Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 23 - CHAPTER TWENTY TWO:

Chapter 23 - CHAPTER TWENTY TWO:

SHARICE'S POV

Naging maganda ang takbo nang araw ko ngayon dahil kahit hindi kami nagkausap at nagkita ni Jhay ng ilang araw ay gumawa siya nang way upang makita, makausap at makapagpaalam na rin sa akin... Ngayong wala siya ay ginawa ko na lang ang sarili ko na maging abala upang kahit paano ay maibsan ang pagkamiss ko sa kanya...

Habang subsob ako sa pagtatapos ng mga dokumento kailangan kong maipasa para sa aming monthly report ay hindi ko naiwasan mapakinggan ang usapan nina Joanne at Cassandra nang nakapasok na sila sa office... "Alam mo Joanne hindi talaga ako makapaniwala na magagawa ni Sir Roland iyon.."

" Cass nagawa niya iyon dahil nagmahal siya. basta nagmamahal ka magagawa mo ang lahat maski makasakit ka ng kapwa mo..."

"Kaya niya ba ginawa ang pagpapadala kay sir Jhay sa Manila.. dahil ba siya ang boss natin ay gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya..tsk,tsk kawawa naman itong si Sir Jhay ." iiling iling na sagot nitong si Cassandra kay Joanne dahil dito sa narinig ko napatigil ako sa ginagawa ko.. kaya hindi ko na napigilan pang usisain kung ano ang narinig kong tungkol kay Jhay...

"Anong ibig ninyong sabihin.?" napatayo na ako sa kinauupuan ko nang oras na ito"t lumapit sa kanila upang alamin ang pinag uusapan nila...nang marinig at makita nila ako ay bahagya silang nagulat sa naging presensya ko. Nagkatinginan silang dalawa at nag iisip kung sasabihin ba sa akin ang pinag uusapan nila. "tinatanong ko kayo ano ang tungkol kay Jhay." halos mapataas na ang boses ko dala ito ng inis na namuo na sa utak ko..

Sa takot ay nagsalita na itong si Cassandra. "Ahh kasi po Mam, narinig po namin ang usapan sa labas... ang biglaang pagpapapunta kay Sir Jhay sa Manila..." nanginginig na sagot nito at halos mautal na ito..

"Mam ayon po sa kanila ay pakana po ni Sir Roland ang lahat..Malaki po raw ang pagkagusto niya sa inyo.. Nang marinig rin ni Sir Roland na nanliligaw sa inyo si Sir Jhay ay gumawa siya ng paraan para mawala ang kakumpitensya niya.. " paliwanag ni Joanne at hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko...

"Mam sa totoo po ang balak ni Sir Roland ay don sa Manila idestino at manatili si Sir...hindi lang pumayag si Mam Vivian, kailangan daw muna nila itong ipaalam sa nakakataas..." dagdag pa ni Joanne dito, hindi ko na mapigilan ang aking emosyon... gusto kong magalit kaya lang hindi ko magawa dahil kahit paano ay amo namin siya at kailangang igalang pa rin..

"Kaya rin madalas na wala sa office si Sir Jhay nitong nakaraan ay dahil sa dami ng trabahong pinagawa ni Sir Roland.. kagaya na lang kahapon pilit pinatapos kay Sir Jhay ang ginagawa niyang IM16..halos 12am na nakauwi si Sir kagabi.." may halo nang pag aalala si Cassandra nang sabihin niya ito..

Dahil dito may namuong inis sa dibdib ko para kay Roland.. akala ko'y isa siyang mabait at matinong tao may itinatago pala siyang masamang intensyon... Ang pinag aalala ko ngayon ay si Jhay dahil sa narinig ko. 12am na siya nakauwi pero nagpunta pa siya sa bahay nang 3am upang makapagpaalam lang. Sa kabila non ay nakaramdam ako ng sobrang paghanga sa kanya..

Matapos ang pakikipag usap ko sa kanila ay bumalik na ako sa desk ko. Itinuloy ko na lang ang ginagawa ko.

Brriizzzkk bbrriiizzzzkkk.. nagvibrate ang phone ko, tinignan ko sa screen kung sino ito, nang makita kong si Roland ang nagmessage ay hindi ko na binasa ito at binura na lang. Naulit pa ng ilang beses ang mensahe niya at tumawag pa ito... sa inis ko ay pinatay ko ang phone ko... Sa mga narinig ko ngayon ay wala na akong balak na makipag usap pa sa kanya..

Sa sobrang inis ko ngayon ay hindi na ako nakapagtrabaho ng maayos.. Wala na rin ako sa mood na makipag usap pa sa tao, kahit na nang makabalik sa office sila Cess ay hindi ko na sila kinibo. Wala akong kinibo kahit sino man sa kanila kahit na panay ang pangungulit nitong kaibigan ko. Hanggang sa mag off kami sa work.

Dahil sa bad mood ako hindi muna ako umuwi ng bahay nagpunta ako sa Nuvali park dito sa Sta. Rosa upang kahit paano ay maibsan ang pagkainis at galit na namumuo sa aking dibdib....

CESS POV

Nabahala ako sa nakita kong inasal nang kaibigan ko ngayong araw. Nakita ko kung gaano siya kasaya nang makita't makausap niya si Jhay nong madaling araw bago ito umalis patungong Manila. Ngunit nitong umaga matapos siyang maiwan sa office namin ay biglang nabago ang kanyang masayang aura at napalitan ng kakaibang aura.. sa kawalan niya ng kibo alam kong may kinikimkim na galit ito.

Ilang oras na akong naghihintay dito sa labas ng aming bahay nagaabang sa pag uwi ni Sharice. Nakapagprepara na ako ng aming pagkain ay wala pa ito kaya ako na lang ang kumain mag isa. Isang oras ang lumipas habang nagpapahinga ako't nanonood ng TV ay dumating siya, narinig ko na kasi ang tunog ng sasakyan niya.

Pagpasok niya sa bahay ay deretso itong naupo sa sofa,hindi man lang naramdaman na nasa tabi niya ako. Pagbaling ko ng tingin sa kanya napuna kong namumugto ang mga mata niya, kaya alam kong may problema ito.

"Okay ka lang ba Sha?,." tanong ko sa kanya ngunit parang hindi niya ako napansin, nanatiling nakatingin siya sa itaas.. Maya'y may tumulong luha na sa kanya.

"Sharice. " muli kong tawag pero ngayon ay tinapik ko na siya dahilan para mapalingon siya sa akin. "okay ka lang ba,may bumabagabag ba sa iyo. " tanong kong muli sa kanya..

"naiinis lang ako, isa pa'y hindi ko maiwasang hindi siya mamiss..." mahinang sagot nito sa akin.. ako nama'y naguluhan sa sagot niya, bakit siya maiinis kung namimiss niya si Jhay.

"hindi kita magets, ano naman ang kinaiinis mo, walang masama kung mamiss mo siya.. "

"Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.. ang kinagagalit ko ay ang dahilan ng pagpunta niya sa Manila,.." masungit na sagot niya na kinasakubong pa ng mga kilay niya, mas lalo naman akong nahihirapang unawain ang mga sinasabi niya.. napatitig na lang ako sa kanya,naghihintay ng susunod niya pang sasabihin. "kasalanan lahat ito nang bwusit na Roland na iyon." humugot muna siya ng malalim na hininga matapos niyang sabihin ito..

"Ano ang kinalalaman ni Sir Roland sa mga nangyayari." nagtatakang tanong ko sa kanya.

"that damn jerk is the reason why Jhay is in Manila now, inutos niya ito upang hindi mahadlangan ang panliligaw niya sa akin.. "

Napabilog ang labi ko sa pagkagulat sa nadinig na sinabi ng kaibigan ko. "you mean that he's already in love with you in just span of few days.."

"i dont know Cess," umiiling na sagot nito.

"Eh,anong gagawin mo kung talagang manligaw siya sa iyo.."

"wala."

"Ano!!!" napataas ang boses ko sa pagtatanong sa kanya. "hindi mo man lang siya tatapatin o sabihin sa kanya na may iba kang mahal."

Hindi na nagsalita si Sharice,tumayo ito't lumakad patungong kusina. Nang sundan ko siya ay nakita kong nagsasandok na siya ng kanyang makakain. Kaya kumuha na rin ako ng pagkain para sabayan siya. "Sha,tumawag na ba siya sa iyo." tanong ko nang bigla siyang nagulat at napamura. Agad niyang nilabas ang phone niya.

"Damn, nakalimutan kong buksan ito, " galit sa sarili at agad niyang inopen ang phone. Pagkaopen niya sunod sunod na tunog ang naririnig. Biglang nabago ang mukha niya nang may nabasa na mga mensahe.

"Bakit Sha, anong problema't ganyan ang mukha mo??"

"Ang daming mensahe ni Jhay, ang nakakainis ay pinapupunta niya ako sa mall dahil may sopresa raw siya...kaso dahil sa bwusit ko dahil kay Roland na panay ang text ay napatay ko ang phone...." balot sa inis ang mukha niya ,alam ko pag ganito nang kainis ito ay makakasakit ito ng sinuman.

"Bakit hindi ba natin pwede puntahan bukas iyon."

"hindi na,dahil kinansel na ng shop na pinagreserbahan niya, limited time lang daw iyon....bwusit talaga kumukulo dugo ko sa taong iyon,wag lang siyang pakita sa akin..."

hindi na niya itinuloy ang sasabihin agad siyang tumayo at padabog na umalis sa hapag kainan.

Kaya wala na akong nagawa kung hindi ligpitin at hugasan ito. Matapos nito ay umakyat na ako at nagpahinga na.

Kinabukasan habang nagpeprepara ako ng breakfast namin ay may kumatok sa pinto. Nang labasin ko ito,isang delivery boy tinanong kung ako si Sharice, nang sabihin kong hindi at tulog pa ito ay pinaclaim miya na lang sa akin. Isang malaking kahon at dalawang paper bag ang inabot sa akin. Sakto nang papasok na ako ay nakasakubong ko na si Sharice na kabababa lang. Inabot ko sa kanya ang kahon at nilapag sa mesa ang paper bag. "Para sa iyo ang lahat na iyan, padala ng mahal mo."

Agad niyang tinignan ang laman ng kahon hindi na tinignan yon sa paperbag dahil alam naming pagkain ito. Namula sa tuwa at kilig ang mukha nito nang makita ang laman ng kahon. Isang nasa tatlong talampakan na white stuff teddy bear ito, may burdang initial na S at J sa dibdb nito,sa isang kamay ay may nakadikit na tatlong pink rose. Walang pagsidlan ang saya nito ngayon araw kaya alam kong nakalimutan na nito ang inis niya kagabi.

After niyang makita at mayakap ang stuff toy ay binalik na niya sa kahon. Niyaya na niya ako umalis at doon na lang daw kainin yong pagkain sa office pantry....

to be continue...