JHAY'S POV
"Agatha." pagtawag ko sa kapatid na abala sa paghahanda ng aming breakfast. Agad siyang luminga sa akin ngunit nagdadalawang isip ako kung ituloy ang sasabihin ko.. Nahihiya akong magtanong sa kanya at baka pagtawanan niya lang ako.. Sa sobrang gulo ng isip ko..nagpalakad lakad ako pabalik balik..pinag iisipan kung sasabihin ko ba o hindi..
"Ano ba Jhay, nahihilo na ako sa ginagawa mo.." pumailanlang ang boses niya sa gitna ng pag iisip ko kaya napahinto ako't tumingin sa kanya.. "may sasabihin ka ba.. kung wala maupo ka na diyan at kumain.." inis na sabi nito habang hinuhubad ang apron na suot. saka naupo at nagsimulang kumain..
"ahh Sis," malambing na pagtawag ko sa kanya. "ehh kasi.." hindi ko maituloy dahil natatakot akong pagtawanan nito..
"Ano ba, sabihin mo na ang gusto mong sabihin.." nag iinit na sa inis ang kanyang mukha sa pagtatanong sa akin.
"Kasi Sis, i just wanna know if.. anong pwede kong ibigay o dalhin sa babaeng liligawan pa lang..." napayuko at nahihiyang sagot ko..
"Hahahahaha,,," bumunghalit siya nang pagtawa sa isinagot ko.. "oh my god Jhay, ngayon ka lang ba nanligaw sa babae at hindi mo alam ang mga bagay na yan.." nangingiti pa siya habang pinagmamasdan ang mukha ko..
"Sis alam mong kahit kailan hindi ako nanligaw sa babae,,sila ang nanliligaw sa akin.." may yabang ngunit sinserong sagot ko..Dahil noong nasa high school kami ay wala akong niligawan, sila ang kusang nagpapahayag ng pagkagusto sa akin at kung anu ano ang binibigay..na itong kapatid ko naman ang nakikinabang..
"oo na ikaw na ang pinakagwapo..pero iniwan naman..." hirit pang aasar niya..
"Sisss,"
"okay, okay," taas kamay niyang sagot. "all the girls love flowers and sweets, " nakapanguso pa niyang tugon.. "hey don't tell me that..." hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin niya..tumayo na ako at agad umakyat sa kwarto..
Mga ilang sandali matapos kong mag ayos ay nagpasya na akong umalis para pumunta ng mall. Pagdating sa mall pumunta ako sa bilihan ng mga chocolate at sa isang floral shop dito.. habang nagtitingin isang pink rose ang pumukaw sa aking paningin.. kaya nagdecide ako na ito na ang bilhin ko..
Nasa harap na ako ng bahay nina Sharice..nakatayo na ako dito ng ilang minuto..kinakabahan at hindi alam kung kakatok na.. nang makadesisyon na ako para kumatok ay bigla itong nagbukas..
Muntik nang mapasigaw si Cess sa pagkakakita niya sa akin.. "Oh, Jhay anong ginagawa mo dito.." nagtatakang pagtanong niya sa akin..ngumiti ako at magalang na binati siya..
'Cess ano bang ginagawa ng isang lalaki sa bahay ng babae..."
"Pero Jhay." napapailing siya at saka nagpakawala ng buntong hininga.. magsasalita pa sana siya kaso biglang narinig namin ang boses ni Sharice..
"Cess akala ko ba'y aalis ka..." hindi na niya naipagpatuloy pa ang sasabihin ng nagulat siyang makita ako.. "Jhay." tawag niya habang nagpalit palit ang tingin niya sa loob at sa akin... kabado siya sa sandaling ito..
"Anong ginagawa ninyong dalawa diyan, " biglang may nagtanong na tao sa loob..napalingon itong dalawa sa kanya kaya nahagip niya ako ng paningin niya.. "Bakit hindi niyo papasukin ang bisita niyo..."
Wala nang nagawa itong dalawa at pinatuloy na nila ako.. Sa pagpasok ko bumungad sa akin ang babae at lalaking nasa mid 50s ang edad. Nang pinakamasdan ko itong lalaki.. alam kong nakilala ko na ito.. siya si Alexander Torres ang Presidente ng Torque Motors.. Matagal na rin akong may kutob na may koneksyon si Sharice dito.. ngayon ay nasagot na ito..
"He is your boyfriend Cess," agad nawala ang paningin ko sa Daddy ni Sharice nang marinig ko iyon..si Cess ay napawasiwas ang kamay sa pagtanggi..
"Hindi ko po siya boyfriend Tita.." pagtutol niya.. "siya po ang manliligaw ni Sharice.." sagot nito at sabay napatingin sa akin ang mga magulang ni Sharice.. nandon ang pagkagulat at pagkilatis nila..
"Good afternoon po." pagbati ko sabay yukod para magbigay galang.. "im Jhaydee, Jhaydee Manansala.." pagpapakilala ko sa kanila..
"Nice to meet you hijo, were the parents of Sharice.." pagbati at pakilala nila sa akin.. "have a seat hijo." pagkasabi nang Daddy ni Sharice non ay naupo ako sa single sofa dito..
Kinakabahan at hindi ako makakibo sa harap ng magulang ni Sharice.. Hindi ko expected na makikita ko sila sa unang pagdalaw ko bilang manliligaw niya. Katahimikan ang bumalot sa paligid nang ilang sandali hanggang sa nagtanong ang Daddy ni Sharice.. "By the way hijo, How you and my daughter met.."
"Were collegue sir, "
"So what your nature of work.."
"im a electromechanical engineer sir.." sagot ko at kita kong napapatango ito.. habang pinagmamasdan niya akong mabuti..
"Bu the way, i've been thinking if your related to Danny and Beatriz Manansala.." tanong niya na nagbigay sa akin ng isiping paano niya nakilala ang mga magulang ko..
"their my parents sir.. but how do you know them sir.."
"Were good friends, their my classmate in high school until college.." hindi ako makapaniwala na malapit na kaibigan siya ng mga kinilala kong magulang.
Nagpatuloy lang ang pag uusap namin ng Daddy ni Sharice.. marami siyang naikwento tungkol sa pagiging malapit nila ng mga magulang ko. May nabanggit din siya tungkol sa tunay kong ina...alam niya din kung ano ang nangyari dahil isa rin siya sa tumulong sa ina ko nong nagbubuntis ito.. Hindi ko na sinabi sa kanya ang lahat dahil ayaw ko nang ungkatin pang muli ang buong pagkatao ko..
"Dad, baka naman tinatakot mo na siya.." naabala ang pag uusap namin nang madinig ang boses ni Sharice nang lumabas ito galing sa kusina..
"Why do i do that?." pabirong sagot nito sa anak..
"By the way our food is serve..Dad, Jhay lets go.."
Sabay na kaming napatayo at sumunod ako kay Sharice ngunit bago ako mapaupo sa hapag kainan ay tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng pants ko at tinignan kung sino ang tumawag. Si Francis ang supervisor nang rubber dept. ang tumatawag. Alam kong urgent ang pagtawag niya kaya nagpaalam muna ako sa kanila para sagutin ito.
Urgent ang call ni Francis..sinabi niyang nasira ang P6..tumigil ang motor nito at may tumunog sa loob ng tangke. Nang marinig ko ito ay sinabi ko sa kanya na pupunta na ako. "Sir,Mam im very sorry. dahil hindi na ako makakasalo sa inyo sa pagkain.need kong ayusin asap ang makinang nasira sa factory." paliwanag ko..Nang nakapagpaalam na ko ay agad akong pumunta sa factory..
SHARICE'S POV.
Naiinis ako dahil sa tawag na iyon kay Jhay. Hindi man lang kami nakapag usap simula nang dumating siya. Nalulungkot ako pero kilala ko siya mahalaga sa kanya ang trabaho niya at responsibilidad niya ito.. Ito rin ang mas hinangaan ko sa kanya.. "Hija hindi ka pa ba kakain." bilang naputol lahat ng saloobin ko nang marinig ko ang boses ni Mom.. napalingon ako sa kanya at tumango na lang.
"Naku!! Tita nag eemote lang ho yan, alam niyo na ang dahilan.." nakangising sabat ni Cess na iniwaswas pa ang isang kamay.. Napahagikgik naman si Mom habang minamasdan niya ako..
"Are you in love with him.." deretsang tanong ni Dad..hindi ko inaasahan ito sa kanya dahil lagi siyang tutol sa mga lalaking nanligaw sa akin..
"Dad," pagtawag ko sa kanya, gusto kong sabihin na mahal ko na si Jhay pero walang lumabas na salita sa bibig ko..
"I see it in your eyes that you love him.. dont worry i'll support you these time.." sabi niya pa kaya nakaramdam ako ng kakaiba ngayon kay Dad. Dati'y tutol agad siya sa mga lalaking nagnanais manligaw sa akin bakit ngayon kay Jhay... "I know what your thinking hija.. i like that kid.. he's smart,responsible and i know he can take care of you.."
"Your Dad is right Sha, so you have nothing to worry.. if you love him we love him too.." pagsegunda pa ni Mom kaya masaya ako dahil tanggap nila si Jhay.. "By the way Hija, Your Aunt Letty called,, and she said that they coming home this Friday.." nagulat ako sa masayang balitang ito ni Mom..
"really Mom, are they here for a vacation." masayang tanong ko, matagal na panahon na rin simula nang umalis sila.
"No hija, dito na raw sila maninirahan.. natanggap daw ang pinsan mo sa isa sa malaking kumpanya dito... and they invite us to her welcoming party this Saturday.."
Masaya ako at muli kong makikita ang pinakamalapit kong pinsang si Jennica. Sigurado akong pagdating nito ay walang humpay na kwentuhan ang mangyayari..
Matapos naming kumain ay nagpaalam na sina Dad, may pupuntahan pa raw silang dinner meeting sa isang investors nila..Inihatid ko sila sa labas hanggang sa makasakay sa sasakyan nila
Pagbalik ko sa loob nakita ko si Cess na hawak ang paper bag na bitbit ni Jhay kanina. Agad kong kinuha ito at tinignan ang nasa loob.. Chocolates and three pink roses ang laman nito.. Pilit humihingi ng chocolate si Cess pero hindi ko binigyan. regalo sa akin ito ni Jhay...
to be continue..