Chereads / KUNG IKA''Y MAWAWALA (WITHOUT YOU) / Chapter 2 - CHAPTER ONE:

Chapter 2 - CHAPTER ONE:

After almost six years.....

JHAYDEE MANANSALA'S POV

"hey bro,bakit ba ang lungkot lungkot mo ..." ang masayang tanong ni Eddie na sinabayan ng pag akbay sa akin.. "hindi ba dapat masaya ka dahil after your one year of self pity and throwing your life.....finally you decided to study again...at sa wakas graduate ka na."

"Im happy bro,." ang walang kagana ganang pagsagot ko..

"Saan saan dyan ang sinasabi mong masaya"  turo niya sa aking mukha habang patuloy sya sa pang aasar sa akin. "kitang kita sa mga mata mo ang sobrang lungkot bro.."

Sadya yatang hindi ko na kaya pang maging masaya sa aking buhay..Una'y nang nalaman kong hindi ako tunay na anak ng mga kinikilala kong magulang.. ganunpaman ay hindi sila nagkulang sa pagmamahal sa akin itinuring pa rin nila akong parte ng pamilya nila...na kahit na mahirap ay pinagtulungan pa rin nilang  tinustusan ang pag aaral namin ni Agatha.. Sa kabila ng hindi kami tunay na magkapatid ay lagi syang nasa tabi ko't nagtatanggol at umuunawa sa akin.. Hanggang sa makilala ko si Jennica Alvarez. lumipat sila sa tapat ng aming bahay.. anim na taong gulang pa lang ako noon...nasa grade school kami nang maging magkaibigan kami't magkaklase hanggang high school.

First year high school kami nang una akong nagkagusto sa kanya pero hindi ko pa maamin sa kanya na mahal ko sya. Iniisip ko noon na bata pa kami at isa pa'y baka layuan nya lang ako kapag ipinagtapat ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Lalong gumaganda si Jhen kya dumami rin ang nanliligaw sa kanya. Subalit natatakot ang mga ito dahil sa aming tatlo lalaki na bestfriend niya..

Si Jhen din ang naging karamay ko kapag may problema ako..bukod kay Eddie Mendez na boyfriend ng ate ko at kay Santi Reyes. Isa rin si Santi sa mga kaibigan namin ni Jhen. Si Santi ang nagsabi sa akin na kung mahal ko si Jhen ay magtapat na ko.

Kaya non makagraduate kami ng high school ay naglakas loob na akong nagtapat kay Jhen. Pero yon inaasahan ko na magiging masaya ako kapag naipagtapat ko na sa kanya ang aking nararamdaman ay kabaligtaran ang nangyari.

Dahil isang tunay na kapatid ang turing nya sa akin at hindi hihigit pa roon. hindi nya kayang suklian ang pagmamahal na binibigay ko sa kanya. Nakaramdam ako ng sobrang sakit sa aking dibdib..sa tagal ng panahon na laging magkasama kami ay kapatid lng pala ako pra sa kanya.

Hindi ko kayang matanggap ang sinabing nyang yon. Higit na masakit ay nang sinabi nyang aalis sila papunta sa ibang bansa para doon na sya mag aral at wala nang kasiguraduhan ang pagbabalik niya.. Lalong tumindi ang sakit na aking nararamdaman dito sa aking puso...yon isiping hindi na kami magkikita pang muli...

Simula noong umalis si Jhen ay nagbago ako..natuto akong uminom hanggang sa ito na ang naging buhay ko...kinalimutan kong mag aral at laging laman ng Bar..halos patayin ko ang aking sarili sa sakit at kalungkutan dulot nang pagtalikod at paglisan ni Jhen...

Halos tatlong taon ko din dinibdib ang paglisan na yon ni Jhen. Hanggang sa malugmok ako at humantong ito sa persistent depressive disorder. Kahit masakit kailangan ko pa rin na magpatuloy na mabuhay.. sa tulong ng medikasyon ay nakayanan kong makalimutang pansamantala ang lahat.

Sinikap ko rin na makapagtapos ng pag aaral upang kahit paano mawala ang isipan ko kay Jhen at nakatulong ito kahit paano. Ngayon nga ay graduate na ako sa kursong ElectroMechanical Engineering.

"hoy pre," biglang sigaw ni Santi kaya nawala ang aking mga naiisip.. "ano bang nangyayari sa yo, kanina ka pa namin kinakausap tulalang tulala ka dyan..."

"Ha! Ano, may sinasabi ba kayo." lutang at gulat na sagot ko.

"Nandito na tyo sa inyo pre, kaya bumaba ka riyan sa kotse." kamot uling sambit pa ni Santi...

"Pasensya na kayo," sabi ko sa kanila at sabay na kaming pumasok sa bahay. Pagpasok namin ay niyaya na kami ni Mama na kumain dahil naghanda sya ng isang simpleng salo salo para maipahdiwang ang aking pagtatapos. Naupo na kami at sabay sabay na kumain ngunit di pa rin maalis sa akin ang labos na kalungkutan at isiping kung kasama lang si Jhen ngayon sa mahalagang event sa buhay ko ay napakasaya ko na....

"Jhay,ano ka ba," bigla singhal nitong si Agatha.. "itigil mo na yang pagiging bitter mo dahil kahit anong gawin mo hindi na siya babalik pa.." hindi ko na pinasin si Agatha at tumuloy na lng sa pagkain.

Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga muna kami ng kaunti at nagyaya na sina Eddie at Santi na mag inom.

"Pre ngayon graduate ka na." bungad na sabi ni Santi. "Ano magtatrabaho ka na ba o magmumukmok na lang muna..?"

"Ano ka naman ba pre." si Eddie na nakatingin kay Santi sabay tumawa nang may pang aasar..."Dapat magmukmok muna yan si Jhay baka kulang pa ang anim na taong pangungulila.' sabay silang tumawa nang malakas..

"Shut up guys.." sigaw pigil kong sabi sa kanila kaya natigil sila sa pagtawa.. "need ko na sigurong makahanap ng work para naman makatulong na ko kina Mama at Papa.."

"Ehh saan mo naman balak mag apply nyan pre." tanong ni Santi.

"Di ba alam nyo naman kung saan ko gustong gustong mag apply nang trabaho." sagot ko sa kanila.

"Ibig mo bang sabihin doon pa rin sa Mendz Industries pre."

"Oo pre matagal ko nang inasam na makapasok sa company na yon dahil ilan sa mga makina nila ay design ko..."

"Pero pre,balita ko'y wala silang hiring ngyon." sambit ni Santi dahil doon din sya nagtatrabaho bilang isang Auditing officer.. Nauna kasi sila ni Eddie na makapagtapos ng pag aaral. Si Eddie ay nagtapos ng Electronic and Electrical Engineering at si Santi naman ay Accountancy and Bussiness Management.. Parehas silang nagtatrabaho sa Medz kaya lang si Eddie ay nasa Manila office.

"Pre," uminom muna ako bago uli magsalita. "i'll already submitted my resume to them dahil nakita ko ng

hiring sila ng machine maintenance." gulat at hindi makapaniwala si Santi sa sinabi ko.

"Really pre." gulat na tanong ni Santi "paano mo nalaman na hiring sila."

"I saw it in their social account pre," sagot ko kay Santi

"hindi ka ba overqualified sa position na inaplayan mo brod." si Eddie matapos uminom at huminga ng malalim

"Hindi nman siguro brod. " sagot ko kay Eddie.. "tutal nman ang kurso ko naman is all about machine and designing beside some of their machine are my designed.... and for now i'll waiting for their email."

"Ok pre,i will follow up your application tommorow." si Santi at pagkasabi non ay uminom na uli. Matapos ang aming pagkakasiyahan na yon ay nagpaalam na sina Santi at Eddie dahil maaga pa raw work nila bukas.

Pagkauwi nila ay deretso na ko sa kwarto at naligo muna bago matulog pero kahit anong gawin kong pagpikit ay di ako dalawin ng antok.

Nakatulala na naman ako at nag iisip kung kamusta na si Jhen,kailan kaya sya babalik dto sa bansa,kung may nobyo na ba sya doon,kahit masakit isipin ay sya pa rin ang nagdudulot ng kalungkutan nararamdaman ko hanggang sa ngayon.

Hindi ko pa rin kayang mag move on sa kanya dahil sya lng ang talagang mahal na mahal ko kahit lumipas ang halos anim na taon ay sya pa rin. Nasa gitna ako ng pagiisip ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Hindi ko pinansin yon kung sino yon kumakatok dahil alam ko nman si Agatha na naman yon at kukulitin na naman akong makipagdate sa mga kakilala nya sa trabaho nya. Nang hindi ko sya pagbuksan ay sya na mismo ang pumasok sa kwarto ko dahil di ko naman nalock yon.

"hoy Jhaydee, tulala ka na naman dyan." sigaw ni Agatha sa akin ngunit di ko pa din sya pinansin. "ano ka ba naman its been six years already when Jhen left,di ka pa rin ba nakakamove on."

"Agatha will you just please leave me alone." sigaw ko sa kanya habang nakatalikod sa kanya.

"Shut up my coldhearted bitter brother." binatukan nya ako ng malakas..kaya nman napaharap ako sa kanya at sya naman ay mataray na nakatingin sa akin. "Jhay move on..Jhen already left you and she does'nt bother to contact you or communicate with you." mataray na pananalita nya. "if she really considered you as her bestfriend she will find a way to communicate with you." patuloy ni Agatha. "she does'nt deserve your love,kaya tigilan mo na yang pagdadrama mo dyan kalimutan mo na sya dahil kinalimutan ka na nya."

"Agatha di nya kayang gawin yon sa akin." maluluhang sabi ko sa kanya.

"ginawa na nya Jhay, kinalimutan ka na niya. Kaya magsimula ka na ng buhay mo na wala sya." nagsimula na rin lumuha si Agatha dahil alam ko ring nasasaktan siya sa mga nangyayari sa akin..

"Di ko kaya pa Agatha.," halos garagal na sabi ko kay Agatha dahil di ko na kayang pigilan pang umiyak.

Niyakap ako ni Agatha para aluin. "kaya mo yan brother," ani nya habang hinahagod ang likod ko. "kailangan kayanin mo mabuhay na wala sya,ikaw lang sa sarili mo makakagawa non sa ngayon,kailangan kalimutan mo sya para mabuhay ka at buksan muli ang puso mo para sa iba." yon ang huling sinabi ni Agatha bago sya kumalas sa pagkayakap sa akin at lumabas na ng kwarto ko.Pagkalabas nya ay nahiga na ko at hindi namalayan na nakatulog na ako.

AGATHA'S POV

I'm Agatha Manansala,Jhaydee's known sister. Hindi kami tunay na magkapatid pero tinuring ko na sya simula nang dumating sya sa buhay namin ng pamilya ko. Mabait,masipag at matulungin sya masayahin rin sya,palakwento at mapangasar kung minsan.

Hindi naman magkalayo ang edad namin, halos magkaedad lang kami.. Two month old pa lng ako ng dinala sya ni Mama sa bahay pinagbilin daw ito ng isang kaibigan nya bago bawian ng buhay. Hindi sinabi ni Mama kung sino ang tunay na ama nya tanging isang kwintas lng na may pendant na M ang palatandaan ng pagkakilanlan sa kanyang ama.

Nasa grade school kmi noon ipinagtapat ng mga magulang ko na adopted lng sya. Simula ng malaman nya ito malaki pinagbago ng pakikitugo nya sa amin nawala ang pagiging masayahin nya. Kahit di sya magsalita nararamdaman ko na napakaraming tanong ang nais nyang sabihin ngunit nanahimik na lng sya.

Bumalik lng uli ang pagiging masaya nya non makilala nya si Jennica lagi silang magkalaro at lagi silang magkaklase kahit nandyan si Santi at Eddie na lagi kasama ni Jhay dahil magkababata sila. Pero si Jhen ang mas nakapagpasaya sa kapatid ko.

Nawala na lang uli ang pagiging masayahin nya non nagtapat sya kay Jhen at umalis ito. Mas lalo di kinaya ng kapatid ko nang umalis si Jhen at sa pag alis nyang yon di na nakipagusap pa sa kapatid ko.

Hindi sya man lng sumulat at sagutin ang mga pinadadalang sulat ng kapatid ko. Kahit sagutin man lng mga tawag ay wala..tanging si Tita Letty lng lagi sumasagot sa tawag at pag nagtatanong ni Jhay kung saan si Jhen lagi daw busy sa pag aaral ito.

Lalong dinamdam ni Jhay ang mas lalong paglayo ng loob ni Jhen sa kanya. Kaya namuhay ang kapatid ko sa ganon kalungkot na mundo nya dahil para sa kanya sya lng ang mundo nya. Hanggang sa inabot ng ilang taon ay nagmukmok pa rin ang kapatid ko wala syang kinakausap kahit sino man, magsasalita lng sya kung kakausapin namin,maski sa mga kaibigan nya ganon din sya.

Hindi na rin sya nakikisalamuha sa ibang tao kahit dumalo sa mga special event nila sa school ay di ito pumupunta kahit pilitin ni Santi ay di sumasama. Mabuti na lng laging nandyan si Santi na umaalalay sa kapatid ko kahit minsan napapaaway to dahil sa kawalan ng interes sa pakikisama sa ibang tao,hindi sya iniwan ng kaibigan.

Hanggang sa ngayon tanging si Santi at Eddie lang nakakasama nya. Pero kahit ganoon ay nasasaktan pa rin ako dahil ayaw kong makita sya na lalong nasasaktan dahil lng sa walang kwenta babaeng yon. Kaya minsan ay binibigyan ko sya ng mga makaka blinddate nya pero mas napapahiya ako dahil sa hindi nya pagsipot.

Lagi kami nag aaway kapag ginagawa ko yon sa kanya kaya tinigil ko na ang pagreto sa kanya sa ibat ibang babae. Kaya di ko na din alam kung paano pasayahin ang kapatid ko. Mas lalo ko na lng inintindi sya ganon na lang din ginawa ng mga magulang namin. Pinagdadasal ko na lng na sana humupa na ang sakit na nasa kanyang puso.

Pagkatapos makagraduate ni Jhay ay  nanatili lng ito sa loob ng kwarto nya sa loob ng ilan linggo.

Lumabas lng sya non para sa kanyang licensure exam at pagkatapos non nagkulong uli sya sa kwarto habang naghihintay ng resulta ng exam.

Ilan linggo,buwan ang lumipas ganon pa rin sya. Lumabas uli sya non kuhanin ang license nya. Buti na lng ay natawagan na sya sa company na inaplayan nya nakarandam ako ng kaunti tuwa para sa kanya dahil baka sa work na yon ay tuluyan na niya makalimutan ang lahat. Sana makapagsimula na syang makapagbago para sa kanyang sarili.

To be continue