Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 27 - CHAPTER TWENTY SIX

Chapter 27 - CHAPTER TWENTY SIX

EDDIE'S POV

"Ano ba ang nangyayari?" sumabat na sa usapan namin ang Mommy ni Sharice na nalilito sa sitwasyon sa oras na ito.

Samantala si Jhen ay nilapitan na nong gay emcee at pinakakalma. Ang Mommy ni Sharice ay patuloy pa ring nakatingin sa amin, naghihintay ng kasagutan nang... "Eddie,Santi ." malakas na tawag sa amin nang papalapit na si Aunt Letty. "How are you guys,." bati muli ni Tita sa amin, lumapit kami ni Santi at niyakap namin siya. "its been a long time..." masayang sabi ni Tita nang makakalas na kami sa pagkayakap niya..

Kita naman sa ekspresyon sa mga mukha nina Sharice ,Cess at mga magulang nito ang pagtataka. " Letty do you know them?." pagtatanong ng Mommy ni Sharice kay Tita Letty.

"Ed,Santi," naluluha nang tawag sa amin ni Jhen kaya hindi na nakasagot pa si Tita sa Mommy ni Sharice. Agad lumapit sa amin ni Santi si Jhen at yumakap sa amin ng mahigpit. " how are you guys,, im miss you both so much and Im verry hapoy to see you both here... ". sambit nito habang nakayakap sa amin at napaluha pa ito. "im very sorry,," paghingi pa niya ngpaumanhin sa amin.

"its okay Jhen, nakaraan na ang lahat." si Santi na ang nagsalita. "stop crying na okay calm yourself its your party." pagpapalubag loob niya kay Jhen.Kumalas siya sa pagyakap at pinunasan ang mga luha at binati niya sina Sharice na patuloy sa pagtataka.

"Jhen do you know them ??." tanong ni Sharice sa pinsan niya habang tinuturo kami.

"Yeah couz,.. sila ang mga kababata at mga bestfriend ko." ang pagtugon naman ni Jhen sa kanyang pinsan. Kita sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa hindi niya lubos inakala ang lahat.

"By the way guys, how do you know that Jhen is back." biglang sabat na tanong sa amin ni Tita Letty.

"Actually Tita we did'nt know that shes back, were just here because were invited by her. to come.. " sagot ni Santi at tinuro si Sharice na dahilan kaya kami narito.

"Oh,really im glad that your both came,... so your a close friend of my nephew also."

"Yes Tita and we work also at the same company." ang sagot ko naman kay Tita.

"So kayong dalawa lang ba ang inimbitahan ng pamangkin ko..." muling pagtatanong nito.

"Hindi Letty inimbitahan din ng pamangkin mo ang boyfriend niyang si Jhay." pagsabat ng Mommy ni Sharice dito. "kaso all of a sudden bigla siyang umalis.."

Napalingon agad si Jhen nang marinig niya ang sinabi na kanyang Tita, biglang namumula ang mukha niya.. "si J-jhay, you mean Tita si Jhaydee Manansala, siya ang boyfriend..." nanginginig ang boses ni Jhen sa pagtatanong sa kanyang Tita habang ang kanyang paningin ay na kay Sharice. "Mhay siya ba ang tinutukoy mong. ." nangangatal pa rin ang boses niya sa pagtatanong sa kanyang pinsan.

"Jhen, he's just my ...." hindi na naituloy pa ni Sharice ang mga sasabihin dahil bigla siyang niyakap ni Jhen at lumuluhang muli....

"im happy for you Couz.." sambit niya kay Sharice sabay kalas sa pagkayakap,tumalikod siya sa amin at humakbang na ito papalayo nang walang pasabi.

Naiwan naman kaming lahat na nakatulala sa inasal ni Jhen kahit alam ko kung bakit siya umasal nang ganon. Nabigla siya sa nalaman niya tungkol sa kanyang pinsan at sa taong pinakamahalaga sa buhay niya....

Nilingon ko si Sharice upang tanungin subalit wala na ito at hindi na namin kasama... Tinanong ko si Santi sinabi nitong pagtalikod ni Jhen ay umalis rin ito...hinayaan ko na lang ito. nagtuloy sa pag uusap at kamustahan kasama si Tita Letty. Nang biglang dumaan si Jhen sa harapan namin na humahangos papunta palabas ng kanilang bahay at umiiyak....

SHARICE'S POV.

Nang kumalas sa pagyakap sa akin si Jhen at tumalikod ay iniwan ko sila dahil nag aalala na talaga ako kay Jhay. Paglabas ko ng bahay agad kong hinanap ang kotse niya kung wala na ito. Nabuhayan lang ako ng loob ng makita kong nakaparada pa ito dito,agad kong sinilip ang loob kung nandon si Jhay. Ngunit walang tao kaya nag umpisa na naman akong kabahan. Sinubukan kong tawagan ang phone niya, nang magring ito at makarinig ng tunog ng ring na malapit lang ay agad kong hinanap ang pinanggalingan ng tunog na iyon..

Dito nakita ko si Jhay na nakaupo sa tabi ng isang puno hindi kalayuan kung saan nakaparada ang kotse niya.,Nakayuko ito't umiiyak habang may hawak na bote ng alak.. Tinabihan ko siya sa pag upo, inangat ko ang ulo niya't pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mukha niya. Nanatili lang ako sa tabi kahit hindi siya kumikibo.

Sa di kalayuan mula sa kinauupuan namin ni Jhay ay nakita ko si Jhen na nakatayo at nakamasid sa amin. Alam kong umiiyak ito dahil sa nakita kong panay pagpahid sa mukha niya.

Iniwas ko muna ang tingin sa kanya at bumaling kay Jhay, nakita kong iinom na naman ito kaya hinablot ko na ang bote sa kamay niya. "Jhay tama na iyan, halika na't ihatid na kita sa inyo..." sagot ko sa kanya at tumayo ako't hinila siya patayo. Inakay ko siya papunta sa kotse niya, inupo ko na siya sa passenger seat at kinuha ang susi na nakasabit sa pantalon niya.

Nang makasakay na ako ay umalis na kami, napasilip ako sa side mirror at kta ko pa si Jhen na nakamasid pa rin sa pag alis namin. Habang nilalakbay namin ang daan papunta sa Village nina Jhay ay nagsalita ito. "Stop the car there." sabi niya at itinuro ang isang bar na madadaanan namin.

"But why Jhay,your drunk already." pag asik ko sa kanya tanda ng pagtutol ko sa gusto niya.

"Just stop the car, i want to drink more to lessen this pain ....."

"No Jhay, i cant let you do that, "

"Sha, please i need it to calm myself.." pagsusumamo pa nito sa akin.

"Jhay kung gusto mo talagang kumalma iyang utak mo, may pupuntahan tayo." napataas na ang boses ko sa kanya na agad niyang kinatahimik.

Nagdrive lang ako at nagtungo kami sa isang parke dito sa Sta.Rosa.. Dito'y niyaya ko siyang maglakad lakad sandali, tapos inaya ko siyang maupo sa isang bench. Katahimikan muna ang namagitan sa aming dalawa at walang sinuman ang gustong kumibo.

Nag aalangan ako sa kanya na magtanong tungkol kay Jhen at ano ang relasyon nila. Kahit may idea na ako ay ayaw ko pa ring pangunahan siya. Napatigil ako sa aking mga iniisip na nadinig ko ang paghikbi niya ka nilingon ko siya. "Are you okay now Jhay."

"Im fine Sharice,im all well now dahil kasama kita ngayon." sagot niya sa akin na ikinatuwa ng puso ko. "Sorry sa kanina Sharice, sa inasal ko nabigla ako't hindi inaasahan ang lahat."

"Na magkikita kayong muli ni Jhen, " sambit ko sa kanya, napaharap siya sa akin nang may nanlulumong reaksyon.

"Hindi pa kasii ako handang makita't harapin siya, hindi ko pa kaya dahil nandito pa rin ang sakit na dinulot niya.."

"Matagal nang panahong nakalipas ang lahat, hindi mo pa rin siya napapatawad..."

"Mahirap magpatawad kung wala namang humihingi ng pagpapatawad." sagot niya sa akin habang nagsasalubong ang mga kilay niya.

"Jhay nasabi mo sa akin noon una tayong nagkausap ay umiiwas ka sa akin dahil kahawig ko ang babaeng nanakit sa iyo." pag iiba ko ng usapan upang hindi niya muna isipin ang galit niya sa pinsan ko.

"Oo Sharice at hindi ko akalain na kaya pala kayo may pagkahawig ay dahil pinsan mo siya.."

"Ibig bang sabihin nito'y nagustuhan mo ako dahil nakikita mo sa akin ang pinsan ko na una mong minahal.." kailangan kong itanong ito,para hanggang maaga ay hindi ito magiging sobrang sakit...

Humarap siya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. " No Sharice." ang pagtutol niya. "kung siya pa rin ang nakikita ko sa iyo ay hindi magiging ganito ang trato ko sa iyo... mas lalayuan kita... mas pipiliin umalis huwag lang makita ka.... "

Nagkaroon ng kaluwagan ang kalooban ko sa sinabi niya, ngunit mas mahirap ang haharapin namin lalo na sa pamilya ko. Ngayon dumating na si Jhen nag aalala ako baka masira ang relasyon naming magpinsan.

"Bakit ikaw naman ngayon ang may malalim na iniisip." biglang nabura ang mga alalahanin ko dahil sa naitanong niya kaya hinarap ko siya...

"inaalala ko lang kasi,ngayong nandito na ang pinsan ko, mag iiba na ang damdamin mo.."

"Sharice walang magbabago sa atin... dahil sa iyo kaya ako masaya ngayon... ikaw ang nagbukas muli ng puso ko upang mulimg magmahal at unti unting malimutan ang mga sakit na pinagdaanan ko... hinding hindi ko kakayaning muli kapag ikaw ang nawala sa akin..." pagtatapat niya ng mga damdamin sa akin, natuwa ang puso ko sa mga sinabi niya. "Sharice mahal kita at ayaw kong mawala iyon." sinserong sabi niya kaya hindi ako nakakibo dahil sa pagkabigla, nataman ko lang siyang tinitigan, tiningnan ng kumikislap ang mga mata sa saya..

"Sharice." malambing niyang tawag sa akin, isang mahigpit na yakap ang isinagot ko sa kanya...

"Sobra din kitang mahal Jhay, kaya hindi ko rin kakayanin kung mawawala ka sa akin.." inusal ko sa kanya habang nakayakap pa rin sa kanya...

Ilang minuto kaming magkayakap hanggang sa magkalas. Sobrang saya ng araw na ito para sa aming dalawa ni Jhay..

"Sha, lets have dinner." biglang pag aaya niya sa akin, dito ko naalala na hindi pa siya kumakain, tumayo na kami at umalis. Naghanap kami ng makakainan na malapit sa parke, sa isang tapsilogan kami kumain dahil namiss daw ni Jhay ang pagkain ito..

Matapos naming kumain ay hinatid na ako ni Jhay sa bahay, pagdating sa bahay ay hindi na siya nagtagal dahil sobrang late na, Umalis lang siya nang nakapasok na ako sa aming bahay..

to be continue....