Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 10 - CHAPTER NINE:

Chapter 10 - CHAPTER NINE:

CECILIA'S POV

Ang tagal ko nakatayo sa labas ng bahay namin sa pagaantay kay Sharice. Halos mag iisang oras na nang sa wakas ay matanaw ko na ang kotse nya. Nang nakapagpark na sya at bumaba namasdan ko ang ganda ng ngiti nya, at ang pamumula ng pisngi nya.

Dumiretso syang ng pasok sa bahay at nilampasan ako na tila bang hindi ako nakita. Kaya sinundan ko sya sa pagpasok. Dumiretso sya sa kusina't biglang nagluto ng dinner namin na madalang niyang gawin.. hindi ko na lang sya pinansin at hinayaan na lng sya sa ginagawa nya.

Umakyat muna ko sa kwarto ko't nagpahinga sandali. Pagkababa ko'y tumuloy ako sa dining..nakita ko syang nakaupo na roo't nag uumpisa nang kumain. Kaya naman tinapik ko sya sa kanyang balikat dahilan upang mabitawan niya ang kutsarang hawak dahil sa pagkagulat niya..

"Cess, ano ba,bakit ba biglang nanggugulat ka.." sigaw niya at natawa naman ako sa reaksyon niya..

"Letse ka,ang tagal kitang hinintay sa labas. Tapos pagdating mo parang wala kang nakita..." paangil na sabi ko.

"Kanina ka pa ba dito sa bahay." may pagtatakang tanong nya. "sorry akala ko wala ka rito dahil maaga kayong umalis ni Santi."

"Hay naku, ewan ko sa yo" singhal ko at sabay irap sa kanya. Napatigin sya sa akin saka yumakap.

"Sorry na,hindi kita talaga napansin"

"Paano mo nga ako mapapansin,ehh wala ka sa sarili mo,kung makangiti abot tenga." pang aasar ko sa kanya.

"Hindi ahh" pagtanggi nya sa sinabi ko.

"Alam mo kung may salamin lng ako, hinarap ko na sa'yo para makita mo ang sarili mo"

"Tss, Hindi ko alam yang mga pinagsasabi mo."

"Alam ko kapag ganyan ka... kaya wala kang maiilihim sa akin,..Sharice Torres"

"Cess, masaya lng ako may masama ba..," sabay subo ng kinakain nya ng nakangiti.

"Kita mo yan mga ganyan kilos mo,..alam na alam ko na yan"

"Kumain ka na lang Cess, huwag mo na akong pansinin."

"May itinatago ka ba sa akin,Sha" nakangusong pagtatanong ko...

"Ano naman itatago ko sa'yo" pagsinghal naman nito sa akin.

"FEELINGS" may diin sagot ko.

"Alam mo Cess, gutom lng yan kaya kumain ka na" patuloy na iniiwasan ang mga pagtatanong ko.

"Okay" sabi ko sabay irap sa kanya,ipinagpatuloy nya lng ang pagkain nya ."masaya kaya maglaro ng taguan" bulong ko sa sarili ko,pero bigla sya nag angat ng tingin sa akin.

"Cess" angil nya. "narinig ko yan binubulong mo"

"Paalala lang Sha,ang bibig pwedeng magsinungaling, pero ang puso hinding hindi." patuloy pa rin sya sa pagkain at hindi na kumibo.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na siya at naiwan ako para magligpit at maghugas ng plato. Umakyat na rin ako pagkatapos at nagpahinga na.

SHARICE'S POV

Pagkapasok ko sa kwarto ko,naligo muna ako.Habang nagpapatuyo ng buhok napaisip ako sa sinasabi ni Cess.Hindi ko na rin maintindihan kung ano tong nararamdaman ko. Ano ba ito may pagtingin na ba ako kay Jhaydee o humahanga lng ba ako sa kanya..

Nalilito na talaga ako. Litong lito,dahil sa gulo ng isip ko hindi ko magawang makatulog ng maayos.

Pagkagising ko ng umaga ay sobrang sakit ng ulo ko. Parang ayaw kong pumasok,pero kapag iisipin kong hindi pumasok ay mayroon nasa loob kong may gustong makita.

Nasa ganon uli ako ng pagiisip nang may tumawag,tinignan ko muna kung sino ang tumawag saka ko sinagot.

"hello" sagot ko sa nasa kabilang line.

"Good morning" bati ni Ate Midz.

"Good morning din" bati ko sa kanya. "May problema ba Ate."

"Nagkaroon kasi ng konting diprensya machine natin na nagpoproduce ng cups." napatapik na lang ako sa noo sa ibinalita niya sa akin..

"Bakit ako ang tinawagan mo?" galit na tanong ko at nasigawan ko siya. "hindi naman ako magaayos ng makina" singhal ko ramdam ko pa rin kasi ang sakit ng ulo ko at siguradong sira ang araw ko ngayon..

" Ahh,Nandito na si Manansala inaayos na ang machine, kaya ako napatawag dahil sa production nito,may malaki tayong problema dito..."

"Ganon po ba pasensya na...Sige Ate,pupunta na ako agad dyan." sagot ko't agad pinatay

ang line ng phone ko..

Kumilos agad ako at pagbaba ko nakita ko si Cess na nakabihis na at naghihintay na sa akin. Kaya isinabay ko na siya ..

Pagdating namin doon ay dumiretso na agad ako kung saan nandon ang makinang nasira. Naabutan ko si Jhaydee' ng abala sa pag aayos ng makina. Kita sa mukha niya ang pagod at pagkakulang sa tulog.. Kaya napaisip ako kung anong oras siya dumating dito.

"Sha" biglaang pagtawag sa akin ni Ate Midz. "problema ito,lahat ng nilabas na production ng makinang yan ay nareject ito pa naman ang nirurush natin para sa delivery sa Klein Laboratories..". pageesplika niya sa akin..

"Ano, paanong nangyari,.. hindi ba napansin agad ng operator na may problema na..ilan kilo ang nareject..." ang sunod sunod kong tanong sa kanya .

"hindi namin nagamit nang tuluyan ang machine na yan." sagot ni Ate Midz. "pag take over namin nagbara na't ayaw nang gumana ng machine."..

"Ibig sabihin sa afternoon shift yang mga reject." inis na inis na tanong kong muli. "sige na,Ate Midz ako nang bahala aalamin ko muna kung ano ang problema.."

"O siya, paano mauna na ko.." pagpapaalam nya pero bago siya makatalikod ay pahabol ko syang tinawag.

"Ate, sanadali lang, mga anong oras dumating si Manansala dito....." nahihiya pang tanong ko sa kanya...

"3am siya dumating dito..hindi namin kasi siya natawagan nong magstart kami..wala kasi kaming numero niya .. buti't alam ni Ms. Deanna ang numero niya kaya medyo late na nang matawagan namin siya.. ." sagot niya sa akin at nacurious ako bakit alam nitong si Deanna ang numero ni Jhay.. magkakilala ba sila ..

"Ganon kaaga siya nagpunta dito Ate.." pagkukumpirma ko, hindi ako makapaniwala na pupunta siya ng ganong kaaga..dahil kung si Mr.Cruz ito baka hindi ito magpunta kahit need at rush ang production nito....

"Oo,akala nga namin hindi siya dadating. Pero pagdating niya nagtanong lang siya kung ano nangyari at alam na niya kung ano agad ang sira.."

"uhmm Ganon ba,Ate" tatangong pagsang ayon ko.

"Kasi kung si Mr.Cruz pa yan ay kung ano ano muna ang gagawin,kaya matagal maayos..Hanga ako sa abilidad nya pagdating sa work nya," papuri niya kay Jhaydee..

"Sige Ate,salamat" pagkasabi ko ay umalis na sya. Biglang may kumurot sa dibdib ko ng sabihin ni Ate yon sa akin. Mas lalo ko pang pinagmasdan si Jhaydee habang unti unti nya nang binabalik yon mga kinalas na piyesa. Nang may narinig akong bumulong sa likuran ko.

"Baka matunaw yan" bulong nya at paglingon ko si Cess ang nasa likuran ko...

"Ano ka ba Cess, maya may makarinig sa yo" pagbulong ko pa rito..

"Sinasabi ko na nga ba" pang aasar na naman niya.

"Ang alin Cess" pagmaang maangan ko.

"Yan,yang mga tingin mo tila kakaiba.."

"Bakit ba lagi mong nilalagyan ng malisya ang mga tingin ko.." sarkastikong singhal ko sa kanya.

"Basta,Sha iba na ang kutob ko at kahit kailan hindi pa ako nagkakamali sa kutob ko" asar niyang sabi muli sa akin.

"Tumigil ka nga Cess," sabi ko nang makita kong papalapit na si Jhaydee sa amin.

Tumigil sya sa harapan ko at sinabing ready na ang makina natest run na raw nya at okay na para sa full production. Pagkasabi nya ay nagpaalam na sya't maglilinis ng katawan niya.

Pinuntahan naman namin yon makina para icheck yon nilalabas na production. After ng one hour ay umalis na kami doon. Pabalik na kami sa office ng makasalubong namin si Jhaydee at kasama na niya si Santi. Pupunta daw sila sa cafeteria para makapag agahan. Niyaya na kami ni Santi na sabayan na kami dahil nalaman niya na hindi pa rin kami nag aagahan.

Matapos namin mag breakfast ay balik kami sa office at work mode uli. Lumipas ang mga oras at lunchbreak naman nag aya yon tatlo pero sabi ko busog pa ako.

Ang dami kasi namin kinain kanina.Ganon din si Jhaydee hindi na sya nag lunch. Kaya kaming dalawa ang naiwan sa office.

"Sharice" mahinang tawag ni Jhaydee sa akin. "what time kita pwedeng sunduin sa inyo" tanong nya kaya napangiti agad ako.

"Okay na siguro ang 7pm." sagot ko naman.

"Sige I'll pick you up at 7pm."

Iyon na lng ang huling sinabi nya. Ilan minuto din ang lumipas nang tignan ko sya,nakatulog na pla sya sa swivel chair nya. Bumalik na lang uli ako sa pagkakaupo at umidlip din dahil sa puyat ko kagabi.

Nagising kami nang bumukas ang pinto. Balik work uli kami nang mag4pm tumawag ang Admin at sinabing pwede na kaming umuwi. Nang palabas na kami ng office napansin kong wala si Jhaydee.

Tinanong ko si Cess sinabing pumunta ito at si Eddie sa plastic area dahil babaklasin yon panel board ng lumang makina.Kaya kinuha ko na lang ang gamit ko at lumabas na kami.

Paglabas naman namin ay nandoon na si Santi hinihintay na si Cess. Habang naglalakad papunta ng parking ay nagsalita si Cess.

"Teka Sha" awat niya sa akin sa paglalakad ko.

"Bakit" agad na tanong ko.

"Tinanong ka ba ni Jhaydee kung ano oras ka sunduin"

"Oo 7pm daw"

"Kaninong sasakyan gagamitin nyo,yon sa yo o yon sa kanya" muling tanong niya,napaisip din ako nang sandaling iyon. "Hindi ko alam." tanging naisagot ko sa kanya.

"Baka pasakayin ka nya mamaya sa motor nya,nakadress ka pa naman."

"ha ha ha ha" tawa ni Santi na sumabat na sa usapan namin. "dont worry Sha,hindi gagawin ni Jhaydee yon,trust me"

Yon na lang at sumakay na ko ng kotse ko pinagmasdan muna ako non dalawa habang papaalis saka sila umalis. Paguwi ko'y nagpahinga muna ako dahil maaga pa. Nagising ako nang may tumawag,tinignan ko ang screen at number lng. Hindi ko muna sinagot,nang magring muli ay sinagot ko na.

"hello"

"Sharice,its Jhaydee im on my way to your house." tinignan ko ang oras at 6:30pm na pla.

"Ahhh Okay see you.." iyon na lang ang naisagot ko sabay patay ng phone. Pumunta ako ng bathroom at naligo. Hindi na ko nagtagal doon at nagbihis na ko't nag ayos ng konti saka ako bumaba.

JHAYDEE'S POV

Nang makarating ako sa bahay ni Sharice ay hindi na ko tumawag hinintay ko na lang syang lumabas. Nang makita kong namatay na ang ilaw sa kwarto niya'y,alam kong palabas na sya.

Nang nakita ko syang lumabas namangha ako sa ganda nya. Suot nya ang isang simple red dress na bagay na bagay sa kanya at nagpalutang sa kagandahan nya.

"May igaganda rin pala ang amasona na ito" ,nasambit ko sa sarili ko. Kitang kita ang hubog ng katawan nya sa dress na suot nya. Nang makita nya ako ay sinalubong nya ako ng magandang ngiti.

Nilapitan ko agad sya at pinagbuksan ng pinto ng kotse at inalalayan sya sa pagsakay. Pagkasakay nya ay dali dali akong sumakay na at inistart ang kotse. Hindi pa kami nakakaalis sa kanila ng magsalita ako't purihin siya..

"Your beautiful" pagpuri ko sa kanya. Ngiti lng ang sagot nya sa akin. Iiling iling sya na nakatingin sa akin.

"What"

"Wala,iniisip ko kasi kanina baka motor ang dala mong pangsundo sa akin kaya natatawa ako."

"Bakit naman yon ang iniisip mong dadalhin ko" nakasimangot na tanong ko.

"Wala lang,.tara na baka naghihintay na sila" pag aaya nya na.

Pagkasabi nya ay umalis na kami.Habang nasa byahe kami ay wala na rin kami imikan. Nakita ko naman na sa labas ang tingin nya.Kaya nagtuloy na lang ako sa pagdrive.

To be continue