Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 29 - CHAPTER TWENTY EIGHT'

Chapter 29 - CHAPTER TWENTY EIGHT'

SHARICE'S POV

Halos madaling araw na nang makauwi ako nang bahay, alam kong tulog na si Cess kaya dumiretso na ako sa room ko upang magpahinga na rin.

Kinabukasan tanghali na ako nagising, matapos kong mag ayos ng konti ay bumaba na ako. Nagtungo ako sa kusina upang magtimpla ng kape.. napansin kong tahimik ang bahay, dito'y napagtanto kong wala si Cess dahil walang anumang ingay ng musika.. .

Sa sala habang nagbabasa ako ay bumukas ang pinto, bumungad si Cess na pawisan at may mga dalang pinamili. "Mabuti't gising ka na." sarkastikang salubong na tanong nito sa akin habang nilalapag niya ang mga pinamili niya. Nilingon ko lang siya't ngintian saka nagtuloy sa pagbabasa. "talagang nakakangiti ka pa nang ganyan ha...." napapairap na tanong niya sa sarkastikang tono.. napatingin muli ako sa kanya, dito'y kitang ang pagkainis sa mukha nito...

"Peste,Ano namang masama kung napapangiti ako ha Cecilia.." inis na asik ko sa kanya na pinandidilatan pa ng mata.. "huwag mong sirain ang araw ko ngayon." may pagbantang sagot ko pa sa kanya.

"Tss, nakakaganyan ka kasi hindi mo alam kung anong gulo ang nangyari kagabi." sarkastika pa ring sabi niya, napatahimik ako at muling nilingon siya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala naman,naghysterical lang naman ang pinsan mo, naging sobrang emotional niya dahilan upang masira ang event na para sa kanya at iyon ay dahil sa iyo...."

"Ako,at bakit ako??,..ano ang kinalalaman ko sa problema niya.." naguguluhang tanong ko kahit sa isip ko'y alam ko na kung bakit nagkakaganon si Jhen....

"Malaki Sha,..Nagulat kami kagabi nong makita namin ang pinsan mo na humahangos papalabas, kaya sinundan siya nong dalawa, nakita nila si Jhen na nakatayo sa may gate,, umiiyak habang nakamasid sa inyong dalawa ni Jhay, hindi niya inalis ang paningin niya sa inyo..hanggang sa makaalis kayo... dito na tuluyang bumigay ang pinsan mo... kahit anong gawin pagpapatahan non dalawa ay hindi mapigilan si Jhen...." salaysay nito patuloy lang ako sa pakikinig, nakita ko rin naman kagabi ang pinsan ko sa kanyang pag iyak.. pero wala akong magagawa sa ngayon...

"Pagpasok namin sa bahay dito na nailabas ng pinsan mo ang lahat ng hinanakit at sama ng loob niya... pilit niyang sinasabi na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya si Jhay, inamin din niyang kasalanan niya kung bakit nawala sa kanya si Jhay, pero umaasa siya na sa pagbalik niya dito ay mapapatawad siya at siya pa rin ang lamam ng puso ni Jhay... subalit sa nakita niya kagabi halos nawalan na siya ng pag asa..." patuloy na pagsalaysay ni Cess.

Napapailing na lang ako sa mga sinasabi't kinukwento ni Cess. "Malabo nang mangyayari iyon Cess, at hindi rin naman ako papayag." may pagkaproud na sagot ko sa kanya..

"Hmmm,Kung makapagsalita ka parang may relasyon kayo nong tao, hoy!!! nanliligaw pa lang siya sa iyo..huwag ka munang mag assume... kaya maari pang mabago ang damdamin niya lalo na't dumating ang taong minahal niya ng lubos noon. .."

"Nakaraan na ang lahat ng iyon.. hindi na mangyayari ang kinakatakot mo..., lalo na ngayon pang kami nang dalawa....." masayang pahayag ko ngunit natigilan si Cess nang oras na ito dahil sa huling sinabi ko, nakatingin lang siya habang nakapamilog ang kanyang mga labi sa gulat na hindi pa makapaniwala...

Umiling iling ito.. "What do you mean Sha, . dont tell me na..." hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya at tumango ako ng tumango... "hmmm, kaya naman pala ang saya saya mo't wala kang pakialam sa mga nangyari sa paligid mo...so paano at kailan ka niya sinagot...ahhh este sinagot mo pala..." may mapanukso niya pang hirit, may halong kilig at excitement ang mukha niya...

Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari at kung paano nagtapat sa akin si Jhay. Labis ang katuwaan niya ngunit may halong pagkabalisa dahil sa pinsan ko na masasaktan...

JENNICA'S POV

Halos buong araw akong hindi lumabas ng aking room, hindi pa kayang iabsorb ng aking sistema ang mga nalaman ko at nangyari kagabi. Kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama habang minamasdan ang aming mga lumang larawan ni Jhay na sinave ko sa aking loptop. Hindi ko mapigilang mapaluha kapag iisipin ko ang lahat, naduwag ako at hindi pinaglaban ang kaisa isang lalaki na minahal ko ng buong buhay ko..

"Are you alright na Hija," napalingon na lang ako ng marinig kong magsalita si Mommy, halos hindi ko namalayang nakapasok na siya nang aking kwarto. Lumapit siya't pinunasan ang mga luha sa aking mukha. "Jhen anak i know its been hard and painful but you need to let go of that pain... you need to start a life not thinking of him... you've done than for almost seven years, kahit hindi mo man sabihin ay nararamdaman ko,.. sinisi mo ang sarili mo dahil sa nangyari sa kanya na halos ikamatay niya..." pagpapangaral sa akin ni Mom..naiintindihan ko ang mga sinasabi niya subalit gustuhin ko mang kalimutan si Jhay ay hindi ko pa kayang tanggapin ito..

"Hija you need put up all your past behind.. you need to look forward in your future na hindi na siya parte pa ng buhay mo..and maybe this is the time para ibaling mo ang oras mo sa anak ni Bernard.. try to get to know him..." patuloy na pangaral ni Mom tahimik lang ako na pinakikinggan ang mga payo niya. Niyakap niya ako upang mapatahan at mapakalma..matapos niyang kumalas sa pagkayakap ay binigyan nya ako ng matamis na ngiti. "Better fixed yourself Anak, Bernard and Chairman Juan will be here for a dinner." matapos niyang sabihin ito ay lumabas na siya nang aking silid.

Nang sabihin ni Mom na darating ang mga Mendozas ay alam ko na ang dahilan ng pagpunta nila...ito'y para pag usapan ang kasunduan ng pagpapakasal ko sa kaniyang anak na hanggang ngayon ay hindi pa niya nahahanap...

----------------

Lumipas ang oras matapos ang pagdalaw ng mga Mendazas ay umakyat na ako sa aking silid at ako'y nagpahinga na...

Kinabukasan nagising ako sa malakas na pagyugyog sa akin ni Mommy. "Anak bumangon ka na't mag ayos na.. malapit nang dumating si Roland upang sunduin ka.." sambit niya nang magdilat na ako, naguluhan ako kung bakit ako pupuntahan at susunduin ng pamangkin ni Uncle Bernard.. binigyan ko ng tinging nagtataka si Mom.. nakuha niya naman ang ibig kong iparating kaya.. "Don't you remember that this is your first day as a Chief Operating Officer of Mendz Biolab Industries.." paalalang banggit ni Mom, nang maalala ko ito ay dali dali na akong nagtungo sa banyo upang makapaligo at makapag ayos ng sarili.

After an hour ay bumaba na ako,, naratnan ko na doon na naghihintay na si Roland sa akin. Sinabihan muna ako ni Mom at Dad na magbreakfast muna bago kami umalis... napatingin muna ako kay Roland.. nagsabi naman siya na okay lang na kumain muna ako maaga pa naman daw at may konting oras pa..

Matapos kumain ay lumakad na kami,.. sa sasakyan habang bumibyahe kami patungo ng Mendz ay hindi ko mapigilan ang kabahan.. naisip ko kasi na makikita ko dito ang dalawang kababata ko na sina Eddie at Santi, pati na rin ang pinsan ko. Isipin ko pa lang ang pinsan ko ay kumikirot na ang dibdib ko. Ngunit may konting tuwa akong nadarama dahil sa alam ko na hindi ko makikita si Jhay dito..

Dumating kami sa company ng mga 9am na, abala na ang mga empleyado dito. "Ahh Jhen we will heading to company conference hall, doon ka ipapakilala nina Uncle bilang bagong COO sa harap ng mga Executives, Managers and Dept.Heads.." sambit ni Roland na ikinalingon ko at binaling sa kanya ang atensyon ko..

"Okay.." ang tanging tugon ko.. pinangunahan naman niya ako sa pagpunta sa Conference hall.. Habang naglalakad nakasalubong ko si Santi na parang nagmamadali hindi niya nakuha pang batiin ako..

Pagdating namin sa C.Hall ay nagsabi si Roland na huwag muna akong pumasok... maghintay daw ako na tawagin ni Uncle Bernard.. Dito sa labas ay dinig ko rin naman ang mga sinasabi ni Uncle Bernard dahil nakaawang ang pinto..Nagbigay muna si Uncle nang ilang mahalagang pananalita at pagbati sa lahat dahil sa patuloy na pangunguna ng kumpanya sa buong bansa..hanggang sa..

"By the way im not here because of any problems occur in our company, but i personally here because i want to welcome our new Chief Operating Officer, I know that all of you had been shocked of why i did'nt promote one of our best executive here..im very sorry for that.. I choose her because she so special to me, shes like a daugther and i know she will be a great asset to our company and she will lead us to more greater future ahead... so without further adue im happy to welcome our new Chief Operating Officer.. Ladies and Gentlemen our new Chief Operating Officer Ms. Jennica Alvarez." pagkabanggit ng pangalan ko ay bumukas ang pinto ng malawak, Naglakad ako papasok dahan dahan, habang nakatingin ako sa lahat ng tao sa loob.

Ngunit natigilan ako sa aking paglalakad nang makita kong may taong lumalakad papalabas agad akong nanlumo dahil ang taong iyon ay walang iba kung hindi si Jhaydee. Namasdan ko rin ang biglaang pagtayo nang dalawa ko pang kababata.. bakas sa mukha nila ang gulat at pagtataka.

Dahil sa eksenang itong hindi naiwasang mapabaling ang atensyon ng lahat sa ginawa ni Jhaydee maski si Uncle Bernard ay nagkaroon ng pagtataka. Subalit panandalian lang iyon dahil muli akong pinakilala ni Uncle nang nasa harapan na nila ako. Nagbigay lang ako ng kaunting pananalita, matapos ay isa isang nagsilapit sa akin ang mga naririto,pinakilala rin naman sila sa akin isa isa ni Mrs.Salazar ang VP ng Administrative Department.

Huling bumati sa akin iyong apat, pagkabati sa akin ni Eddie ay agad itong umalis. May pilit na ngiti rin akong binati ni Sharice, alam kong nagtataka ito sa lahat ng nangyayari... matapos nito ay sinamahan na ako ni Roland at ni Mrs.Salazar sa aking magiging opisina.

to be continue