Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 21 - CHAPTER TWENTY

Chapter 21 - CHAPTER TWENTY

SHARICE'S POV

Pinauna ko nang pumasok si Cess sa office.. nagsabi ako sa kanya na bibili lang ako ng coffee sa coffee shop na nasa tapat lang ng company namin. Bumili na rin ako ng sandwichn para sa amin ni Jhay.

Papasok na ako sa gate nang company nang may isang lalaki nakatayo sa tabi ng kotse ang biglang lumapit sa akin. "Excuse me Miss, can i talk and ask you something..." tanong nito nang makalapit siya sa akin.. Minasdan ko muna ang itsura nito.. pamilyar ang mukha niya hindi ko lang alam kung saan ko siya nameet.. "hey,is there something on my face .." singhal niya nang marinig ko ito ay natauhan ako at agad umiwas ng tingin sa kanya..

'Ha, ano uli ang sinasabi mo." tarantang tanong ko..

"im justwanna know if this is Mendz Biolab Industries,.." turo niya sa company namin habang nagsasalita siya..

"Yes and your infront of it sir.."

"Thank god, by the way i need to see Mrs. Vivian Samonte..is she in her office right now." tanong niyang muli.

"I dont know yet sir.. but you can ask the guard over there.." sagot ko sa kanya at sinamahan siya sa guard..

Nang nalaman niya na dumating na si Mam Vivian ay nagpaalam na ako sa kanya.. "Hey Miss wait." habol tawag niya sa akin.. "can you accompany me in her office..." hindi agad ako nakasagot dahil nasa tapat na ako ng office namin.. isa pa'y bitbit ko pa ang binili ko. "Miss im asking kung pwede mo ba akong samahan." ulit niya sa tanong niya kaya napilitan na akong samahan siya.

Nang sumang ayon ako ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at niyaya nang pumunta roon. Sakto naman nang hawakan niya ako ay nasa harap namin si Cess. Hindi na ako nakapagpaliwanag dahil nahila na ako nang lalaki. Alam kong sinundan pa ako ng tingin ni Cess..kilala ko siya madali siyang maghinala sa mga ganitong bagay.

Nang makabalik ako sa office ay nilapag ko muna ang gamit ko at ang binili kong coffee na lumamig na dahil sa pagsama ko sa lalaking iyon. Ginala ko ang paningin ko sa loob ng office at nang matapat sa desk ni Jhay ay nanlumo ako dahil wala siya dito.. "Lumabas siya.." mahinang sagot ni Cess at ramdam ko ang panlalamig sa salita niya. Nilingon ko siya subalit nakaharap siya sa computer niya..

"Saan siya." tanong ko ngunit hindi man lang ako pinansin nito. Kaya naupo na ako sa may desk ko.. Hinarap ang ilang mga dokumento na kailangan isumite sa katapusan ng buwan.

Ilang oras na ang nakalipas at wala pang Jhay na bumabalik tanging iyong dalawang technician lang at si Eddie ang nasa office. Hindi na ako mapakali sa oras na ito, nababahala na ako kaya tumayo ako.. nagpasyang lumabas at pumunta sa factory para hanapin si Jhay. Nasa pintuan na ako nang bigla iyong bumukas bumungad sa harapan ko iyon lalaki kasama niya si Raffy..

"So dito pala ang office mo." nakangiting bungad na tanong nito sa akin..

"Do you already know her sir." sabat naman ni Raffy..

"I met her earlier, siya naghatid sa akin sa office ni Mrs.Samonte but i did'nt get her name."

"Sir shes Miss Sharice Torres the Production Head Manager." pakilala sa akin ni Raffy sa lalaki. "Miss Sharice he's Director Roland Vasquez.. he's the nephew of our President.. " agad naman nilahad nito ang kamay niya sa harap ko.. nang aabutin ko na ito biglang lapit niya at yumakap sa akin.. Hindi ko maintindihan kung bakit ginawa niya ito...

"Nice meeting you Ms. Torres.." sabi nito matapos kumalas sa pagkayakap sa akin.

Ang lalong ikinagulat ko ay pagkalas niya, nahagip ng paningin ko si Jhay na nakatayo sa harapan namin na kakapasok lang... Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko at minasdan lang siya . ngunit agad siyang nag iwas ng tingin sa akin at naglakad papunta sa desk niya. Susundan ko na siya nang agad nahagilap ni Roland ang kamay ko. "where you're going?." pagtatanong nito at wala na akong nagawa sa oras na ito..hindi ko magawang tanggihan siya dahil ayaw ko siyang pahiyain... siya ang aming boss..

Nilingon ko si Jhay sa may desk niya.. nanlumo uli ako nang makitang wala na ito. Pinakilala naman ni Raffy si Roland sa mga tao na nasa office habang nasa tabi niya ako.. Matapos non ay nagpaalam na sila..lilibot pa raw sila sa buong company.. Pagkaalis nila ay lumabas ako at pinuntahan si Jhay sa factory. Inikot ko ang plastic area at rubber area kung saan maaring may ginagawa siyang makina.

Sobrang disappointment ang naramdaman ko nang hindi ko siya makita. Lulugo lugo akong bumalik sa office. Naupo ako sa silya ko at hinilig ko ang patang katawan ko.. Minasdan ko si Cess na wala pa ring kibo, nakakunot ang noo.. alam kong naiinis na ito..hindi lang makatalak sa akin dahil sa dami ng trabahong kailangang tapusin..

Lumipas ang oras at lunchbreak na, hindi pa rin bumalik si Jhay, nag aya si Santi pero tumanggi akong sumama sa kanila dahil nawalan ako ng ganang kumain. Lumipas pa ang oras.. uwian na wala akong nakitang Jhay na bumalik. Kaya pag uwi ko nang bahay ay deretso na ako sa aking kwarto at nagkulong na lang dito.. Nananalangin na sana ay magparamdam si Jhay.. Hanggang sa nakatulugan ko na ang paghihintay.

Pagkagising ko dalangin ko na sana siya ang una kong makita at makausap pagpasok ko. Ngunit mapaglaro ang tadhana imbes si Jhay ang gusto kong makita.. si Roland ang bumungad sa akin pagpasok ko.. hinintay niya raw ako rito.. Sumabay pa siya sa akin hanggang makarating ako sa office namin. Pagpasok ko nang office ay bigla akong hinila ni Cess at dinala sa pantry at sinara niya ito..

"Sharice,nag iisip ka ba." agad niyang tanong sa akin nang maisara niya ang pinto sa pantry. "ano itong ginagawa mo,..alam mo iyong isang beses na magkasama kayo maiintindihan ka pa pero kapag umulit muli ibang usapan na ito.." galit na tonong pagkasabi niya..

"Ano ba ang mga sinasabi mo Cess, hindi kita maunawaan.." singhal ko dahil sa naguguluhang na ako..

"Okay tatanungin kita, alam mo ba kung nasaan si Jhay.. nakausap mo na ba siya o natawagan man lang.." sabi niya nang nakacross arm pa, inis na inis ito...napailing lang ako. "Sha alam mo naman kung ano ang pinagdadaanan niya," sumbat nito sa akin ngunit di maarok ng isip ko kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya..

"Alam ko yon Cess, ang hindi ko lang malaman ay bakit mo sinasabi yan sa akin ngayon.."

"Nasasabi ko ito dahil nakita ko kung paano siya nasaktan nang nakita niya kayo... kahit hindi siya magsabi ramdam kong nasaktan siya pero sinarili niya ito.. kaya nga wala siya sa office.."

"Bakit siya masasaktan, wala naman akong ginawa para masaktan siya." pagpapaliwanag ko kahit naguguluhan ako...

"Alam mo nang dumalaw siya sa iyo..ramdam kong gusto ka na niya, ang taong nagpatibok muli sa bato mong puso.. Pero kung ang paniniwala mo ay wala kang ginawa kaya hindi mo siya nakikita'y.. magdusa ka." napataas na ang boses niya sa inis sa akin at pagkasabi niya nito ay tumalikod na siya. pero bago siya lumabas.. "siyangapala, aalis siya pupunta siya sa Manila at mga 3 days siya doon.." huling sabi niya at tuluyan na siyang lumabas ng pantry.

Naiwan akong nakatulala at pilit inaabsorb sa utak ko ang mga sinasabi ni Cess,. Ang nakapaapahina pa sa tuhod ko dahilan kaya ako biglang napaupo ay itong malaman na aalis siya. Dito hindi ko na napigilang napaluha..Nanatili pa ako dito ng ilang sandali.. "Oh Sharice napaano ka, okay ka lang ba.." napaangat ako ng paningin nang marinig ang boses ni Eddie..

"okay lang ako Ed, medyo nahilo lang ako kaya nagpahinga muna.." pagdadahilan ko ayaw kong makita niya ang namumugto kong mata kaya umiiwas akong tignan siya.

"Siya nga pala Sharice..nagkausap na ba kayo ni Jhay."

"Ahh, hindi pa.." walang ganang sagpt ko.

"Ganon ba," sagot niya na napabuntong hininga at kakamot kamot ng kanyang ulo.. "o sige Sharice, mauna na ako." pagpapaalam na lang niya, alam kong may gusto siyang sabihin.. natigilan lang siya.

Bago pa siya makalapit sa may pinto ng pantry ay pinigilan ko siya.. "Ed sandali lang.." pigil na tawag ko sa kanya kaya napalingon ito..

"Bakit Sharice may kailangan ka."

"Wala naman Ed, gusto ko lang imbitahan kayo ni Agatha sa Saturday.. may welcoming party para sa pinsan ko na darating galing US.."

"Sige Sharice punta kami.." pagkasagot niya ay lumabas na siya. Naglagi pa ako dito ng ilang minuto pa.

Dumaan ang buong maghapon ng hindi ko muli nakita si Jhay.. Kaya pagkauwi ko nang bahay ay sa room ako dumiretso at hindi na bumaba.

Nagising ako dahil sa lakas ng pagtunog ng phone ko. kinuha ko ito at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang tumawag.

"Hello, " napasigaw ako nang sagutin ang tawag dahil sa inis sa paggambala ng tulog ko. "alam mo bang nakakagambala ka sa pamamahinga ng tao." sumbat ko pa dito.

"Sorry kung naistorbo kita,.. baba ko na..." bigla akong natauhan ng madinig ang boses niya. agad akong napatingin sa screen ng phone ko... si Jhay ang tumawag..

"Wait huwag, " pigil ko sa kanya. "censya na.. bakit napatawag ka."

"Pwede bang lumabas ka saglit." napabangon ako sa higaan ko nang tanungin niya ito..

"anong sabi mo, nasaan ka ba." tanong ko na kinakabahan ngunit may saya sa dibdib...

"Dito ako sa labas ng bahay mo, baba ka gusto kitang makita.." sagot niya kaya napuno nang galak ang puso ko dahil sa makikita ko siya ngayon.

to be continue