sa akin. Siya ang nagbibigay ng mga advise sa amin tuwing may mabigat kaming problemang dinadala.. Takbuhan namin siya sa anumang oras kaya masakit sa akin ang pag alis at paglayo niya. Lalong masakit ang balewalain niya ako nang ipahayag ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Habang naaalala ko at nasasariwa ang mga alaala ay patuloy lang ang aking pagluha . Mas lalo nakapagpasakit sa akin dibdib ang katotohanang hindi na siya babalik pa dito kahit kailan.. Nasa ganito akong sitwasyon nang biglang marinig ko ang pagsasalita ni Santi.

"Okay ka lang ba pre." tanong nito sabay abot pa ng isang bote ng alak sa akin at naupo na sa tabi ko.

"Hindi ko pa rin alam kung magiging okay pa ba ako pre." iiling iling na sagot ko.

"Bakit naman hindi ka magiging okay."

"I always reminded by her and i cant stop felt the pain she caused.. bumabalik lahat ang sakit dito." turo ko sa may dibdib ko.saka ako huminga ng malalim.

"Matagal na siyang wala dito pre at may posibilidad na hindi na sya muling babalik pa..isa pa kinalimutan ka na niya, tayo....,dapat kalimutan mo rin siya"t nagmomove on ka na sa buhay mo."

"Alam ko naman iyon pre. nahihirapan lang ako dahil kahit saan o ano ang gawin ko ay naalala ko siya.. ."

"Subukan mong huwag siyang isipin at alalahanin.. , ang hirap lang kasi sa iyo ay isinara mo agad ang puso mo nang dahil sa kanya.. kaya hindi ka makapagmove on.... subukan mong buksan muli iyan.magmahal kang muli..baka sakaling makatagpo ka nang mas hihigit pa sa kanya." pagpapayo niya sa akin.

"Mahirap na yata makatagpo ng mas hihigit pa sa kanya na kayang intindihin at unawain ang mga pinagdaanan ko..." sagot ko naman.

"Si Sharice pre." biglang sagot niya sa akin na kinalingon ko ng paningin sa kanya.

"Anong si Sharice pre..bakit napasok siya sa usapan natin." nabahalang sagot ko sa kanya hindi ko maunawaang bakit pinasok niya sa usapan si Sharice..

"Ahh, Naisip ko na baka lang.. siya ang makatulong sa iyo para mapaghilom ang sugat ng nakaraan mo.. ."

"Bakit siya,ano naman kinalalaman niya sa akin... anong gusto mong palabasin.." may pagkalitong tanong ko.. .

"Ligawan mo siya pre," dagliang pagsagot niya nang may ngiti sa kanyang labi..

"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo pre., alam mo kung ano ang sitwasyon namin, .beside how can i do what you said kung sa kanya ko nakikita si Jhen.. "

"Seryoso ako pre, alam ko kung anong mayron kayo ni Sharice.. alam ko rin na may pagkahawig sila ni Jhen but they are different people pre, stop thinking of Jhen, start knowing Sharice first..alam mo kahit may pagkamaton iyon malambot naman ang puso niya.. ." patuloy na pamimilit niya sa akin na ibaling ko ang pagtingin ko kay Sharice imbes na kay Jhen... .

"Huwag na pre baka masaktan ko lang siya ng hindi sadya., baka hindi ko na kayanin pang muli na masaktan.. " pagtatanggi ko..

"Hindi mo pa nga sinusubukan pre.. sumusuko ka na.. baka maya magsisi ka sa huli..baka siya ang makatulong para maghilom ang sugat sa puso mo."

Hindi na ako nakasagot pa sa kanya dahil nakita na naming lumalabas na sila Eddie kasama ang pamilya ko. Kasunod nila sina Cess at Sharice kaya agad na kaming lumapit sa kanila. Sinabihan naman ni Santi si Cess na sa akin na sumabay dahil hindi niya siya maihahatid tutulong daw siya sa Mommy niya sa pagliligpit. Naiintindihan naman ito ni Cess kaya matapos magpaalam ay umalis na kami.

Sa biyahe pansin kong may ibang lungkot sa mukha ni Sharice habang tinitignan ko siya sa rearview mirror ng sasakyan ko. Hindi ko naman siya matanong dahil nahihiya ako at isa pa'y lagi siyang nakatingin sa labas ng bintana.

Hanggang sa maihatid ko sila ay wala kaming kibuan. Pagdating sa bahay nila ay inalalayan ko si Sharice sa pagbaba ng kotse si Cess naman ay kusa nang bumaba. Papasok na sana sila nang bahay na pigilan ko sila. "Ahh Sharice wait." mahinang tawag ko sa kanya. "did you enjoy the dinner. ." tanging tanong ko.

"Paano naman yan mag eenjoy kung nakita niya....." hindi na naituloy pa ni Cess ang sasabihin dahil pinigilan na siya ni Sharice.

"Shut up Cess." saway nito sabay baling sa akin. "dont worry i enjoy a lot." pagsisinungaling nito. "by the way thanks sa paghatid at pagsundo mo."

"No problem,i'll go ahead na medyo late na rin." pagpapaalam ko at tumalikod na ako sa kanila at naglakad papunta sa kotse.

"okay, ingat." huling sabi niya at sumakay na ako nang kotse at umuwi na. Pagdating ko sa kwarto ko ay nahiga na ko at hindi na nakapagpalit pa ng damit dahil sa pagod ay nakatulog na agad ako.

To be continue