Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 14 - CHAPTER THIRTEEN:

Chapter 14 - CHAPTER THIRTEEN:

SHARICE'S POV

Nang makalabas na si Jhay ay saka ko lang tinignan iyon pagkaing pinadala ng kapatid niya at sinimulan ko nang kainin ito..

"Masarap ba," natigilan ako sa pagsubo nang marinig ko ang boses ni Cess. "sige lang, kain lang..." muling sabi niya kaya tinignan ko siya...

"Gusto mo ba.,." pag aalok ko sa kanya.. dadampot na siya ng bigla kong takpan ang kinakain ko kaya lalo siyang naiinis. "hindi ito ang tinutukoy ko," turo ko sa pagkain. "tanong ko kung gusto mong tawagan ko si Santi para pagdala ka rin nito.'

"letse ka Sha," sigaw niya sabay irap sa akin at tumlikod..

Bago siya humakbang ay.... "hoy Cess.". pagtawag ko sa kanya at nang lingunin niya ako ay nakalukot ang mukha niya sa inis sa akin... "ikaw naman parang binibiro ka lang, nagtampo agad..." sabi ko at inalok na siya na saluhan ako..

Habang kumakain kami ay nagring ang phone ko, numero lang ang lumabas sa screen kaya hindi ko alam kung sino ang tumawag.... "hello," magalang kong pagsagot..

"Hi,Sharice si Agatha ito.. kamusta na."

"okay naman.. napatawag ka..."

"Ahh,i just wanna check if my coldhearted brother gave you the food that i bought for you. "

"Yes he gave it to me, tapos ko na ngang kainin,.. thanks dito.."

"Huwag ka munang magpasalamat,. mauulit pa yan.." sabi nito na ipinagtaka ko, bakit mauulit pa ito ang akala niya ba ay nililigawan ako ng kapatid niya.. "oh,siya baba ko na to, at baka nakaistorbo na ako sa inyo..thanks sa time bye..." pagpapaalam niya.

Nang mailapag ko na ang phone ko ay napatingin ako kay Cess at nakangiti ito na parang kinikilig.. "Tinawagan ka ng future sister in law mo no.."

"tigilan mo nga yan Cess baka may makarinig sa iyo isipin pang boyfriend ko yong tao...". pagbulong ko sa kanya at tumayo na siya at bumalik sa table niya.

Nilinis ko lang ang pinagkainan namin at bumalik na ako sa ginagawa ko.. Maya'y pumasok si Linnette at sinabing nagkakaproblema ang isang machine.. sinabihan ko si Eddie na siya na muna ang tumingin dahil wala pa si Jhay.. kaya lumabas na kami upang macheck ito .

Pagbalik ko sa office ay itinuloy ko ang ginagawa ko pero napansin kong hindi pa bumabalik si Jhaydee dito sa office simula nang nagpunta siya sa office ni Mam Vivian. Hindi ko na muna inisip ito at tuloy sa ginagawa..

Bumukas ang pinto ng office kaya agad kong nilinga ito ngunit nadismaya ako nang isang babae ang pumasok at hindi si Jhay.. "Hi,Ate," nakangiting pagtawag sa akin nitong babaeng pumasok.. "I wanna know if Jhay is here," tanong nito, tinignan ko siya nang mabuti.. maganda at sexy ito.. siya siguro ang ex ni Jhay.. "excuse me, are you gonna stare at me..". bigla akong natauhan at iniwas ang paningin sa kanya..

"Hes not here,"

"Darn it, i spend my precious time just to see him and now nobody in this company know where he is..." inis na sabi nito at dismayadong dismayado sa sarili niya.

"Oh your here..did'nt i told you earlier not to go here..." dinig kong sambit ni Santi na nakatingin dito sa babaeng kausap ko.at hindi ko namalayan ang pagpasok nila ni Eddie...

"It was too boring at home and beside i miss Jhay so much... so i decided to look for him to gave him personally my pasalubong.."

"You still never change, still hardheaded." singhal ni Santi dito sa babae.. "pagpasensyahan mo na itong kapatid ko Sharice kung kinukulit ka.. napakamalapit kasi nito kay Jhay..nagtatampo na nga ako sa kanya ..." pagpapaliwanag ni Santi sa akin... sa sinabi niyang iyon ay nawala ang agam agam ko na siya ang ex ni Jhay...

"Hindi pa ba nakakabalik si Jhay," biglang pagtatanong ni Eddie na nagtataka rin..

"Hindi mo ba siya kasama,". baling na tanong ni Santi kay Eddie.. "Its slmost lunch time na.. saan naman kaya nagsuot iyon.." hindi mapakaling tanong pa ni Santi. Nag aya na sila na kumain pero tumanggi ako dahil nawalan ako ng ganang kumain ngayon.. sinabi ko na lang sa kanila na busog pa ako..

Nagmumok na lang ako dito sa loob ng office..nakatulala't iniisip kung nasan si Jhay. Nakatitig ako sa may table niya.. iniisip na nakaupo siya dito na abala sa ginagawa. Naramdaman ko na may tumulong luha sa mata ko.

"Okay ka lang ba Sha," hindi ko namalayang na pagpasok ni Cess, natauhan lang ako nang marinig ko ang boses niya..

Bago ko siya hinarap ay pinunasan ko muna ang luhang tumulo sa mga mata ko.. "Okay lang ako Cess, huwag kang mag alala.." mahinahong sabi ko at nginitian siya..

Hinayaan niya na lang ako.. ipinagpatuloy lang namin ang work kahit wala na ako sa mood na magtrabaho.. Hanggang sa mag uwian ay walang Jhay na bumalik sa office.. "Sharice hindi pa ba tayo uuwi??" tanong ni Cess.. tumayo na ako at niligpit ang gamit ko't lumabas na kami.

Pagdating sa bahay ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Dito'y nakahiga lang ako't nakatingin sa kisame.. Ilang oras din akong nasa ganong ayos nang pumasok si Cess.. " Kain na tayo Sha,," pag aaya niya ngunit hindi ko ito pinansin. "May problema ka ba,". tanong nito..

"Ayos lang ako Cess, hindi ako nagugutom kaya mauna ka nang kumain.."

"Sigurado ka bang ayos ka," tumango lang ako sa kanya. "matamlay ka kasi ngayon.. may nararamdaman ka bang masakit sa iyo.."

"Okay nga lang ako, magpapahinga na ako.." tumalikod na ako sa kanya. naramdaman ko naman na lumabas na siya nang kwarto..

Kinabukasan ay wala pa rin si Jhaydee at hindi ito pumasok.. ganon din nang sumunod na araw.. halos limang araw ko siyang hindi nakita. Kaya sa loob ng mga araw na iyon ay wala rin akong ganang kumain at kumilos.. Naging kapansin pansin ang mga kilos ko na nahahalata na nang mga kasama ko..

"Sharice may sakit ka ba... sobrang tamlay mo kasi nitong mga nagdaang araw.." nag aalalang tanong ni Eddie..

"Isa lang naman ang makakagamot diyan kay Sharice." sabat ni Cess.

"Ano gamot yon Cess nang mahingi natin sa clinic.."

"Hindi Ano Ed, kundi sino.".

"Ahh i get it.." nakangiti pang sagot ni Eddie pero sandali lang iyon.. "alam ko hindi pa rin siya makakapasok." nanlumo akong muli nang marinig ko iyon.. ito na ang ika anim na araw na hindi ko siya makikita..

"May sakit ba siya Ed," pagtatanong ni Cess.

"Hindi ko rin alam, hindi ko rin kasi nakakausap si Agatha dahil busy sa kasong hawak niya.."

"ikaw Sha,bakit hindi mo subukang tawagan si Agatha." baling sa akin ni Cess

"Sige na Sha, tawagan mo siya baka alam niya kung bakit hindi pumapasok si Jhay." utos naman ni Eddie kaya kahit nahihiya akong tumawag ay ginawa ko na rin. Agad kong dinial ang numero ni Agatha, nang magring ito ay sinagot agad nito.

"hello Sharice, napatawag ka,"

"Ahh,oo Agatha gusto ko lang naming malaman kung bakit ilang araw nsng hindi pumapasok si Jhay, may sakit ba siya." mga tanong ko sa kanya.

"hindi ba ninyo alam na he's in Manila, he will be there for two weeks.. pinadala siya ng company niyo doon para ayusin ang mga machine na nadamage nang nangyaring sunog...." lalong nakapanlumo ang sinabing iyon ni Agatha , two weeks kong hindi makikita si Jhay..

"ganon ba Agatha,"

"Teka Sha, hindi ba siya nagsabi sa iyo o sa mga kaibigan niya..."

"Hindi,"..

"Ganon ba ,sige tawagan ko siya."

"Salamat, Agatha." ito na lang ang huling sabi ko't nagpaalam na sa kanya..

"Oh,anong sabi ni Agatha." agad na tanong nitong si Cess.

"Nasa Manila raw siya, pinadala nang company doon at two weeks pa siya doon.." nanlulumong sagot ko..

"Hindi man lang nagsabi ang kaibigan niyo na aalis siya.." tanong ni Cess kay Eddie.. hindi ko na pinansin pa ang mga sumunod nilang usapan . Ipinagpatuloy ko na ang aking trabaho..

Ginugol ko ang maghapon ko sa pagtatrabaho at walang kinausap kahit sino.. ayaw kong isipin siya dahil mas lalo lang ako pinalulungkot nito.. Hanggang sa pag uwi namin ng bahay ay wala ako sa mood gaya nang mga nagdaang araw deretso akong umakyat ng kwarto at nagkulong doon..

Alam kong nababahala na si Cess sa mga nangyayari sa akin.. nahihirapan rin siya pero wala akong magawa dahil ito ang nararamdaman ko..Malungkot ako at pakiramdam ko ay may kulang na hindi kayang punan ninuman..