Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 7 - CHAPTER SIX:

Chapter 7 - CHAPTER SIX:

SHARICE'S POV

Mukhang naisahan ako ng kaibigan ko..nabigla ako sa pagsulpot ni Santi kasama ang Antipatikong lalaki. Kaya wala na rin ako magawa kundi makisama sa kanila.at dito kay Jhay. Matapos kumain ay umalis agad itong dalawa at iniwan kami ni Jhay dito. Nang makabayad siya ng bill namin ay niyaya niya na akong lumabas..

Habang naglalakad kami sa mall ay walang kaming kibuan at may isang metrong layo sa isat isa parang hindi kami magkakilala. Hindi alam kung sino unang babasag sa katahimikan namin hanggang sa magsalita sya.

"Saan mo gusto pumunta" walang anu ano'y naitanong niya sa akin.

"Hindi ko alam" tanging naisagot ko na lang..

Kaya niyaya nya na lng akong maupo sa isang bench na naroon sa may gitna ng mall. Nanatili kami rito ng isang oras ng hindi nag uusap at nagtitingin lang sa mga taong nagdadaan.. minsan ay napapansin kong sumusulyap siya sa akin.

"Gusto mo bang pumunta sa ibang lugar..." malamig na pagkasabi niya na bumasag sa katahimikan namin,kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Saan," tipid kong sagot .

" Sa Greyson."

"Sige." agad na pagpayag ko tutal ay wala naman kaming pasok kinabukasan.

Sabay na kami lumabas ng mall pagdating sa parking sinabi niyang. magkita na lng daw kami roon dahil dala nya ang kanyang motor. Pagdating ko doon sa Greysonr ay nandon na sya na naghihintay sa akin.

Pagkapasok namin dito ay doon kami naupo sa table kung saan ko sya unang nakita. Umorder sya ng dalawang bucket ng beer at pulutan. Habang nagiintay ng order namin ay tinitigan ko uli sya. nang magkatapat ang mga mata namin ay agad akong nagiwas.

Nang dumating ang order namin ay agad nya tinungga ang isang bote na parang tubig lang. Kumuha sya ulit at ganon din ginawa nya hanggang sa maka apat na bote na sya. Nung iininumin nya ang panglima ay pinigilan ko na sya. Napatingin sya sa akin nang nakakunot ang noo.

"May mabigat ka bang problema't gusto mong magpakalunod sa alak.." sarkastikang tanong ko sa kanya.... pilit kong kinukuha ang boteng hawak niya. Tinitigan niya ako nang matagal bago siya muling nagsalita.

"kung ano man ang gawin ko sa sarili ko.. labas ka na roon at wala kang pakialam.," singhal niya sa akin na salubong ang kilay sa inis...

"Kung ganoon naman pala'y bakit niyaya mo pa ako rito." inis na sambit ko...muli na naman siyang nanahimik at iiling iling..

"Sorry," mahinang bigkas niya na parang nahihirapan pang sabihin iyon. "i did'nt mean it..."

"its okay, pero kung kailangan mo nang kausap para mailabas lahat ng problema mo...handa akong makinig sa iyo..."

Bumuntong hininga muna siya't napatingin muli sa akin.. "i dont think i can tell you. this..."

" Bakit naman.' tanong ko't napaisip rin ako..at alam ko na ang dahilan niya.. " ohh i get it...because were not that okay.. you still see me as your enemy." sagot ko rin sa tanong ko sa kanya.

"No, thats not the reason why i cant tell you..." napalunok muna siya bago itinuloy ang sasabihin. "cause everytime i saw you...you remind me of her.." nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang tinuran niya. nakikita niya sa akin ang ex niya.... "yes she looks a like with you...kaya hindi kita pinapansin at kinakausap....everytime i saw you i always remember the pain she caused me.. i felt hurt deep inside.." pagtatapat niya sa akin,

"you mean kahawig ko ba talaga siya..." paninigiro ko sa kanya ..ngayon alam ko na kung bakit sobrang cold ng treatment niya sa akin.

Hindi niya ako sinagot.. itinuloy lang niya ang mga sinasabi niya.. " i love her so much, i gave her all my life....but she dumped me.. she loves someone else..akala ko mahal niya rin ako... oo nga pala mahal niya ako bilang bestfriend niya, BESTFRIEND damn." may diing galit na namuo ng banggitin niya ang bestfriend.... "kaya ang sakit sakit..." bigla siyang natigil sa pagsalaysay..napansin kong may tumulo nang luha sa kanyang mga mata.

"kaya ba ito ang nakikita mong paraan para pahirapan ang sarili..".

"Ito lang ang naiisip ko para malimutan ang sakit na dinulot niya sa mahabang panahon..."

" Alam mo maraming paraan para makalimot.. hindi alak ang solusyon sa lahat ng problema... " pagpapayo ko sa kanya. "Nasaktan din ako dahil sa nagmahal din ako..pero ginamit ko yong sakit na iyon para kalimutan siya.. humanap ako nang pagkakaabalahan ko.."

"I did that but," agad niyang sagot ngunit natigilan siya..

"if you do that,..bakit hanggang ngayon ay hindi mo siya makalimutan.."

"its because of you.." deretsang sabi niya sa mukha ko..

"No, its not because of me.. magkaiba kami.. the problem is that you cant accept the fact that shes gone in your life.. learn to accept it and get moving on... may makikilala ka pang mas higit sa kanya kailangan mo lang ay buksang muli ang puso mo para magmahal muli..." pagpapaunawa ko sa kanya..hindi na rin siya nakakibo pa.

Nanatili sa amin ang panandaliang katahimikan..nagtuloy lang kami sa pag inom at pakikinig sa bandang tumutugtog dito sa bar. "Okay ka na ba." tanong ko nang makita kong medyo maaliwalas na ang kanyang mukha.

Tumango siya at ngumiti. " Thanks for hearing my pain and keeping my company tonight.". tanging isang ngiti ang isinagot ko sa kanya. "and sorry for the misunderstanding happen between us..

"No, its me who need to apologized to all the trouble i've done.." nang sabihin ko ito ay nagkatinginan kami't sabay napangiti sa isa't isa..

Tinapos lang naming inumin iyong naorder namin at saka nagpasya nang umuwi. Siya na ang nagbayad ng bill namin.. tapos non ay sabay na kaming lumabas ng Bar. Bago ako sumakay sa kotse ko'y tinanong ko siya kung kaya niyang magdrive.. sumagot siyang kaya niya.. kaya sumakay na ko't umuwi...

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko si Cess na inaabangan ako't kita ang pagkagandang ngiti sa kanyang mukha..

Hindi ko siya pinansin at naupo na lang sa sofa...agad naman siyang tumabi.. Kaya alam ko na gusto nitong magkwento ako...

"Ano Sha, kamusta ang date nyo.." nakangiting tanong niya ngunit natigilan sya nang naamoy niya ang hininga ko.. "nakainom ka ba."

Tumango ako't hindi siya kinibo. "Bakit" muli niyang tanong...

"Doon ako niyaya ni Jhaydee." pagsagot ko sa tanong niya na ikinalaki ng mata niya't napatakip pa sa bibig niya.. hindi ko na siya hinintay na magsalitang muli..tumayo na ako at nagpaalan sa kanya..

"Cess, inaantok na ko kaya matutulog na ko,dyan ka na." paalam ko sa kanya at umakyat na ako sa kwarto ko.

JHAYDEE'S POV

Pagkauwi ko sa bahay,pagpasok ko pa lang ay si Agatha agad ang nabungaran ko. Hindi ko na sya pinansin at tumuloy na ko sa pag akyat sa kwarto ko, kaso bigla niya kong hinila...

"Galing ka na naman sa Bar" galit na singhal niya sa akin...

"Inaantok na ko Agatha, bukas na lang tayo mag usap.." pag iiwas ko sa kanya.

"Jhay,hanggang kailan ka ba magkakaganyan."

" Nakainom lang ako hindi ako nagpakalasing ..nag aya si Santi... unang sshod ko..saka minsan lang kaming lumabas." natigilan siya sa sinabi ko. Matapos non ay umakyat na ako.. Nagpahinga lang ako na kaunti saka ako naligo tapos ay natulog na.

Kinabukasan pagkagising ko ay naghilamos muna ako at nagsipilyo.. Habang nakaharap sa salamin sa C.R naisip ko na naman yon kagabi.

Bahagya ako napangiti nang isipin kong nailabas ko ang problema ko sa isang babae na kakakilala ko pa lang.. Bumaba na ko at deretso sa dining area naabutan ko si Agatha na nagluluto ng agahan. Naupo ako dito't nakangiting pinagmamasdan si Agatha habang naghahanda ng agahan.

Nang lingunin ako ni Agatha ay bigla siyang napatakbo sa may gawi ko't pinaghihipo ang leeg ko na animo'y inaalam kung may sakit ako.

"Ano ba Agatha." inis na sabi ko sa kanya.

"Totoo ba itong nakikita ko" pangaasar nya pa sa akin. "isa itong himala" kaya tinawag ni Agatha sina Mama at Papa. "Ma,Pa" sigaw nya kaya naman dali dali napasugod sa dining ang mga magulang namin.

"Ano ka ba namang bata ka,kung makasigaw ka parang may sunog ahh" ang hinihingal na sabi ni Mama

"Ma,Pa, kailangan natin magpamisa ngayon..dahil nakatanggap tayo ng himala ngayong araw." ang nanunuyang sabi ni Agatha at nagsign of the cross pa ito.

"Ano ba yan pinagsasabi mo Agatha" di makapaniwalang tanong ni Papa.

"Yan ohh" sabay turo sa akin ni Agatha kaya paglingon nila ay bigla din silang nagulat at napangiti sa pagkakakita sa akin. Nilapitan ako ni Mama at nakangiting niyakap ako.

Natutuwa sila dahil ngayon na lng uli ako bumaba para makasabay sa kanila sa pagkain. Dahil sa tagal na panahon ng pagmumukmok ko di ko na makuhang makisabay sa pagkain sa kanila.

"Ma, kailangan yata magpatawag tayo ng doktor" ayon na naman yon panunuya ni Agatha..

"Bakit hija, sinong may sakit" nagtatakang tanong naman ni Mama.

Nakatingin sa akin si Agatha.. "kailangan natin ipasuri yan si Jhay baka nagka amnesia na yan" patuloy sa panunuya si Agatha..

"Agatha ,just shut up" singhal ko sa kanya dahil naiinis na ako..

"Tigilan nyo na nga yan baka nagkapikunan na naman kayong dalawa." pananaway sa amin ni Papa.

Kaya nagtuloy na lang kami sa pagkain. Pagkatapos ay pumunta ako sa labas upang linisin ang motor ko. Naglilinis ako ng motor nang bigla na naman sumulpot sa likod ko si Agatha..

"Bakit hindi mo rin linisin yan kotse mo" tanong nya "ang tagal mo nang hindi ginagamit yan,ano ibenta na lng natin" patuloy na pangaasar nya sa akin.

Matagal na talagang hindi ko nagamit yon simula ng bilhin ni Agatha yon para sa akin. "Saka na kapag okay na ko." sagot ko naman sa kanya.

Hindi na sya kumibo at pinagmasdan nya na lng ako sa ginagawa ko. Hindi nagtagal si Agatha dito..pumasok na sya ng bahay para magluto. Natapos ang buong araw ko ng hindi ako nagkulong sa kwarto kaya laking tuwa nila na makita akong ganoon. Sa paglipas ng mga araw ay unti unti ko nang nalilimutan si Jhen..

Araw ng lunes..halos late na akong nagising kaya dali dali akong naligo at nagbihis pagkatapos ay bumaba na ko at nagpaalam na kina Mama at Papa na papasok na... wala na si Agatha dahil maaga raw pumasok sa work ito. Hindi na ko nag agahan sinabi ko na lng sa kanila na sa cafeteria na lng ako magbreakfast.

Pagdating ko sa company nagpark agad ako ng motor ko. Habang naglalakad ako sa may parking napansin ko si Sharice na may kausap na lalaki at nagtatalo sila.

Nakita kong nasasaktan na si Sharice sa ginagawa nang lalaki.. akma ng sasampalin nitong lalaki si Sharice.. agad kong sinalo yon kamay ng lalaki. Nabigla sila sa pagsulpot ko.. binalingan naman ako ng masamang tingin nang lalaki.

"Sino ka ba" sigaw nito habang si Sharice ay nakayuko at hinihimas yon braso nyang namumula dahil sa higpit ng pagkakakapit ng lalaki sa kanya.

"Hindi kasi maganda yan ginagawa mo" sarkastikong sagot ko sa kanya.. . "babae lng ba ang kaya mong patulan" panunuya ko sa lalaki.

"Hinahamon mo ba ako" maangas na tanong niya..

"Hindi ko sinabi yan,umaawat lng ako."

Napikon yon lalaki kaya nang sasapakin na ako ay naiwasan ko yon.. agad kong nakapitan ang braso niya at binigyan ko sya ng isang malakas na suntok na ikinatumba nya. Nakita kong dumugo ang labi nya nang nakatayo siya at susuntok siyang muli ay sinangga ko ang kamay nya at ipinilipit ito sa likuran nya.

Nakita ko yon guard kaya tinawag ko sya at binigay ko yon lalaki sa kanya para sya na ang magdala rito sa pulisya. Nilapitan ko si Sharice at inalalayan ko sya sa pagpasok sa loob. Nang makapasok na kami sa loob ng office namin naging tahimik si Sharice. Nang makita ni Cess kung ano nangyari kay Sharice ay biglang nagkunot ang noo nito.

Hindi na nagawa pang komprontahin ni Cess ang kaibigan. Agad nyang nilapatan ng cold compress ang pasa nito sa braso. Hindi na rin muna ako nakialam sa kanila. Maayos naman na nakapagtrabaho kami hanggang sa mag lunch break na.

Gaya ng dati sinundo ni Santi si Cess. Pagpasok nya nakita ko ang malapad na ngiti nya. Lumapit sya sa akin at nagtanong kung kamusta yon date namin ni Sharice.

Hindi ko siya kinibo kaya inaya na lang ako na sumama ako sa kanila na maglunch.pinagbigyan ko na siya ngayon..

Pagdating namin sa cafeteria doon lng nagsalita si Sharice niyaya nya si Cess na sila na bibili ng pagkain. Naiwan kami ni Santi sa table namin habang naghihintay doon sa dalawa.

Pagdating nila ay ako naman ang tumayo para bumili ng pagkain ko. Bago pa ako nakalakad papunta nag counter ay.

"Ohh Jhay,saan punta mo." agad na tanong ni Cess sa akin.

"Sa counter bibili ng lunch ko." sagot ko sa kanya.

"Huwag na Jhay." nagtaka naman ako sa sinabi nya. "binilhan ka na nitong kaibigan ko ng lunch mo." nakangiting sabi niya pa..

"Bakit"

"Pasasalamat ko lng sa yo." si Sharice na ang sumagot..

"for what."

"Sa ginawa mo tulong kanina" sagot nya sabay abot ng binili nya na lunch sa akin. " siguro kung hindi ka dumating mas lalo akong nasaktan at napahamak."

"Sino ba yon" tanong ko,hindi na sumagot si Sharice kaya si Cess ang sumagot.

"Ahh si Troy yon ex nya."

"Cess" pigil ni Sharice sa sasabihin pa ni Cess." hindi ito ang tamang lugar para pagusapan ang bagay na yan."

Kaya nagtuloy na uli kami sa pagkain. Hindi na nagsalita pa uli si Sharice tanging yon dalawa na lng ang nagkwentuhan.

Matapos kumain ay bumalik na kami sa office patuloy na nagtrabaho pero di gaya non mga nakaraan araw at buwan na walang pansinan. Iba ngayon dahil nakikita ko sila na nginingitian na nila ako.

Natapos ang buong araw na walang problema sa work. Nagsabay sabay uli kami papalabas ng parking gaya ng dati si Santi na naghatid kay Cess. Hinintay ko muna makasakay si Sharice sa kotse nya. Bago sya umalis ay nginitian nya ako at nagpasalamat muli. Pagkaalis nya ay umalis na rin ako't umuwi na.

To be continue