JHAYDEE'S POV
Nang makabalik na kami ay pinauna ko si Sharice na pumasok sa office.. ako nama'y pumunta saglit sa factory upang tignan kung ano pang spare parts ang kailangan sa ginagawa naming machine..
Pabalik na ako sa opisina nang makasalubong ko iyon tatlo.. ""Bro tara." pag aya ni Eddie sa akin kaya nagtaka ako dahil kakagaling ko lang sa factory..
"Bro,kakagaling ko lang sa factory kayo na lang,tatapusin ko pa itong list of parts na kailangan natin." sagot ko sa kanya.
"Hindi doon ang punta natin,.sa conference hall tayo..nagpatawag ng meeting si Mam Vivian para sa mga managers at dept. heads.."
"hindi naman tayo part ng anuman sa mga iyon."
"Basta sumama ka na lang." pilit na sabi nito at hinila niya ako. Wala na akong nagawa dahil hindi niya binitawan pa ang kamay ko.
Pagdating namin doon ay naroroon na ang lahat nang nasa Administrative at kami na lang Eddie ang hinintay para mag umisa ang meeting. Pagkaupo namin ay may inabot na folder sa amin ni Eddie ang sekretarya ni Mam Vivian.
"Good Afternoon everyone," pagbati ni Mam Vivian sa lahat.. "Our Agenda are all listed on that folder your all holding.." sambit niyang muli.. sinimulan ang meeting sa pagtalakay sa kinita ng kompanya, sa mga bagong partners, mga gastusin at ang production ..
"Are next Agenda is all about maintaining our machine conditions. Nagdesisyon kami na maghire ng mga potential technician at kayong dalawa." turo niya sa amin ni Eddie.. "ang maghandle ng kanilang application and training." tumango lang kami ni Eddie sa kanila.. " and your office will be renovated tommorow...".
"And before we go i'll have an announcement to say....Our Chairman and his Son the President will be coming here in the next few days,..they will gonna introduce to us our next Chief Operating Officer.. this is due to urgent resigning of Miss Bueno.."
Nabahala ang lahat sa anunsiyong iyon ni Mrs. Samonte..lalo sa sinabing pagdating ng may ari ng kompanya at sa papapalit ng bagong boss...
Matapos ang meeting ay bumalik na kami sa office namin. Inayos namin ang ilang mga gamit para sa gagawing renovation dito bukas. "Saan kaya tayo magstay bukas kung aayusin ito." ang pagrereklamo nitong si Cess. hindi naman na namin siya pinansin dahil abala ang lahat. Maya ay dumating si Miss Angelica ang secretary ni Mam Vivian at lumapit sa amin ni Eddie.
"Mr.Mendez, Mr.Manansala ipinabibigay ito ni Mam." sabi nito nang iabot ang dalawang folder sa akin at nagpaalam na siyang babalik sa work niya.
Binuklat ko muna ang unang folder..ito'y naglalaman ng mga resume ng aplikante.. ang pangalawa'y floor design ng office namin. Inabot ko rin ito kay Eddie para pag aralan niya..
---------+
Brizzzzkkk, bbrriizzzkkk
Napamulat ako dahil sa pagtunog ng aking phone. tinignan ko muna kung sino ito saka ko sinagot..
"Hello Ate, Good morning.."
"Good morning din, napatawag ako dahil sa nasira ang M4 at ang P2 machine.."
"Okay Ate, puntahan ko,"
"Okay Thanks," pagkasabi niya'y binaba niya na ang phone..
Bumangon na ako at nagstretching nang konti.. Bago ako pumunta sa banyo ay tumingin muna ako sa oras.. "4am pa lang gising na kaya siya." iiling na sambit ko. Naligo na muna ako at nang nakapagbihis ay bumaba na ako' t pumunta ng garahe. Bago ako sumakay sa motor ko ay nagmessage ako kay Sharice.. tapos non ay umalis na ako.
Pagdating ko sa factory ay agad kong tinungo iyong machine na aayusin. Gaya ng mga nagdaang araw. hindi nawawala ang mga tinginan at bulungan ng ilang mga babaeng empleyado dito. Minsan ay napapasigaw sila ng di sadya maiparating lang ang pagkahanga nila sa akin..
Kahit ganon ay hinahayaan ko na lang sila at minsan ay binabati sila. Nang makarating ako sa pwesto ng nasirang makina ay tinanong ko muna kung ano nangyari saka ko sinimulang ayusin ito.
SHARICE'S POV
Hindi naging maganda ang gising ko ngayon. iilang oras lang kasi naitulog ko dahilan ito sa ingay sa katapat bahay namin. Halos mag 1am na natapos ang selebrasyon ng debut ng kanilang anak.
Gustuhin kong umidlip nang ilang oras pa pero hindi ko na nagawa dahil sa sakit ng ulo ko.. nasisiguro kong sira na ang araw ko ngayon.
Kinapa ko ang phone ko sa tabi ko. nang makuha ko ito agad kong inopen... nanlaki ang mata ko't napabangon bigla ng makita ko ang name ni Jhay na nag pop up sa screen ng phone ko.. nagpadala siya ng mensahe.. Nawala ang naramdamang kong sakit ng ulo at napalitan ito ng kilig at saya.. Inopen ko ang mensahe niya't binasa.
To Sharice❤️❤️
10/10/16 4:15am
Good morning hope you had
nice day ahead.
papasok na ako... need to repair m4 and p2...
see you later and take care.
From Jhay
Halos sumabog sa bilis ng pagtibok ang puso ko sa sobrang kilig na nadarama ko ngayong umaga. Nabalewala ang lahat ng naramdaman kong puyat at sakit ng ulo..
Agad akong kumilos para maligo't mag ayos.. saka ako dali daling bumaba at nagtungo sa kusina. Naisipan kong ipagprepara siya ng kanyang breakfast. Abala ako sa paghahanda nang marinig ko ang malakas na boses nitong kaibigan ko . "Wow napakaespesyal naman ng breakfast natin.." sabi nito at kukuhanin ang pineprepara kong sandwich kaya agad kong tinapik ang kamay niya. "Aray naman Sha," sigaw niya...
"hindi para sa iyo yan... eto ang breakfast natin." abot ko sa kanya ng hotdog and egg.. "ayan kumain ka na at bilisan mo aalis na tayo.."
"teka,teka ,ang aga pa bakit ka nagmamadali??.."
"Basta't bilisan mo," pagsinghal ko at inaayos sa lalagyan ang pagkaing dadalhin ko. Tapos non ay lumabas na ako. Magmadali namang tumayo si Cess at humabol sa akin.
"Letse ka Sharice,ano bang nakain mo't gusto mong pumasok ng maaga.. may problema ba sa factory. .." sunod sunod na tanong nito nang pasigaw nang makasakay ito sa kotse...walang tigil ang pagsinghal niya habang bumibyahe kami..
Sa parking lot agad akong bumaba at iniwan si Cess sa kotse na nag aayos pa. Tumungo ako kung saan gumagawa si Jhay. Natigilan ako't nag init nang pagkarating ko doon ay nakita kong napapalibutan ng mga empleyadong babae si Jhay na pinanonood ito habang gumagawa. Ang mas lalo pang nagpainit ng dugo ko ay nang makita ko si Deanna na lumapit kay Jhay at pinunasan ang tumulong pawis nito sa mukha.. inabutan niya pa ito ng sandwich at coffee.. naikuyom ko ang palad ko sa sobrang inis.... "nakakaselos talaga iyan." napalingon agad ako sa kanya at nakita ko ang mapait na ngiti nitong si Cess..
"Kaya pala nagmamadali kang pumasok at nag abalang gumawa ng breakfast....tsk,tsk," mapang inis na palatak nito habang nakacross ang kanyang mga braso... "kaso naunahan ka.." patuloy niya sa sobrang inis ko ay padabog kong tinalikuran siya at pumunta na sa office namin..
Sa office nilapag ko lang sa mesa ang dala kong pagkain at naupo na ako dito at walang kinausap. Kahit na anong salita ni Cess ay hindi ko siya pinansin pati ang magandang pagbati ni Eddie ay binalewala ko.
"Anong nangyari sa kanya,may problema ba siya," nadinig kong tanong ni Eddie kay Cess na nakangit nang may pangngungutya..
"Isang nakakamatay na SELOS ang dahilan ng pagmamaktol niyan." sagot ni Cess na talagang pinakadiinan pa niya ang salitang selos..
"Selos,sinong nagseselos??" agarang tanong ng kakapasok lang na si Santi.. tinuro naman ako ni Cess.. "What kanino??" tanong pa ni Santi..
Ikinuwento ni Cess ang lahat sa dalawa. matapos ay bumunghalit ng tawa itong dalawa. "really Sharice." baling ni Santi sa akin.. "of all the girls na pagseselosan mo si Deanna pa." tatawa tawang pagtatanong nito.
"Sharice,you don't need to be jealous of her.. she's nothing to Jhay..." segunda ni Eddie.. dahil sa sinabi niya naalala ko ang sinabi sa akin ni Jhay kahapon.. pero nagseselos pa rin ako..
Bumukas ang pinto... pumasok si Jhay agad niya akong binati ngunit hindi ko siya pinansin. Napakamot siya at humarap don sa tatlo at nagtanong.
"Whats with her,?.." mahinang boses na pagtatanong niya ngunit dinig ko pa din.
Hindi sila sumagot pero patuloy pa rin sa pagtawa sina Eddie.. Si Cess ay lumapit kay Jhay at may binulong itong si Cess sa kanya matapos non ay napailing si Jhay at lkamot ulong naglakad papuntang pantry....
Nanatili lang ako sa kinauupuan ko. .pinag aaralan ang mga paperworks na isinumite ng bawat shift supervisors . Nasa ganon akong estado nang mag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagmessage saka ko binuksan ito.
recieved message...
To Sharice
i did'nt eat what she
gave me...
Fron Jhaydee
Bahagyang akong natuwa sa sinabi niya. at nagreply ako.
To Jhaydee
Bakit hindi mo kinain.
From Sharice.
messge sent...
recieved messge...
To Sharice..
dahil gusto ko yong
dala mo..
From Jhaydee.
To Jhaydee
Sinabi sa iyo ni Cess.
From Sharice.
message sent..
recieved message
To Sharice
Nope. i saw it earlier..
can i have it.. im hungry na.
From Jhaydee
Hindi na ako nagreply sa kanya..tumayo ako at dinala sa kanya ang sandwich na gawa ko.. Habang kumakain siya ay masaya ko siyang pinagmamasdan.. "Nakakaistorbo ba ako sa inyo?." napalingon kaming pareho ni Jhay nang marinig namin ang boses ni Cess at natawa ako sa reaksyon ng mukha ni Cess ng makita niya kaming magkasama... "Censya na oras kasi ng work.. Jhay nandito na ang aayos ng ating office,kausap ns siya ni Eddie."
Tumango si Jhay at bumaling sa akin, sinabihan niya na akong maunang lumabas tatapusin niya lang ang pagkain niya at magpapalit ng damit.
to be Continue