JHAYDEE'S POV
Pagkababa ko sa motor ay nasulyapan ko si Sharice na nakatayo sa tabi ng kanyang kotse at parang may inaabangan,. hindi naman si Cess dahil kasama nya ito. Binalewala ko na lang sila't naglakad na ko papasok..ngunit nang makita ako ni Sharice ay dali dali itong lumapit sa akin at sumabay siya sa paglalakad papasok ng company.. Hindi ko maintindihan kung bakit nya ginagawa ito.. Luminga ako sa paligid at napansin ko ang Ex-boyfriend niya sa di kalayuan..
Naguguluhan ako ngayon sa mga kinikilos nitong si Sharice.. ano bang gusto niyang palabasin...ginagamit niya ba ako para lang lubayan siya ng Ex bf niya.. Nang maisip ko iyon ay may naramdaman akong bahagyang kirot sa dibdib ko..nasasaktan ba ako o naiinis lang..hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko..Simula kasi nang magkasama't magkausap kami ay may nag iba sa akin....
Nang makapasok na kami sa office ay nilingon ko sya at napatingin rin siya't nakangiti ito.. Nag iwas na lang ako't naupo na swivel chair ko.. Sinimulan ko nang mag check ng mga spare parts na gagamitin at need na bilhin sa pagrepair ng mga lumang injection machine...
Maya'y napalingon ako sa gilid ko't napansin kong wala na pala akong kasama dito. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko nang may maglapag ng coffee sa mesa ko. Nang tignan ko kung sino.. ito'y si Sharice na nakangiti pa rin.. "ano bang nakain nito't ang bait bait nito sa akin ngayon." nasabi ko sa sarili ko.. naisip ko na baka pambawi niya lang ito sa panggagamit niya sa akin.
Kinuha ko iyong coffee at humigop. "thanks dito " sabi ko nang may ngiti.. hindi na siya kumibo dahil.....
"Bro" napalingon ako bigla nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon at hindi nga ako nagkamali....
"Eddie," masayang salubong kong tawag sa kanya. "Bakit nandito ka,hindi ba't nasa Manila ka...."
"Hindi ba nabanggit sa yo ni Santi na makakasama mo na ako rito simula ngayong araw.." natutuwang banggit niya't tinapik tapik pa ako sa balikat.
"May nabanggit sya na makakasama ko pero hindi ko alam na ikaw pala ang tinutukoy niya.." litong tanong ko na at tinawanan niya lang ako...
"Bro,San ba ang desk ko dito."
Tinuro ko sa kanya ang mesa na nasa tapat ko..pumunta na siya doon at inayos na ang gamit niya..matapos ay lumapit uli ito sa akin. "Bro, sino iyong babaeng nag abot sa iyo nang coffee, girlfriend mo."
"Loko magtigil ka nga diyan.." bulong ko sa kanya at tumayo ako para ipakilala siya sa dalawa.
"Bro,siya pala si Cecilia Flores ang asst. Production Head Manager at bro huwag kang magkakamali diyan dahil lagot ka kay Santi..."
"You mean bro, siya na talaga ang girlfriend ni Santi... " sabi nito na sinabayan pa ng pagtawa at saka bumaling kay Cess. .. "nice meeting you Cecilia.." nakipagkamay naman si Cess ngunit may halong inis sa kanyang mukha..
"And Bro,siya naman si Sharice May Torres,siya ang Production Head Manager.." bigla siyang napatulala saglit nang makita ang mukha ni Sharice...
"Bro,did you make her as your girlfriend because she looks like her..." pabulong niyang sabi sa akin..
"Shut up bro..," singhal ko naman sa kanya.
"Hahahaha, bakit ano naman ang masama doon..." agad ko nang tinakpan ang bibig niya dahil hindi ito titigil...
"By the way ladies, this is Engr.Eddie Mendez, bestfriend namin ni Santi. Nagbatian naman silang tatlo..matapos ay bumalik na kami sa kanya kanyang work. Maya'y tumayo ako't nagpaalam kay Eddie na pupuntahan iyong machine na ginawa ko kahapon para mamonitor muli..
Tumayo rin si Sharice at sumabay sa akin...need din daw niyang icheck ang production na lalabas doon. Bago ako lumabas ng office ay napalingon pa ako kay Eddie at kita ko ang malapad niyang ngiti.. Iniwasan ko na lang ito at lumabas na..
Habang sabay kaming naglalakad papasok sa plastic area ay pinagtitinginan kami nang ilang mga empleyado dito..at nagbubulungan pa sila..
"Bagay silang maging couple.."
"Oo nga sayang naman crush ko pa naman si Engr. Manansala" dinig kong sabi nong isang babae..napatingin don si Sharice kaya bigla silang tumahimik.
Ilang oras din ang nilagi namin dito hanggang sa abutan kami nang lunch break. Hindi ko sana mapansin na break na kung hindi nagvibrate sng phone ko...nagmessage si Eddie na nasa cafeteria na sila at pinapupunta na kami..
Niyaya ko na si Sharice at sabay kaming nagpunta sa cafeteria.. Pagdating namin ay naupo kami kung nasaan iyong tatlo. Hindi na kami pinaorder ni Eddie dahil treat niya raw. Habang masaya kaming kumakain ay nagsalita si Santi ..
"Siyapala mga pre, iyong dinner bukas sa bahay huwag ninyong kalimutan... magtatampo si Mommy sa inyo.." bungad na sabi sa amin ni Santi. "at ikaw din Sharice wag kang mawawala at ako naman ang magtatampo sayo"
"Oo, nasabi na sa akin ni Cess iyan kagabi" sagot niya at humarap muli sa kinaksin niya..
"Sharice." maya'y pagtawag ni Santi.. tumingin sa akin sibSanti saka bumuntong hininga. "pwedeng pasundo kita kay Jhaydee bukas." nagulat naman ako sa tinuran nito.. dahilan para masamid ako...
"Bakit Santi,hindi ba ako pwede makisabay sa inyo ni Cess pagsundo mo sa kanya ." pagtatanong agad ni Sharice dito.
"Pasensiya Sha, may pupuntahan kami ni Cess pag out natin bukas..." sagot niya kay Sharice..
"Uhmm, okay lng sa akin pero hindi ko alam kung okay lang sa kanya na isabay ako...." napatingin siya sa akin.
"Ano Jhay, okay lang ba na ikaw ang sumundo kay Sharice bukas" pagsusumamo nito sa akin.. napaisip muna ako..
"tsk, bakit ba kailangan ko pang sunduin.. may sasakyan naman siya." napapailing na sambit ko sa sarili ko...
"Sunduin mo na bro" si Eddie naman ang nangulit sa akin.. "tutal naman susuduin ko si Agatha,kaya isasabay ko na parents niyo."
"Okay,okay." taas kamay kong pagsang ayon sa kanila... "kaso may problema pre" agad na pagbaling ko kay Santi.
"Ano iyon pre?"
"Hindi ko alam kung saan siya nakatira.." nag aalangang pang sagot ko.
"hahahaha" pagtawa ni Santi. "pambihira ka pre,nagkasama kayo sa blind date niyo.,, hindi mo man lang tinanong ang address at phone number nya." nakakalokong pagsagot niya.. Napatingin muli ako kay Sharice na tuloy pa rin sa pagkain. Hindi na rin ako muling nagsalita at tinapos na lang ang pagkain..
Matapos ang lunch break ay bumalik na ko sa area kung saan ko minonitor ang makinang ginawa ko. Nandon na rin pinagiisipan ko kung paano ko idedesign ng panibago electrical wiring nito..
Doon ko na inubos ang oras ko hanggang sa mag uwian. Kinuha ko lng ang gamit ko sa office at dumiretso na ko papunta ng parking lot... Bago pa man ako makalabas ng gate may biglang humila sa kamay ko. Paglingon ko ay si Sharice ang nakahawak sa akin.
"What" biglang naitanong ko sa kanya.
"Pwede bang makisabay muli sa yo paglabas hanggang sa parking lot lng"
"Bakit hindi ka pa sumabay sa kanilang lumabas kanina." inis na tanong ko sa kanya, pero napawi iyon ng matignan ko siyang nakangiti...
"Iniwan na nila ako,maagang lumabas sina Cess. galing kasi ako sa Accounting..." nakangiting pagsagot nito sa akin.. "nandyan na naman kasi yon ex ko baka ano na naman gawin non."
Kaya sumilip ako at nakita kong nandoon nga. "Okay tara na." pag aya ko't sabay na kaming lumabas..
Pagkahatid ko sa kanya sa kotse nya ay hiningi nya phone ko. Pagkabigay ko itinype nya number nya at address saka muli ibinalik ang phone ko. Nagpasalamat sya saka sumakay sa kotse niya't umalis. Hinintay ko munang makalayo ang sasakyan niya bago ako umalis...
Nang makauwi na ako ng bahay ay nagpahinga lang ako sandali.. nang makapagpalit na ako ng damit ay pumunta ako sa garahe at nilabas ang kotse ko't nilinis ito..
"Aba'y sa wakas naisipan mo ring linisin iyang sasakyan mo..". ang biglang sambit ni Agatha na kakarating lang galing sa kanyang trabaho.. "kapag ganyang nililinis mo iyan... isa lang ibig sabihin niyan.....". may panunuya pang sambit nitong kapatid ko..
"Anong bang pinagsasabi mo., may dinner bukas sa bahay nina Santi..."
"Sinong niloko mo Jhay, alam natin kapag pumupunta ka kina Santi ay nakamotor ka at never mong ginamit iyan..." hindi ako nakakibo sa sinabi nito dahil tama siya.. kung bakit naman pumayag pa akong sunduin itong si Sharice .. "Sige lang brother, ituloy mo na iyan ..be sure na ipakilala mo sa akin kung sino man ang susunduin mo bukas,." nakaakbay siya habang sinasabi iyon..matapos ay nagpaalam na siya na papasok ng nang bahay...
SHARICE'S POV.
Hindi muna ako umuwi ng bahay nang makaalis ako sa company. Dumaan muna ako sa resto na pag aari naming tatlong magkakaibigan. Pagdating ko'y agad kong nakita si Franchesca na abala sa pag estima ng mga customer.
Nilapitan ko siya at kinamusta.. natuwa naman ito sa pagdating ko't inaya niya ako sa loob ng office para doon magkwentuhan..
"Hindi ka naman siguro pupunta dito kung mangangamusta ka lang...." bungad niyang sabi nang makaupo na kami dito..
"Bakit Franz masama na bang bisitahin ang kaibigan ko.."
"Hoy Sharice kilala kita, maaalala mo lang akong puntahan kapag may problema't bumabagabag diyan sa isip mo.. kaya sige sabihin mo na.." prangkang tanong niya..
Wala talaga akong maitagong lihim sa kanya..parehas sila ni Cess..masyado na kasing malalim ang pagkakaibigan namin.. Kaya sinabi ko lahat ang gumugulo sa isip ko. sinabi ko ang panggugulong ginagawa sa akin ni Troy.. at ang gumugulo sa puso't isipan ko na si Jhaydee.. Simula kasi nang makasama ko siya at naging okay na kami ay dito nagsimula ang kakaibang pakiramdam...na hindi ko kailan man nadama sa ex boyfriend ko.. Hindi ko pa masigurado kung may feelings na bs ako sa kanya..
"Sha,siguruhin mo muna ang nararamdaman mo at kailangan alam mo din kung ano ang nararamdaman niya para sa iyo..mahirap pumasok sa isang relasyon kung ikaw lang ang nagmamahal. at isa pa dapat tapusin mo na nang tuluyan ang sa inyo ni Troy.." pagpapaalala niya sa akin dahil alam kong ang nakakbuti lang sa akin ang hangad niya...
"So dapat ko ba na iwasan muna siya.."
"hindi ko sinabing iiwasan mo siya, ang sa akin lang kung talagang may nararamdaman ka na para sa kanya ay antayin mo siya na makaget over sa ex niya.. at huwag ka munang hayaang mahulog sa kanya.. sa ngayon ay enjoying mo muna kung ano ang pinapakita niya.." pagpapayo niya sa akin at nakuha ko lahat ng sinabi niya at masaya ako doon..
"Siya pala kamusta..nagpupunta pa ba din dito iyong crush mong guy.." pag iiba ko sa usapan namin..
"Hindi na siguro may mga tatlong buwan na nang huli siyang pumunta kasama ang mga kaibigan niya.."
" Gwapo ba talaga yong guy ."
'Hay naku Sha, kapag napupunta sila dito,hslos mapuno ng customer ang resto, karamihan nga lang ay puro kababaihan.." pagmamalaki nito sa guy na kursunada niyang talaga.. " kaya lang kahit super gwapo iyong guy parang may mabigat na problema.. makikita mo sa mga mata niya ang lungkot.."
Hindi na ako nakasagot sa kanya,.. napatingin kasi ako sa oras at medyo late na kaya nagpaalam na ako sa kanya at sinabing magkwentuhan kami sa susunod na kasama ns si Cess..
Habang bumibyahe ako ay hindi na mawala ang saya sa aking mga labi. hindi ko man maamin pa sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko kay Jhaydee ay masaya ako kapag nakikita ko siya. .. nakadagdag pa sa saya ko ang pagpayag niyang pagsundo sa akin bukas....
to be continue