Chapter Five
ANYA VERONIKA
"Anong sinabi mo?" Tanong ni Ian sa akin, iniwas ko nalang ang tingin ko s kanya at nag-isip ng aking idadahilan sa kanya.
"Wala baka nagkamali kalang ng dinig" Natatawang palusot ko. Hinawakan Niya ang baba niya at nag-isip kung ano yung sinabi ko.
Natanaw ko sila Inday at Barbie na palabas na ng gate at agad kong kinuha ang atensyon nila, pero ang mga walang hiya kong kaibigan hindi man Lang ako pinansin, yari sila sa akin.
"Tara na Anya" biglang kinuhan ni Ian ang kamay ko at tumingin ako sa kanya na nakangiti lang sa kanya, tapos sumulyap ako sa kamay niya na nakahawak sa aking kamay, biglang nag-init ang pisngi ko at biglang lumiwanag ang buong paligid.
Hindi ko alam Kung anong nangyayari sa akin, pakiramdam ko ay punong puno ng paro paro ang tyan ko at ang bilis ng kabog ng aking puso.
"Bakit mo hi-hinawa-kann ka-ma-may k-ko?" Nauutal kong tanong sa kanya, nakayuko Lang ako dahil nahihiya ako sa kanya.
Anya paano pag nakilala niya si Veronika?
Paano pag nalaman niya yung nililihim mo?
Paano na?
Paano?
Hindi ko Alam, Hindi ko alam ang aking isasagot, hindi ko alam kung sasabihin ko ba. Wala na akong Alam.
"Uhh hehe pasensya na" nahihiya niyang sabi sabay bitaw sa aking kamay, parang biglang kumirot yung puso ko sa ginawa niya, bakit ganun yung nararamdaman ko? Ang gulo-gulo ko.
"Saan ba talaga Tayo pupunta?" Tanong ko para mawala yung pagkailang na nararamdaman ko.
"Gusto Lang sana kitang ilibre nung paborito mong pagkain" Nakangiting sabi niya, tila nahawa na din ako dahil ngumiti din ako.
*****
"Paborito ko talaga to" sabi ko sabay tuhog ng limang piraso ng kwek kwek, oo limang piraso agad syempre paborito ko eh, agad ko itong sinawsaw sa matamis na sawsawan dahil napakatamis ng aking araw ngayon dahil kasama ko si Ian.
"Mahilig ka talaga sa itlog?" Tanong ni Ian, biglang uminit ang pisngi ko at iniwas ko ang aking mukha para hindi niya makita na sobra sobra akong nailang, gusto ko siyang sawayin kung bakit niya iyon tinanong pero kasi magmumuka naman akong masungit sa paningin niya, pero kasi talaga, parang may ibang ibig sabihin yun tinanong niya.
"Uy bakit?" Tanong niya, tumingin lang ako sa kanya sabay sabi ng "Wala Yun" sabay subo ng isang piraso ng kwek kwek, bakit parang nahihirapan akong ngumuya, bakit pakiramdam ko naninikip yung lalamunan ko kaya hindi ako makalunok ng maayos.
"Uy Anya hinay hinay lang haha mabubulunan ka Niya" Natatawang saway sa akin ni Ian, kainis kasi tinanong mo Ian ayan tuloy hindi ako mapakali.
Matapos kong maubos yung kinakain ko ay inaya ako ni Ian na maupo muna sa malapit na Parke, gusto daw muna niyang magpahinga bago siya umuwi.
Naupo kami sa swing, sinimulan kong iugoy ang aking inuupuan para umandar ito at magpabalik balik, nanatili lang na nakaupo si Ian sa aking tabi at tahimik na pinapanood ako sa ginagawa ko.
"Anya pwede ba akong magkwento?" Tanong niya sa akin, itinigil ko muna ang pag-ugoy sa aking kinauupuan at tumingin sa kanya sabay tango.
"Tungkol saan ba?" Tanong ko sa kanya, ngumiti siya at medjo kinamot niya ang kanyang ulo.
"May nagugustuhan kasi ako"
May nagugustuhan siya?
Ako ba?
"Pero nahihirapan akong umamin sa kanya, kasi pakiramdam ko hindi kami parehas ng nararamdaman, sa tingin mo anong pwede kong gawin?"
Sino yung gusto mo? Ayan ang paulit ulit na gustong itanong ko sa kanya, dahil hindi ako mapakali.
Wag kang aasa Anya, baka pag-umasa ka Lang at hindi ikaw ang mahal niya masasaktan at masasaktan ka lang.
"Ito lang ang maipapayo ko sayo, sumugal ka Ian, magtapat ka sa kanya ng nararamdaman Malay mo pareho pala kayo ng nararamdaman, paano pag patagal tagal kapa, baka maunahan ka" sagot ko sa tanong niya.
Umaasa ako na ako yun tinutukoy mo Ian.
"Salamat talaga Anya"
Tumingin ako sa kanya at nakita ko na nakangiti siya sa akin, ngumiti din ako dahil nakangiti siya, at masaya ako ngayon dahil sa kanya, Ian umaasa ako na ako yung tinutukoy mo.
*****
Tahimik akong naglalakad pauwi sa bahay, tinignan ko ang suot kong relo at tinignan ang oras, halos isang oras din ang tinagal na kasama ko si Ian pagkatapos kasi nung tanong niya ay hindi na siya umimik at sinimulan lang niyang iugoy ang inuupuan niyang swing at ginaya ko naman siya, inubos namin ang oras namin ng tahimik.
"Beh Anyatot bakit ngayon ka lang nakauwi?" Tanong sa akin ni Barbie.
Bago pa ako sumagot ay hinatak ko ang buhok niya at naglakad ako, kinaladkad ko ang buhok niya dahil sa ginawa nila kanina sa akin ni Inday na hindi pag-pansin.
"Aray ko Beh!" Inalis ko ang pagkakasabunot sa buhok niya at tinignan ko siya ng masama.
"Kainis talaga kayo ni Inday hindi niyo ako pinansin kanina" Tumawa lang si Barbie at inikot niya ang kanyang Mata "Alangan naman sumama pa kami sa lakad niyo ni Ian, Alam ko Naman na gustong gusto mong masalo yung lalaki mo" bumungisngis pa ang loka sa sinabi niya. Maaring tama nga siya kung sumama nga sila o sumama ako sa kanila ay hindi ko makakasama si Ian ng mag-isa Lang.
"Bakit parang bihis na bihis ka? Saan punta mo?" Tanong ko sa kanya, nakasuot Kasi siya ng magarang damit na pagmakikita mo ay para siyang may lakad.
"Ah sa bahay ni Dante beh" sagot niya sa akin.
"At bakit ka pupunta dun?" Tanong ko sa kanya.
"Diba nga kakainin ko siya hihi, Sana malaki yung kanya haha"
"Pagnalaman lang talaga ng tatay mo yung ginagawa mong kalandian mabubugbog ka nun" saway ko sa kanya.
"Wag mo akong isumbong" sabi niya sabay lakad na paalis.
"Basta pasalubong ko ha?"
"Haha oo beh kwek kwek diba? Hilig mo talaga sa itlog, pero ako totoong itlog kakainin ko hihihi, itlog nyaaa" natawa nalang ako kay Barbie at nagpaalam na sa kanya.
Inalis ko ang salamin ko sa aking Mata at inilugay ko ang aking buhok, malapit na ang oras ni Veronika, magpapaalam na muli si Anya.
To be continued....