EDDIE"S POV
"Masyadong napagod at isa pa'y puyat.. wala pa kasing tulog iyan.. kaya hayaan mo muna." sabi ko kay Sharice nang madatnan ko siyang nakatayo at minamasdan si Jhay.
"Lunch time na hindi ba siya kakain muna." tanong naman nito sa akin.
" Pagkagising niya kakain iyan."
Napatango na lang si Sharice at saka bumalik sa mesa niya. Minasdan ko si Sharice. nakikita ko na maligaya na siya ngayon hindi tulad nong mga nakaraang linggo.
FLASHBACK
Nabahala ako sa mga nakikita kong nangyayari kay Sharice. mula nang araw na umalis si Jhay ay naging matamlay ito at walang ganang kumain. Nalaman ko kay Cess na pagkamiss kay Jhay ang dahilan nito. Sinabi rin nito sa akin na gusto niyang tawagan si Jhay hindi niya lang magawa dahil wala namang relasyon ang dalawa. Dito naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Cess..
Linggo ng umaga...
Nakatanggap ako ng hindi inaasahang tawag mula kay Jhay.
"Himala bro mapatawag ka."
"Naistorbo ba kita" iyon agad ang tanong niya.
"Hindi naman, nagulat lang ako na marunong ka na palang tumawag ngayon, at may silbi na ang phone mo." sagot ko nang may pang aasar sa kanya. "Oh bakit ka napatawag."
"Bro may favor lang ako kung hindi ka busy ngayon."
"Ano iyon."
"Ipapadala ko sana sa iyo dito iyong loptop ko ,need ko kasi naiwan ko ito sa office." pakiusap nto.
"okay bro,need din naman kita makita at makausap."
"Salamat bro, alam mo naman siguro iyon factory sa Las Piñas, nandito ako ngayon."
"Alam ko iyan, sige antayin mo na lang ako diyan." huling sabi ko at nagpaalam na sa kanya.
Matapos non ay naligo't nagbihis na ako.. Nagpunta muna ako sa office namin para kuhanin iyong loptop at matapos ay bumiyahe na ako pa Las Piñas.
Pagdating ko rito ay pinapasok na ako ng guard.. kilala na kasi nila ako madalas ako nagpupunta dito nang nasa Manila office pa ako. Pagpasok ko sa machine area ay nakita ko agad si Jhay dito. "Bro." pagtawag ko sa kanya. " mukhang malala ang nangyari dito"
"Oo mabuti na lang at mga wiring lang ang naapektuhan.."
"Baka matagalan ka sa pag aayos dito."
"Hindi naman bro, dalawang makina na lang ang aayusin ko.. ano kumain ka na ba." tanong nito at umiling lang ako kaya niyaya na niya ako.
Nagpunta kami sa canteen ng factory. Matapos niyang umorder ay naupo na ito at nagsimulang kumain. Kanina nang makita ko siya ay napansin ko agad ang kakaibang itsura niya. Ito yong itsura nang maghiwalay sila ni Jhen. Dahil dito hindi ko na mapigilang magtanong sa kanya.
"Bro,may sakit ka ba." napaangat ang ulo nito at napatingin sa akin.
"Wala naman, pero lately parang hindi ako makatulog nang ayos,. feeling ko may magawa akong mali kaya ako nagkakaganito.. isa pa madalas ang pagsakit nito." turo niya sa may dibdib niya. habang nagpapaliwanag siya at may pakiramdam akong si Sharice ang dahilan nito.
"you felt the same how she felt when you leave." sagot ko sa kanya na pinagtataka niya.
"What do you mean?'" naguguluhang tanong niya.
"Bro answer me honestly.. do you starting to like her." derektang tanong ko sa kanya.
"Who??"
"si Sharice bro, i wanna know if you like her."
"Maybe, cause this past few days she kept coming into my mind.. and i felt incomplete in here.." turo niya sa may dibdib .. "so maybe i beginning to fall for her."
"Bro,let me clear things, did you fall for her because you saw Jhen on her..if thats your reason for liking her. better stop that before she get hurt.". pagpapayo ko sa kanya.
"Bro,its not that.. i started to like her because shes Sharice, shes different from her, at dahil sa kanya unti unti ko nang nalilimot ang sakit ng nakaraan ko.." pagpapaunawa niya at ramdam ko naman na sinsero siya sa mga sinasabi niya.
"Kung ganon, im been happy for you bro, that finally you learn to let go of the past and move forward to the present ."
Napangiti na siya at saka huminga ng malalim. "bro, sisimulan ko na siyang ligawan kapag nakauwi na ako." masayang pagbabalita niya sa akin.
"But bro before that you need to make her smile,.. these past days naging matamlay siya at walang ganang kumain dagdag pa dito ang palaging init ng ulo niya.." pagsasabi ko sa kanya para alam niya kung anong nangyayari kay Sharice.
Matapos namin kumain ay nagpaalam na ako dahil nagmessage na si Agatha na nagpapasundo dahil nasa Makati ito.
END OF FLASHBACK
Mag 3pm na nang magising si Jhay at nang makita ito ni Sharice ay agad siyang lumabas.. Pagbalik niya ay may dala itong pagkain at inihain niya ito kay Jhay..
SHARICE'S POV
Nang papasakay na ako sa aking kotse ay napatingin ako sa may waiting shed at nakita ko si Jhay na nakaupo doon at naghihintay na masasakyan. Sumakay na ako pinatakbo ang kotse ko't tumigil ako sa tapat kung saan nag aabang si Jhay. Tinawag ko siya ngunit parang hindi niya ako narinig kaya bumaba ako sa sasakyan at nilapitan ko siya.
Nakaidlip pala ito kaya ginising ko siya at pinasakay na.. tumanggi siya ngunit napilit ko rin. Nang nasa byahe na kami napansin kong nakatulog pa rin ito. Kaya hinayaan ko siya ginising ko na lang siya nang makarating na kami sa kanila.
Bago siya bumaba ay inalok niya akong pumasok muna sa bahay nila upang makapagmeryenda daw muna. Hindi na ko tumanggi dahil gusto ko pa siyang makasama. Pagpasok namin sa kanila ay sinalubong ako ng Mama niya.
"Good afternoon po, ' bati ko sa Mama niya.
"Good afternoon din sa iyo hija, kamusta ka na.."
"okay naman po " sagot ko
"Oh siya maupo muna kayo diyan at maghahanda lang ako ng makakain niyo."
Pinaupo naman ako ni Jhay at binuksan niya ang TV. Nang lumabas ang Mama niya may dala na itong pagkain. Eggpie at juice ang inihain nito sa akin. "Sige na hija kumain ka na at dito ka na rin magdinner." sabi pa nito at pumayag ako.
Sinimulan ko na ang pagkain, sasabihan ko na si Jhay na kumain pero paglinga ko sa kanya ay tulog na ito.
"Nandito pala ang magiging future sister in law ko." halos mabilaukan ako sa sinabing iyon ng kakarating lang na si Agatha.
"Nandiyan ka na pala Agatha, ikaw na muna ang bahala sa bisita natin.. nagluluto lang ako ng dinner natin." utos ng Mama ni Jhay kay Agatha.
"Oh bakit natulog iyan,tss," singhal ni Agatha nang mapansin niya si Jhay sa tabi ko. "magdadala nang bisita tutulugan lang.."
"Puyat kasi siya, wala pa raw siyang tulog dahil kahapon lang niya natapos iyon ginawa niya sa Manila.. Nang dumating naman siya inayos niya iyong makinang dinala nila sa factory kanina."
"you mean hindi siya naka uwi dito kahapon."
"Oo sa factory na siya dumiretso para iassemble iyong makina." sagot ko at napapailing siya.
Napabuntong hininga si Agatha. "kung hindi ss alak ,sa trabaho naman niya papatayin ang katawan niya. tsk,tsk." sabi nito at hindi ko maunawaan kung ano ang gusto niyang iparating sa sinabi niya.
"Bakit," tanging tanong ko sa kanya.
"Ganyan parati ang ginagawa niya upang makalimot sa kanya."
"Sa ex niya,"
"Actually hindi naman sila nagkaroon ng anumang malalim na relasyon. ang tanging relasyon nila'y magbestfriend lang. Kaso masyadong siyang minahal ni Jhay at hindi nito matanggap na hanggang doon lang ang gusto sa kanya nang kanyang mahal na bestfriend. Hindi ko nga alam kung bakit mas pinili niyang saktan ang kapatid ko sa kabila ng pag amin niya sa akin na mahal niya rin si Jhay at hindi niya kakayanin na mawala ang kapatid ko pero kasinungalingan pala ang lahat ng iyon.. Nagalit ako sa kanya dahil pinaasa niya si Jhay.. may iba pala siyang mahal. Ilang taong dinibdib ni Jhay ang kabiguang iyon at ito ang nag ugat ng pagkakaroon niya ng Major Depressive Disorder (MDD). Ngunit sa kabila nito ay hindi namin siya pinabayaan.. pinilit namin siyang mabuhay nang wala siya at magtapos sa pag aaral. Sa tulong na rin ng continous medication nakayanan niya." pagsalaysay nito sa pinagdaanan ng kapatid niya.
"But hes okay now."
"Sa Ngayon masasabi kong unti unti na siyang nakakarecover... dahil sa nakikita ko ngayon. mayron nagpabago sa kanya nang nagtrabaho siya." sabi pang muli nito at nakangiting nakatingin sa akin.
Dito'y bigla akong nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso ko.. nahalata ni Agatha ito. "Oo Sharice ikaw ang naging dahilan.. kaya unti unting humuhilom ang sakit na pinagdaanan niya.. kahit hindi man niya aminin ramdam ko."
"pero Agatha bakit ako,..wala naman akong ginawa." sagot ko sa kanya.
"Trust me Sharice, but for now just stay to his side.. someday it will paid off.." sabi pang muli nito.
Hindi na ako nakasagot pa sa kanya dahil nagising na si Jhay. "Ohh im sorry Sharice, nakatulog ako.. nakakain ka ba." tanong agad at paghingi niya ng paumanhin.
Tumango at ngumiti lang ako sa kanya tapos ay nagpaalam siya na aakyat muna sa kwarto niya para makapagpalit ng damit..
Nang nakababa na si Jhay ay nasa dining na kami.. naupo siya sa tabi ko.. Pinagsilbihan niya ako bago siya kumuha ng kanyang pagkain. Naging masaya ang dinner na ito dahil sa madami akong nalaman tungkol dito kay Jhay na ikinuwento ni Agatha.. Kahit naging akward kay Jhay iyon ay wala siyang magawa. Hanggang sa matapos ang dinner at magpaalam akong umuwi. Pinabaunan pa ako ng fruit salad ng kanyang Mama.
to be continue..