Chapter Eight
ANYA VERONIKA
Kailan ba natin malalaman na umiibig pala tayo sa isang tao?
Ano ba ang dapat natin maging reaksyon kung sakasakaling may taong magsasabi sa atin na mahal nila tayo?
Bakit ako pa ang kailangan niyang mahalin? Bakit ang tulad ni Veronika ang nagustuhan ni Chiko?
Tahimik lang akong naglalakad papalayo kay Chiko, hindi ko na inantay ang pagkain na dapat ay kanyang papalitan, dahil nung sinabi niya ang mga katagang iyon ay hindi ako makapaniwala, bakit sa maikling panahon ay nagawa niya akong ibigin?
"Anyatot kanina ka pa namin inaantay ni Inday"
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Barbie.
"Bibili ka Lang ng pagkain inabot ka na ng siyam siyam, tamo kang babae ka naubos ko na yung binalot ko kaasar ka beh"
"Hoy babaita! Sino na naman yung kinalantari mo dun sa canteen?" Tanong ni Inday na kakarating lang.
"Si Chiko ang bago naming professor"
"Ano? Si Chiko? Yung lagi mong kinakain sa bahay ni Big Boss?" Si Barbie ang nagtanong niyan, tumango lang ako bilang sagot sa kanyang napakaraming tanong.
"Kanina habang bumibili ako nagkabanggaan kami, tinanong niya kung ako ba si Veronika, o may kinalaman ba ako sa babaeng iyon, parehas kami ng boses sabi Niya, itinanggi ko syempre, dahil nga nakakahiya pero umamin siya na mahal niya ako" paliwanag ko sa kanila.
Nagkatinginan naman silang dalawa na animo'y hindi mapakali sa kanilang kinatatayuan.
"Kailangan natin mag-ingat mga beh, nakakahiya ito pagnagkataon, hindi dapat tayo makita ni Chiko, dahil makikilala Niya kami, Anya ikaw kailangan mong magdoble ingat jan sa lalaking yan, baka pagnalaman niya na ikaw si Veronika tiyak na mapapahamak ka" suhestiyon ni Inday, tumango naman kami ni Barbie.
****
"Nakauwi na po ako Nay"
Tinanggal ko na ang suot kong sapatos at agad na dumapa sa sahig, nakakapagod ang araw na ito, hindi ko talaga inakala na gusto Ako ni Chiko, bakit nga ba niya ako nagustuhan? Hindi naman ako isang kagalang galang na babae.
"Papasok ka ba sa trabaho mo anak?" Tanong ni Nanay sa akin.
"Opo mamaya pa naman pong alas onse ng Gabi, kasabay ko naman pong umalis sila Inday po"
"Anak Hindi ka ba napapagod magtrabaho? Gabing Gabi na lagi ikaw umaalis at alas tres ng umaga ka na umuuwi, kulang na kulang lagi ang tulog mo"
Ngumiti ako sa sinabi ni Nanay.
"Nay ginagawa ko lang po ito para makatulong sa inyo, sa pagbili ng ating kinakain sa araw araw, pambili ng gamot mo po at pang bayad sa upa at tubig pati na din po kuryente"
At tsaka Isa pa Nay, Wala na ang lahat sa akin, nasira na ako.
Pinikit ko ang aking mga mata, pero bigla siyang pumasok sa aking isipan.
Chiko bakit mo ako minahal? Saglit pa lang Naman tayong magkakilala pero bakit mo ako agad nagustuhan?
Iniling-iling ko ang aking ulo, para mawala sa isip ko itong iniisip ko.
Kailangang mag-ingat ako pag kaharap ko siya, kailangang hindi niya malaman na ako si Veronika.
****
"Veronika maari ba kitang makausap?" Tanong ni Chiko pagkababa na pagkababa ko palang ng entablado, hindi niya ako niyakap o ginawaran ng halik sa labi ko na lagi niyang ginagawa pag ako ay makikita niya.
Tumango lang ako at kinuha ko ang damit ko na aking inihagis sa tabi, naglakad na siya papuntang gilid at sinundan ko siya, nakita ko ang pagtingin sa Amin ng mga kasamahan ko sa trabaho, na tila ba nagtataka dahil sa gilid lang kami pupunta na lagi lagi ay sa pribadong silid niya ako dinadala.
Tumikhim ako nung nasa likod na niya ako, humarap naman siya na tila problemado.
Iniisip niya kaya na si Anya ay si Veronika? Totoo Naman. Iisa lang sila, iisa tao, na may madilim na lihim. Iisa lang si Anya at Veronika sa katauhan ni Anya Veronika Cristobal.
"Ano ang pag-uusapan natin Chiko?" Basag ko sa katahimikan, naka dalawang minuto nang tahimik at walang nagsasalita sa aming dalawa.
Pakiramdam ko ay natauhan si Chiko sa aking tanong.
"May gusto ako sayo Veronika, pwede ba akong manligaw?" Tanong Niya sa akin, napayuko ako at tila hindi alam ang aking isasagot sa kanyang napakahirap na katanungan.
Hinawakan Niya ang aking mukha at iniharap sa kanya sabay halik sa aking labi, hindi ko alam ang isasagot ko, may mahal na akong iba pero bakit nahihirapan akong sabihin sa kanya iyon, mahirap bang Sabi na Hindi ko siya mahal?
Naramdaman ko ang init sa aking katawan na unti unti nang kumakawala dala ng kanyang maalab na halik, gusto ko siyang itulak pero ayaw gumalaw ng katawan ko na tila ba na estatwa na, hindi ko namalayan na tinugon ko na kanyang maalab na halik na nakakawala ng sarili, naramdaman ko nalang na binuhat Niya ako sa kanyang bisig, kanyang malaking bisig, naramdaman ko ang malambot na Kama sa aking likod.
"Mahal kita Veronika, hindi ko alam kung kelan nagsimula, pero walang gabing lumipas na hindi ka mawala sa isip ko, pakiramdam ko ay hindi ko kayang gumising pag hindi ko nararamdaman ang alab ng iyong katawan, nababaliw ako sayo, parausan lang naman ang tingin ko nung una pero nagbago ang lahat, simula ng makita ko ang napakagandang ngiting ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko"
"Sagutin mo lang ako iaalis kita dito sa trabaho mo, iaalis kita sa hirap pati na pamilya mo, tumira ka sa akin, magsama tayo"
Gusto kong maluha sa sinabi niya, gusto ko nang bumangon sa kahirapan pero hindi sa ganitong paraan, gusto ko ako mismo ang nagsisikap para makaalis sa kahirapang ito. Na Hindi umaasa sa lalaki, pero yung sinabi ni Chiko pakiramdam ko ay naakit ako, parang gusto kong tanggapin na mamuhay kasama siya, pero bakit yung puso ko iba yung sinasabi.
Na si Ian ang mahal ko.
Hindi si Chiko.
Pero yung isip ko nakikigulo at nakikiusap na piliin ko si Chiko, aahon ako sa hirap.
Pero malalaman niya.
Malalaman ng lahat.
Na ako si Veronika.
Parang gusto kong umalis sa kanyang ilalim, gusto ko siyang alisin sa aking ibabaw pero pakiramdam ko ay ako ay hinang Hina na.
"Chiko" bulong ko sa kanyang tenga.
"Veronika"
"Hindi ko Alam isasagot ko, pwede bang bigyan mo ako ng mahabang panahon para makapag-isip isip"
"Oo Naman" Sabi niya sabay halik sa aking mga labi.
To be continued...