Chereads / Anya Veronika / Chapter 7 - Chapter Six

Chapter 7 - Chapter Six

Chapter Six

ANYA VERONIKA

Pinulot ko ang aking mga damit na nakakalat lang sa lapag, tumingin ako sa salamin na nakalagay sa ding ding dito sa silid, magulo ang aking buhok, halos mabura na ang kolorete sa aking mukha at may marka ang aking leeg pulang pula, hinimas himas ko ang marka sa aking leeg at tinignan ko kung ito ba ay mawawala, pero kahit anong pilit ko ay Hindi ito mabura bura.

Tumingin ako sa lalaking nakahiga sa Kama, halos kita na ang lahat sa kanya dahil sa kanyang kahubdan, tila sarap na sarap pa siya sa kanyang pagtulog.

Si Chiko.

Si Chiko ang lalaking nakahiga, tila nakangiti pa ito sa kanyang pagkakapikit. Muli akong tumingin sa repleksyon ko, ngumiti ako at tumingin sa lamesa kung saan may bungkos ng pera ang nakalagay at isang maliit na papel na may nakasulat na.

Nasiyahan ako sa gabing pinagsaluhan natin, dadalaw ulit ako bukas para makasama ka. :)

Halos malamukos ko ang sulat sa lamesa, hindi ko alam pero parang nagngingitngit ako sa galit, kinuha ko na ang pera sa lamesa at pumasok sa palikuran na nasa loob ng silid.

Kinuha ko ang tabo sa timba at sumalok ng tubig para ipambuhos sa akin, gusto kong mawala ang init na aking nadarama, gusto kong linisin ang aking sarili, pero kahit anong kuskos ko ng sabon sa akin katawan ay ayaw parin maalis ang dumi sa aking katawan. At hinding hindi na ito malilinis dahil Isa na akong maduming babae.

"Veronika pwede mo bang buksan yung pinto?" Dinig kong tanong ni Chiko boy sa akin.

Agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Chiko sa akin, mas binuksan niya pa ang pinto dahilan upang makapasok siya dito, agad siyang lumapit sa akin at itinaas ang mukha ko para iharap sa kanya.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at inilapat ang kanyang labi sa akin, ipinikit ko nalang ang aking mga Mata at sinabayan ang kanyang halik, wala na akong karapatan pang tumanggi dahil binayaran na niya ako.

*****

"Salamat Veronika" sabi ni Chiko sabay suot ng kanyang damit, pinulot ko na din ang aking damit at isinuot ito. Ngumiti na lamang ako sa kanya.

"Walang anuman" sagot ko sa kanya.

Lumabas na si Chiko at sumabay na din ako nakita ko si Lukresya na nakangiti sa akin pagkabukas na pagkabukas namin ng pinto.

"Kumusta naman ang aming mananayaw, magaling ba siyang gumiling sa Kama?" Tanong ni Lukresya kay Chiko. Tumingin sa akin si Lukresya na tila ba may panlilibak.

Bakit ganun na lamang ako tignan Niya?

"Magaling siya hindi ako nagkamali na ipagpalit ka sa kanya" tumigas ang tingin ni Lukresya kay Chiko, makikita sa mga mata niya ang galit.

Nagseselos siya, dahil Hindi na siya ang gustong ikama ni Chiko.

"Gago kang lalaki ka halos ikaw na nga umaraw araw sa akin, puking ina Chiko ikaw na ang lumaspag sa akin tapos malalaman ko lang na si Veronika na pala ang bago mong wawasakin, nakita ko na kayo ng isang beses at pinalagpas ko yun pero ngayong nakita ko ulit kayo biglang sumiklab ang galit na unti unting sumindi sa akin"

Tumawa lang si Chiko sa sinabi ni Lukresya, tumingin lang ako sa kanila, nakita kong lumingon sa akin si Lukresya kaya yumuko nalang ako.

"Puta ka Isa ka pang malanding ahas ka tangina mo ka! Ikaw na nga tinulungan kong makapasok dito aagawan mo pa ako ng kustomer gago" malakas niyang sabi. Hindi kapansin pansin ang nangyayaring kumusyon sa Amin dahil napaka lakas ng tugtugin ang umaalingawngaw sa aming paligid.

"Alam mo naman ang dahilan diba?" Napahakbang paatras si Lukresya.

"May Tulo ka" Sabi ni Chiko sabay hatak sa akin pababa ng hagdan.

*****

"Anyatot ano yung narinig ko-" Napatigil si Barbie sa sinasabi niya nung sampalin siya ni Inday sa bibig.

"Beh putek ka bat ka nananampal at ito pa talagang magandang labi ko ang pupuntiryahin mo" bulyaw ni Barbie sa kanya.

"At ikaw bakla hindi mo pa naikwekwento sa Amin yung pagkalantari mo kay Dante kahapon"

"Ah yun ba, medjo masakit pa eh, sariwang sariwa pa yung sakit na nararamdaman ko pero ininda ko dahil masarap" umiling iling naman ako at halos masampal ko ang bibig ng baklang si Barbie dahil mga hindi kaaya ayang mga salita ang lumalabas sa bulok niyang bibig.

"At Isa ka pa Anyatot! Ano yung narinig ko na chismis na gumawa ng eksena si Lukresya sa Aliw sa Bahay ni Big Boss? Dahil ikaw na daw ang laging kinakana ng kanyang kustomer"

"Dahil daw magaling akong gumiling, dahil natutuwa siya sa akin, dahil may Tulo si Lukresya" Sabi ko sa kanila.

"At ikaw Anyatot gustong gusto mo Naman na winawasak ka ng lalaking Yun? Paano Naman si Ian?" Tanong ni Inday sa akin.

Paano nga si Ian?

"Alam mo Beh pag nalaman ni Ian ito baka masira ka sa kanya" tumango ako at lumingoy kay Inday.

"Walang makakaalam at walang magsasabi kung hindi ako at ako Lang" Sabi ko sa kanya.

"Anong sasabihin mo?" Napalingon kaming tatlo sa nagsalita at laking gulat namin na si Ian pala ito.

"Wala yun pambabaeng usapan Lang" Natatawang palusot ni Barbie.

"Mga kaibigan mo ba sila Anya?" Tanong ni Ian

"Oo Naman"

"Ah nga pala malapit na ang susunod nating klase, sabay kana sa akin?" Tanong niya, lumingon muna ako sa mga kaibigan ko at halos itulak pa nila ako patayo dahil daw babagal bagal ako.

"Bye Beh" kumaway kaway pa sila habang naglalakad na kami palayo ni Ian.

"Nakakatuwa pala yang mga kaibigan mo" natutuwa Sabi ni Ian, kinamot ko nalang ang ulo ko at tumingin sa kanya.

"Nakakatuwa ba ahehehe" ayun nalang ang nasabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Pwede ba akong magtanong Anya?" Tanong niya sa akin, tumango nalang ako sa kanya

"Pangarap mo ba talagang maging guro?" Takhang tumingin ako sa kanya.

"Bakit? Ikaw ayaw mo?" Umiling lang siya sa tanong ko, ni hindi ko pala sinagot yung tanong niya sa akin imbes ay ako pa ang nagtanong sa kanya.

"Hindi sa ayaw ko, gusto ko naman maging guro, ayun talaga ang pangarap ko pero Kasi yung mga magulang ko at yung kuya ko hindi sila suportado sa kung anong gusto kong maging, lagi nilang pinipilit sa akin na sana ay ang pagiging inhinyero nalang ang tinahak kong landas tutal ay mga pamilya naman kami ng Inhinyero, ako daw ang sumira ng kanilang tradisyon, Ang tradisyon ng aming pamilya"

"Halos isang taon nalang ang ating gugugulin para maging isang guro, pero bakit sila ganun sa akin? Bakit ni hindi nila kayang suportahan ang pangarap ng anak nila?"

Hindi ko Alam ang sasabihin ko sa sinabi ni Ian hindi ko naman inaasahan na magkukwento siya sa akin tungkol sa ganito, tungkol sa kanyang pamilya, tungkol sa kanyang prinoproblema.

Naalala ko pa ang araw araw niya na akong kinulit at kinausap simula nung araw na Yun, simula nung payungan Niya ako.

Kakapasok ko palang ng aming silid aralan ay bigla na akong sinalubong ni Ian sa pinto.

"Anya! Maayos lang ba ang pakiramdam mo?" Takha kong tinignan si Ian sa tanong niya.

"Ha? Maayos? Anong?" Nalilito kong tanong sa kanya.

"Hindi ba at nagpakabasa ka ng ulan kahapon?"

"Ah yun ba? Ayos lang ako Ian nga pala salamat pala kahapon" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Wala yun Basta magkaibigan na Tayo ha" sabi niya.

"Ha? O sige kung ayun ang gusto mo" sabi ko, lihim kong inayos ang buhok ko at inayos ang nakatagilid kong salamin sa Mata.

Hindi ako makapaniwala dahil gusto Niya akong kaibiganin, halos tumalon ang puso ko sa tuwa, yung tiyan ko hindi mapakali pakiramdam ko ay punong puno ito ng mga paruparo, at nag-iinit din ang aking pisngi, lumiwanag din ang paligid at siya lang ang tangi kong nakikita.

Ito lang ang masasabi ko.

Gusto ko siya.

Ang matahimik kong mundo ay umingay.

Sa klase ay walang kumakausap sa akin, wala ni lumalapit kahit Isa, dahil sa paningin nila Isa akong wirdong babae, isang babaeng hindi alam ang salitang 'ayos' dahil hindi ko daw inaayos ang aking sarili.

Isang manang kung tawagin, pero kahit ganun ako ituring ng aking mga kamag-aral ay kagalang galang naman ang aking paningin sa aming mga guro, sa halos lahat ng asignatura ay ako ang nangunguna.

Pagmalapit na ang aming pagsusulit ay lumalapit si Ian sa akin at nagpapaturo, lagi niya akong kinukulit, dinadaldal at inililibre, naging mabuti Kaming mag-kaibigan pero sa likod nun ang abnormal Kung puso ay hindi maawat awat pagdating sa kanya.

Isang araw nga naiisip ko na umamin nalang ako sa kanya kung gaano ko siya kagusto, pero wala akong lakas ng loob tsaka hindi ba dapat lalaki ang dapat unang gumalaw?

Pero nung nangyari ang lahat, nung masira ang buhay ko dahil sa pesteng utang namin at sa biglaang pagkakasakit ni Nanay, nasira lahat ng pangarap ko, nasira ako, nabuhay siya, nabuhay si Veronika ang taong nakakubli sa mala manang na si Anya.

Nagsimula akong dumistansya kay Ian, pero pakiramdam ko ay hindi niya namalayan ang unti unti kong paglayo sa kanya, hindi ko naman kasi pinapahalata, kinukulit kulit niya parin ako panaka naka, ganun parin ang pakikitungo ko sa kanya, pati puso ko ganun parin ang ikinikilos, siya at siya ang itinitibok.

"Anya bakit ka tumigil sa paglalakad?" Bigla akong bumalik sa wisyo at tumingin sa kanya, may distansya sa aming pagitan pero binugaw niya iyon, hinila niya ang aking kamay at tumakbo kami papunta sa aming susunod na klase.

*****

"Alam mo ba Anya, pakiramdam ko ay may gusto sayo si Ian ko" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Chimineya na naka pangalumbaba sa kanyang pwesto, si Chimineya ay hindi regular na estudyante dahil puro siya bagsak bagsak at may mga naiwan pa siyang mga asignatura na dapat niya kunin upang siya ay makapagtapos, siya lang ang kamag-aral ko na nakikipag-usap sa akin, tutal ay naaawa daw siya sa akin dahil mag-isa daw ako lagi, siya din Naman Isa siyang katulad ko na laging nag-iisa sa gilid.

"Ian ko? Sayo ba si Ian?" Pang-iinis kong tanong sa kanya. "At paano mo Naman nasabi?" Dugtong ko ulit

"Alam mo ba kung paano ka niya tignan?"

"Paano?" Tanong ko ulit.

"Chimineya pakisagutan ang pangalawang tanong" bigla akong napatingin sa harap at nagkunwaring tumingin sa likod dahil tinawag si Chimineya.

Lihim akong napabungisngis dahil tila naestatwa lang siya sa kanyang kinatatayuan habang nakanganga at hindi Alam ang sasabihin.

*****

Isang panibagong gabi na naman ang aking haharapin, si Veronika naman ang mananaig.

Halos itaas ko pa ang suot kong maikling salawal dahil makikita ang aking likod na bahagi, halos masikip na at tila hirap akong gumalaw mamaya.

Natanaw ko si Lukresya na masama ang tingin sa akin at tila ba gusto akong sabunutan dahil inagawan ko daw siya ng lalaki.

Napapansin ko na araw araw na kung ako ay hanap hanapin ni Chiko, araw araw kong tinitiis ang sakit at hapdi na aking nararamdaman.

Para sa pera ay titiisin ko.

"Veronika ikaw na ang sasayaw" Sabi ni Ginacole na kakatapos lang sumayaw at nakasuot na lamang ng kakarampot na tela sa kanyang ibaba.

"Pota ka Ginacole nag-ahit ka no? Haha halatang halata eh kagabi Kita ko na mahaba pa yang buhok mo haha" tawa ni Shinopa ang baklang manager dito sa Aliw.

"Oh Veronika tinutunganga mong malandi ka salang na" galit na sita ni Shinopa sa akin, agad ko naman tinanggal ang robang nakasuot sa akin at tumambad ang aking katawan na may suot na kapiraso ng tela na tumatakip sa aking dibdib at isang sobrang sikip na salawal na tila bakat na bakat ang langit pag ito ay tinignan.

"Ate Shinopa laki ng susi Niya no?"

"Pero mas malaki sayo Ginacole tignan mo lawlaw na yang iyo abot na hanggang tyan yang potang inang susi mo"

Hindi ko na sila pinansin pa, hinawi ko na ang kurtinang nakatakip sa likod ng entablado, ipinikit ko ang Mata ko at ngumiti ako.

Ngiting para magkapera, sinimulan kong ibaba ang aking salawal at biglang naghiyawan Ang mga kalalakihan nagtataasan ng mga libido.

To be continued..