Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 19 - CHAPTER EIGHTEEN:

Chapter 19 - CHAPTER EIGHTEEN:

EDDIE'S POV

Nang dumating ang mga taong mag aayos ng office namin ay hinarap ko sila.. sinabi ko kung ano ang magiging porma at ayos nito. Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap nang may pumasok na isang babae at may dalang mga gamit. Si Cess ang agad bumati sa kanya. "oh,Chelshey bakit naririto ka." may pagtatakang tanong nito sa babae.

"Ahh kasi, simula sa araw na ito.. ako ang magiging staff clerk nina sir Ed at sir Jhaydee." sagot niya at nang banggitin niya ang name ni Jhay ay kitang kita ang pagkakilig nito.. lalo nang makita niya si Jhay na lumabas galing pantry. Titig na titig ito kay Jhay at nakabuka pa ang mga labi na halos tumulo na ang laway..

"Hoy, umayos ka." sambit ni Cess at tinapik niya ito upang matauhan. . "kung gusto mo pang tumagal dito.." dagdag pananakot pa nito habang ang kanyang mga mata ay na kay Sharice..

"Ha,anong sabi mo Cess." wala sa sariling natanong nito kay Cess dahil ang paningin ay nakatutok pa rin kay Jhay na papalapit sa amin..

"Who's her bro?.." pagtatanong ni Jhay nang makalapit sa akin.

Ipakikilala ko na sana ito ko kaso, "Good morning Sir Jhay, im Chelsey Agustin, i be the assign as a clerk.." magiliw niyang pakilala sa sarili niya at inilahad pa ang kamay kay Jhay..

"okay," tugon ni Jhay na agad tumalikod at naupo sa may desk niya.. kitang nadismaya itong si Chelsey nang hindi man lang nahawakan ang kamay ni Jhay..

"Miss Agustin, doon ang desk mo." sinabi ko habang itinuro ko kung saan ang pwesto niya... Nakasimangot na nakangusong tumalima ito papunta sa desk niya.. Nilapitan ko si Jhay at kinausap ito ukol sa mga aplikante. "Bro, sisimulan na ba natin ang interview at training sa mga aplikante..."

"Sige,"

Nang sumang ayon siya ay pinakiusapan ko si Chelsey na pasabi sa guard na papasukin na ang mga aplikante sa Engineering office.. Nang nakapasok na ang lahat ay pinaupo muna sila ni Chelsey sa mahabang sofa sa recieving area. Habang inaasikaso sila ni Chelsey ay pinagmamasdan ko sila. May nakaagaw sa akin ng atensyo sa kanila..ito ay yong tatlong babae na aplikante.. Pinagtitinginan din sila ng mga kasama nila at base sa tingin ay masasabi kong kinukutya nila ang tatlo.. "Bro theres three promising aplicant" masayang balita ko kay Jhay.. "but their woman.." may halong pagkabagabag na sabi kong muli..

Nag angat ng tingin sa akin si Jhay.. "Bro,i dont care if their woman the important thing is their capabilities.."

"Yeah i know, and the way i see this three ladies will stand out.."

"we will see that bro." matapos nang pag uusap namin ay isa isa na namin silang kinausap at tinanong.. sinubukan din namin na bigyan sila ng on the spot question about the machine maintaining and troubleshoot..

Pinahanga kami nitong tatlong babae kaya sa huli ay nagdesisyon kaming pareho na tanggapin sila.. Matapos ang interview ay nilabas ko sila para ihayag sa kanilang labing lima kung sino ang matatanggap.. "The names i'll be called will be accepted and will start training tommorow.." bumuntong hininga muna ako bago ko sabihin ang mga pangalan. "Charlie Bunas, Wendel Quinto, Hugo Limaco, Ritchel Frias, Joanne Vintas and Cassandra Huella,.. kayong anim ay tanggap na at maari na kayong pumunta sa HR." huling sabi ko sa kanila at pinasalamatan ko ang mga hindi natanggap.

Malapit nang mag lunch nang matapos kami.. Maya'y dumating na si Santi at nag aya na ito sa cafeteria ngunit tumanggi si Jhay sinabi nitong nagpadeliver siya ng pagkain kaya sa pantry daw kakain.. "Hindi ba kami kasama diyan pre," biro ni Santi dito kay Jhay at sinimangutan siya nito..

"Pre,para sa amin lang iyon ni Sharice, pero kung gusto mo tatawag uli ako para makasama kayo..

"Hindi na pre, sa cafeteria na lang kami.." may pagtatampong sagot nito." tara na Ed." pag aya niya na sa akin at tumalikod na ito kasama na si Cess ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ng malayo ay pinigilan ito ni Jhay..

"Pre,hindi ko alam na sensitive ka na ngayon." napalingon ito kay Jhay na nakangitin sa kanya. "Pre magagawa ko bang kalimutan kayo.." biglang nagbago ang mukha ni Santi at napalitan ito ng ngiting may pang asar... "para sa atin iyong inorder ko.."

"May sakit ka ba ngayon Bro." biro ko naman sa kanya at lumapit upang icheck ang leeg niya. Sininghalan niya ako at tinabig ang kamay ko.

Nang dumating ang pagkain ay niyaya na ni Jhay si Sharice at sabay sabay na kaming nagtungo sa pantry at kumain.

SANTI'S POV

"Babe." mahinang pagtawag sa akin ni Cess. "totoo bang its hard to fall in love to a brokenhearted guy.." naitanong niya ito dahil ito ang naging tema ng pinanonood naming pelikula sa sinehan.

"For me its not, kailangan kasi ay maunawaan mo siya to help him to overcome that...gave him courage, show him that hes not alone . he can love and to be loved..its the same way as you fall in love with a girl whose heartbroken." maikling paliwanag ko sa kanya. "and why did you asked that question."

"Its just that i saw Sharice in Rose shoes." sagot niya at hinalintulad niya si Sharice doon sa bidang babae sa pelikula. "alam ko ganyan din ang nararamdaman niya, mahirap pero dapat kayanin... pero Babe sa palagay mo may pag asa kaya mainlove si Jhay sa kanya.." tanong pa ulit niya..

"I dont know for now.. but one thing im sure that he is in the process of overcoming his sorrow and pain... and she is the reason behind all of it...."

"You mean that theres a possibilities."

"Maybe...someday it will happen." sagot ko sa kanya at tumutok muli sa pinapanood namin.

Nang matapos at makalabas na kami ng sinehan ay niyaya ko munang kumain si Cess sa paboritong resto namin dito sa Anbern Mall.. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay tumunog ang phone ko, nagitla ako nang makita ang name nang tumawag.. "Babe bakit parang namutla ka dyan.. sasagutin mo lang naman iyan.."

"Si Jhay kasi ang tumatawag, kaya medyo nagulat ako.. ito ang first time niyang tumawag sa akin sa haba nang panahong nagkaroon ng smartphone .." sagot ko kay Cess at sinagot na ang tawag ni Jhay.

"Hello,"

"pre nasaan ka," agad na tanong nito sa akin at sa tono ng boses nito alam kong may kailangan ito .

"Kasama ko si Cess ngayon..dito kami sa mall at nagdidinner... bakit??."

"Tsk, Ganon ba sige tawagan na lang kita mamaya.."

"Pre may kailangan ka ba, sabihin mo na."

"may gagawin ka ba bukas" nagkukumpirmang tanong niya..

"Meron pre, kinulit kasi ako ni Stella na samahan siya sa Manila.. Bakit mo naitanong pre..."

"Ahh W-wala lang pre, sige na baba ko na.. baka naistorbo ko na kayo sa date niyo..." sagot niya pa at agad nang pinatay ang phone niya..

Matapos siyang tumawag ay napaisip ako.. bakit niya ako tinatanong kung may lakad ako.. ano at saan siya pupunta. bakit kailangan niya ako.... "Babe okay ka lang.," bigla akong natauhan at nawala lahat ng iniisip ko nang tanungin ako ni Cess.

"Ahh okay lang ako Babe,"

"May problema ba."

"Wala naman medyo nababahala lang ako kay Jhay.." napapailing na sagot ko sa kanya.

"Why, is there anything happen to him?"

"i dont know, hes just asking kumg may gagawin ako bukas..." nababalisa pa rin pagsagot ko kay Cess.. "i called him later." at sinabihan ko siya na tapusin na namin ang pagkain.

Matspos non ay inihatid ko na si Cess.. pagdating namin sa kanilang bahay ay pinapasok ko muna siya bago ako umuwi...

to be continue