Chapter Three
ANYA VERONIKA
"Class dismissed" agad akong napatayo ng inuupuan ko at dali dali kong inayos yung gamit ko at inilagay ito sa aking bag. Kakatapos lang ng pangalawang klase ko ngayong araw at kanina ay nahuli na ako sa unang klase ko mabuti na lamang at wala kaming pagsusulit.
"Anya pwede ko bang mahiram yung sinulat mo, kokopyahin ko lang para may mareview ako sa susunod na pagsusulit" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Ian na nakangiti sa akin, hindi ko alam pero biglang lumiwanag ang paligid ko, pati siya lumiwanag din tila ako'y nasisilaw sa kanyang alindog.
"Sandali lamang at aking kukunin" paalam ko sa kanya at tumango naman siya sa akin, tumalikod ako sa kanya at kinalkal ko ang aking bag upang hanapin ang notebook ko na pinagsulatan ng aming lesson kanina, bago ko iabot sa kanya ay inayos ko muna ang aking salamin at inamoy amoy ko ang aking bibig at isinubo ang isang maanghang na kendi sa aking bulsa at humarap na sa kanya nang may ngiti sa aking mga labi.
"Salamat talaga Anya, hayaan mo babawi nalang ako sayo sa susunod" Tumango na lamang ako sa kanya bago siya tumalikod at pumunta sa mga kaibigan niya.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa makaalis na siya ng aming classroom. Napangiti ako dahil nakausap ko na naman siya, at kumpleto na naman ang araw ko.
Siya si Ian Vicero na katulad ko Rin ay gustong maging guro, parehas kami ng major na filipino. At matagal na akong may pagtingin sa kanya, pero hindi ko magawang sabihin. At tsaka kaya Niya ba akong tanggapin kung nalaman niya ang aking lihim, ang lihim ni Veronika.
Naaalala ko pa ang dahilan kung bakit ko siya minahal.
Umuulan ngayong araw kakatapos lang ng klase ko at alas otso na ng gabi ng matapos ito. Wala akong dalang payong, gusto ko nang umuwi dahil magluluto pa ako ng hapunan namin ni Nanay. Tsaka wala nang masyadong Tao dito sa paaralan. Nakakatakot, niyakap ko nalang ang aking sarili dahil sa lamig na aking nadarama.
"Ineng akin nang isasara itong gate dahil wala nang tao, ikaw ay lumabas na dahil ikaw ay aking masasaraduhan dito" Inangat ko ang tingin ko sa guwardiyang kumausap sa akin. Agad akong umalis sa aking kinatatayuan at lumusong sa lakas ng ulan, naramdaman ko na nabasa na ang aking damit na nakapag paramdam sa aking ng ibayong lamig.
Tumakbo na ako papalabas ng aming unibersidad at naghanap ng masisilungan, takbo't lakad ang aking ginawa para lang hindi ako gaanong mabasa, pero mas lalo lang akong nabasa ng ulan.
"Anya? Ikaw ba Yan?" Napatigil ako sa pagtakbo ng marinig kong may tumawag sa aking pangalan. Nakita ko si Ian Vicero na dali-daling tumakbo papalapit sa akin. Naramdaman ko na biglang tumigil ang patak ng ulan sa akin at tumingala ako at nakita ang payong na nagproprotekta sa akin laban sa ulan.
"Bakit andito kapa? At tsaka hindi mo na kailangan gawin ito Ian, tignan mo oh ikaw ay nababasa na" tumingin ako sa kanya pero nakita ko na nakangiti lang siya sa akin.
"Hayaan mo na ako, ikaw nga tignan mo ang iyong sarili at basang basa ka na baka nga ikaw ay magkasakit pa, tara at ikaw ay aking ihahatid" Nagpatuloy na siya sa paglalakad.
"Bakit ka tumigil?" Takhang tanong niya sa akin, tumingin ako sa kanya at saktong nagtama ang aming paningin, hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang pakiramdam ko.
"A-ano kasi-i" lumiwanag Ang buong paligid nung magtama ang mata natin, tapos nag-init ang pakiramdam ko at bumilis ang tibok ng aking puso, ayun ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko nagawa, dahil pinangunahan ako ng hiya.
Lumapit siya ulit sa akin at pinayungan ulit ako. "Tara na Anya at Tayo lumakad na" sabi niya sabay hawak sa aking braso at inilapit niya ako sa kanya.
Halos tatlong taon na ang nakalipas nung mangyari ang araw na iyon, pero hindi ko padin nalilimutan, hibang na hibang na ako sa kanya matagal na, pero hindi niya dapat malaman ang aking lihim.
*****
Oras na ng tanghalian, may-usapan kami nila Inday at Barbie na kami ay magkikita para sabay sabay na kaming kumain ng aming pananghalian, tuwang tuwa ako dahil gusto ko silang inggitin sa baon kong ulam, medjo malaki ang aking kinita kagabi at natutuwa ako dahil ako na mismo ang kusang kumuha at sumunggab sa malaking isda na nasa aking harapan.
"Ay Barbieeee Sabi ko na at nauna na sa atin si Anya" dinig Kong Sabi ni Inday kaya napalingon ako sa kanila na parehong nagmamadaling lumapit sa akin.
"Beh kami ay iyong pagpasensyahan dahil ito kasing baklang ito nakakita na naman ng gwapo ayun inaya siya sa Alam mo na ganto" Sabi ni Inday at ipinakita niya pa sa akin ang dalawang kamay niya na nakahugis bilog ang Isa at ang Isa naman ay nakaturo at ipinasok niya ang nakaturo niyang kamay sa nakabilog niyang kamay, itinaas ko ang aking kilay at lumingon ako kay Barbie.
"Bakla ano na naman nalaman ko dito kay Inday?" Tanong ko kay Barbie, imbes na kabahan siya sa naging tanong ko ay bigla naman siyang ngumiti ng pagkakalawak lawak. Magkaklase si Inday at Barbie parehas silang nag-aaral ng kursong HRM. Dito sa aming unibersidad itong si Barbie ay ipinapakita ang tunay na siya, pero hindi siya naglalagay ng kolorete sa kanyang mukha, hindi niya rin itinatali ang kanyang buhok at ayaw niyang magsuot ng pambabaeng damit. Kung baga ay masasabi mong isa siyang disente na bakla pero bulgar, desenteng bulgar nga kung siya'y tignan, at yari naman siya kung malaman Naman ni Manong Isko ang kanyang tigasing tatay.
"Kwento mo bakla" sabi ni Inday, tumili muna si Barbie bago nagsimulang ikwento ang kalandian niya.
"Beh kase kanina kakatapos lang ng klase ng bigla akong kausapin ni Dante tapos inaya niya ako sa kanila gusto daw niyang kainin ko siya haha kaya pumayag na ako"
Pinaningkitan ko siya ng mata, matapos kong marinig ang kanyang kuwento. Ito kasing si Barbie hindi siya panget, gwapong bakla siya kaya siguro madalas siyang ayain ng mga pamintang kalalakihan dito sa unibersidad.
"Pang-ilan naba yang si Dante na kakana sayo?" Tanong ni Inday sa kanya.
"Pang labing Lima na bakla" Natatawang Sabi ni Barbie.
"Siguraduhin mong gagamit kayo ng proteksyon ah" paalala ko sa kanya.
*****
"Nakauwi na po ako Nay" sabi ko pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto ng aming tinitirhan, simula nang magtrabaho ako sa Aliw sa bahay ni Big Boss ay lumipat na kami ng bahay, binayaran lang namin si Ginang Matsumoto ng aming utang at agad kaming nag-impake para lumipat.
Dinig na dinig ko ang malakas na pag-ubo ni Nanay kay dali dali akong lumapit sa kanya at hinagod hagod ang kanyang likod.
"Nay nakainom na po ba kayo ng gamot niyo?" Tanong ko sa kanya, tumango naman siya sa akin at tinakpan ang kanyang bibig dahil umubo naman siya ng umubo. Simula kasi nung nalubog kami ng utang kay Ginang Matsumoto ay bigla nang inubo si Nanay, unang araw ko nung sa aking trabaho maluha luha pa akong umuwi nung dahil nagalaw ako ng boss ng pinagtratrabahuan ko, ipinacheck up ko siya kinabukasan at nalaman ko na may Tuberculosis pala siya.
Kaya Hindi ko na iniwanan ang trabaho ko, pinagpatuloy ko na ito hanggang sa ito ay makasanayan ko na, dito ko nadin nakilala ang kaibigan kong sina Inday at Barbie na pareho din nagtratrabaho duon. Si Inday ay isang babaeng nagbibigay aliw sa mga kalalakihan, habang si Barbie ay isang serbidora duon at minsan ay Isa din siyang tagabugaw.
"Kumain kana ba anak?" Tanong ni Nanay sa akin, kasalukuyan akong nagpapalit ng damit nung itanong sa akin yan ni Nanay.
"Opo, kasabay ko po kanina sila Inday" sagot ko sa kanya.
"Anong oras ba ang pasok mo ngayon dun sa restaurant?" Tanong niya, gusto kong maluha sa tanong ni Nanay pero hindi ko na itunuloy ayoko nang malaman pa ni Nanay. Tama nang mga kaibigan at katrabaho ko ang nakakaalam pa.
"Alas Diyes po Nay"
"Magluto ka na at nang ikaw ay makakain na bago ka pumasok"
*****
Alas diyes na nang Gabi, hinintay ko munang makatulog si Nanay bago ako magpalit ng damit na aking isusuot para sa aking trabaho mamaya. Tinignan ko ang maikling damit na halos dibdib ko nalang ang aking tatakpan at isang maikling palda na pag halos tumuwad ako ay makikita na ang aking kaluluwa. Pero dun naman ako kikita eh. Kaya hayaan nalang.
Tinignan ko muna si Nanay para masigurong tulog na siya bago ko kinuha ang damit at naghubad para isuot ang uniporme ko. Tumingin ako sa salamin na nasa aking harap ko, ibang iba na ang aking itsura ibang iba sa mabait kong itsura na nag-ngangalang Anya. Kumuha muna ako ng mahabang jacket na abot hanggang tuhod upang matakpan ang aking suot at isinuot ang isang takip sa mukha para matakpan ang itsura Kong punong puno ng kolorete.
Nung lumabas na ako ng bahay at nakita ko sila Barbie at Inday na naghihintay sa akin sa labas ng bahay at tulad ko ay nakasuot din ng Jacket si Inday at si Barbie Naman ay nakasuot din ng Jacket para matakpan ang damit niyang may nakaimprentang pangalan ng aming pinagtratrabahuan.
"Veronika anong sasayawin mo mamaya?" Bungad na tanong sa akin ni Inday.
"Gigiling lang ako at gagamit ako ng pole" sagot ko, kanina ay nanood ako sa computer shop ng mga babaeng nagsasayaw gamit ang pole kaya may ideya na ako Kung paano magsayaw gamit nun.
"Ayos Yan beh ngayon mo palang gagawin iyon diba?" Tumango ako kay Barbie.
Naglakad Lang kami papunta sa aming trabaho, Wala kaming ginawa Kung Hindi magusap Lang habang naglalakad para Hindi kami ma bored sa daan.
"Oh sige mga beh mamaya nalang ulit" Sabi ko saka kami nag-hiwalay at pumunta sa aming kanya kanyang trabaho, pumunta muna ako sa likod ng entablado, hinubad ang aking jacket at naghanda na para sa aking gagawin sayaw. Pinikit ko ang aking Mata at dinama ang musika na tumutugtog ngayon.
"Veronika ikaw na ang sasalang" tawag sa akin ni Lukresya.
Pumasok na ako sa entablado at sinenyasan si Miko para isalang ang tugtugin na aking sasayawin.
"Wuhooo VERONIKA!" Sigaw ng mga kalalakihan nung makita na naman nila ako, tumingin ako sa kanila at kumindat dahilan upang mas lalong sumigaw ang mga kalalakihan na pinapanood ako.
Iginalaw ko ang katawan ko nung magsimulang tumugtog ang aking tugtuging pinili. Iginiling ko ang aking katawan at lumapit sa pole na nakalagay sa gitna nung entablado.
Ito ako si Veronika.
"Paborito ko talaga itong si Veronika napakagaling gumiling pati Ata sa Kama magiling din siyang gumiling"
"Haha siguro nga pero mailap daw yan eh"
"Tignan natin haha"
Nagpaikot ikot ako sa pole at bumuka bukaka, tinanggal ko pa nga ang aking maikling palda upang madali akong makasabay sa indak na tugtugin. Napasinghap ang mga kalalakihang nanonood sa akin nung nakita nila na tanging maliit na saplot nalang ang naiwan sa aking baba. Ibinigay todo ko Ang aking pagsayaw at pag buka bukaka.
Nakarinig pa ako ng pagsipol at lumingon ako sa bandang kaliwa ko at nakita ko si Chiko Boy na nakangiti at aliw na aliw na nanonood sa aking pagtatanghal. Nung dumating na ang katapusan ng musika ay tumalon ako at umisplit dahilan upang maghiyawan at magsigawan ang mga kalalakihang nanonood, pumunta na ako sa likod ng entablado upang magpahinga ng kalahating oras.
Naabutan kong si Chiko na nakaupo sa upuan sa gilid, agad siyang tumayo ng makita ako.
"Chiko boy? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
Napangiti siya at lumapit sa akin, "Gusto ko lamang makita ang iyong pagtatanghal" Napangiti ako sa kanya dahil sa sinabi niya sa akin.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko sabay lapit sa kanya.
"Oo Naman nagustuhan ko" bigla niya akong ikinulong sa kanyang bisig at iginayad ako sa pader. Bigla niya akong hinalikan sa labi at tinugon ko, Alam ko na ang sunod na mangyayari, Alam na Alam ko na.
Makukuha na naman ang aking puri at makakapag-uwi na naman ako ng malaki laking pera ngayong Gabi, Isa lang ang napagtanto ko ngayon, magiging regular customer ko na si Chiko Boy.
To be continued...