Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 6 - CHAPTER FIVE:

Chapter 6 - CHAPTER FIVE:

JHAYDEE'S POV

Gaya nang mga nagdaang araw lumilipas ang oras namin sa loob ng opisina nang hindi kinakausap ang isa't isa. Abala ako sa pagplano ng bagong disenyo ng electrical wiring ng mga old model machine...nang may pumasok na isang babae dito sa office namin.

"Excuse me Mam, nasira ho yong injection machine 15 natin.." hinihingal na sabi nito babae sa dalawa..

"Bakit sinasabi mo sa akin yan..ako ba ang aayos nang makinang yan.?" sarkastikong sagot ni Amasona doon sa babae..napayuko na lang ito dahil sa pagkapahiya nito. ..

"Sige na Linnette, susunod kami doon." agad na sabat ni Cess...pinabalik na niya itong si Linnette sa workplace niya..

"Hoy Antipatiko," biglang pagsigaw sa akin nitong si Amasona.. "narinig mo siguro ang sinabi ni Linnette, kaya ano pang ginagawa mo diyan."

Padabog akong tumayo't lumakad na papalabas.. naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin nitong si Amasona. Pagpasok ko sa Plastic Area kung saan nandon ang injection machine...habang naglalakad ako'y may mga bulungan akong naririnig... pinag uusapan ako ng ilang mga babaeng operator dito..

"Siya ba ang bagong technician natin..ang gwapo niya."

"Hindi lang siya gwapo Shara,..ang hot pa.."

"Oo nga kahit hindi na ko kumain ngayon busog na busog ako."....

"May girlfriend na kaya siya."

"Sana ako na lang."

"Magkukwentuhan na lang ba kayo diyan.". napalingon ako nang marinig ko ang sigaw ni Amasona sa mga empleyado dito.. agad nagsibalikan sa kanya kanyang pwesto itong mga babaeng operator.

Nang makita kami ni Linnette at tinuro nito sa akin ang makinang sinabi niyang nasira. Tinanong ko siya kung ano ang nangyari..habang sinasabi niya ay pinagmamasdan ko na ito. "Hindi ba't bago lang itong machine na ito." tanong ko kay Linnette.. isa itong Haitian machine... Ang kumpanyang ito ang nagalok na gamitin ang aking design sa kanilang mga makina.

"Oo,at iilang buwan pa lang tumatakbo ito, pero madalas magloko." sabi niya pa habang ako nama'y kinakalikot na ang monitor system nito. Napailing na lang ako sa nadiskubre kong problema nito...

Agad kong inayos ang setting ng makinang ito..ibinalik ko muna sa default setting at sala ko sinimulang paganahin ito. Namangha sa gulat si Linnette nang ilang minuto lang na pagtingin ko ay umayos na ang makina.

Bago ko tuluyang patakbuhin iyon ay nilinis ko muna ang nozzle nito't tinanggal ang namuong plastic resin doon. Matapos non ay sinabihan ko si Linnette at ang operator nito na huwag nang mabahala dahil hindi na ito uli magloloko at hindi na kailangan ng operator na ibukas sara ang door opening nito dahi automatic nang babagsak ang ilalabas na product..

Nagstay pa ako rito ng mga isang oras pa para mamonitor ito. Nang nasiguro ko nang ayos at walang problema ang nilalabas na product ay bumalik na ko sa office. Sa pagpasok ko dito ay naabutan kong nagdidiskusyon itong dalawa. "Sigurado ka bang ayos na ang makinang iyon ha, Sha...masyado na tayong delay,.." nababahalang tanong nito kay Amasona...

"Ehh bakit hindi mo itanong dyan sa Antipatikong iyan.." inis na sabi nito na napabaling ang tingin sa akin ng ako'y papalakad papuntang table ko. Napatingin na lang din si Cess sa akin sabay iwas at naupo na lang sa kanyang silya...

Dahil sa hindi pa kami okay nitong si amasona ay nahihirapan din makitungo sa akin si Cess..kaya hindi niya ako magawang kausapin. Halos three weeks simula nang mag umpisa akong magtrabaho dito ay never pa kaming nagkibuan ng mga ito. Sa tuwing lunch break naman ay hindi din ako sumasabay sa kanila kahit anong yaya ni Santi.

"Pre," pagtawag sa akin ni Santi nang makita niya akong nakatambay sa pantry.. "hindi pa rin ba kayo okay ni Sharice.." pagtatanong nito sa akin na ikinakunot ng mukha ko.

"Dapat bang maging okay kami.." malamig na pagkasagot ko..

"You should Pre, you work in a one place and in one room.. its not convinient kung wala kayong communication sa isat isa.. paano niyo masasabi ang mga problema sa production kung hindi kayo nagkikibuan.. you need harmony in this office.." pagpapaliwanag niya nang nakangisi at may laman ang salita niya..

"Anong gusto mong gawin ko..ako ba dapat ang maunang kumausap sa kanya.." malamig pa ring pagkakasabi ko't iniwasan siyang tignan..

"Alam mo pre parehas lang kayo nang isinasagot sa akin.. wala kayong patutunguhan kung parehas kayong nagtataasan ng pride..." pasinghal niyang sabi....tumayo na siya't nagpaalam na babalik na sa kanyang office.

Nang makaalis siya ay nagtungo na rin ako sa table ko upang tapusin ang reporting ko tungkol sa machine 15.. Habang ginagawa ko ang report ay napabaling ako ng tingin kay Sharice na katabi lang ng table ko.. Pinagmasdan ko siya.. bahagya akong kinilabutan sa kaba dahil bigla kong nakita si Jhen sa katauhan niya.. may pagkakahawig siya kay Jhen.

Agad kong nag iwas ng tingin sa kanya ng napalingon siya bigla. Bumaling na lang uli ako sa ginagawa ko. "paano ko ba kakayaning makipag usap sa kanya." naibulong ko sa sarili ko.

Natapos muli ang maghapong nang wala kaming pansinanan. Hanggang lumipas ang isang buwan ay ganon pa rin ang sitwasyon namin...

SANTI'S POV.

Lumipas na ang isang buwan at ganon pa rin ang atmosphere sa loob ng office nina Jhay. Paano hanggang ngayon ay nagpapataasan pa rin sila ng pride. Wala ni isa sa kanila ang gustong magbaba nito. "Babe mukhang malalim ang iniisip mo." tanong sa akin ni Cess na kasalukuyang kasama ko. Nagpasama kasi siya sa mall para bumili ng bagong damit..

" Ahh wala ito Babe...iniisip ko kasi kung paanong magkakasundo iyong dalawa.." sagot ko sa kanya..

"Ganyan din ang iniisip ko sa araw araw, nahihirapan na kasi ako sa kanila..."

Bahagya akong tumahimik at nag isip ng paraan.. "Babe may isang paraan para magkasundo sila.." natutuwang turan ko..

"Ano iyon Babe."

"Sa Saturday yayain mo si Sharice at ako naman ay pipilitin kong sumama si Jhay.. we will set up them for a date.. wala naman sigurong masama sa gagawin natin dahil parehas naman silang single ngayon.."

"Mukhang magandang idea iyan Babe.."

"Basta kumbinsihin mong mapasama sa iyo si Sharice at ganon din gagawin ko kay Jhay.."

Nagkasundo kami sa planong iyon.. ngayon ang gagawin na lang namin ay kumbinsihin ang mga ito. Matapos naming mag usap ay nagpunta na kami sa store kung saan siya bibili ng damit niya.

Kinabukasan hindi muna ako sumabay kay Cess para maglunch...agad kong pinuntahan si Jhay sa pantry..

"Pre," pagtawag ko sa kanya agad naman niya akong nilingon kaya naupo na ko.. "may gagawin ka ba sa Saturday." tanong ko, siya naman ay nag isip muna saka ako hinarap..

"Wala naman pre, bakit?"

"Samahan mo ako,."

"Bakit, saan ang punta mo.??""

" Pambihira ka pre, hindi mo ba ako kayang itreat...unang sahod mo." ito na lang ang naisip kong dahilan para mapapayag ko siya.

"Sige," ito lang ang naging sagot niya..

Napapayag ko na siya kaya pasimple kong kinuha ang phone ko at nagmessage kay Cess. Nagreply din siya na okay napapayag niya rin si Sharice...

Nang.. "pre." pagtawag niya sa akin. "anong tingin mo kay Sharice." nagulat ako nang bigla niyang itanong iyon sa akin.

"Anong si Sharice?"

"pre hindi mo ba napansin na may pagkakahawig sila ni Jhen.." hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. . Napuna ko rin ito nong una ko siyang makilala hindi ko lang ito masabi sa kanya..

"Ano ba pre, itigil mo na yang kakailusyon mo kay Jhen.. "

"Pre hindi ako nag iilusyon.. napansin ko lang."

"So kaya pala hindi mo kayang kausapin si Sharice dahil sa pagkakahawig niya kay Jhen.." pigil inis kong tanong sa kanya.

"Hindi iyon ang dahilan ko pre,.. gusto ko na siyang kausapin... kaya lang.." hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto sa pantry. Bumungad sa amin si Linnette ang 1st shift Area supervisor ng Plastic Dept.

"Sorry Santi,Jhay naistorbo ko yata pagkain niyo." nahihiyang sabi nito.

"Hindi naman Linnette," sagot ni Jhay sa nahihiyang si Linnette. "may problema ba."

"Nagstop kasi bigla yong machine 10 at 6.. kailangang kailangan pa naman ang mga product na ginagawa doon."

"Okay puntahan ko." sagot ni Jhay at pinaunang umalis si Linnette.

Tumayo na siya't nagpaalam sa akin.. pero bago siya lumabas ay sinigurado ko munang matutuloy siya sa Saturday. Nagthunbs up siya sa akin na tanda na tuloy kami.

Nang makalabas siya ay niligpit ko muna ang pinagkainan namin dito sa pantry. Paglabas ko rito ay nandito na sa loob ng office sina Cess. Nagpaalam na ko sa kanya at masayang bumulong sa kanya na tuloy na ang plano namin sa Sabado...

Araw ng Sabado sinabihan ko si Cess na mauna na sila ni Sharice sa Mall at magkita na lang kami sa Korean resto doon..

Nang makalabas na sila ay saka ko inaya si Jhay.. nagsabi naman siya na susunod at doon na kami magkita sa mall.

Hinintay ko muna sa may parking si Jhay..nang maiparada niya ang motor niya ay sabay na kaming nagtungo sa resto. Laking pagkabigla niya nang makita niya rito si Sharice at si Cess. Ayaw na sana niyang tumuloy..napilit ko lang kaya wala siyang choice kung hindi makisama na lang.....

to be continue