Chapter Four
ANYA VERONIKA
Napasinghap ako nung bigla niya akong halikan sa aking mga labi. Inilapit niya ang katawan niya sa akin at ikinulong ako sa kanyang mga bisig.
"Veronika ikaw na ulit ang magsasayaw" napabitaw sa akin si Chiko at tinignan si Lukresya na nakangiti habang nakatingin sa Amin, iniyuko ko nalang ang aking ulo dahil nahihiya ako.
"Nakaistorbo ata ako haha, halika na Veronika" hinatak ako ni Lukresya papunta sa entablado, bago ako makapasok ay nilingon ko muna si Chiko at binigyan ng ngiti.
"Wuhooo Ayan na si Veronika mga pare igiling mo na yan" hiyaw Ng mga kalalakihan. Nagsimula kong igalaw ang aking katawan at sinabayan ang indak ng nakakaakit na tugtugin na nakapagpapabuhay sa libido ng mga kalalakihan.
*****
"Anya ito na pala ang hiniram kong notebook, salamat pala ah" inabot ko ang notebook ko at hindi naiwasang magtama ang aming kamay, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, pakiramdam ko ay kinuryente ako ng milyon milyong bultahe sa aking katawan. Ngiti na lamang ang aking isinagot dahil baka kung ano pa ang aking masabi sa kanya.
"Mamaya nga pala hintayin mo ako sa gate"
"Ha bakit Naman?" Tanong ko sa kanya, ngumiti naman siya at ginulo gulo ang buhok ko.
"Nakalimutan mo na agad? Diba sabi ko babawi ako sayo? Nung manghiram ako ng notebook mo?" Tumango naman ako at ngumiti.
"Ano naman gagawin natin?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ako nang bahala" ngumiti nalang siya sa akin at bumalik sa kinauupuan Niya, agad akong lumingon sa bintana at agad sumilay ang aking napakalawak na ngiti.
Aamin na kaya sa akin si Ian? Wahhh gusto kong tumili pero hindi ko magawa, baka akalain ng aming mga kaklase na ako ay nababaliw na dito sa aking kinauupuan.
"Pare ano umamin kana?"
"Hindi ano ba Kayo"
"Pero gusto mo?"
"Hindi ko nga sasabihin"
Tumingin ako sa likod ko at tinignan ang mga kaklase kong tinutukso si Ian. Sino yung tinatanong nila na gusto ni Ian? Ako ba Yun?
*****
"Beh putragis ka Sana lahat kinikilig" sabi ni Barbie sabay bato sa akin nung takip nung kanyang bauan. Sinalo ko naman ito bago pa tumama sa akin ang talsik nung ulam niya, tinignan ko siya ng masama at ipinukpok sa ulo niya ang takip na hawak ko.
Oras nang tanghalian at andito kami sa malawak na Parke malapit sa aming paaralan, dito kami madalas kumain at dito rin kami naghihintay para sa aming susunod na klase. Ikinuwento ko kasi sa kanila yung nangyari kanina, na inaaya ako ni Ian pagkatapos ng klase namin, nagpaalam nadin ako kay Inday at Barbie na hindi na ako makakasabay sa kanila.
"Ano kayang gagawin nyo?" Tanong Inday habang kinakamot yung makati niyang ulo.
"Inday beh wag ka naman magkamot dito oh! Tignan mo at kumakain pa kami ni Anyatot baka malaglag yung garapata mo sa kinakain namin" reklamo ni Barbie.
"Pfft" tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ko ang tawa ko.
Nakita ko na sinampal ni Inday si Barbie.
"Puta kang bakla ka gago kahit tignan mo pa ulo ko tangina ka wala akong ka kuto kuto puta garapata pala"
"Tama na nga yan mga bakla" natatawa kong saway sa kanila.
"Oy alam nyo ba mga bakla, lalo kana Anyatot may pinagkakalat si Lukresya kagabi, nakita ka daw niyang nakikipaglampungan sa likod nung entablado" seryosong Sabi ni Barbie sa akin. Tumango naman ako.
"Bakit ba Kasi ang kati kati mo beh eh" reklamo ni Inday.
"Sus nagsalita ang babaeng nakakalimang talong sa isang Gabi" si Barbie yan.
"Gago atleast nakaka walong libo ako, hindi tulad mo apat na libo lang sinasahod mo"
"Eh ikaw Anya nakamagkano ka kagabi?" Tanong ni Inday sa akin.
"Limang libo lang"
"Bakit limang libo Lang? Diba pinasok ka nung lalaki?" Tanong ni Barbie
"Hahaha gago! Walang ganun" natatawa kong Sabi sa kanila.
"Pero alam niyo ba mga bakla may nasagap akong chismis kagabi galing kay bebengka" -Inday
"Sinong bebengka beh? Pagkain yun diba?" Tanong ni Barbie.
"Gago yun yung nagkakahera dun kay Big Boss"
"Ahh" sabay namin sabi ni Barbie at tumango pa kami.
"Si Lukresya daw"
"Pabitin beh?"
"May Tulo daw siya"
******
"Very good Miss. Cristobal" nagpalakpakan ang lahat matapos kong sagutan ang tanong sa matematika. Inayos ko ang pagkakasuot ko ng salamin dahil ito ay malalaglag na. Bago ako makaupo sa aking upuan ay binigyan ako ni Ian ng ngiti.
Ngiti na halos ikamatay ko na.
"Okay class that's all for today, isulat niyo muna itong nasa pisara bago kayo lumabas"
Mabilis kong isinulat ang assignment sa aking notebook para makalabas ako ng silid aralan.
Tinanaw ko si Ian na kumakaway sa akin dahil nakalabas na siya, tumango naman ako at nagsenyas sa kanya na ako ay kanyang Hintayin na lamang.
Nung matapos ako ay dumiretso muna ako sa palikuran at inayos ang aking sarili, inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok, inayos ko ang pagkakasuot ng aking salamin, kinuha ko ang aking pulbo at naglagay sa aking mukha, nilagyan ko narin ng kolorete ang aking labi para magkaroon naman ito ng kulay, at syempre nagpabango na din ako para mabango ako sa kanya.
Natanaw ko si Ian na nakatayo sa likod nung gate, tumakbo naman ako para makapunta agad sa kanya, pero bigla akong nabunggo nung lalaki, tumayo ako agad at tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko.
Si Chiko
Iniwas ko ang tingin ko at inayos ang salamin ko, pakiusap sana ay hindi niya ako makilala.
"Pasensya na Miss, pwedeng magtanong?" Lumingon ako at medjo tumango tango.
"Saan parte yung office ng dean?" Nanginginig pa ang aking kamay nung itinuro ko ang hinahanap niya lugar pero bago pa siya magpasalamat ay agad na akong tumakbo.
Mabuti na lamang at hindi niya ako nakilala, ayokong masira ang imahe dito sa paaralan, tama nang konti lang ang nakakaalam sa aking trabaho.
Ayokong maging komplikado pa ang lahat.
"Uy Ian pasensya kana at ngayon lang ako" sabi ko pagkalapit na pagkalapit ko palang sa kanya, ngumiti nalang siya at tumango.
"Okay lang Yun, Ano tara na?"
Tara na saan? Sa puso mo ba?
Sa langit?
"Sa puso mo?"
"Huh" agad Kong naitakip ang bibig ko at gulat na napatingin sa kanya ng may pagtataka sa kanyang mukha.
To be continued...