Nang makauwi ako nang bahay ay sa room ko na ako dumiretso. Nahiga ako sa kama upang maipahinga ang katawan ko. Ngumit hindi ko mapigilan ang pag isip ko sa nangyari kanina. Nagtataka ako kung paano nalaman ni Troy kung saan ako nagtatrabaho. Its been four years ng umalis ako sa bahay namin. Ginawa ko iyon upang hindi na ako gambalahin pa ni Troy.
Ngayon bigla siyang magpapakita't mag aasam na balikan ko siya.. Matapos ang lahat nang gulong dinala niya sa buhay ko..
tok tok tok,..
Nawala ako sa pag iisip ng marinig ko ang katok sa pinto ng room ko.. "Sha, kamusta ka na" pagtatanong ni Cess habang kinakatok ang pinto.. Kaya tumayo ako't pinagbuksan siya.
"Okay lang akoCess.." sabi ko habang pumapasok siya't maupo sa kama ko.
"Anong okay ang sinasabi mo..tignan mo nga ginawa sa yo non ex mo." inis na sabi nito saka tinuro ang pasa sa kamay ko dahil sa higpit ng pagkakakapit nito... huwag lang akong mawala sa paningin niya..
"Huwag mong alalahanin ito.."
"Anong huwag alalahanin,..kung hindi mo ako pinaunang pumasok, hindi mangyayari sa iyo yan." galit na galit na halos sigawan na niya ako.
"Bakit kung naroroon ka,may magagawa ka ba.." singhal ko naman sa kanya..at bigla siyang natahimik..
"Mabuti na lang may tumulong sa iyo't napigilan ang pananakit niya pa.." hindi na ako kumibo sa kanya at naalala ko ang biglang pagsulpot ni Jhaydee..
"Bakit kaya niya ginawa iyon.." naiusal ko na lang ng hindi sadya..
"Bakit, ang iniexpect mo ba'y hahayaan ka niyang saktan matapos makita ang ginagawa sa iyo...."
"Hindi ko alam, "
"Pasalamat ka na lang na kahit sa tingin mo'y walang pakialam sa mundo ang taong iyon..nakuha kang isalba sa kapahamakan.." totoo lahat ng sinabi niya, kahit medyo okay na kami ay may mga pagkakataon ng makikita mo si Jhaydee na walang pakialam sa mga nasa paligid niya... Sobra kasing aloof nito't napakasuplado..
Hindi na ako kumibo pang muli, matapos ang usapan namin ay nagpaalam muna siya na magluto nang makakain na kami...
Kinabukasan,..maaga akong nagising naligo na ko't nagbihis at bumaba nadatnan ko si Cess na tapos nang maghanda ng agahan namin. Kumain na kami't pagkatapos ay umalis na kami papasok...
Pagdating namin sa parking lot ay natanaw ko si Troy na nag aabang na naman. Kaya nagsabi ako kay Cess na huwag munang bababa,nakuha naman niya ang ibig kong sabihin nang makita niya rin si Troy... Napatingin muna ako sa labas kung andyan na si Jhaydee...
Nang napansin ko na papalapit na sa kotse ko si Troy ay sakto naman na natanaw ko na rin si Jhaydee na padaan na kaya agad agad na kong bumaba at lumapit sa kanya. Inangkla ko agad ang kamay ko sa braso nya na ikinagulat nya. Niyaya ko na siyang pumasok nang bigla humarang sa daanan namin si Troy.
"Sha pwede bang mag usap muna tayo.." panimulang sabi niya...
"Tapos na tayong mag usap at matagal nang tapos iyong sa atin..." pigil galit kong sinabi sa kanya.
"Bakit Sha, ito na ba ang pinalit mo sa akin" kunot noong turo niya kay Jhaydee.
"Oo at matagal ko nang boyfriend siya...." nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jhaydee sa sinabi ko, tinitigan ko na lang siya't sinenyasan ko gamit ang mga mata ko na pinahihiwatig na makisakay na lng sya. "kaya kung pwede lng tigilan mo na ako dahil ayaw na kitang makita't makausap pa."
Lumapit naman si Cess at kinompronta si Troy. "Troy" sigaw nya. "Pakiusap huwag kang gumawa ng gulo dito, lubayan mo na si Sharice,tahimik at masaya na ang buhay nya ngayon.. igalang mo naman ang desisyon nya, kaya kung pwede...please makakaalis ka na't wag ka nang babalik pa dito." sarkastikang pakiusap pa ni Cess
Pagkatapos non ay iniwan na namin si Troy. Hinila ko na si Jhaydee papasok sa loob ng company. Bumitaw na lang ako nang nasa loob na kami.
Sa office hindi na kami nakapagusap pa ni Jhaydee dahil naging busy kami sa kanya kanyang work.. Nasira ang isang lumang machine,may tumunog daw sa loob ng tangke nito kaya halos maghapon inayos ito ni Jhaydee. Kami naman ni Cess ay busy rin dahil need namin tapusin ang mga report para sa monthly inventory namin.
Pinakiusap ko na lang kay Cess yon iba pang report dahil kailangan kong bumisita sa production area para macheck ang report ng mga area supervisor.
Napadaan ako sa area kung saan gumagawa si Jhaydee napatigil ako doon at minasdan muna sya... "kahit pala puno ng langis at grasa ang katawan nito'y litaw pa rin ang kagwapuhan.." naibulong ko sa sarili ko nang may ngiti...nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko...
"Pre" halos mapatalon ako sa gulat sa pag tawag ni Santi dito kay Jhaydee na nasa likuran ko... "lunchbreak na hindi ka pa ba muna kakain." pagtatanong pa nito kay Jhaydee.
"Mayamaya na pre,tapusin ko muna to" sagot naman ni Jhaydee at napasulyap naman si Santi sa akin sabay ngiti nang matamis..
"Ikaw Sha, hindi ka rin ba sasabay maglunch sa amin ni Cess." may ibang meaning ang sinabing iyon ni Santi..
Kaya sumama na lang ako sa kanilang maglunch upang hindi mag isip ito ng kung anu ano... Habang kumakain ako'y hindi mawala sa isip ko ang itsura ni Jhaydee... Hanggang matapos at nakabalik na kami sa office.. Napapangiti ako sa tuwing maalala ko ang itsura niya habang gumagawa siya...
"Hoy, bakit tulala ka,ano bang iniisip mo't napapangiti ka pa" pagbati ni Cess sa akin kaya nawala ang mga iniisip ko...
"Wala" paangil na sagot ko naman at hindi na siya pinansin pa..nagtuloy na lang ako sa aking ginagawa..
Mag 4pm na natapos ang ginagawa ni Jhaydee.. nang pumasok siya sa office ay agad siyang naupo sa sofa na nasa recieving area ng office namin. Nahiga siya doon at napaidlip.. Nang medyo matagal na siyang nakaidlip ay tumayo ako't lumapit sa kanya.. mataman kong pinagmasdan ang mukha niya. Nang marinig kong bumukas ang pinto ng office ay dali dali akong bumalik sa table ko..
"Mukhang matutunaw sa kakatitig mo iyon kanina ahh.." sabi ni Cess nang makalapit na sa akin.. nakita niya pala ang ginawa ko...
Nagising rin si Jhaydee dahil sa pagbukas muli nang pinto at si Santi na ang bumungad. Tumingin ito sa akin at ngumiti ..ngiting may ibig ipahiwatig.. Matapos non ay bumaling siya kay Jhaydee.. "Pre,nakarating na ba sa ito ang balita."
Umiling naman si Jhaydee sa kanya.. "anong balita ito pre." tanong niya rito..
"Nakita nang management ang hirap mo kanina nang ginagawa mo yon machine nang nag iisa..,kaya nagdecide sila na bigyan ka ng makakasama mo." masayang pagbabalita nito..
"Pero hindi ko naman kailangan pre" mayabang na sagot naman ni Jhaydee..
"Basta pre matutuwa ka bukas kapag nalaman mo kung sino siya..." nakangiting sabi nito.
Matapos magusap nila ay nagyaya nang umuwi si Santi kaya naman sabay sabay kami lumabas papuntang parking lot ngunit nakita ko ulit nandon si Troy...
Nakita rin ni Cess kaya sumenyas sya kay Jhaydee. Nakuha naman nya ibig sabihin ni Cess kaya tumabi sya sa akin sa paglalakad.
Pagsakay ko sa kotse ay minasdan ko uli kung susunod sya pero nanatili lng sya nakamasid sa malayo kaya nagpasya na kong umuwi. Kasabay kong umuwi si Cess dahil hindi naihatid ni Santi susunduin daw kasi yon parents nya.
CECILIA'S POV
Sa bahay,pagkapasok namin ay nagpahinga muna kami. Pinagmasdan ko itong si Sharice kasi kanina ko pa nahahalata ang kakaibang pagngiti nito.. Simula nang makita namin siya ni Santi na titig na titig sa pagmamasid kay Jhay habang gumagawa ito hanggang ngayon..
"Ohh,ano namang tingin yan" nagulat ako sa biglang pagsasalita nya.
"Ahh, wala may napansin lang kasi akong kakaiba sa yo ngayon.."
"Ano bang pinagsasabi." inis na singhal niya at nginusuan pa ako..
"Napansin ko kasi kakaiba yang ngiting mo.."
"Bakit masama bang ngumiti at maging masaya" taas kilay na muling singhal niya..
"Hindi naman,ang tagal ko na kasi hindi nakikita yang masayang aura mo at mukhang may nagpapasaya na sa yo ngayon" nanunuyang sabi ko.
"Tigilan mo nga ako Cess.. kung anu-ano yang pinagsasabi mo.." naiinis na sya sa mga panunuyang ginagawa ko..
"Siguro iyong Antipatikong lalaki yan no?? " patuloy ko pa ring pang iinis sa kanya..
"Ano naman kinalalaman ni Jhaydee sa pagiging masaya ko" hindi na ko kumibo't pinagmasdan na lang muli siya..
"Sha,bakit ginawa mo iyon....sinabi mong boyfriend mo si Jhay.." pag iiba ko sa usapan namin..
"Wala na kong maisip kanina kaya nasabi ko iyon para tumigil na rin si Troy sa pangungulit niya.."
"At Sa tingin mo titigil siya.."
"Hindi ko alam Cess, kung titigil siya sa ginagawa nya."
"Kaya gagamitin mo si Jhaydee,para layuan at iwasan ka na ng ex mo"
"Hindi ko masasabi pero kung hindi titigil si Troy maari.." ngumiti siya nang pagkaganda..
"Paano kung hindi pumayag iyong tao sa gusto mong gawin..." patuloy kong tanong sa kanya.. "at paano rin kung sa ginagawa mo'y mahulog ka nang tuluyan sa kanya..
"Kaya nga nandyan ka para tulungan ako, ohh kaya ipakausap mo don sa boyfriend mo na kausapin niya si Jhay.." pag iiba niya sa sagot sa tanong ko.
"Okay tutulungan kita para matahimik na yang buhay mo. Pero please pakiusap lng Sharice May Torres....please huwag ka sana muna mainlove kay Jhaydee.....ayusin mo muna sarili mo." pagpapaalala ko sa kanya.
"Bakit naman ako maiinlove sa antipatikong yon" nakangusong aniya
"Nagpapaalala lang naman ako,. madali ka pa naman mainlove lalo na't gwapo at mabait iyang si Jhaydee kaso may pagkasuplado....." muli kong paalala sa kanya "sige na magluto ka na doon" utos ko sa kanya..
Tumayo na sya at pumunta sa kusina at nagumpisa nang magluto.
Pagkatapos non ay sumunod na ko sa kanya para makakain na kami. Habang kumakain kami ay tumawag si Santi kaya nman sinagot ko ito.
"hello"
"hi babe,kakauwi lng namin"
"ohh babe,kumain ka na ba"
"Oo kumain na,may nadaanan kami resto kaya doon kami nagdinner, ikaw babe kumain na ba"
"kumakain pa lang"
"sya pala babe, nagset ng dinner sina Mom sa saturday,invited kayo ni Sharice at ipapakilala na kita sa kanila..
"Talaga babe, sige sabihin ko sa kanya"
"Sige na babe,pahinga na ko....napagod ako sa byahe ehh."
"Okay babe,pahinga ka na love you
"love you too. "
At binaba nya na ang phone at sinabi ko kay Sharice ang tungkol sa dinner sa Sabado. Umokay naman sya. Ito ang first time na mamemeet ko ang parents ni Santi kaya naman excited ako. Sabik na kong dumating ang araw ng Sabado.
To be continue