Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 26 - CHAPTER TWENTY FIVE

Chapter 26 - CHAPTER TWENTY FIVE

JENNICCA'S POV

Maaga akong nagising at agad akong naligo, matapos ay nagsuot ako ng aking gym clothes. Bumaba na ako at pumunta sa kotse ko. Nagpunta ako sa park na madalas naming pagjoggingang magkakaibigan. Tumakbo ako dito na ilang laps then nagpahinga and tumakbo uli. After one hour i decided to stop.

Nagpunas ako ng pawis at sa kotse na ako nagpalit ng dami. tinted naman at wala naman masyadong tao kung saan ako nakapark ay okay lang. Matapos ay nag ikot ikot ako dahil maaga pa, nang nakaramdam ng gutom ay naghanap ako ng makakainan. Dahil maaga pa wala pang halos bukas na food chain, nang makita ko ang isang coffee shop na 24/7 na bukas ay doon na ko kumain.

Noong nalaupo na ako at kumakain dito ko lang napansin na katapat nito ang Mendz kaya pala 24 oras bukas ito. Habang kumakain ay minamasdan ang bawat taong pumapasok doon. Maya'y nang mag 7:25am ay isang pamilyar ang nakita kong lumabas sa kakaparada pa lang na kotse. Si Santi ito, nanatili lang itong nakatayo sa tabi ng kotse, may hinihintay ito.

Nang isa namang TorqueV12 na kotse ang pumarada sa tabi ng kotse ni Santi ay alam kong si Sharice ito dahil ang gamit niyang sasakyan ay gawa ng kompanya nila. Walang hilig sa makina si Sharice kaya hindi siya nagtrabaho doon. Pagkababa ni Sharice ay kasunod iyon kaibigan niya na agad lumapit kay Santi ito rin ang nakita kong kasama niya kahapon. Sabay silang tatlo na pumasok sa company.

Ilang minuto pa ang lumipas isang sasakyan muli ang pumarada sa kabilang side ng kotse ni Santi.. Si Eddie ang bumaba dito,dahil dito ay bumilis ang tibok ng puso ko, sa isip ko kung nandito itong dalawa maaring dito ring nagtatrabaho si Jhay. Nakaramdam kaagad ako ng pagdadalawang isip at takot dahil sa dalawa ay mahihirapan na akong magpaliwanag at humingi ng tawad paano pa kaya kung si Jhay..

Nakahinga ako nang malalim ng makitang walang Jhay na dumating sa kompanyang ito.

Matapos kong kumain ay umuwi na ako., nadatnan ko na si Dad sa garden na busy sa pag aasikaso dito, katulong niya ang ilang mga pinsan kong lalaki. Nilapitan ko si Dad at binati ito.at niyakap. "Hi Dad, good morning."

"Oh,Hows your jog"

"Okay Dad, wheres Mom"

"Nasa kitchen busy preparing our food."

Pagkasabi ni Dad ay nagpaalam na akong papasok, pinuntahan ko si Mom na busy sa paghahanda ng pagkain ng mga gumagawa sa labas. "Good morning Mom." bati ko sabay yakap at halik sa pisngi niya.

"Good morning hija, maupo ka na dyan at magbreakfast ka na."

"I already done Mom, kumain ako matapos magjog...akyat na ko Mom pahinga muna." pagpapaalam ko at tumaliikod na ko at umakyat na.

Pagpasok ko dumiretso ako sa banyo upang maligong muli dahil sa amoy pawis pa rin ako. Matapos kong mag ayos ay binuksan ko ang loptop ko checking some email, nang walang masyado ay inopen ko ang aking dummy created facebook account. Agad kong tinignan ang mga newsfeed dito. dahil si Santi lang ang tanging friends ko ay puro post niya ang nakita ko. Ilang buwan ko ding hindi nabubuksan ang account na to.

Sa post ni Santi naagaw ng pansin ko ang ilang pic ng family dinner nila kasama ang family nang dalawa. Pero sa pic na ito kasama si Sharice at iyon kaibingan niya. Hindi ako umasa na makakita ng pic ni Jhay kasama nila dahil kilala ko ito na hindi masyadong socialized. Matapos nito ay sinearch ko yon sa pinsan ko upang malaman kung sino ang boyfriend nito. Ngunit nabigo ako dahil tanging iyon pa rin ang mga nandoon bukod sa isang post na phrases na.

"THEY SAY ITS HARD TO FALL IN LOVE TO A BROKENHEARTED PERSON, BUT ITS TRUE BECAUSE I MYSELF ARE FALLING INLOVE IN A GUY THAT BEEN SOOOO BROKEN FOR A LONG TIME...

Maraming mga comment ito,karamihan ay payo sa kanya. Matapos kong magbasa ng ilang comment ay sinearch ko naman iyong kay Jhay nagbabakasakaling may social media ito. Mayron siya ngunit kakagawa lang dahil sa caption na nakita ko,,JOINED TWO MONTHS AGO....

May isa ring post phrases siya...

FINNALLY AFTER SO MANY YEARS MY PAIN I DEAL FOR A LONG TIME IS BIT BY BIT FADING AWAY.. THANKS FOR THAT SPECIAL PERSON, ....SMT....

Sa nabasa kong ito ay biglang kumirot ang puso ko, nagkaroon ako ng matinding selos sa tinutukoy niyang babae. Pero wala akong magagawa dahil ako ang nagcause ng pain sa puso niya... Napaluha na lang muli ako dahil naalala ko uli ang gabing iyon kung saang sinaktan ko siya...

Natauhan lang ako ng marinig ko ang tawag ni Ivy at sinabing dala niya ang dress na isusuot ko mamaya...

SHARICE'S POV

Nakauwi na ako sa bahay ay wala pa ring akong natatanggap na text o tawag man lang kay Jhay. Hindi na ako mapakali dahil ilang oras na lang ay pupunta kami sa bahay nina Tita Letty. Napuna ni Cess ang pagkabalisa ko kaya pinakakalma niya ako.

Nang magring ang phone agad ko itong kinuha pero nabigo ako nang makita kung sino ang tumawag si Mom pala ito. Nagsabi siya na nandon na sila sa bahay nina Tita Letty at ang iba pa nilang kamag anak. Kaya need na rin akong pumunta. Sinabi ko na lang papunta na kami.

Matapos maibaba ang tawag ay umakyat na ako upang maligo at mag ayos, sinabihan ko na rin si Cess. Matapos ang isang oras ay bumaba na ako at nandon na si Cess, "Sha on the way na sina Santi." sabi niya nang makababa ako, tumango lang ako at naupo muna sa sofa. Maya'y narinig na namin ni Cess ang pagdating nina Santi.

Lumabas na kami,pinauna ko nang sumakay sa kotse si Cess dahil sinarado ko muna ang bahay. Papasakay na ako nang magring muli ang phone ko, pagtingin ko sa screen numero lang kaya nadismaya ako't hindi ito sinagot at sumakay na sa kotse.. Umulit uli ang tawag sa pangatlong beses, dito ko na sinagot.

"Hello." may inis na sagot ko sa tumawag.

"Are you mad," biglang nagbago ang ekspresyon ko ng madinig ang boses at kay Jhay ito. "Sorry kung ngayon lang nakatawag, my phone broke, nalaglag ito sa milling machine na inayos ko kanina, nadurog.. ngayon lang ako nakabili ng new phone."

"Kaya pala hindi ka makatawag kanina, okay where are you na".

"Papasok na ng Sta.Rosa mahaba ang pila sa toll kaya baka hindi na ako makadaan sa inyo.. text mo na lang address sa akin doon na lang ako deretso."

"Sige text ko sa iyo, ingat ka sa pagdrive." matapos ay pinatay ko na ang tawag at sinimulan itext ang address ng bahay ni Tita Letty.

Gumaang na ang pakiramdam ko nang marinig ko ang tawag ni Jhay. Itong tatlo namang kasama ko ay napapangiti nang may pang aasar sa akin.

Nang makarating kami sa place at nakababa sa kotse ay natigilan itong dalawa na sa tingin ko ay nahihiyang pumasok. Kaya nilapitan ko at tinanong. "Oh hindi pa ba tayo papasok."

"Anong problema Babe," tanong naman ni Cess kay Santi.

"Bigla akong kinabahan Babe," sagot ni Santi.

"Pre mukhang may hindi magandang mangyayari, ang lakas ng kaba ko." si Eddie naman ang nagsalita.

"Pre lets hope na walang mangyari." sagot ni Santi na pinalulubag ang kanilang mga sarili upang kumalma.

Hindi namin maintindihan ni Cess kung ano ang ibig nilang ipahiwatig kaya hindi na namin sila pinansin at inaya nang pumasok. Pagpasok namin, sa garden kami pinapunta doon daw ang party., dito natanaw ko nandon sina Mom kaya doon na kami tumungo. Ipinakilala ko kay Mom at Dad yong dalawa, matapos bumati nang dalawa ay naupo na kami.

"Wheres your boyfriend" tanong agad ni Mom sa akin.

"On the way na siya Mom, galing pa siya ng Manila.. and Mom hindi ko pa boyfriend siya nanliligaw pa lang.." sagot ko kay Mom at pagtama sa sinabi niya. "Mom saan si pinsan pakilala ko tong dalawa sa kanya."

"Ahh,nasa loob pa sila't nagaayos pa, pero palabas na sila."

"Ganon po ba."

Kaya naghintay na lang kami sa paglabas ng pinsan ko. Habang naghihintay ay kumain na kami dahil na serve na rin ang food sa amin nang maupo kami. Maya'y nakatanggap na ako ng tawag kay Jhay.

"Nandito na ako sa may gate," agad na sabi ni Jhay .

"Pasok ka na nandito kami sa garden"

"Okay" ito na lang ang sagot ni Jhay at binaba na niya ang tawag.

Pagbaba ko ng phone doon nagsalita ang emcee. na amin ding pinsan na si Georgia. "Good evening Ladies and Gentlemen, families and friends were gathered here to welcome this lady. Shes been away on our country for almost seven years, we thought they will settle there forever.but for some reason shes back.. Now lets welcome our most missed member of our family... MS. JENNICCA ALVAREZ...."

Nagpalakpakan ang mga tao habang lumalakad papunta sa gitna si Jhen. Ngunit sandali lang biglang nahinto ang lahat. Nakita kong napatayo sina Eddie at Santi, ang mukha nila ay namutla na parang nakakita ng multo nang makita nila si Jhen. Ganon din ang reaksyon ni Jhen subalit hindi sa dalawa natuon ang atensyon niya.. nang tignan ko kung saan siya nakatuon ng pansin, ito ay kay Jhay na natigilan, kita sa reaksyon niya ang pagkabiglang may halong sobrang galit.. Nagkaroon ng matinding katahimikan ang lahat ay nag salitan ng tingin sa dalawa. Nabasag ang katahimikan nang agad tumalikod at patakbong umalis si Jhay . Nanatiling nakatayo si Jhen, nakatanaw pa rin kung saan lumabas si Jhay habang lumuluha na ito. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa oras na ito. Kaya nagpasya akong lumabas para sundan si Jhay ngunit pinigilan ako ni Eddie.

"Sharice let him, kailangan niyang mapag isa muna ngayon."

"Pero bakit??, Ed." pagtatanong ko kay Eddie napapadyak ako sa inis sa pagpigil niya sa akin.

"Please try to understand for now Sharice, mahirap din ito para sa amin ni Eddie but we need him to give some space." pagpapaunawa naman ni Santi sa akin ngunit hindi ko pa rin makuha kung ano ang gusto nilang sabihin.

"Ano ba ang nangyayari??" sumabat na si Mommy sa amin na hindi rin maintindihan ang sitwasyon..

to be continue...