AGATHA'S POV
Kakauwi ko lang galing sa work nang makasalubong ko si Mama na papaalis. Tinanong ko siya kung saan ang punta niya, sinabi niya na kailangan niyang pumunta sa Anbern Mall. May kailangan raw siyang bilhin para Kay Jhay at nang makapaggrocery na rin siya. Nakiusap na rin siya na samahan ko siyang mamili.
Pagdating sa mall agad kaming nagtungo sa bilihan ng damit. Tinanong ko si Mama kung bakit kailangan niyang bilhan ng bagong damit si Jhay at kung bakit hindi na lang si Jhay ang nagtungo rito upang mamili pagka off niya sa work. Late na raw makakauwi si Jhay at luluwas raw ito paManila sagot sa akin ni Mama. Matapos namin mamili ng damit at maggrocery ay niyaya ko si Mama na kumain muna, ipagtake out na lang namin sina Papa at Jhay.
Sa resto habang kumakain kami napansin kong naging balisa si Mama, simula nang napalingon siya sa isang table kung saan may isang lalaki na sa tingin ko ay kaedad lang ni Mama. Simula nang masulyapan niya ito ay hindi na mapalagay si Mama. "Ma, kilala mo ba ang lalaking iyon." pag uusisa ko sa kanya.. hindi naman ako sinagot ni Mama, nagmamadali lang siyang matapos na kumain.
Nang matapos siya ay agad na niya akong niyayang umuwi, wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Kahit panay ang tanong ko ay hindi rin siya sumasagot. Hanggang sa makarating na kami sa basement parking ng mall.. papalapit na kami ni Mama sa sasakyan ng biglang lumitaw sa harapan ni Mama iyong lalaking nakita namin sa resto. "Beth iniiwasan mo ba ako." malamig na pagtatanong nito kay Mama.. kinakabahan namang tinignan siya ni Mama na patuloy sa pagkabalisa. Kaya mas lalo akong naguguluhan sa mga nangyayari, sino ba itong lalaki ito, ano ang kaugnayan niya kay Mama.
"Beth i just wanna know if you know where to find my wife and son.." muling tanong niya ngunit hindi pa rin makakibo si Mama dahil sa kaba nito. "please Beth just tell me where are they.?" nawawalan na ng pasesnsya ang lalaking ito..
"How many times did i told you that i don't know where they are.." halos maisigaw na ni Mama ang mga sinasabi niya.
"I know your lying Beth, you are her bestfriend and your the only person who will keep her." pamimilit pa nito kay Mama.
"I told you i don't know nothing, sinabi ko na sa iyo yan noon..simula nang umalis ka at nagpunta sa ibang bansa nawalan na ako ng contact sa kanya.. kaya please Bernard stop asking me about ANNIE..." galit na sagot ni Mama sa lalaki ngunit nang madinig ko ang pangalan ng taong hinahanap nang lalaki ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat.. Dahil ito ang tunay na ina ni Jhay at matagal nang patay ito.. Dito'y mas lalo akong naguguluhan... nalilito kung bakit ayaw pang sabihin ni Mama sa lalaking ito ang nalalaman niya...
"Beth alam mong i spend 23 years to find them, i search all over the country but theres nothing, you are my last hope para mahanap ko sila... kaya please Beth just tell me, im begging you, im longing for them for so many years, please." halos mapaiyak na ang lalaki sa pagmamakaawa kay Mama malaman lang kung nasaan ang pamilya niya.
"Bernard bakit hindi mo tanungin ang pamilya mo..sila ang tanging nakakaalam kung bakit ka iniwan ng mag ina mo." malamig na sagot ni Mama at tinalikuran na siya't sumakay na sa kotse. Wala nang magawa pa ang lalaki, naiwan siyang puno ng pagkadismaya sa sarili.
Nang makauwi na kami ni Mama sa bahay ay hindi ko na mapigilan ang sarili na alamin ang katotohanan sa kanya. "Ma, siya ba ang tunay na ama ni Jhay " deretsang tanong ko na kay Mama, ayaw ko na kasing magpaliguy ligoy pa pero hindi ito umimik nanatili lang nakatayo sa harap ng refrigerator.
"Ma sabihin mo na ang lahat, sino ba talaga ang lalaking iyon..ano ang kaugnayan niya sa iyo?" tanong nang may pakiusap sa kanya, hinarap na ako ni Mama.. ilang beses muna syang nagbuntong hininga bago ako sagutin..
"Oo siya ang tunay na ama ni Jhay," may panlalamig na sagot niya.
"kung siya ang ama ni Jhay, Ma Bakit hindi mo ipinagtapat sa kanya kung nasaan si Jhay,.."
"Hindi maaring malaman niya kung nasaan si Jhay at hindi sila dapat magkatagpong mag ama.."
"Ma,hindi kita maintindihan..karapatan ni Jhay malaman na buhay pa ang ama niya bakit natin ipagkakait ito.." panunumbat ko sa aking ina.. dahil sa sinabi ko nakita kong lalong naging balisa si Mama.
"Agatha,ang pamilyang iyon ang naging dahilan kung bakit nasawi ang aking kaibigan ang ina ni Jhay.." napataas na ang boses ni Mama nanginginig siya sa galit at pagkamuhi.. "sila ang nagpapatay kay Annie at nagtangkang patayin si Jhay,.. dahil si Jhay ang nag iisang tagapagmana ng lahat ng ari arian ng mga Mendoza... hindi matanggap ito ng ilang miyembro ng kanilang angkan.. dahil si Annie ay isa lamang mahirap..ginawa nila ang lahat ng klaseng pagpapahirap kay Annie nang iwanan siya ni Bernard.. hanggang sa nag utos na patayin silang mag ina. nang malaman ito ni Annie agad niya akong tinawagan..binigay niya sa akin si Jhay at sinabing kahit na anong mangyari ay huwag kong ibigay si Jhay sa pamilyang iyon..papatayin nila si Jhay makuha lang ang ninais nila..ito ang dahilan kaya itinago ko ang pagkatao ni Jhaydee.." nashock ako't napaluha sa mga kinuwento ni Mama..hindi ko sukat akalain na magagawa iyon ng kanyang pamilya..
Napatulala na lang ako at hindi na makakibo..nanatiling nakaluha habang naiisip ko ang mga bagay na natuklasan ko sa pagkatao ng aking minahal na kapatid.. Hindi ko mapigilan ang namumuong galit sa aking dibdib.. Iniwan na akong mag isa ni Mama dito sa kusina at pumasok na sa kanilang kwarto.. Nasa ganito akong sitwasyon nang. "are you okay sis," narinig kong tanong ni Jhay sa akin na nakatayo na sa harapan ko at umiinom ng tubig. "nag away ba kayo ni Ed,"
"Ahh,hindi medyo sumakit lang ang ulo ko." pagsisinungaling ko sa kanya pilit kong nginitian siya..
"Sige Sis akyat na ako, maaga alis ko bukas." paalam niya sabay halik sa noo ko..
Pagkaakyat niya ay umakyat na rin ako upang makapagpahinga na rin...
CESS POV
Naalimpungatan ako dahil nakarinig ako ng malalakas na yabag sa hagdan. Bumangon ako upang silipin kung pinasok kami ng magnanakaw, siniyasat ko ang paligid dito sa taas nang wala akong makita ay bumaba ako nagbabasakali ako na nandoon sila . Pero pagbaba ko nakita kong nakabukas ang pinto. kaya naisip kong nanakawan kami...isasara ko na sana ang pinto upang matspos nito ay akyatin si Sharice upang sabihin ang nangyari ngunit nang mapasilip ako sa labas nakita ko si Sharice kausap niya si Jhay.
"Hindi ka na sana nag abalang dumaan dito,tumawag ka na lang sana." may konting pagkainis na sabi ni Sharice ngunit halata ko naman na kinikilig siya sa ginawang effort ni Jhay.
"Sorry i can't help myself leaving without seeing you, i gonna miss you Sharice.." malambing na sagot ni Jhay kita ang sinseridad niya sa pag amin ng kanyang saloobin.
"I gonna miss you too Jhay, " sagot din ni Sharice na hindi na maitago ang naramdamang kilig lalo na nang lumapit sa kanya si Jhay at yakapin siya. Ilang minuto rin silang magkayakap bago maghiwalay.
Nagpaalam na si Jhay kay Sharice pero bago ito makasakay sa kotse ay pinigil siya ni Sharice. "Jhay sandali lang.." sabi niya at napaharap sa kanya si Jhay. "May family gathering kami sa Saturday , nasabi ko kay Mommy na kasama kita, kaya aasahan kita na makapunta."
"Oo naman Sha, dadating ako at isa pa may sasabihin din ako sa iyo sa araw na iyon.." sagot ni Jhay at tumalikod na ito..binuksan ang pinto ng kotse niya at may kinuha doon..
Matapos non ay nakita kong may inabot na isang malaking paper bag si Jhay kay Sharice. Pagkaabot nito ay nagpaalam na muli si Jhay at umalis na. Minasdan naman ni Sharice muna ang papaalis na si Jhay bago ito pumasok.
Nang makita ko nang papasok na siya ay agad akong naupo sa sofa.. nagulat naman siya nang pagpasok niya ay nakita niya akong nakaupo rito. "Cess bakit nandiyan ka, ang aga mong nagising ahh,"
"Hhmpp, nagising ako dahil sa malakas na ingay na narinig kong bumababa sa hagdan, akala ko napasok na tayo ng magnanakaw.. ehh iyon pala iba ang nanakaw... ." nasinghalan ko siya kita ko naman sa kanya ang pagtataka sa mga sinabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya.
"Wala lang po, naabala lang naman ako ng isang taong sobrang inlove..." singhal kong muli, napayuko naman siya sa hiya sa akin..
"Sorry na..." sagot nito saka lumapit sa akin at niyakap ako nang may paglalambing..
"Okay, tara na..matulog na tayong muli." sabi ko, kumalas ako sa pagkayakap sa kanya at sabay na kaming umakyat sa taas upang maidlip ng ilang oras...
to be continue