Chapter Seven
ANYA VERONIKA
"Anya Alam mo ba may bago daw tayong magiging propesor sa pilipino kyahhh sana gwapo siya para ganahan naman ako sa pag-aaral, nagsasawa na din ako bumagsak bagsak sa mga asignatura ko." Bulong sa akin ni Chimineya, lumingon ako sa kanya at tinignan siya.
"Ha? Bakit ngayon ko lang nalaman Yan?" Tanong ko sa kanya, inirapan niya lang ako bago sagutin yung tanong ko.
"Usap usapan na ito nung nakaraan pa, tsaka wala ka palang kaibigan dito sa atin no? Haha manang ka Kasi gayahin mo ako maganda" tumalikod na ako at umupo ng maayos sa aking upuan.
Hinawakan ko ang mahapding leeg ko, punong puno ito ng mga sariwang marka na nakuha ko kahapon kay Chiko, halos dalawang linggo na akong nagagalaw ni Chiko, at kada araw ay pataas ng pataas ang kanyang ibinabayad sa akin.
"Anya may bago daw tayong propesor" halos mapatalon ako sa aking kinauupuan ng biglang sumulpot sa gilid ko si Ian, bigla tuloy akong napatayo at tinakpan ang leeg ko dahil baka makita niya yung marka sa aking leeg.
"Oh kalma ka lang haha nagulat ba Kita?" Tanong niya sa akin, yumuko lang ako at umiling iling, lumakad ako palabas ng silid at papuntang palikuran para takpan yung markang nakuha ko nang.
"Anya sandali lang, pasensya na kung nagulat-"
Hindi ko na pinansin si Ian at dali daling pumasok sa palikuran ng mga babae.
Tinignan ko ang aking marka sa leeg at hinimas himas ito, halatang halata nga ito kung Hindi ko tatakpan mabuti na nga lang at walang nakapansin dito. Kinuha ko ang isang band- aid at itinapal dito, sinigurado ko munang natakpan na ang lahat bago ako lumabas, pagkalabas na pagkalabas ko palang ng palikuran ay nakita ko si Ian na nakaabang sa akin.
"Anya pasensya n-" bago pa matapos ni Ian ang kanyang sasabihin ay inunahan ko na siya.
"Ian hindi mo naman kailangan humingi ng paumanhin, talagang kailangan ko lang gumamit ng palikuran" nakangiti kong sabi sabay kuha sa kamay niya at naglakad na kami papasok, lihim akong ngumiti, ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang kamay, hindi niya ako binibitawan, sabagay ay ako ang humawak sa kanya.
"Anya, Ian andito na si sir" sabi samin ng Isa namang kaklase, dali dali kaming pumasok sa pinto at agad umupo sa aming mga upuan.
"Anya ang gwapo talaga Niya" napalingon ako kay Chimineya.
"Ha Sino Naman?"
"Si Mister Chiko"
Chiko?
Si Chiko?
Si Chiko?
Sana mali yung iniisip ko.
Sana hindi siya ang bago kong propesor.
"Magandang Umaga sa inyong lahat" napalingon ako sa pamilyar na boses na nagsalita sa harapan naman at halos mawalan ako sa katinuan nung makita ko si Chiko at nakatingin siya sa akin ng may pagtataka.
Sana ay Isa nalang akong bula na pag pinutok ay mawawala nalang.
"Anya upo ka daw" Napalingon ako sa lahat dahil pinagtitinginan na pala ako, dahil kanina pa daw ako nakatayo pag kabati na pagkabati ni Chiko.
Dali dali naman akong umupo, at inayos ang salamin ko at medjo ginulo gulo ko ang aking buhok para hindi niya ako makilala.
"Binibini bakit ka napatayo?" Tanong ni Chiko, umiwas lang ako ng tingin at mas lalong iniyuko ang aking ulo sa aking lamesa.
"Ah Sir medjo kulang lang si Anya sa tulog dahil may trabaho siya kagabi" Sabi ni Ian. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil parang naniwala si Chiko sa palusot ni Ian.
Tama naman yung palusot ni Ian diba? May trabaho ka naman kagabi? Trinabaho mo si Chiko diba? Malandi ka eh! Akala ko ba magsasayaw ka lang pero bakit nagpapakana kana kay Chiko at inaraw araw niyo pa, kawawa Naman si Lukresya dahil iniwanan at ipinagpalit sya ni Chiko sayo.
Napailing iling ako sa naisip ko. Anya wag mo munang isipin ito.
*****
Natapos ang klase ng matiwasay, buti na lamang ay hindi na kami nagpakilala pa sa harapan tulad ng ginagawa namin, tinawag lang kami Isa Isa at nung ako na ang tinawag ni Chiko ay itinaas ko na lamang ang aking kamay at hindi ako nagsalita.
Buti na lamang at nakahinga na ako ng maluwag ngayong araw, andito ako sa labas at bumibili ng kakainin ko, mamaya ay magkikita kami nila Barbie para kumain ng sabay sa kinakainan namin, nakabili na ako at papunta sana kila Barbie ay bigla akong nabunggo dahilan upang tumapon ang dala dala kong pagkain sa daan.
Inangat ko ang aking mukha para tignan kung sino ang talinpadas na lalaking bumangga sa akin nung makita ko si Chiko.
Bakit kailangan magkita pa kami ulit?
"Pamilyar ka talaga" sabi Niya.
"Halika at aking papalitan ang natapon mong pagkain"
Sumunod naman ako.
Sumunod sa isang bagay na hindi ko sigurado kung makikilala Niya ako o hindi.
"Anya Veronika Cristobal, ikaw yun diba?"
Napalingon ako sa kanya at nakatingin siya sa akin ng seryoso.
"Sir ano po"
"May kambal ka?" Tanong niya, tinignan ko siya ng may pagtataka sa aking mukha.
"Wala po sir"
"Kamukha mo siya eh hindi ako pwedeng magkamali"
Napaatras ako sa sinabi niya.
"Kamukhang kamukha mo si Veronika"
Ako Kasi yun Chiko.
Ako si Veronika.
Wala lang akong kolorete at Hindi ako nakaayos ng buhok, may salamin din ako kaya hindi mo ako nakilala.
"Sir Sino po si Veronika?" Tanong ko.
"Parehas kayo ng boses" napapikit ako, pakiramdam ko ay iniipit niya ako para umamin ako na ako ang hinahanap niya.
"Sir? Baka nagkakamali po Kayo baka po kamukha ko Lang po yung tinatanong niyo, kaano ano po ba niyo si Veronika" tanong ko.
Kailangan kong magpanggap.
Malalaman ng lahat.
Chiko magpapanggap muna ako na hindi ka kilala.
Ayokong malaman ng taong mahal ko ang sikreto ko.
Ayokong magulo ang lahat.
"Gusto ko siya"
Halos mayanig ang aking tenga nung marinig ko ang sinabi ni Chiko.
Chiko paano mo mamahalin ang isang babaeng katulad ni Veronika.
May mahal na siya Chiko.
Si Ian
Pero bakit ganyan ka.?
"Sir Mauna na po ako, okay lang po kahit wag niyo na pong palitan yung pagkain po"
"Sandali"
Tumakbo ako papalayo.
Papalayo sa tanong umamin sa akin na gusto niya ako.
To be continued....