Chapter Two
ANYA VERONIKA
ONE YEAR AGO
Hindi na ako makapag-intay sabihin kay Nanay na nanalo ako sa sinalihan kong Quiz bee, masaya kong ibabalita sa kanya na nakapag-uwi ako ng dalawang libong piso, may maipapambili na kami ng matinong ulam, bibili ako ng Manok, magluluto ako ng tinola upang makahigop si Nanay ng sabaw, ilang linggo na din siyang ubo ng ubo, nag-aalala na ako dahil hindi naman siya sakitin dati pa. Dumaan muna ako sa palengke upang bumili ng Manok at prutas, tuwang tuwa pa ako dahil marami pang natira sa perang napalanunan ko. sakto at may ipapampacheck up si Nanay.
Malapit na ako sa bahay nung natanaw ko si Nanay na nakasadlak sa sahig, na tila nagmamakaawa sa isang babae, si Ginang Matsumoto ang land lord ng inuupahan namin ng isang maliit na kwarto, dali dali akong lumapit at itinayo ko si Nanay sa pagkakasalampak niya sa sahig.
"Ginang Matsumoto ano pong nangyari?" Tanong ko sa kanya, pinaningkitan niya ako ng Mata.
"Anong nangyari? Pinapalayas ko na kayo, letcheng Linda tong lagi nalang akong pinapaasa na magbabayad sa katapusan hanggang sa ano? Naipon lahat ng utang niyo"
Napalingon ako kay Nanay at ibinalik ang tingin kay Ginang Matsumoto
"Pero lagi po Kaming nagbabayad Ginang Matsumoto, bakit kami nagkautang utang?" Takha kong tanong. Alam ko na lagi kami nakakapagbayad ng utang iniipon ko lagi ang maliit kong Kita sa pagtitindera kayla along bebang pero bakit ganun? Bakit hindi kami nakakapagbayad, Kay Nanay ko Lang binibigay lahat ng pambayad.
"Itanong mo jan sa magaling mong Ina tangina Naman Anya kailangan ko na ng pera, iniiyakan na ako ng anak ko dahil lagi akong kinukulit dahil kailangan niya ng cellphone, Kung Hindi nyo ako mababayaran ngayon pwes lumayas na kayo! At ikaw putang ina kang Linda ka ipapakulong Kita"
"Pakiusap Ginang Matsumoto bigyan mo pa kami ng isang linggo mababayaran namin lahat ng iyon" pagsusumamo ni Nanay.
"Puta Isang linggo kaya niyong bayaran ang labing limang libong pisong utang niyo? Saan ka Naman pupulot ng pambayad mo? Ibubugaw mo ba yang anak mo? Pwede Naman malaki laki rin ang Kita pag katawan ang pinag-uusapan"
"Hindi, Hindi Hindi ko ibebenta ang katawan ko" singit ko sa sinabi ni Ginang Matsumoto.
"Oh sige isang linggo lang Linda Kung Hindi niyo pa mababayaran pwes sa kulungan ka na dadamputin." Sabi ni Ginang Matsumoto sabay lakad palayo.
Tinignan ko si Nanay na biglang lumuha, lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Anak sorry ha, kung pinambayad ko Sana yung perang pinaghirapan mo Sana Hindi Tayo inaalipusta ng ibang tao, sorry dahil sa pagsusugal ko lang nagastos ang pera mo nainggit kasi ako kay Bebe Kaya sinubukan ko hanggang sa ako ay malulong."
Wala na akong nagawa kung Hindi pumikit at lumuha, gusto ko man magalit, gusto ko man mag-mura ay wala na akong nagawa pa, ayoko naman magalit kay Nanay dahil siya nalang ang nag-iisa kong pamilya.
****
Araw araw pagkatapos lagi ng klase ko ay agad na akong naghahanap ng pwede kong pasukan na trabaho. Lagi akong umuuwing luhaan dahil walang trabaho ang tumanggap sa akin, meron pa akong dalawang araw bago pa bumalik si Ginang Matsumoto at singilin kami sa upa namin dito sa bahay. Nagtanong narin ako sa mga kaklase ko kung may alam silang pwede kong pasukan, pero wala nangyari, dahil wala silang kakilala at wala silang alam.
Gabi Gabi na akong umiiyak dahil hindi ko na alam kung paano ko masosolusyunan itong problema namin. Paano kung gawin ko nalang iyon? Mananayaw lang naman, Hindi babaeng bayaran, wala na akong magagawa pa.
Isang gabi, kinausap ko si Lukresya ang babaeng kapit bahay na nagtratrabaho sa isang club. Alam niya ang sitwasyon namin, dahil dinig na dinig niya ang paghihisterikal ni Ginang Matsumoto.
"Nangigigil ako sa punyetang hukluban na Yan, akala mo napaka Ganda ng pipitchuging paupahan Niya eh napakabulok naman, mukhang kubong sira na ang puta" nangigigil na Sabi sa akin ni Lukresya.
"Hayaan mo na iyon, nga pala ipasok mo naman ako bilang mananayaw sa pinagtratrabahuan mo, pakiusap Lukresya wala na talaga akong malapitang iba" nagmamakaawa kong pagsusumamo sa kanya.
"Sige sabihan ko si Big Boss, palit kana ng damit mo, tsaka kapalan mo yung ilalagay mong kolorete sa mukha mo"
Masaya akong bumalik sa bahay, alas onse ng gabi kami aalis mamaya, naghanap na ako ng isusuot ko ang sabi ni Lukresya kailangan maikling damit ang isuot ko at kailangan makapal na kolorete ang aking ilalagay sa mukha ko. Inantay ko munang makatulog si Nanay at nagpalit na ako ng damit, naglagay ako ng pulbos at hinanap ang kolorete ko, kinapalan ko ang nilagay ko sa labi ko, tumingin ako sa salamin at napaiwas ako sa nakita ko.
Hindi na ako mukhang kagalang galang mukha na akong babaeng bayarin, pero kahit mukha man akong bayarin ay tanging pagsasayaw lang ang aking gagawing trabaho, yun lang at walang iba. Nakita ko Kasi sa papel na nakapaskil na naghahanap ng isang mananayaw ang Aliw sa bahay ni Big Boss, Magaling naman akong sumayaw kaya siguradong tatanggapin nila ako.
"Ayos ah hindi Kita nakilala beh" natutuwang Sabi ni Lukresya nung pinuntahan ko siya sa bahay nila.
"Siguradong matutuwa sayo si Big Boss Anya"
"Pwedeng ibahin mo yung tawag sa akin?" Nagtaka akong tinignan ni Lukresya.
*****
Ingay ang sumalubong sa Amin, pagkapasok na pagkapasok namin sa Aliw sa bahay ni Big Boss, gusto kong takpan ang aking tenga dahil sa lakas ng tugtugin, marami din Tao dito, halos puro mga lalaki ang kanilang customer, napatingin ako sa isang lamesa at nagulat ako ng makilala ko ang babaeng nakakandong sa isang matandang lalaki. Siya si Analene Dela Paz o mas kilala bilang Inday. May usap usap nga sa lugar namin na isa siyang babaeng bayaran, pero hindi ako naniniwala sa sabi Sabi, pero mali pala ako. Dahil totoo nga na Isa siyang bayaran na babae.
Pumasok kami sa isang silid, nakita namin ang isang matabang lalaking nakaupo sa upuan at nakangiting nakangiti ito sa Amin.
"Ito naba yung sinabi mo na gustong maging mananayaw?" Tanong nito sabay halakhak.
"Oo Big Boss ito na siya" hinawakan ni Lukresya ang braso ko at inilapit ako sa nagngangalang Big Boss.
"Maganda ka ah, birhen ka paba?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako, at napalunok sa kaba. Tumayo si Big Boss Mula sa pagkakaupo niya lumapit siya sa akin at itinulak ako sa inuupuan niya. Hindi ko Alam pero nanginig ako sa takot, Hindi ako makagalaw sa pagkabigla.
Narinig ko ang pagsara ng pinto.
"Luk-" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla niya akong halikan.
*****
Hindi maawat awat ang pagtulo ng luha ko, hindi ko lubusang maisip na hahatong sa ganun ang mangyayari, gusto ko nang patayin ang sarili ko dahil binaboy niya ako, nilapastangan ang aking pagkababae, sirang sira na ako bilang babae.
Naramdam ko na tumayo siya sa tabi ko at isinuot ang kanyang damit. Lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Tanggap kana, bukas magsimula ka nang sumayaw sa entablado at bilang paunang bayad sa iyong puri heto" hinagis niya ang bungkos ng pera sa higaan. Hindi ako gumalaw at pumikit nalang ako.
May maipapambayad na kami kay Ginang Matsumoto, pero ang kapalit pala nun ay ang katawan ko.
Dito nagsimulang mabuhay si Veronika. At babaeng nakakubli kay Anya.
To be continued...