Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 12 - CHAPTER ELEVEN:

Chapter 12 - CHAPTER ELEVEN:

SHARICE'S POV

Nang makapasok na kami sa bahay ay naupo muna ako sandali sa sofa para makapahinga sandali... si Cess naman ay nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom.. Inihilig ko ang likod at ulo ko sa sandalan ng sofa at dito napaisip ako kung bakit ba ako nakadama ng lungkot sa paglabas at pag iwan ni Jhay sa amin sa gitna ng masayang bonding at ang dahilan nito.

"Bakit ba ako nagkakaganito ngayon.. bakit may sakit akong nadarama dito sa aking dibdib nang malaman ko iyon.. may pagtingin na ba ako sa kanya.. gusto ko na ba siya o mahal ko na siya..." tanong ko sa sarili ko na hindi ko mabigyan ng kasagutan dahil naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko. Iilan buwan pa lang kaming magkakilala at hindi naman ganoon kaganda ang relasyon namin sa trabaho...

Nahinto lang ang pag iisip ko nang magsalita itong si Cess. "Hoy Sharice Torres." mahinang sigaw nito sa akin. "ano bang nangyayari sa iyo."

"Bakit??,," balik tanong ko sa kanya.

"Anong bakit.. tignan mo nga ang sarili mo.. halatang halata ka na..."

"Ano ba iyang pinagsasabi mo ha, Cess." singhal ko sa kanya.

"Alam mo mahirap ka kasing intindihin ngayon.. dyan sa mga kinikilos mo't gawi.. katulad na lang kaninang umaga hanggang sa pagsundo sa iyo ni Jhay sobrang saya saya mo .. tapos nong nasa bahay na tayo ni Santi bigla namang nagbago ang mood mo nang lumabas siya at malaman ang dahilan non... " napabuntong hininga muna siya bago muling nagsalita.. "mabuti pa nga'y umamin ka kung ano ba talaga.." sarkastikang tanong nito sa akin.

"Ano naman ang aamin ko sa iyo." nakangusong singhal kong muli sa kanya.

"Sinasabi ko sa iyo'y traydor ang puso't damdamin.. kayang kaya kang ipagkanulo niyan at nakikita na ngayon iyon diyan sa mga kinikilos mo.."

"Ano ba talaga ang pinupunto mo ha, Cecilia..bakit hindi mo pa ako deretsuhin..." pagalit na tanong ko at nagsalubong na ang kilay ko..

"Na mahal mo na siya, na kahit hindi mo man maamin ay ipinagkakanulo ka ng puso't damdamin mo." derektang sagot nito sa akin at tama nga siya... ayaw ko na ring magsinungaling sa nararamdaman ko... dahil nahihirapan na rin ako....nahahalata na niya ako..nagiging obvious na ito dahil sa kinikilos ko...

"Oo, mahal ko na nga yata siya..." deretsahan pag amin ko... bigla naman nagbago ang mukha niya't kinilig sa sinabi ko. "pero hindi ako nakakasiguro kung mamahalin niya rin ako." malungkot na sagot ko sa kanya.

"Bakit hindi ka naman niya mamahalin ." nagtatakang pagtanong nito sa akin..

"Dahil alam ko na hanggang sa ngayon ay sarado pa ang puso niya dahil sa sakit at pagkabigong naranasan niya.... hindi niya kayang buksan itong muli para sa iba...at ang masakit ay nakikita niya sa akin ang itsura ng babaing nagdulot ng sakit sa kanya.. " nagkaroon ng munting kirot sa pakiramdam nang sabihin ko ang linyang iyon kay Cess...

Bigla siyang napatulala sa sinabi ko at hindi agad nakakibo .. napabuntong hininga naman ako.

"Dont tell me Sha, na alam mo na ang tungkol sa kanyang nakaraan at sa mga pinagdaanan niya.... don sa babaeng labis niyang minahal ngunit iniwan at binalewala siya... paano at saan mo ito nalaman..." ang sunod sunod niyang mga tanong sa akin...alam kong may alam na siya dahil nasabi na ito sa kanya ng boyfriend niya..

"Sa kanya mismo,inamin niya ang mga hinanakit at sama ng loob niya.. nong time na magkasama kaming nagpunta ng bar... yon time na isinet up nyo kaming dalawa..." bahagya akong napaluha nang maalala ko ang mga sinabi niya nong gabing iyon.. "ramdam ko ang sakit na dinadala niya nong time na iyon." tumulo na ang luha ko nang maalaala ko ang lahat ng mga sinabi niya nang gabing iyon...

"Sha, Alam kong mahirap sa ngayon ang sitwasyon,.pero kung mahal mo nga siya ngayon...dapat kayanin mong maghintay hanggang sa unti unti maghilom ang sugat niya dulot ng nakaraan... " pagpapayo niya sa akin na kasalukuyang hinihimas ang likod ko.. "kakayanin mo bang maghintay sa kanya hanggang sa maghilom ang sugat niya.."

"hindi ko alam kung makakaya ko ..pero para sa kanya handa akong maghintay..."

" Huwag kang mag alala dahil susuportahan kita... nandito lang ako palagi sa tabi mo kahit na anong mangyari." natuwa ako sa mga salitang binitawan niya. Alam ko rin naman na hindi niya ako papabayaan.. "at isa pa nasabi sa akin ni Babe na nakikita niya na ang unti unting pagbabago kay Jhay simula nong nagkasama kayo.."

Bahagyang nagkaroon ng buhay ang nawawalang pag asa ng puso ko dahil sa sinabi niyang iyon.. " halos dalawang buwan na rin hindi nagpupunta sa bar at umiinom si Jhay...sinabi ni Babe na tinigilan na ito ni Jhay...hindi niya na nilulunod ang sarili niya sa alak dahil sa problema niya...at iyon magkasama kayo ang huling time na nagpunta siya doon." mas lalo kong ikinatuwa ang balitang iyong. " basta gawin mo lang kung ano iyong ginagawa mo ngayon ipagpatuloy mo lang.. "

"Salamat at lagi kang nasa tabi ko.." ito na lang ang nasabi ko sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit..

Matapos nong pag uusap namin ay nakaramdam na kami ng antok kaya umakyat na kami't natulog...

Kinabukasan tanghali na kong nagising. wala namang work kaya okay lang. Ngayon ko lang muli naramdaman ang sarap ng pagkakatulog ko at nakakarefresh ito sa aking pakiramdam. Matapos kong magmuni sandali ay nagpasya na kong bumaba.

Pagbaba ko ay nagtungo ako sa kusina para makainom ng tubig.. nadatnan ko dito si Cess na abalang abala sa pagluluto may pakanta kanta pa. Alam ko na kapag ganyang abala siya sa pagluluto ay dadalaw sa kanya ang boyfriend niya..

Kaya hindi ko na siya ginambala pa.. nagtimpla na lang ako ng kape ko at nagtungo na sa sala. Doon ay nagbasa ako ng pocketbook na paboritong kong gawin kapag stress ako o pampalipas oras lang.

"Oy, kamusta na pakiramdam mo." nagulat ako sa biglang pagtatanong na iyon ni Cess dahil hindi ko namalayang nasa harap ko na siya.

Ibinaba ko muna iyong binabasa kong pocketbook at... "Okay na ako." ito lang ang tanging naisagot ko sa kanya.

"Mabuti naman,... oh siya aakyat lang muna ako at mag aayos ako baka dumating na si Babe.." ang kinikilig nyang ani at dali dali na itong umakyat.. Ako'y ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa. Maya'y bumaba siya at hindi mapakali at panay sng tingin sa oras..

Hanggang sa paglipas ng isang oras ay nakarinig na ako ng malakas na busina galing sa labas.. Tatayo na sana ako para pagbuksan ng pinto si Santi pero naunahan na ako nitong si Cess na nagmamadali sa pagpunta sa pintuan na akala mo'y matagal hindi nakita ang boyfriend niya. Kaya ako'y naupo muli at nagtuloy sa pagbabasa.

"Babe , bakit ngayon ka lang ang sabi mo 12 nandito ka na.. anong oras na ohh.." may pagtatampong tanong ni Cess sa kanyang boyfriend.

"Sorry Babe, bigla kasing tumirik yong kotse ko... tumawag pa ako nang mag aayos kaya natagalan..." pagpapaumanhin naman nitong si Santi . "actually kasama ko nga iyong nag ayos ng kotse ko.."

"Ohhh my, Jhay ikaw...." malakas na pagkakasabi nito kaya halos matulala ako nong marinig ko ang pangalan ni Jhay.. hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko...nalilito ako nang bigla kong naalala na hindi pa pala ako nakakapag ayos ng sarili ko simula nang magising ako... Nataranta na ako kaya dali dali akong tumayo at patakbo na sana akong paakyat pero sa pagmamadali ko napabunggo ako sa dibdib ni Jhay. Agad niya akong nahawakan sa baywang upang mapigilan niya ang pagtumba ko.

Agad akong umiwas at kumawala sa pagkaka alalay niya't madaliang umakyat sa kwarto ko.....

CECILIA'S POV

Natatawa ako sa nakita kong inasal nitong si Sharice... kita ko kung paano siya mataranta nang malaman niyang kasama ni Babe si Jhay. Alam ko rin naman ang dahilan niya... hindi kasi niya inaasahan na dadating siya nagkataon lang na isinama siya ni Santi.... kaya hindi man lang siya nakapag ayos ng kanyang sarili.

Suot niya pa kasi ang kanyang pantulog at hindi pa makakaligo kaya ganon na lang ang pagkabahala niya.. " Babe, Anong nangyari don kay Sharice, bakit nagmamadaling umakyat iyon.." nagtatakang tanong ni Santi ,napatingin tuloy si Jhay sa akin at nasa mukha rin ang pagtataka.

"Ahh iyon,hindi niya kasi inaasahang kasama mo siyang pumunta dito." turo ko kay Jhay.. "ehh hindi pa naman siya nakakapag ayos dahil kakagising lang.."

"hahahahaha." malakas na tawa nitong boyfriend ko kaya naman hinila ko siya palayo kay Jhay.. "bakit naman siya mahihiya... sanay na naman akong makita siya nang ganon kapag dumadalaw ako sa iyo..."

"Loko, hindi naman sa iyo nahihiya iyon, dyan sa kasama mo.." mahinang pagkakasabi ko para lang hindi marinig ni Jhay... binigyan ko siya ng kurot sa tagiliran ..

Matapos nang konti naming diskusyon nitong boyfriend ko ay niyaya ko na silang kumain.. Alam kong hindi pa sila nanananghalian dahil sa ginawa pa ang kotse niya.. Nag uumpisa na kaming kumain nang bumaba si Sharice. Napatulala ako nang makita ko ang ayos at itsura niya.. lalong lumutang ang ganda at kaseksihan nito.. talagang nag ayos ng mabuti.. Suot niya ay isang simple floral dress at ang nakaagaw pa sa akin ng atensiyon ay ang paglagay niya ng make up..kakaiba ito sa laging ayos niya kapag kaming dalawa lang ang nandito sa bahay..

Hindi ko na lang muna siya pinuna para hindi siya mapahiya sa harapan ni Jhay. "pasensya na kayo kanina,kakagising ko lang kaya ganon ang ayos ko.." napapahiyang paghingi niya ng paumanhin sa dalawang bisita.

"ahh okay lang." ang tipid namang sagot ni Jhay na nasa kinakain ang paningin ni hindi man lang tumingin kay Sharice..

" Hahaha, May lakad ka ba ngayon Sha," tumatawang pang aasar na tanong ni Santi dahil napansin nito ang suot niya..

"Ahh wala naman," nahihiyang sagot ni Sharice sa kanya..

"Sorry, Akala ko masasayang ang pagsama ko dito sa kaibigan ko kung aalis ka... nagkamali pala ako.." muling sabi ni Santi na nakangiti habang nakatingin sa kaibigan niya.

Hindi yata nagustuhan ni Jhay ang sinabi ni Santi kaya.. "Shut up pre," pasinghal na sabi ni Jhay kay Santi na may pagkairita.. "kumain ka na lang pre."...

"Sus kunwari ka pa, gusto mo rin namang sumama papunta rito."

"Pre kung hindi mo ko sinundo sa bahay , makakapunta ba ako dito.." inis pa ring sagot ni Jhay.. bigla naman nag iba ang itsura ng mukha ni Sharice nang marinig niya ang sinabi ni Jhay.. nadismaya siya iyon ang alam ko..

"Pre,huwag ako ang lokohin mo.. kung talagang ayaw mong sumama.. hindi mo iiwan iyong ginagawa mong sasakyan ni Agatha....nagmamadali ka pa ngang maligo nong sabihin kong dito tayo pupunta." patuloy na pang aalaska ni Santi kay Jhay na pinamulahan ng mukha sa binunyag ni Santi....Ito namang si Sharice ang napangiti nang dahil doon.

"Pre you better stop that nonsense, kumain ka na lang." pag iiwas niya kaya hindi na kumibo si Santi.. isang magandang ngiti na lang ang iginati niya.

Nang masdan ko si Sharice ramdam kong natuwa siya sa mga narinig niyang binunyag ni Santi tungkol sa kaibigan. Ayaw niya lang ipahalata kaya hindi ito kumikibo at nagpapatuloy lang sa pagkain.

Matapos kumain ay pinapunta muna namin sa sala iyong dalawa. Habang nagliligpit kami ay doon ko na pinuna si Sharice. "Ang ganda at haba ng hair." bungad kong pang aasar sa kanya. "iyan ba ang hindi sigurado sa nararamdaman.."

"Cess ano ba." pigil niya sa akin sabay takip niya sa bibig ko. "mamaya marinig ka niya.."

Kaya naman hindi na ko nagsalita pa at tinulungan ko na lang siya magligpit at maghugas ng pinagkainan namin.

Paglabas namin sa sala ay sinamahan namin iyong dalawa na tutok na tutok sa panonood ng basketball sa TV. Maya lang ay inaya ko si Santi na samahan ako sa itaas ngunit tumutol siya.. Kaya naman pinandilatan ko siya ng mata sabay senyas na agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin. Nagpaalam muna kami doon sa dalawa bago kami umakyat....

to be continue