JHAYDEE'S POV
Matapos kong makatanggap ng tawag mula sa Mendz Industries at sinabi sa akin na makakapagsimula na ko sa aking trabaho sa monday.....buti't sakto nman na kakarelease lng ng akin license bilang isang engineer.
Araw ng lunes... maaga akong nagising nang araw na ito at hinanda ko na ang mga gamit ko. Pero bago ako maligo ay tinawagan ko muna si Santi...
Nang sagutin niya ako ay parang nainis pa ito. "Pre, ano na naman ba ito..ang aga aga mong manggising.." inis na sagot nya dahil sa pagka istorbo ng tulog niya....
"Pre, itatanong ko lang naman kasi kung anong oras ba pasok mo..." itinanong ko agad sa kanya ngunit isang malalim na buntong hininga ang narinig ko...
"Bakit ba?, ano na naman ba ang problema mo pare." naiinis na tanong nya pang muli.. "kung tungkol na naman yan kay Jhen pre, please magmove on ka na." sarkastiko niyang sabi at halata na ang sobrang pagkainis niya.
"Ano oras nga ang pasok mo pre" pangungulit ko sa kanya....
"8am pa pre, sige na't inaantok pa ako.."
"okay pre, antayin na kita doon sa may gate pre."
"ano naman gagawin mo don pre??" nalilitong tanong nya. "pupunta na lng ako dyan sa inyo pag out ko." tuloy na aniya
"Hindi pwede Pre,basta magkita tayo doon..maliligo lng ako at aalis na."
"ang aga pa pre"
"anong maaga pa 7am na pre" narinig ko na napabalikwas sya ng tayo sa kama matapos kong sabihin iyon.. "sige pre kita na lang tyo doon." yon na lng nasabi ko at binaba ko na ang phone ko.
Pagkababa ko ng phone ay naligo na ko at nagbihis. Pagkatapos deretso na ko palabas pero narinig ko agad ang pagsigaw nitong si Agatha..
"Sandali lng Jhay," pasigaw na awat niya ng papalabas na ako ng pinto.. "at saan ka naman pupunta...aalis ka nang hindi man lang kumakain ng agahan." sita sa akin ni Agatha..
"Agatha wag ngayon.." sigaw ko sa kanya at dumiretso na ko palabas hindi ko na siya pinansin pa. Agad akong sumakay sa motor ko at nagmaneho nang umalis...ngunit sa paglingon natanaw ko si Agatha na nangangalit ang mukha..
Pagkarating ko sa may gate nang Mendz ay wala pa si Santi dahil hindi ko pa nakita ang sasakyan niya . kaya naman naghintay muna ako doon. Habang naghihintay ako ay hindi ako mapakali sa kakalakad at kakatingin sa relos ko hanggang sa may bigla nalang bumangga sa akin mula sa likuran ko..naramdaman kong natapunan ako ng kung anong likido... Hinarap ko ang taong iyon ngunit imbes na humingi sya ng paumanhin ay siya pa mismo ang nagalit. Salubong ang kilay niyang sumigaw sa harapan ko...
"Ohh damn..." pagmumura niya. "ano ka ba bakit ba pabigla bigla kang titigil...hindi mo ba alam na may kasunod ka, at kung umasta ka'y parang pag aari mo ang lugar na ito...." nangangalit na sigaw niya sa akin.kaya naman bahagya akong natigilan.
Sa gulat ko sa mga pinagsasabi nya ay biglang nangunot ang noo ko at tinitigan sya ng nangangalit.
" hey, Excuse me,miss" singhal ko sa kanya .. " do you think its really my fault...your the one who hit me....then you dare to raise your voice against me.. ."
"So sa tingin mo'y kasalanan ko," nakairap siyang nanggagalaiti sa galit na halos lumabas na ang mga ugat sa leeg niya..
" And do you say that it is my fault then.." sarkastikong sabi ko. "ikaw na nga itong hindi tumitingin sa dinadaanan mo,i kaw na tong nakabangga...nakuha mo pang magalit.... this is bullshit..." di ko na rin mapigilan pa ang namuong galit ko dito sa babaeng ito. Sa gitna ng tensyon pagitan namin nitong babaeng ito... napansin ko na pinagtitinginan na kmi ng mga taong papasok sa company na yon.
"Ahh pinalalabas mong im stupid..." patuloy niyang pagsigaw. "At anong gusto mo palitan ko yan damit mo't humingi ng paumanhin..your dreaming..." matigas pang sagot nito at ayaw magpatalo..
"Sha, tama na" biglang sabat nang kasama niya. "malelate na tayo saka pinagtitinginan na tayo ng mga kasamahan natin.."
"I dont care," sigaw niya dito sa kasama niya't hindi na mapigilan pa sa pagtataray. Nang akmang akong lalapit sa kanya para makipag ayos nang matapos na ang gulo sa pagitan namin ay bigla niya akong binigyan ng isang malakas na sampal dahilan para manginig ako sa sakit ng pisngi ko at mawalan ng balanse kaya napaupo ako..
Natigilan ako dahil sa sakit nang pagkakasampal niya. Agad akong tumayo at hinarap siya. "Ohh shit Why did you do that?, " galit na tanong ko sa kanya. Ngunit nakakuyom pa rin ang mga kamay niya na handa muling umatake sa akin...
"Jhaydee" natigilan lang siya nang may nadinig kaming sumigaw kaya napatingin ako't si Santi ang nakita ko palapit na sa amin. "whats going in here pre" agad na pag uusisa nya, "are you allright." tanong niya nang makita niya ang namumula kong pisngi . Hindi naman ako agad nakasagot dahil dama ko pa ang sakit nang mukha ko..
Kaya bumaling muna siya sa dalawang babae matapos niya akong kamustahin.. "Whats happen in here?." tanong nito sa kanilang dalawa..
Iyong kasama naman nang babaeng Amasona ang sumagot. "Nabangga niya kasi si Sharice Babe, tapos siya pa ang nagalit."
"Whaaaat?" hindi makapaniwalang sigaw ko dahil nabaligtad niya ang sitwasyon..
Napailing si Santi at bumuntong hininga.. "Okay thats enough" awat ni Santi sabay hinarap nya mga taong nandito sa paligid... "All of you... go to your workplace now" pasigaw na sabi niya sa mga naroroon.. "Sige na Babe,pumasok na kyo..ako na bahala sa kanya." Sambit niya sa dalawa at bago umalis iyong Amasona ay nag iwan ng masamang tingin sa akin..
Pinanood pang makapasok ni Santi iyong dalawang babae saka bumaling sa akin.. "Hoy pre,ano bang ginagawa mo dito hindi ba sabi ko pupunntahan na lang kita sa inyo mamaya.."
"Pre sino ba yong babaeng iyon.. Parang amasona ang lakas manuntok.." napangiwing sabi ko dahil iniinda ko pa ang sakit ng mukha ko.
"Ehh bakit nga ba naparito ka.?" muling tanong niya.
"Ganito ba kung salubungin ang bagong empleyado dito pre." naitanong ko at bumakas sa mukha niya ang tuwa sa sinabi ko.
" You mean pre, first day of work mo dito,kaya pala excited ka." nakangiting tanong niyang muli..
"Shut up pre," asik ko sa kanya. "buti pa't pakainin mo na ko." kunot noong yaya ko sa kanya.
"Tara na pre at nang magamot na rin yang sugat mo."
Kaya nman niyaya nya na akong pumasok sa loob. Bago kami pumasok ay nagsabi sya sa guard kung sino ako. Sinabi nya na ako ang bagong Machine maintenance na hinire ng company. Nagsabi naman ang guard na kailangan ko raw pumunta sa HR ng mga 9am para sa orientation. Tumango na lang ako't nagtuloy na sa papasok. Sa pagpasok pa lng sa loob ay may mga bulungan na akong naririnig.
"Bago pala yon magiging mechanic natin ngayon."
"Oo nga Cindy,sana mabait din sya gaya ni sir Conrad..."
"Sana nga,balita nga namin fresh graduate lng yon,"
"Naku mahirap yan baka tayo pa magturo nyan, dahil malamang wala pang alam sa makina yon."
Nakita ni Santi ang pagkunot ng noo ko dahil sa mga narinig ko. " Dont mind them pre." sambit niya at nagtuloy na kami sa pagpasok.
Bago kami pumunta ng cafeteria ay nagpaalam muna ko kay Santi na magpalit muna ng damit. Tinuro nya ko sa locker area nila at doon na ko nagpalit.
SHARICE MAY TORRES POV
Im Sharice May Torres isang akong production head manager sa company na ito. Isa akong simple babaeng na may angkin naman kagandahan, palaban kung ako'y nasa tama, nasasabihan nila akong mataray at suplada...
Hindi naging maganda ang gising ko dahil sa pambubwisit nitong kaibigan kong si Cecilia Flores. Matagal na rin kaming magkasama nyan since grade school to college hanggang makapagwork kami dito sa Mendz Industries. Dahil din doon ay mapagkasunduan namin na magsama na lng sa iisang bahay dahil sa layo ng mga bahay namin sa company.
Napakaaga akong ginising nito si Cess dahil maaga raw papasok ang boyfriend nyang si Santi. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa puyat na kasalanan nilang dalawa,halos magdamag kaming nasa bar at inumaga na ng uwi..
Kakatulog ko pa lang noon nang gisingin nya ko wala na kong nagawa sa kulit nyang yon at isa pa'y wala kasi magdrive ng sasakyan namin dahil hindi sya marunong magdrive.
Pagkaligo ko nagayos lang ako ng konti at lumabas na ko ng kwarto. Pagbaba ko nakita ko sya na naghihintay na sa sala.
"Hoy tara na" masungit na sigaw ko sa kanya. Tumayo na sya at sabay akbay sa akin na tila nagpapasweet dinedma ko lng sya.
Dumiretso sakay na kmi sa kotse pagkabukas ko ng makina ng kotse ay kunot noo kong hinarap si Cess. "hoy bruha, wala ka bang balak na pagalmusalin ako" singhal ko sa kanya dahil ramdam ko ang pagkalam ng sikmura ko..
"Meron naman" nakangiting sabi pa nya "Doon na lng tayo sa may tapsihan malapit sa company natin kumain.."
"Bakit?? doon ba kayo magkikita ni Santi..'
"Ahh hindi imimeet daw nya yon bestfriend nya naghihintay sa may gate ng company." sagot nito..
Hindi na ko nagsalita at patuloy na lng sa pagdrive hanggang marating namin yon tapsihan. Umorder na sya ng pagkain namin at pagkalapag ng order namin ay dali dali na kong kumain dahil gutom na talaga ako...
Pagkatapos namin kumain ay nagyaya agad tong si Cess na umalis dahil parating na raw si Santi. Kaya binitbit ko na lng yon softdrinks na iniinom ko.
Nang naglalakad na kami papasok sa company nang bigla kong nabangga itong lalaki na nasa harapan ko kaya naman natapon ko sa likod nya yong bitbit kong softdrink...
Kunot noo niya akong nilingon.. pero inunahan ko na syang magsalita.. Badtrip ako dahil sa araw na ito dahil sa pagkakulamg ng tulog ko kaya madaling uminit ang ulo ko..
Humantong sa mainit na pagtatalo ang nangyari sa pagitan namin ng lalaking iyon. Wala sa amin ang nagpatalo hanggang sa napuno ako sa kanya kaya nang nagbalak siyang lumapit ay agad ko siyang nasampal ng napakalakas.. Uulitin ko pa sana iyon nang magtangka siya uli ngunit nang madinig kong sumigaw si Santi at may tinawag na pangalan ay nagpigil na ako.
Nang nakalapit na si Santi ay agad niyang tinignan iyong lalaki na kasalukuyang namamaga ang pisngi. Sinabihan niya na kaming pumasok at siya na bahala doon sa lalaki.
Pumasok na kami ni Cess at habang naglalakad kaming papasok ay nagtanong itong si Cess. "Sha timang ka rin ano?" nakangiting sambit nya.
"Bakit?" patay malisyang sagot ko..
"Ano problema mo,bakit ginawa mo yon sa kanya..hindi ba't ikaw ang may kasalanan dahil hindi ka nakatigin sa dinadaanan mo." paguusisa nya sa akin..
"Badtrip ako eh,"
"Badtrip ka,kaya pinagtripan mo yon... paano kung pinatulan ka rin nong tao.." pananakot nya pa sa akin.
"Kaya nga inunahan ko na sya." sabay kaming natawa. Dumiretso na kmi sa locker area upang magpalit ng uniform namin pagkatapos pumunta na kmi sa production upang magcheck ng mga production output ng last shift.
After that deretso na kmi sa opisina namin ni Cess. Naupo kami sa kanya kanyang table namin upang gumawa ng report sa ptoduction... Habang nagsusulat napasulyap ako kay Cess dahil nakatingin sya kay Santi na kasama yon lalaking nakaalitan ko. Agad naman akong nilapitan ni Cess at nagtanong..
"Sha, siya kaya iyon sinasabi ni Babe na bestfriend niya.. " pagtuturo niya doon sa antipatikong lalaking iyon....
"Hindi ko alam Cess at mas lalong wala akong pakialam.." inis na singhal ko't yumuko na lng ako't pinagpatuloy ang mga ginagawa ko.
to be continue