SHARICE'S POV
Iniiwan kaming dalawa ni Jhay dito sa sala nang dalawang iyon at alam kong sinadya nila ito.. Nang makaakyat sila ay nanatili pa rin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Jhay. Tutok na tutok siya sa pinanonood niyang laro sa television. Hilig ko rin naman na manood ng basketball pero sa oras na ito ay pakiramdam ko ay boring ang panonood ngayon. "hindi mo ba gusto ang pinanonood natin." tanong niya na bumasag sa nakakabinging katahimikan naming dalawa..
"Ahh hindi naman," sagot ko.
Hindi na muli siyang nagsalita, panay na lang ang sulyap niya sa akin..kaya nacoconcious ako sa ginagawa niya. Hindi ko na tinuunan nang pansin iyon.. maya'y narinig ko siyang bumuntong hininga at.... "Ahh,about last night." tanong niya matapos huminga nang malalim. "i apologized sa ginawa ko."
Nagulat ako sa paghingi niya ng paumanhin na hindi ko alam kung saan siya nag sosorry. "for what." patay malisyang sagot ko.
"for what i did...leaving in the middle of happy conversation... i know im being too foolish that time.. "
"its just okay, naipaliwanag naman sa amin ni Eddie."
"but still im being too rude in my action.. hindi ko naisip na may kasama pala kami.. nahihiya tuloy ako sa inyo ni Cess.."
"dont mind that, naiintindihan ka naman namin.."
Pansamantala siyang tumahimik sandali bago muling nagsalita. "may naalala lang kasi ako..everytime we had that gathering..." nahihiyang paliwanag niya sa akin.
"Who???, yong Ex girlfriend mo." derektang naitanong ko sa kanya ng hindi sadya..
"Yeah, i cant help to think about her..." pag oopen nito sa saloobin niya. "alam kong dapat ko na siyang kalimutan, pero hirap pa rin akong gawin..."
"siguro kaya lagi mo siyang naaalala ay masyado mong itinutuon ang puso't isipan mo sa kanya..." deretsang sagot ko. "kaya siya lagi ang laman niyan..." turo ko sa kanyang dibdib.. "subukan mong ibaling sa ibang bagay ang pag iisip mo't atensiyon..baka sa ganong paraan ay makamove on ka na..."
"Alam mo ganyan din ang madalas sinasabi sa akin ni Agatha at mga kaibigan ko..sa tuwing nalulugmok ako sa sakit at kalungkutan dahil sa kanya.... sinunod ko naman ang mga payo nila... kaya naman nagdesisyon akong itinuon ang oras at pag iisip ko sa pag aaral at ngayo'y sa work naman."
"nasunod mo naman ba ang mga ipinapayo nila sa iyo..."
"Sa ngayon kahit minsan ay naaalala ko pa rin siya... masasabi kong unti unti na akong nakarecover lalo na nang mag umpisa akong magwork... nagkaroon kasi ako ng mga bagong kakilala at bagong kapaligiran.." bahagya natuwa ang puso ko nang marinig ko iyon.. nagkaroon ng panibagong siglang naramdaman. "ikaw, magkwento ka naman tungkol sa iyo at sa Ex mo." bigla akong napalingon nong banggitin niya iyon.
Huminga muna ako nang malalim saka nagkwento sa kanya. "Nakipaghiwalay ako sa kanya nang malaman kong niloko niya ako..."
" Dont tell me dahil sa third party."
"Mas malala pa doon,... bukod kasi sa dami nang naging babae niya.. nalaman kong isa siyang lider ng gang.." salaysay ko sa kanya.
"I see, kaya pala ganon na lang ang ginawa sa iyo nong nakaraan.."
" kaya nga laking pasalamat ko sa iyo nang araw na iyon... siguro kung hindi ka dumating nasaktan na niya ako.."
"Ginawa ko lang...." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil sa biglang singit sa usapan ni Cess... "ano okay na ba kayo." singit na tanong niya sa amin.
"Ahh pasensya na naistorbo namin kayong dalawa masyado yatang malalim ang usapan niyo.." sabat naman ni Santi saka bumaling kay Jhay... "pre kailangan na nating umuwi, tumawag kasi si Mommy pinasusundo sa akin sa airport si Stella." muling sabi nito kaya nagpaalam na sila..
Nang makaalis na iyong dalawa.ay agad na akong pumanhik sa kwarto ko. Alam ko kasi kapag nagtagal ako sa sala ay walang humpay na pagtatanong naman ang aabutin ko dito sa kaibigan ko...
JHAYDEE'S POV
Nagising ako nang umagang ito sa lakas ng kalabog sa pintuan ng aking kwarto. Alam kong si Agatha iyon kaya hindi ko na pinagbuksan pa.. dumiretso na lang ako sa banyo upang maligo.
Habang naliligo ako ay nakaramdam ako nang paggaan ng pakiramdam ko. Wala ni anumang bigat akong naramdaman. dati'y tamad na tamad at walang ganang bumangon. Siguro'y dahil ito sa nailabas ko ang lahat ng bigat sa aking dibdib..
Dito'y bigla kong naalala si Sharice, ang itsura niya habang nakikinig sa mga problema ko sa buhay.. Doon ko lang siya natitigan nang malapitan,..aaminin kong maganda siya, mas pa kaysa kay Jhen.., kahit may pagkamasungit at pagkaboyish kung kumilos, mabait din naman siya... 'tsk, humahanga na yata ako sa amasonang iyon.". nangingising bulong ko pa sa aking sarili..
Naagaw uli ng malakas na katok sa pinto ang aking mga iniisip..nawala tuloy ang alaala ng itsura ni Sharice..
"Hoy Jhay hindi ka pa ba na natatapos maligo... " sigaw nitong si Agatha, agad akong lumabas nang banyo at nagbihis. Pagbukas ko nang pinto'y.. "Bakit ba ang tagal tagal mong magbukas ng pinto." inis na reklamo nito..
"Ano bang kailangan mo't ang aga aga mo akong ginagambala.." singhal ko sa kanya.., binalewala niya lang iyon at agad niya akong hinila para bumaba.. "Agatha ano ba," sigaw ko uli sa kanya..
"Bilisan mo na kasi at late na ako.."
"Bakit hindi ka pa umalis kanina,..kesa naghintay ka pa sa akin.. and beside you have your car..."
"hello, hindi ba't sira ang kotse ko,.. kanino kayang kasalanan kung bakit hindi nagawa iyon.."" sumbat niya at dito ko naalala na inaayos ko ang sasakyan niya nang biglang dumating si Santi . Pinacheck niya ang kotse niya sa akin at matapos non ay inaya niya akong pumunta kina Sharice..
"halika na't ihahatid na kita.." pumunta na ako sa garahe at nilabas ko itong kotse ko.. Nagmadali siyang sumakay kaya agad na kaming umalis.
Maya'y nagsabi siyang magdrive thru muna kami..kaya nang makakita ako ng isang fastfood chain agad akong lumiko doon..Siya na ang umorder ng pagkain namin.. "Bakit ang dami mo namang inorder, mauubos ba nating dalawa iyan.." tanong ko habang isa isa kong inaabot ang pagkain galing sa crew ng fasfood
Ngumiti siya't. "binilhan ko rin si Eddie at si Sharice...kaya ibigay mo sa kanila ito..."
"bakit pati siya'y bibigyan mo." inis na tanong ko at bigla niya akong binatukan.. "aray ,para saan naman iyon.." sigaw ko sa biglaang ginawa niya..
"pasasalamat ko sa kanya iyan... kaya ibigay mo, malalagot ka sa akin kung hindi niya matatanggap iyan.." huling bilin niya sa akin bago siya bumaba ng kotse ..
Wala na akong nagawa kundi sundin siya..mas malala pa kasi siya kay Sharice kung manakit sa akin..
"Bro, late na late ka na ahh," nagulat ako sa biglang sabi at tapik sa akin ni Eddie na nasa likuran ko..
Nakalukot ang mukha ko nang harapin ko siya. "Hinatid ko pa kasi si Agatha sa work niya.." sagot ko at sabay abot sa kanya ng pagkaing binili ni Agatha. "para sa iyo raw yan." pagkaabot ko'y tinalikuran ko na siya at nagtungo sa may mesa ni Sharice.. "Pinabibigay ni Agatha." sabi ko nang mailapag ang pagkain sa mesa niya.. nag angat siya na tingin sa akin sabay ngiti at pasalamat.
"hoy Jhay, dalawa lang ba ang kasama mo sa office na ito." biglang pagsigaw nitong si Cess.
"Sorry hindi naman ako bumili nito..pero kung gusto mo tatawagan ko si Santi para bilhan ka rin.". sagot ko at tinawanan naman siya ni Eddie...
"Mga letse kayo.". inis na singhal niya.
"Huwag kang mag alala bro, dahil nabigyan na iyan ni Santi, puro imported pa.." pang aasar pa rito ni Eddie.
Naupo na ko sa may desk ko nang. "Ahh bro muntik ko nang makalimutan.. pinatatawag ka ni Mam Salazar.."
"Bakit daw?."
"Hindi ko rin alam, walang sinabi iyong sekretarya niya." huling sabi niya't tumayo na ako para pumunta sa office ni Mam Vivian..
Pagdating ko dito sa opisina ni Mam Vivian ay pinatuloy na ako ng sekretarya niya.. Pagpasok ko ay binati ko sila dahil kasama ni Mam Vivian si Mam Shainna Bueno ang COO ng kumpanya.
"Pinatatawag niyo raw ho ako Mam." sabi ko nang nakaupo na ko sa sofa sa recieving area ng opisina..
"Ahh Yes, Mr. Manansala, you need to go now to Manila to fixed some machine there that heavily damage during a fire incident that occur in the factory beside our factory in Las Piñas."
"But why me, mayron naman ho silang mga technician doon..' pagsagot ko sa kanila..
"Masyado kasing naging malala ang pagkasira ng mga makina doon.. wala ni isa sa kanila ang kayang umayos non.. kaya nagdecide si Sir Bernard na ikaw ang ipadala doon..." paliwanag pa sa akin ni Miss Shainna.
"Okay Mam i'll go, " sagot ko nang pagpayag sa kanila at nagpaalam na sa kanila..
Pagbalik ko sa office namin ay wala iyong tatlo , kinuha ko lang ang mga gamit ko't umuwi na ako..
Sa bahay nagulat si Mama dahil maaga akong umuwi.. sinabi ko sa kanya na kailangan kong mag empake dahil luluwas ako ng Manila.. Ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit kaya tinulungan niya na kong mag empake ng mga damit ko. Matapos non ay nagpaalam na ako kay Mama at umalis na...
to be continue