JENNICCA'S POV.
Nang madinig ko na si Jhay ang kasintahan ng pinsan kong si Sharice ay nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Lumisan agad ako matapos batiin si Sharice,dahil ayaw kong magtagal pa sa lugar na ito. Pumasok ako sa bahay at nagtungo sa aming terrace, habang dinaramdam ko ang sakit ay hindi sinadya na mahagip ng paningin ko si Jhay na nakaupo sa tabi ng isang puno na nasa tapat lang ng aming bahay at nag iisa lang siya doon.
Hindi na ako nag aksaya pa ng sandali at dali dali akong lumabas para puntahan siya, ngunit sa paglabas ko ay nabigo akong malapitan siya,dahil nang oras na iyon ay nasa tabi na niya ang aking pinsan.Nanatiling lang akong nakamasid sa kanila, sa nakita kong eksena ay hindi ko mapigilang masaktan at maiyak.
Nang oras na iyon ang tanging nasa sa isip ko ay sana ako ang kasama ni Jhay, sa mga sandaling nalulungkot at nawawalan ng kumpinyasa sa sarili. Sa mga masasayang sandali ng kanyang buhay subalit sa oras na ito ay huling huli na ako. Aminado akong kasalanan ko kung bakit nawala ang taong minamahal ko ng lubos..
Maya maya ay namasdan ko na inaakay na ni Sharice si Jhay patungo sa sasakyan nito. Bago tuluyang sumakay si Sharice sa kotse ay napasulyap muna ito sa akin,namasdan ko sa mga mukha niya ang lubos na kagalakan dahil kapiling niya ngayon ang taong mahal niya. Nang makaalis na sila ay sinundan ko pa rin sila ng tanaw.
Napakasakit ng nararamdaman ko kaya hindi ko na mapigilang muling maiyak., Ang lalaki na dati'y sobrang minahal ako, ngayon ay may mahal nang iba at pinsan ko pa. Hindi na kinaya ng katawan ko ang sakit kaya napaupo na lamang ako, na patuloy pa rin sa pagluha....
"Ate,hinahanap na po kayo ng Daddy mo." dinig kong sabi ni Ivy na nasa tabi ko na pala, pero hindi ko na pinansin siya, sumenyas lang ako na umalis siya.. Nagpatuloy ang pagluha ko na hindi alintana kung may makakita o nakakakita sa akin dito.
"Jhen." maya'y nadinig kong tawag kaya nag angat ako ng ulo't nilingon ko ito. Si Eddie at Santi ang nakita kong nakatayo na nasa harap ko sila.
Inilahad ni Santi ang kamay niya sa akin na kinuha ko naman, inalalayan niya akong makatayo. "Stop crying Jhen," agad nitong sambit nang maitayo niya na ako. "You should'nt do this its your day today. dapat maging masaya ka dahil at long last you finally back home. ."
"I know that Santi..but ican't felt happiness right now. All i felt is hurt..so much hurt....,sobra masakit lang na makitang parang balewala na ako sa kanya.,." maluluhang sambut ko sa kaniya....
"Pre its better na ipasok na natin muna siya, hindi tama na dito natin pag usapan ang lahat sa oras na ito." agad na suhestyon ni Eddie kaya agad nila akong inalalayan at sinamahang pumasok sa aming bahay.
Pagpasok namin ay nabungaran namin agad sa sala sila Mommy at si Dad., mga magulang ni Sharice,lahat sila ay nakatingin sa akin nang pumasok ako. "Jhen whats with you?,,why you suddenly acting that way?.. this night was supposed to be a happy moment..but look look at you... this night has been ruin and for what?." salubong na tanong sa akin ni Dad, salubong ang kilay nito at nagngingitngit sa galit. Naihampas pa ng malakas ni Dad ang kanyang kamay sa center table. Kinabahan ako sa takot dahil talagang galit si Dad ng oras na ito.
"your being so Stupid Jhen, after seeing Jhay you don't even considered how this event meant for you, for us... " sambit ni Mommy na galit na galit rin sa oras na ito... alam kong nag aalala sila pero hindi ko na kayang tiisin pa ang matagal nang hinanakit na kinikimkim ko..
"Mom, i did'nt ask or wish to have this party afterall, its all your planned, for what???...for this god damned bussiness.. all your care is this deal. you both dont care how i suppose to feel...ang sakit sakit lang na pati kaligayahan ko nakontrol niyo na rin.. ." nataasan ko na ng boses sila, mailabas lang ang sama ng loob ko.
"Jhen stop that...you dont need to be this harsh to your parent, their just doing this for.." hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Santi dahil pinigil ko na siya.
"What???for the best of me.. sa tingin mo ba sa kanilang ginawa ngayon ay nakakabuti ito sa akin. you dont know nothing how i carry all this burden for the last seven years.. " si Santi naman ang hinarap ko nang may nanlilisik na mga mata at binunton ang sama ng loob ko sa kanya..
"But still Jhen , hindi mo dapat sigawan ang mga magulang, pwede mong kausapin sila ng mahinahon.." dagdag pangaral pa sa akin ni Eddie.
"Bakit ano bang nalalaman niyo, alam niyo ba kung anong sakit ang kinimkim ko sa matagal na panahon..sa tingin niyo ba'y ang kaibigan niyo lang ang nasaktan at naghirap.. , mas masakit pa ang pinagdadaanan ko.. Oo binigo ko siya,pero mas binigo ko ang sarili ko dahil hindi ko naipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya...And until now that lied i made to him is killing me more.. ...." galit na panunumbat ko sa dalawang kaibigan ko, kita ko rin ang hindi maunawaang reaksyon nina Auntie Rose at Uncle Alex sa mga nangyayari....
"Jhen how do we know all of that,nawala ka na lang matapos ang ating graduation, nalaman na lang namin ang lahat nang nakausap namin si Jhay isang linggo matapos ang grad. ball,," pahayag ni Santi.
"Why did you not tell us that day Jhen?. kaibigan mo kami, masakit rin sa amin pero inintindi ka namin. kaya bakit ka pa nagsinungaling.." segundang tanong ni Eddie..
"May reason ako Eddie, ginawa kong magsinungalin kay Jhay dahil ayaw kong makitang nahihirapan ang mga magulang ko., That lie is the biggest mistake that i regreted until now.. mas pinatay pa ako ng konsensya ko ng malaman ko kung gaano paghihirap na dinanas ni Jhay na nagdulot pa sa kanya ng sakit na Major Depression Disorder..." galit na galit pa rin ako pero nang banggitin ko ang naging sakit ni Jhay ay napatulala sa disbelief ang mga magulang ko, ganon din ang mga magulang ni Sharice..
"Jhen nauunawaan ka namin,alam namin kung ano ang gusto mong sabihin,ang pinaiintindi lang sa iyo ay dapat hindi mo muna inuna ang emosyon mo nang makita si Jhay, isinantabi mo muna ito at iniisip muna ang mga taong dumalo sa event.." muling pangangaral ni Eddie sa akin.
"Jhen may oras at tamang araw para pag usapan ang lahat.. nauunawaan ka namin nakasakit ka at nasaktan ka... " pagpatuloy ni Santi sa pangaral sa akin.
Lumapit sa akin si Mom at niyakap ako. "Anak hindi ko alam na ganyan na ang mga pinagdadaanan mo, hindi ka namin pinipigilan sa kung anoman,ang naging ayaw lang namin ay nagiging immature ka kapag si Jhay na ang pinag uusapan.." mahinahong sambit ni Mom at kumalas sa pagkayakap sa akin.
"Jhen siguro sa ngayon mas nakakabuting mag usap kayo ni Jhay, need niyong ayusin ang lahat, mas makakabuti rin na isarado niyo na ang lahat dahil kung hindi ay may madadamay na sa inyo at baka ito pa ang pagsimulan ng pagkasira ng relasyon niyo ng pinsan mo...." lumapit sa akin si Eddie bago niya sabihin ang mga tagubilin niyang ito.
"Tama ang sinabi niya Hija," sabat ni Tita Rose sa amin. "Huwag niyo nang hintayin ang panahon na magkasakitan kayo ni Sharice hangga't maaga ayusin niyo na ang lahat.."
Tumango na lang ako sa sinabi ni Tita hindi na kumibo at pinakakalma ang sarili, tama si Mommy nagiging immatured ako kung si Jhay na ang pinag uusapan. "Im sorry Mom, Dad, " paghingi ko nang tawad sa ginawa kong pagsigaw sa kanila.
"Better take a rest for now Hija, kapag malamig na ang sitwasyon saka kayo mag usap." niyakap ako ni Dad at inalalayang pumanhik sa aking kwarto.
Bago kami nakapanhik ay nagpaalam na sina Sanri at Eddie kasama ang kaibigan ni Sharice na mauna nang umuwi, sumunod sa kanila sila Auntie.
Sa kwarto iniupo ako ni Dad sa kama ko at tinabihan ako. "Were very sorry Hija for all the things you've been suffered for us.. i know masakit pero ginawa mo pa rin para sa amin ng Mommy mo." malungkot ang pananalita na iyon ni Dad sinsero ito.
"Dad you know kung gaano ko kayo kamahal at ayaw kong nakikitang nasasaktan kayo ni Mom."
"But still, you sacrifice your owm happinnes for us, im super grateful for that. "
Hindi na ako nagsalita at niyakap na lang ng mahigpit ang Daddy ko. Matapos non ay nagpaalam na siyang lumabas, ako'y nahiga na sa sobrang stress ay nakatulog agad ako't hindi na nakapagpalit ng damit.....
to be continue....