Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 24 - CHAPTER TWENTY THREE:

Chapter 24 - CHAPTER TWENTY THREE:

AGATHA'S POV

Maaga akong pinauwi nang aking boss, ngayong araw, mauuna raw ako at si Trina upang maiayos namin ang mga kakailangin sa venue para sa aming Team building ng aming Law Firm..

Pagdating sa bahay at pagbaba sa kotse ay nakaagaw ng pansin sa akin ang ilang mga tao sa tapat na bahay namin. Ito ang dating bahay nina Tita Letty na halos pitong taong nang abandonado. Nanatili lang akong nakamasid doon ng madinig ko ang boses ni Mama. "Hija bakit ang aga mo, may masakit ba sa iyo.?"

"Nothing Ma, pinauwi ako ng maaga dahil kailangan kong mauna pupunta sa venue ng aming team buliding bukas." sagot ko kay Mama na nakamasid din at nagtataka sa nangyayari sa tapat. "Ma,nabili na ho ang bahay na iyan." turo ko sa bahay nina Tita Letty.

Nagkibit balikat naman si Mama. "Hindi ko alam din, siguro nga matagal na ring panahong nakatengga iyan." sagot ni Mama at saka nagpaalam na pupunta kina Tita Cora ang Mom ni Santi.

Pag alis ni Mama ay pumasok na ko't umakyat sa kwarto upang mag impake ng konting gamit. Nang bigla kong naalala na ubos na pala ang ibang mga personal hygiene products ko. Tinawagan ko si Eddie para samahan ako sa mall at maihatid na rin.

Sa mall dahil maaga pa para sa aming meeting time ni Trina na 4pm, niyaya ko munang kumain si Eddie dahil alam kong hindi pa ito naglunch dahi nang tawagan ko siya ay mag 12pm pa lang. Sa paborito naming kainan na resto kami nagpunta, pag upo ay nag order agad si Eddie ng pagkain.

Masaya kaming kumakain nang sa gitna ng pagkukwento ko ay natigilan ito at nakatingin sa isamg dereksyon. Nang tignan ko kung saan siya nakatingin ay natigilan din ako dahil sa nakita kong parang pamilyar na mukha ng babae na nakatayo at nagbabayad sa counter ng resto. Ilang beses kong ipinikit at idilat ang mga mata ko't iniisip kung namamalikmata ba ako.

"Siguro'y kahawig niya lang ito," dito ako'y napalingon na kay Eddie dahil sa sinabi niya.

"Siguro nga Love, imposibleng maging siya iyon, dahil alam natin na imposibleng umuwi pa siya dito." pilit ngiting sabi ko, kinukumbinsi ko sarili ko na sana ay hindi siya ito, kung hindi'y malaking gulo ito.

"Lets hope love na hindi siya ito," sabi ni Eddie at pinakalma ako,alam nito kung gaano din ang tampo ko dito dahil sa ginawa kay Jhay.

Matapos namin kumain ay nagtungo na kami sa grocery upang bilhin ang mga kailangan ko. Papalabas na kami sa mall nang makita muli namin ni Eddie itong babae, ngayon ay napatingin na ito sa amin, saglit lang at nag iwas agad itong babae.

Hindi na rin kami nagtagal ni Eddie dahil nagtext na sa akin si Trina na on the way na siya sa bus terminal na meeting place namin.

Sa bus habang bumibyahe ay hindi ako mapakali dahil sa babaeng iyon. Iniisip ko kung talagang si Jhen ito ay ano na naman ang mangyayari sa kapatid ko oras na magkrus ang landas nila.

EDDIE'S POV

Pagkahatid ko kay Agatha ay hindi ako mapakali, gusto kong siguruhin na hindi siya ito at kahawig lang. Kaya sa ikakapanatag na loob ko ay bumalik akong muli sa mall. Pagdating ko ay agad kong nilibot ang buong mall nagbabasakaling makasalubong itong muli.

Halos nasa dalawang oras akong nag ikot dito ngunit bigo akong makita ito. Sa pagod ko ay naupo ako sa bench upang makapahinga saglit. "Oh pre," napalingon agad ako nang marinig ko ang boses ni Santi na nakatayo sa tabi ko. "Akala ko ba'y ihahatid mo si Agatha, anong ginagawa mo dito."

"Ahh kanina ko pa siya naihatid sa terminal, bumalik lang ako dito pre dahil sa isang unexpected reason." sagot ko habang napapailing ako.

"At anong reason yan pre." tanong niya at tumabi na sa pag upo sa akin.

"Pre i saw someone who just look like her, we seen her ni Agatha, kaya bumalik ako upang masiguro kung siya nga talaga ito." paliwanag ko sa kanya na kinataka niya.

"You seen her also pre." ang takang tanong niya sa akin.

"Yeah pre, two times earlier, ikaw paano mo siya nakita." balik tanong ko sa kanya.

"Nakasalubong namin siya ni Cess nang papasok kami dito, palabas naman siya. kinabahan ako kanina pre nang magtama ang paningin namin. Halos magkamukha sila pre, parang siya talaga." manghang kwento ni Santi sa akin.

"Sinong pinag uusapan niyong dalawa?" sabay kaming napatingin ni Santi sa gawi ni Cess ng marinig siya.

"Wala Babe, may nakita lang kaming tao pareho na pamilyar sa amin." pagdadahilan nito sa kasintahan. Ako naman ay tumayo na at nagpaalam na sa kanila na uuwi na.

Sa bahay hindi ako dalawin ng antok dahil sa nangyari paano kung siya talaga ito anong na ang mangyayari kung magkrus ang landas ng dalawa.

Kinabukasan sa opisina halos ang sakit ng ulo ko dahil sa puyat ko kagabi. Kaya nagpunta ako ng pantry upang magtimpla ng kape at bumalik sa aking desk. "Pre mukhang napuyat ka," napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Santi na nasa harapan ko. Inayos ko muna ang sarili ko saka siya sinagot.

"Pre nabagabag lang ako kagabi kaya hindi ako dinalaw ng antok agad." sagot ko.

"dahil pa rin ba ito sa kahapon."

Tumango ako. "Bakit hindi ka ba nag aalala sa mangyayari kung talagang siya iyon..pre malaking problema ito kung sakaling magkatagpong muli sila."

"Nag aalala rin ako pre, kasi sa ngayon may masasakta na ibang tao,may madadamay na sa kanila, ito ang mas nakakapag alala sa akin.." sagot ni Santi at nakuha ko ang ibig niyang iparating dahil ngayon ay may masasangkot sa gulong ito. "Kaya Pre, sa ngayon ay huwag muna nating ito sabihin, hanggat hindi tayo nakakasiguro, kailangang itago natin muna ito kay Jhay."

"Anong dapat niyong itago niyo kay Jhay, anong gulo naman ang kakasangkutan niya." nabigla kaming pareho ng magsalita si Sharice na ngayon ay nakatayo sa likuran ni Santi kasama si Cess. Hindi kaagad kami nakapagsalita nanatiling nakatikom ang bibig namin.

"Kahapon pa parang weird ang kinikilos ng dalawang iyan Sha, hindi ko maintindihan kung sino ba nakita nila at nagkakaganyan sila." sarkastika sagot ni Cess. "Kagabi nang umuwi kami halos hindi kumikibo si Babe, kaya hindi ko maalis sa sarili kong magduda." naiinis na muling sabi ni Cess.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Sa ngayon ay wala kami sa posisyon para ipaliwanag ang bagay bagay, dahil komplikado ito at maraming maaapektuhan.. sa ngayon ay kalimutan na muna natin ito...huwag natin sirain ang araw na ito dahil maya na ang event kina Sharice." masusing paliwanag ko, sumang ayon naman sila at bumalik na kami sa trabaho.

Pagdating ng lunch ay sabay sabay na kaming kumain. Hindi na napag usapan pa ang tungkol sa kanya. "Sharice nagka usap na ba kayo ni Jhay, nasabi ba niya na makakapunta siya maya." bungad na tanong ni Santi dito at umiling naman si Sharice.

"Hindi pa nga siya tumatawag o nagtext ngayon araw kaya hindi ko sigurado kung makakauwi siya o makakasama mamaya." may lungkot sa mukha nang sumagot siya.

"Dont worry Sharice, nagpromise naman siya na pupunta. kapag nangako iyon tutuparin niya ito." pagchicheer ko sa kanya.

"Sayang pre at hindi makakasama si Agatha." biro sa akin ni Santi. "By the way Sha, maganda rin ba yang pinsan mo.."

"Mahirap i describe sa ngayon kasi matagal na rin kaming hindi nagkikita, isa pa'y wala siyang social media account dahil pinagbawal sa kanya ng mga magulang niya."

"Bakit naman?"... biglang tanong ko kay Sharice.

"Ayon kasi kay Mom hindi siya pinahintulutan upang hindi niya makontak ang bestfriend niya na mahal na mahal niya, pati na rin yon mga kaibigan niya..naiset up kasi siya sa isang arrange marriage.."

"kaya pala, ibig bang sabihin nito'y hindi gusto ng pinsan mo ang lalaking mapapangasawa niya, " usisa naman ni Santi.

"Siguro ay ganon na nga, alam ko kasi tutol si Nicca sa idea ng mga magulang niya, mahal na mahal niya ang bestfriend niya, kung hindi ako nagkakamali sabi niya sa akin since grade 6 siya ay gusto na niya ito." muling kwento niya sa amin.

"Tsk,tsk uso pa rin pala sa ngayon ang mga fixed marriage, akala ko sa mga chinese culture lang nangyayari ito.. kawawa ang pinsan mo magiging miserable ang buhay niya." napapailing na sagot ni Santi...at kami namang tatlo ay sumang ayon sa kanya.

Sa oras na ito ay tinapos na namin ang pagkain dahil nagring na at tanda na tapos na ang lunch break. Tuloy kami sa trabaho ngunit ngayon ay hindi na maipinta ang mukha ni Sharice. Alam namin ito dahil hanggang sa oras na ito ay wala pang paramdam si Jhay. Hanggang sa lumipas ang oras at off na namin ay wala pa ring tawag si Jhay. Kaya nag aalala kami kung makakarating siya.

to be continue