Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 15 - CHAPTER FOURTEEN:

Chapter 15 - CHAPTER FOURTEEN:

CECILIA'S POV

Nababahala na ako sa kaibigan ko hindi ko kasi maintindihan kung bakit ba niya ginagawang pahirapan ang sarili niya. Simula nang hindi nakita si Jhay ay nagkaganito na siya.. wala pa naman silang relasyon nito . Hindi na siya nagkakain at lagi pang mainit ang ulo.. Kahit anong gawin kong pagpapakain sa kanya ay tumatanggi ito't sinasabi wala siyang gana.. Isang linggo pa lang hindi niya nakikita si Jhay ay bumagsak na ang katawan nito.. sa nakikita kong kalagayan niya ay daig pa nito ang hiniwalayan ng kasintahan..

Gustuhin ko mang tawagan si Jhay ay hindi ko magawa dahil wala naman silang relasyon at baka mapahiya pa ako.. Hindi naman kasi ganito ang nangyari sa kanya nang maghiwalay sila ni Troy.. Alam kong may pagmamahal na siya kay Jhay pero ang ikinabahala ko ay bakit ang bilis niyang mahulog dito samantalang halos maglilimang buwan pa lang silang nagkakalilala..

Lunes maaga pa lang ay tinawagan ko na si Santi.. nakiusap ako na sunduin niya kami. Sa kalagayan kasi ni Sharice ay hindi ito makakapagdrive ng matino.. Gaya nang mga nakaraang linggo ay wala na naman siyang ganang kumain..kaya hindi ko na siya pinilit..

Nang dumating na si Santi ay niyaya ko na siya..habang nasa biyahe kami ay pansin ang kawalang gana ni Sharice..

"Babe sigurado bang kayang magtrabaho niyan." tanong ni Santi na tinignan si Sharice mula sa rearview mirror.

"Siguro,,teka babe tumawag na ba sa inyo si Jhay."

"knowing Jhay, hindi marunong tumawag iyon kahit alam niya na may nag aalala sa kanya.. kaya nasanay na kami.."

"Pero bakit, kahit sa pamilya niya ganon rin siya."

"Oo, pero hindi sa isang tao.. kahit anong mangyari o nasaan man siya tatawag at tatawag si Jhay huwag lang itong mag alala...but that is all in the past now..." kwento pa ni Santi.. nang tignan ko si Sha ay napansin kong lumuluha ito at nakatingin sa labas..

Nang malapit na kami sa company ay sinabihan ko si Sharice na ayusin na ang sarili.. Pagkapasok naman namin sa office ay sinalubong agad kami ng problema. Sinabi sa amin ni Sandra ang Quality Assurance supervisor na nagkaroon ng aberya sa production at dala niya ang ilang sample ng plastic bottle at cups nito. Nagkaroon ito ng discoloration.. hindi pantay ang pagka blue nito.. Sinuri muna ito ni Sharice at saka nag utos na ipatawag ang mga concern personel.

Nang nakarating na sa office namin ang mga taong pinatawag ni Sharice ay agad niyang hinarap ang mga ito.. "All of you can you explain how this happen." napataas ang boses nito kaya naman agad nagsiyukuan ang mga nasa harapan niya at walang sumagot sa kanya . "i asked all of you , how this happen, bakit hindi kayo magsalita.." inis na pag uulit niya sa tanong pero nanatili pa ring walang kumikibo sa kanila. "if nobody wants to tell hows this happen, you're all been suspended for two days.." galit na sabi nito na napahampas sa table niya..

"M-mam, hindi po s-sa a-amin ang p-problema, nasa bago pong colorant na nadeliver.." nanginginig na sagot ni Rolly..

"Sinabi na po namin ito kay sir Jhun na magkakaproblema kapag ginamit namin.. pero inapprove pa rin po niya.". sagot naman ni Elias...

"Whattttt?????" napasigaw na sa galit si Sharice.. "How dare he approved it.. darn, please send him to my office,and all of you can leave now." galit na galit na sigaw nito kaya dali daling nagsilabasan ang mga taong pinatawag niya..

Nang dumating si Jhun sa office ay sinalubong ito ni Sharice ng walang patid na panenermon. Nilapitan ko na si Sharice at pinigil siya't ako na ang kumausap kay Jhun.. Nang okay na ay pinabalik ko na si Jhun sa trabaho niya at nagsabi ako na pagpasensyahan niya muna si Sharice..

Si Sharice naman ay buong umagang nakalukot ang mukha at hindi makausap nang ayos. Hindi na muna namin siya pinansin ni Eddie..

Puno ng katahimikan ang buong office namin lahat ay abala sa paggawa ng mga paperworks.. Maya'y may kumatok sa pinto ng office.. iyong guard ang pumasok at may bibit itong isang paperbag at inabot kay Sharice....

SHARICE'S POV

Nagulat ako nang lumapit sa akin si guard at inabot ang isang paperbag sa akin. "Mam dinilivered po ito para sa inyo raw.." taka man ay tinanngap ko na ito. Nagpasalamat naman ako sa guard bago ito lumabas sa office.

Nang tignan ko kung ano ang nasa loob nito, ay lalo akong nagtaka.. Hindi naman ako nagpadeliver ng pagkain..

Hindi naman nakatiis itong si Cess na alamin ang nasa loob ng paperbag kaya tumayo ito at lumapit sa akin.. "Nag order ka ba ng pagkain." tanong nito nang makita ang laman ng paperbag, umiling lang ako sa kanya. "kung hindi ka nag order sinong nagpadala niyan." muling tanong niya.

Hindi ko muna ito ginalaw at hinayaan muna. Ilang sandali lang ay nagvibrate ang phone ko at napangiti ako nang makita ko kung sino ang nagmensahe..

To: Sharice

09/24/16 11:44am

Hi! hope this make you

smile..😀😀 and be sure

you eat the food ..

From: Jhay❤️❤️

To:Sharice

09/24/16 11:48am

Sorry😭😭😭😭

From:Jhay❤️❤️

Nang matapos kong basahin ang mensahe ni Jhay ay nakaramdam ako ng kakaibang tuwa sa puso ko't di mapigilang mapangiti.. "Hoy ano naman ang nginingiti mo riyan.." hindi ko pinansin si Cess dahil titig na titig ako sa phone ko na agad namang inagaw nitong si Cess at binasa ang mensahe dito.. "Kaya naman pala, ito lang pala ang magpapabago ng mood mo.."

"Bakit anong mayron.. at anong nangyari diyan." tanong ni Santi na kakapasok lang..

"Pinadalhan lang naman ng pagkain ng bestfriend niyo..."

"Ganon ba," sambit na lang ni Santi at niyaya na si Cess para maglunch hindi na ako sumabay sa kanila. Nang makaalis sila ay pumunta na lang ako sa pantry at dito ko kinain ang padalang food ni Jhay. Nang matapos kong kainin ito ay kinuha ko ang phone ko at nagmensahe ako sa kanya..

To:Jhay

09/24/16 12:35pm

Thanks sa food??

From:Sharice

Bumalik ang sigla kong magtrabaho na kahit na nagkaroon muli ng problema sa production ay masaya naming nilutas ito. Nanibago naman ang mga empleyado lalo na iyong mga nasermunan ko kanina..

Kinausap naman sila ni Cess na huwag na akong pansinin at baka raw mausog pa.

Natapos ang araw kong may saya ang puso ko.

Magmula nang makatanggap ako ng padalang pagkain.. araw araw na akong nakatanggap nito na galing kay Jhay. Nang dahil sa simpleng ginawa niya ay napuno ng kasiyahan ang puso ko...

Dumating na ang araw na makikita kong muli si Jhay.. Ito ang araw ng pagbalik niya mula sa dalawang linggong pagkaassign niya sa Manila.

May saya at gaan sa pakiramdam nang magising ako nang araw na ito... tuwa na makikita ko si Jhay.. bumangon na ako't nagtungo na agad sa banyo upang makaligo at makapag ayos. tapos non ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina upang magtimpla ng coffee..

"Wow very good ang morning natin ngayon ahh. may pangiti ngiti pa.. " salubong na bati sa akin nitong kaibigan ko...

Nilingon ko siya at binigyan pa ng isang magandang ngiti.. "Maganda at maaliwalas lang ang gising ko ngayon.'

"Hmm, sa gising ba o sa isiping makikita mo na siya.." ang panunuya nito sa akin..

"tss, bilisan mo na diyan," pag iiwasan ko sa tanong niya..at bumaling sa pagkain ng sandwich na gawa niya.

"Hindi ka naman excited sa lagay na iyan."

"Ano bang pinagsasabi mo ,"

" Hoy Sharice huwag ka ngang magmaang maangan." naiinis na sigaw na nito.

"Bilisan mo na diyan," sabi ko at tumayo na ako't lumabas.

Nagmadali rin siyang tumayo at humabol sa akin. "Grabe talang iiwan mo ako.." nakasimangot niyang sabi nang makasakay na sa kotse.. "Sana hindi na muna pumasok ang mahal mo." nakangusong bulong pa nito.

"Hoy Cecilia, huwag mong sirain ang araw ko." singhal ko sa kanya nang marinig ko ang binulong niya.

Hindi na siya kumibo at umalis na kami. Pagpasok sa office namin ay naupo na ako sa may desk ko at nag ayos. Inaabangan ko ang pagpasok ni Jhay.. nang bumukas ang pinto dali dali akong yumuko at nagkunwaring may ginagawa. Nang iangat ko ang paningin ko ay hindi si Jhay ang pumasok kung hindi si Eddie na nakangiting tumingin sa akin bago nagpunta sa desk niya.

Past 8am na'y wala pang Jhay na dumating kaya nanlumo ako at napabulong na.. "letse kang Cess ka, nagkatotoo yata ang sinabi mo..may sumpa talaga ang mga salita mo." inis na bulong ko't napabuntong hininga pa ako.

"Psst, okay ka lang Sha."

"Shut up Cess, masyado mong sinira araw ko."

"hindi ba sinabi ko sa iyo na.." hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin niya.

"Just shut up, Cess.. you ruin my day." napataas na ang boses ko kaya napatingin sa amin si Eddie sabay nangiti..

Hindi na kumibo si Cess at nanahimik muna ito.. hindi na rin ako makapagfocus sa ginagawa ko. iritado ako nang oras na ito..

Maya'y may kumatok at pinapasok ito ni Cess.. pagkapasok ni Carlo ay agad itong nagtungo ka Eddie. "sir Ed, okay na po ba raw iyon mga materyales na kailangan sa dumating na machine..pinatatanong na ho ni sir Jhay." tanong nitong si Carlo kay Eddie nang marinig kong binanggit nito si Jhay ay napalingon ako sa kanila. tumingin rin si Eddie sa gawi ko at ngumiting muli. Pinauna niya muna si Carlo..

Tumayo ito at kinuha ang mga gamit nang mapatapat ito sa akin. "Oo Sha kanina pa naririto si Jhay.. mga 3am siya dumating dito kaya kanina pa rin ako nandito.." paliwanag nito at saka lumabas na.

Nabuhayan ako nang sabihin ni Eddie iyon.. agad akong tumayo at lumabas.

Pinuntahan ko kung saan gumagawa sina Jhay.. nang makarating ako dito ay natanaw ko agad si Jhay. Nang makita niya ako ay ngumiti ito. Pinagmasdan ko siya habang gumagawa doon.. kita ko sa mukha ni Jhay ang puyat at pagod..

"Baka naman matunaw na iyan sa kakatitig mo." bigla akong napalinga sa kanya at inis na hinarap ito..

"Ano ba Cecilia maya may makatinig sa iyo."

"Ehh ano naman," kinikilig na sagot nito. "kaya pala ako nagpunta rito. pinatatawag tayo ni Man Vivian." sabi pa nito kaya umalis na kami dito..

Matapos ang meeting namin kay Mam Vivian ay bumalik na kami sa office. Dito nadatnan ko na si Jhay na nakahiga sa sofa at nakaidlip na ito..

to be continue